Chapter Four

CHAPTER  FOUR

“ATE Heleyna,” tawag ng isang batang tinuturuan ng dalaga.

“Bakit, Luning? May hindi ka ba maintindihan sa lesson natin?”

“Babalik pa po ba dito ‘yong mga taong gustong magpaalis sa ‘tin?”

Bakas ang pangamba sa kamusmusan nito pero sa halip ay ngumiti si Heleyna.

“Kayong lahat,” aniya. “’Wag na kayong mag-alala dahil sinisigurado ko sa inyo wala nang magpapaalis sa atin dito.”

“Yehey!” napapalakpak pa ang mga bata sa magandang balita.

“Pa’no mo nalaman, Ate?” tanong naman ni Binsoy.

“Hindi na importante ‘yon, Binsoy. Ang mahalaga mananatili tayo dito sa lugar natin at kahit kailan wala nang manggugulo pa. Kaya kayo, mag-aral kayong mabuti para balang araw, walang sinuman ang mang-aapi sa inyo maliwanag ba?”

“Opo!”

Infairness sa mga batang ito, kahit hindi makapasok ng paaralan ay determinado ang mga ito na matuto. Kung may tutulong lang sana sa mga ito, marahil ay marami pang magagawa ang mga ito.

NASA maliit na balkonahe si Heleyna at nagkakape nang umagang iyon habang may inaaral na textbook nang makarinig siya ng ingay at tila may kaguluhan sa labas. Inayos niya ang suot na reading glasses at pinuntahan ang pinanggagalingan ng komosyon.

“Bakit bumalik ka pa dito?”

“Sinabi na naming hindi kami aalis sa lugar na ito. Ikaw yata diyan ang matigas ang ulo!”

“Baka gusto mong masaktan?”

The hell!, saloob ni Tristan.

Parang any moment lang ay kukuyugin na siya ng mga taong ito. Ayaw man niyang bumalik sa lugar na iyon ay wala siyang choice. Para sa kanya ay pahamak talaga ang set up na iyon.

Heleyna, where the hell are you?!

Hindi naman siya dapat nandoon in the first place. Sa totoo lang, marami pa siyang dapat gawin na higit na mas importante pa kaysa doon.

“Teka lang po, huminahon po kayo!” si Heleyna na sa wakas ay pumagitna at hinarang ang katawan  kay Tristan mula sa mga galit niyang kapitbahay.

“Iyang lalaking ‘yan kasi, Heleyna! Ang lakas ng loob na bumalik dito!” sabi ng isang Nanay ng estudyante niya.

“Dapat diyan turuan ng leksiyon!”

“Oo nga!” sang-ayon naman ng mga kabarangay niya.

Itinaas ng dalaga ang mga kamay para pakalmahin ang mga ito.

“’Wag naman ho sana, pakiusap. Iwasan po sana natin ang gulo. Mag-isa lang po siya, hindi niya kayo kaya.”

“Bakit parang pinagtatanggol mo pa yata ang lalaking ‘yan, hija?” si Aling Lustria.

“Hindi naman po sa ganun, Aling Luz. Kaya lang hindi naman ho siya pumunta dito para makipag-away.”

“Bakit siya nandito kung ganu’n?”

“Sinusundo ko si Heleyna, bakit ba?” paangil na sagot ni Tristan.

“Tingnan mo nga ang suplado!”

"Sandali lang po, sandali lang po!" awat ni Heleyna nang mag-ingay na naman ang mga kabarangay niya.

"Umalis ka diyan, Heleyna. Wag mo na siyang ipagtanggol!"

"Konting kapayapaan po muna, please lang!" natarantang sabi niya at natahimik naman ang mga ito."Mamaya na lang ho ako magpapaliwanag, pwede po ba? Basta, mag-relax lang po kayo para walang gulo," at hinuli niya ang kamay ni Tristan."Excuse us po."

Hinila na niya palayo ang binata mula sa mga ito."Halika na, bilisan mo!"

"BAKIT ka ba nandito, ha? Alam mo bang pinahirapan mo 'ko?" paangil na sabi ni Heleyna nang dalhin niya sa bahay niya si Tristan.

"Bakit ganu'n ang mga tao dito?"

"Nagtanong ka pa."

"Magbihis ka. Magsisimba si Lolo at kailangan kitang isama."

"Okay, sige, sasama ako. Pero sa susunod sana magsabi ka naman. Tingnan mo nga muntik ka nang mapahamak! Wala pa naman akong balak makonsensiya sakaling may mangyaring masama sa'yo."

Hindi sumagot si Tristan at sa halip ay napatingin ito sa mga kamay nilang magkahawak pa rin.

Nag-init ang mga pisnging mabilis na hinila niya ang kamay.

"M-magbibihis na 'ko."

Napatitig si Heleyna sa kamay niya nang pumasok na siya sa silid niya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya hanggang sa mga sandaling iyon. Nang hawakan niya kanina ang kamay ni Tristan ay para siyang nakuryente at sobra siyang nag-alala dito.

"Magbihis ka na nga lang, Heleyna."

SHE is really kind at aminado si Tristan doon but he doubts it if he really deserves her kindness.

Mabilis niyang iwinaksi iyon sa isipan niya.

What am I thinking? She'll do me no good, damn it!

Si Don Genaro lang naman ang dapat sisihin dito. Six months pa bago mangyari ang engagement nila ni Heleyna kaya six months din silang magiging ganoon. How stressful. Tiyak na masisira ang iba pa niyang mga plano. Palagi niyang iniisip kung papaano niya malulusutan iyon pero dati pa iyon. Ngayon, just thinking of Heleyna parang gusto na lang niyang hayaan ang sitwasyon.

I must be crazy.

"SALAMAT at nakarating ka, hija. Buti at pinagbigyan mo 'ko kahit alam kong busy ka," sabi ni Don Genaro sa kanya nang magkita sila sa labas ng simbahan.

"Wala namang kaso 'yon, Don Genaro, eh. Linggo naman po. Ako nga dapat ang magpasalamat dahil sa pagyaya niyo sa akin. Sana nga lang ay magpasabi naman itong apo niyo," ani Heleyna at bahagya lang sinulyapan si Tristan.

"Bakit, hija, may naging problema ba?"

"Ang lakas ho kasi ng loob, eh. Napag-initan tuloy ng mga kabarangay ko."

"Mabuti na lang pala at nandoon ka."

"Papasok na ba tayo o ano?" sabat ni Tristan at nagpatiuna.

"Tristan!" tawag ng Don.

"What?" angil pa nito.

"Hintayin mo si Heleyna, ano ka ba?"

Marahas na napabuntong-hininga si Tristan at hinintay nga si Heleyna. Iyon nga lang,nang makalapit ang dalaga ay nilampasan naman niya ang binata.

Pinigilan niyang mapangisi nang makita niyang naningkit ang mga mata ni Tristan.

Buti nga sa'yo!

"Nananadya ka ba?" pabulong na sita ni Tristan sa kanya nang sundan siya nito.

"Excuse me?"

"Ang sabi ko--"

"Peace be with you," putol naman ni Heleyna."Nasa loob na tayo ng tahanan ng Diyos kaya sana naman makisama ka kahit ngayon lang. Pwede ba 'yon, Mr. De Vera?"

"Yes, Ma'am," sarkastikong tugon naman ng binata.

"Good."

"MAUUNA na 'ko sa inyo," sabi ni Don Genaro nang matapos ang misa at nasa labas na muli sila ng simbahan."Marami din kasi akong aasikasuhin pero kayong dalawa bawal pa kayong umuwi."

"Po? Bakit naman?" takang tanong ni Heleyna.

"Ano na naman ang ipapagawa mo, ha? Marami akong naiwang trabaho hindi ko pwedeng ipagpaliban 'yon," angil naman ni Tristan.

"It's Sunday, Tristan. You have trusted men to do it for you. Make it an effort na makipag-date kay Heleyna kahit weekends lang. Mahirap bang gawin 'yon?"

"The point here is you're trying to manipulate us!"

"Then you're getting me wrong, grandson."

"Ah, talaga?"

"Tristan!" si Heleyna at hinawakan ito sa braso."Hindi ka dapat ganyan makipag-usap sa Lolo mo, ano ka ba?"

"Don't tell me what to do!" angil naman ni Tristan sa kanya.

Marahas na napabuntong-hininga si Heleyna at hinila ito.

"Halika na nga," at binalingan niya ang Don."Mag-iingat po kayo, Don Genaro. Sa susunod po ulit."

"Mag-enjoy kayo, hija," tugon naman ng Don.

"BAKIT ka ganyan? Parang wala kang galang!" sermon ni Heleyna nang makaalis na ang sasakyan ng matandang De Vera.

"Ano naman ang pakialam mo? Ganu'n talaga kami magtalo dati pa."

"Siguro panahon na para baguhin mo na."

"Eh bakit ikaw? Bakit mo siya hinahayaang magdecide para sa set up?"

Binuksan ni Tristan ang pinto ng kotse para sa kanya.

"Sa tingin mo ba may magagawa pa 'ko?" aniya at sumakay na. Si Tristan naman umikot at sumakay sa driver seat."Wala din akong choice, Tristan, kaya sumusunod na lang ako. Mahal ko ang Lolo ko kaya ako nagtiya-tiyaga nang ganito. Huwag mo sanang isipin na interesado ako sa kayamanan niyo dahil hindi naman ako oportunista. At tutal naman dahil matalino ka, bakit hindi ka mag-isip ng paraan para hindi matuloy ang engagement?"

Tinitigan siya ni Tristan. Iyong klase ng tingin na hindi niya alam ang ibig sabihin. Hindi ito sumagot at sa halip ay pinaandar na ang kotse.

Lihim siyang napangitngit. Ano ba talaga ang problema ng taong ito?

Dinala siya ni Tristan sa restaurant na nasa mall. Hindi sigurado si Heleyna kung maganda pa bang ideya iyon dahil wala naman silang pag-uusapang matino.

"Kuya!"

Isang charming at mapormang lalaki ang papalapit sa kanila nang makalabas na sila sa restaurant.

Tinawag niyang Kuya si Travis?

"I didn't expect to see you here. So, siya na ba si Heleyna?"

"Siya nga," pormal na sagot ni Tristan.

"Hello, Ma'am. Call me 'Travis', your future brother-in-law," ani Travis sabay lahad ng kamay.

"Heleyna," sabi naman ng dalaga at tinanggap ang kamay nito.

Hindi tuloy niya naiwasang magtaka. Kung ano'ng ikinaseryoso at ikinasuplado ni Tristan ay siya namang ikina-friendly at ikina-accomodating ni Travis.

Nagustuhan agad niya ito. Paano kaya kung si Travis na lang ang nakatakda niyang pakasalan at hindi ang Tristan na ito?

"Ikaw, ano naman ang ginagawa mo dito?" tanong naman ni Tristan sa kapatid.

"May tiningnan lang pero kailangan ko na ring umalis kasi may pupuntahan pa 'ko. So pa'no, I have to go. You guys enjoy. Bye, Heleyna, see you next time."

“Bye,” tugon naman ng dalaga at tipid na ngumiti.

“Ano, may gusto ka pang puntahan?” tanong pa ni Tristan pagkaalis ni Travis.

“Wala na, gusto ko nang umuwi. May kailangan pa ‘kong ipaliwanag sa mga kabarangay ko.”

“Will you tell them na fiancé mo ‘ko?”

“W-well, sa bagay na ‘yan hindi ako sigurado. Baka sa ibang pagkakataon na lang siguro.”

“Kung ganu’n halika ka na.”

GAYON na lamang ang tuwang naramdaman ng mga ka-barangay ni Heleyna nang sabihin niya sa mga ito ang magandang balita.

“Sure na ba ‘yan, hija?”

“Opo, Aling Luz. Hindi na natin kailangang kumuha ng abogado. Hindi na nila pag-iinteresan ang tirahan natin kaya makakahinga na din tayo nang maluwag.”

“Hay, salamat naman!” anas pa ng mga ito.

“Eh papaano ba nangyari ‘yon, Heleyna?” tanong naman ni Kapitan.

“Nakiusap po ako kay Don Genaro ang Lolo ni Tristan. Mabait ho siya kaya napgbigyan ang hiling natin.”

“May hiningi bang kapalit?”

“Meron po pero maliit na pabor lang naman.”

Kung maliit ngang matatawag ang pagpapakasal niya sa apo nito.

“Kung ganu’n dapat tayong magpasalamat kay Heleyna at magdiwang!”

“Maraming salamat, Heleyna!” sabi pa ng mga kabarangay niya.

“Wala ho ‘yon. Masaya po akong makatulong sa inyo.”

“Mukhang napaamo mo yata ang batang De Vera, hija,” may panunukso pang sabi ni Aling Luz.”Tingin ko babalik pa ‘yon dito.”

“Aling Luz talaga,” sabi na lamang ni Heleyna.

“SO ‘yon pala ang gustong mangyari ni Lolo. Hindi naman siya nagpapaka-Cupid sa set up niyong dalawa ni Heleyna, ‘no?” wika ni Travis habang magkainuman na naman sila ng kapatid sa mini bar ng mansiyon.

“He’s just trying to take control. Iniisip mo bang may mangyayaring something romantic sa amin ng Heleyna na ‘yon?” paangil na sabi ni Tristan.

“Bakit, hindi ba posible?”

“Talagang imposible ‘yang sinasabi mo! The situation is already getting into my nerves. Nakakasira na sa mga plano ko.”

“Hey, relax lang, Kuya.” ani Travis.“Ano bang plano natin sa kanya? Gusto mo bang gumawa tayo ng paraan para hindi matuloy ang kasal niyo?”

“’Wag,” awtomatikong agap ni Tristan.

“Whoa. At bakit?”

“W-wala. Just leave it to me.”

“Okay, sabi mo, eh,” ani Travis at napakibit-balikat.

TUMAYO na rin si Heleyna nang magsilabasan na ang mga estudyante niya para maglunchbreak.

“Hi, Heleyna,” bati ni Philip nang sabayan siya nito sa paglalakad.

“Philip.”

“Pwede ba ‘kong sumama sa inyo ni Corrine na maglunch ngayon?”

“Oo naman. ‘Yon lang pala,eh.”

“Heleyna, ano’ng meron sa inyo ni Tristan De Vera?” tanong pa nito. “Well, if you don’t mind. Ilang beses na kasi kitang nakita na sinundo ka niya. Boyfriend mo na ba siya?”

“B-bakit mo naman iniisip na boyfriend ko ‘yon? Nagkataon lang ‘yon kasi ang Lolo niya ang kinakausap ko tungkol du’n sa lupa na gusto sanang kunin ng kompanya nila.”

“Kung ganu’n pwede kitang liga--”

“Hi, guys!” bati  ni Corrine na nag-aabang na sa labas ng classroom nito.

“Sasama daw sa ‘tin si Philip na maglunch.”

“Talaga? Nice, tara!”

MARAMING members ng board ang nagulat at nagreact nang sabihin ni Tristan na hindi na itutuloy ang pagdevelop ng Brgy. Paru-paro as the next project.

“Ano ba ang nangyari at nagkaproblema? I thought the company’s confident enough na makukuha natin ang lupang ‘yon?” si Mr. Marquez.

“Iyon din ang akala ng lahat. May nangyari lang na hindi inaasahan. It was the old man’s order kaya wala na tayong magagawa.”

“So what’s the next plan?” tanong naman ni Mr. Alfonso. “I’m sure na hindi ganu’n kadali ang maghanap ng panibagong ide-develop na site.”

“We don’t need to hurry. Diego and I have been doing a research already. Magpapatawag na lang ulit ako ng meeting about the improvement. ”

SAKTONG tapos na ang lecture ni Heleyna sa mga bata nang makatanggap siya ng tawag mula kay Don Genaro.

“Bukas na ang dating ni Helen, hindi ba? Gusto kong tawagan mo si Tristan at ipaalam mo sa kanya tapos puntahan mo siya sa opisina niya at pag-usapan niyo ang pakikipag-usap sa Mama mo.”

“Sige po. Kung ‘yan ang gusto niyo.”

“Ipapasundo na lang kita diyan.”

“Opo.”

Nang magpaalam na ang Don ay tinawagan naman niya si Tristan.

“Yes, Heleyna?” anito sa pormal na tono.

Kailan ba magiging friendly ang taong ito? Gayunpaman, naninibago siya dahil gusto niyang napapakinggan ang boses nito.

“May sasabihin ka ba?”

“M-meron. Kasi dadating si Mama bukas. Ang gusto ni Don Genaro pag-usapan natin ang tungkol sa bagay na ‘yon.”

“Sige, puntahan mo na lang ako.”

“YES, Ma’am, ano pong kailangan nila?” tanong ng receptionist kay Heleyna nang dumating na siya sa building ng De Vera Builders.

“Sa’n po dito ‘yong office ni Tristan De Vera?”

“Nasa fourth floor po ‘yon, Ma’am. Nandu’n po sa kanan ‘yong elevator diretsuhin niyo lang. ”

“Sige, Miss, salamat.”

Napakalaki ng kompanyang pagmamay-ari nina Tristan. Sana naman ay hindi siya maligaw doon.

“Miss, excuse me,” pansin ni Heleyna sa babaeng nakasalubong niya na nanginginig pa nang makarating na siya sa fourth floor.

“Y-yes, Ma’am?”

“Nasaan dito ‘yong office ni--”

“Ano’ng gagawin ko sa mga ‘yan?!” anang isang galit na boses mula sa isang silid na ikinatigil ni Heleyna. Maging ang ibang empleyado ay natigilan rin.

“Ayan na naman siya.”

“Miss, si Tristan ba ang sumisigaw na ‘yon?” tanong niya.

“Miss, kung gusto mo siyang kausapin, ‘wag ngayon. Hindi mag—Miss!”

Pero hindi siya nakinig at tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa loob.

HINDI na naman maiwasan ni Tristan na magtaas ng boses. Na-delay ang report na hinihingi niya dahil nagkaroon ng emergency sa pamilya ang isang tauhan niya kaya incomplete ang maipi-present niya sa mga prospect investors.

“Hindi pa ba sapat ang time na ibinigay ko sa inyo? Ano’ng gusto niyong palabasin?!”

“Bakit mo siya sinisigawan?”

Gulat na napatingin si Tristan sa bungad ng opisina niya nang makita niya si Heleyna.

“Bakit basta-basta ka na lang pumasok?” angil naman niya.

“Papasok ako kasi nakabukas ang pinto! Ikaw, bakit mo siya sinisigawan?”

“Wala kang karapatang kwestiyunin ako, Heleyna. Boss nila ‘ko at empleyado ko lang sila. At ikaw, fiancée lang kita!”

“Oo, boss ka nga nila at empleyado mo lang sila! Pero Tristan, mga tao pa din sila. Kung gusto mo silang pagsabihan, ‘yong sa mahinahong paraan naman! ‘Wag mo naman silang tratuhin nang ganyan dahil hindi sila mga tanga! Hindi naman tamang ipahiya mo sila. At oo, fiancée mo lang ako! At ang malas-malas ko kasi sa lahat ba naman ng lalaki sa mundo!”

“Shut up!”

“Sa tingin mo ba deserved ng kahit na sino ‘yang klase ng treatment mo? Dapat nga magpasalamat ka pa kasi kahit ganyan ka, nagtiya-tiyaga pa rin sila sa’yo! Hindi ka ba nagtataka kung bakit nakakatagal sila sa’yo?”

Eskandalo na kung eskandalo basta ipamumukha niya sa Tristan na ito ang tamang pagtrato sa isang empleyado.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng empleyado sa kanilang dalawa ni Tristan. Tila nagtatanong ang mga mata nito sa kung sino ba siya at bakit ganu’n na lamang kung sagot-sagutin niya ang boss nito.

“E-excuse me po,” nanginginig na sabi ito at lalabas na sana ng opisina pero pinigilan ito ni Heleyna.

“Diyan ka lang, magsu-sorry pa sa’yo ang boss mo.”

“Ano?” react naman ni Tristan like she was crazy or something. “At bakit ko gagawin ‘yon? Naloloko ka na ba?”

“Ano, hindi ka magsu-sorry? Kung ayaw mo, pwes, isaksak mo sa baga mo ‘yang posisyon mo!” paasik na sabi niya at tuloy-tuloy na lumabas ng opisina.

“Heleyna!”

Biglang nataranta si Tristan kaya agad niyang sinundan ang dalaga.

“Heleyna!”

Ang mga empleyadong kanina pa nakikiusyoso ay mabilis na nag-busy-busy-han nang magkasunod silang lumabas ni Heleyna.

“Heleyna, ano ka ba?” aniya nang pigilan niya ito sa braso nang maabutan niya ito sa lobby.

“Bitiwan mo ‘ko, Tristan!”

“Mag-uusap pa tayo, sa’n ka pupunta?”

“Hindi bale na lang! Bakit pa natin kailangang mag-usap kung hindi ka rin naman makikinig? ”

“Bakit ba galit na galit ka, ha?”      

“Sabihin mo nga, may nakakatuwa ba sa ginawa mo? May nakakatuwa ba sa pangmamaliit ng ibang tao?!”

Marahas na napabuntong- hininga si Tristan at ikinumpas sa ere ang mga kamay.

“Okay, fine! Ano ba ang gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit, ha? Tell me, kahit ano! Gusto mong magsorry ako? Fine, magsu-sorry ako! Hindi na rin ako maninigaw at magsusungit basta’t ‘wag ka nang magalit! ”

Natigilan naman si Heleyna at nang tumingin siya sa paligid niya, halos lahat nakatingin sa kanila!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top