CHAPTER ONE | Present day


CHAPTER ONE

PRESENT DAY

She was smiling at him. She was trying to hold his face.

She was the most beautiful woman that he saw in his life. She keeps on haunting his dreams. But she was not calling him his name. His mother was calling him a different name.

Razon.

Doon napamulat ng mata si Raze.

Bakit ba niya laging napapanaginipan ang kanyang ina? Mag-da-dalawang linggo na at halos gabi-gabi na lang nitong dinadalaw ang panaginip niya at tinatawag siya sa pangalan na iyon. Sa litrato lang naman niya ito nakita. His mom died during childbirth. Namatay habang ipinapanganak siya kaya wala siyang alaala dito. Lahat ng nalalaman niya tungkol sa ina niyang si Sonia Mercado ay mga kuwento lang mula sa kanyang daddy Dante at lolo Jaime.

Muli siyang napapikit. Namimigat pa ang ulo niya nang subukan niyang imulat ang kanyang mata. Agad din siyang napapikit dahil sa liwanag na bumulaga sa kanya gawa ng mataas na sikat ng araw na nanggagaling sa bintana. Mahina pa siyang napamura at agad na isinubsob ang mukha sa unan. Bakit ganoon? Nakakasilaw ang sikat ng araw. Pakiramdam niya nabulag nga yata siya. Epekto ba iyon ng hangover na nararanasan niya ngayon?

Kahit nakasubsob sa unan ay iminulat niya ang mata at nakiramdam siya sa paligid. Nasaan nga ba siya? Hindi pamilyar ang pakiramdam ng kamang hinihigaan niya.

Noon niya naramdaman na may nakadantay na kung ano sa katawan niya. May balat na kumikiskis. Gumalaw siya at tiningnan kung ano iyon. Nakita niya ang isang babaeng himbing na natutulog sa tabi niya. Pareho silang hubad.

Who could this be? Sino nga ba ang babaeng kasama niya kagabi?

Marahan siyang gumalaw para hindi magising ang babae. Umungol pa ito nang alisin niya ang kamay at binti na nakadantay sa katawan niya. Nang makaalis sa kama ay tiningnan niya kung sino ito. Hinawi ang mahabang buhok na nakatabing sa mukha.

Damn it. Ano nga bang pangalan ng babaeng ito? Marla? Carla? Starla?

Sa isip ay napakarami ng pangalan ang nabanggit niya na may 'la' sa dulo.

'Tangina, basta may 'la' siya na iyon.

Kahit parang kinakalog pa ang ulo niya ay inilinga-linga niya ang paningin at hinanap ang pantalon niya. Nakita niya iyon sa may pinto ng kuwarto. Patiyad pa siyang naglakad para hindi makalikha ng ingay. Gusto na lang niyang makaalis dito.

Mabilis niyang isinuot ang boxers tapos ay ang pantalon. Sunod niyang hinanap ang suot niyang polo. Nakapatong naman iyon sa couch na naroon kaya dali-dali din niyang isinuot. Hinanap ng paningin niya ang mga gamit niya. Wallet, cellphone at susi ng kotse. Nakita niya ang dalawa at bukod tanging ang susi ng kotse ang hindi niya makita.

"Where are you? Where the fuck are you?" Paulit-ulit niya iyong sinasambit habang hinahanap ang susi. Yumuko pa siya para hanapin iyon sa ilalim ng kama.

"Raze?"

Napaangat siya bigla ng ulo nang may marinig na tumawag sa pangalan niya kaya malakas siyang nauntog sa kahoy na support ng kama. Marahan niyang hinihilot ang ulo na nagkabukol yata at umalis doon. Pagtingin niya sa kama ay nadukwang sa kanya ang babae na halatang naistorbo lang ang pagtulog.

"What are you doing under the bed?" Nagtatakang tanong nito.

"A-ah... Umm... Well... I-I was looking for my car keys-" ibinitin niya ang sinasabi dahil hindi talaga niya maalala kung ano ang pangalan ng babae. Halatang hinihintay naman kasi nito na banggitin niya ang pangalan nito.

"Darla. You forgot my name?" Hindi makapaniwalang sambit nito.

Pinilit niyang ngumiti at umayos ng tayo. "Of course not, Darla. Well, I need to go. My dad would kill me. We have this important meeting at home, and I couldn't go home last night. Is this your place?" Paniniguro pa niya. Pakiramdam niya ay nag-uulap ang mata niya at puputok ang ulo niya sa sakit.

Sinamaan siya ng tingin ng babae.

"You don't remember what happened last night?" Paniniguro nito.

Napakamot siya ng ulo. "Of course, I remember. We met in a bar?" Saan nga ba sila nagkakilala ng babae.

Inis na umalis ito sa kama at dinampot ang damit nito at mabilis na nagbihis.

"You called me in the middle of the night! And this is your fucking place! What the hell is wrong with you? Are you high?!" bulyaw nito sa kanya habang padabog ang paraan ng pagbibihis nito.

Takang tumingin siya sa paligid at unti-unting nagliliwanag ang lahat sa kanya. Oo nga. Unit nga niya ito. Pero bakit parang hindi pamilyar sa kanya kanina? Pakiramdam niya ay nasa ibang lugar siya?

"Do you still remember what you told me last night?" Simangot na simangot ang mukha ng babae.

Napangiwi siya. May mga sinabi ba siya dito? Wala talaga siyang maalala.

"Fuck you, Raze! What do you think of me? Your fucking booty call every time you feel horny? Stupid lang talaga ako at lagi akong naniniwala sa mga sinasabi mo!" Inis na dinampot ng babae ang bag na nakapatong sa sofa na naroon tapos ay humarap sa kanya. "Guwapo ka lang talaga pero asshole ka." Malakas siya nitong hinampas ng nahawakan na bag tapos ay nagmamartsang tinungo nito ang pinto at binuksan iyon tapos ay malakas na isinara.

Napabuga siya ng hangin at naihilamos ang palad sa mukha. Ano nga bang nangyari kagabi? It was just bits and pieces of memory. Ang huling naaalala niya ay nagkita-kita sila ng mga kaibigan niya. Nagkayayaan sa bar and just like the previous nights, they would end up getting drunk.

Hindi na talaga niya maalala pa ang tungkol kay Darla. Sanay naman na kasi siyang kung sino-sino ang babaeng nagigisnan niyang nakahiga sa kama niya o kung saan-saang kama siya nagigising. Kinuha niya ang teleponong nasa bulsa dahil tumutunog iyon. Natawa siya nang makita kung sino ang tumatawag.

"What do you want?" Inilagay niya sa speaker mode ang telepono at pabagsak na nahiga sa kama. Marahan pa niyang hinilot-hilot ang ulo sa pagbabaka-sakaling mawala ang sakit noon.

Ang lakas ng tawa ni Vincent. "What the hell happened, Raze?"

"What do you mean what the hell happened? Kahit nga ako walang maalala kung ano ang nangyari kagabi?" Bahagya niyang hilot-hilot ang sumasakit na ulo. "Who the fuck is Darla?"

Lalong lumakas ang tawa nito. "You don't remember her?"

"No. Whatever happened last night was all fucking blurry." Mahina pa siyang napamura.

"You proposed to her last night!" Bulalas ni Vincent tapos ay lalong tumawa nang tumawa.

Napabangon siya. "What? What did you say?" Siya? Magpo-propose sa isang babae? Wala nga siyang siniseryosong babae sa buong buhay niya tapos magpo-propose siya sa babaeng hindi nga niya matandaan ang pangalan.

Hindi halos makahinga kakatawa si Vincent. "I don't know with you, man. You were so wasted as fuck last night. Ang dami mong babae sa bar tapos bigla kang nag-booty call sa contact list mo. Nag-eeny meeny miny mo ka tapos you ended up calling Darla. Hindi nga kayo mapaghiwalay kagabi. Then you suddenly get down on your knees in front of her, asked her to marry you last night." Tawa pa rin ng tawa si Vincent.

"Shit. I did that?" Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan.

"I'll send you the video. 'Tangina ka, Raze. That's the stupidest stunt that you did. Kapag nalaman ito ng daddy mo at ng lolo mo, malamang tanggal ka na sa kompanya 'nyo."

"Gago kasi kayo. Who the fuck brought that fucking Absinthe?"

"At bakit mo naman tinungga ng parang tubig?" Balik nito sa kanya.

"What will I do? 'Tangina hindi ko naman papakasalan ang babaeng iyon." Problemadong-problemado siya.

"Relax. Alam naman ni Darla na hindi ka seryoso. Well, she was hoping I guess that you could be steady. Knowing you na walang siniseryosong babae. Pero mukhang hindi nangyari 'no?" Paniniguro ni Vincent.

"She went home already. Pissed at me." Nagkakamot ng ulong sagot niya.

Ang lakas ng halakhak ng kaibigan. "Hayaan mo na lang. Na-hurt lang siguro. So? Anong plano sa birthday mo? Isang linggo na lang." paalala pa nito.

"The usual. Booze, boobs." Natawa pa siya dahil ang lakas ng tawa ni Vincent.

"Dapat mas maraming booze at boobs. Trenta ka na, 'tol! Tanda mo na! Mag-asawa ka na!" Panunukso pa ng kaibigan.

"I don't have any plans. Enjoy pa ako sa pagiging single." Napahinga siya ng malalim at bumangon sa kama. "Call you later. Delete the fucking video, okay? And don't make it viral."

Tumawa lang si Vincent sa kanya at pinatayan siya ng tawag.

Naiiling-iling lang siya habang muling hinubad ang suot na damit at dumiretso sa banyo. Itinapat niya ang katawan sa maligamgam na tubig na lumalagaslas galing sa shower. Pinabayaan niyang dumaloy iyon sa kanyang katawan. Nang magsawa ay sinabon na ang katawan tapos ay nagbanlaw at lumabas ng banyo. Naririnig kasi niyang tumutunog uli ang telepono niya. Napangiwi siya nang makitang ang daddy niya ang tumatawag sa kanya.

Pinilit muna niyang kalmahin ang sarili bago sagutin ang tawag ng daddy Dante niya.

"Dad," inilagay niya sa speaker mode ang telepono habang inaayos ang pagkakatapi ng tuwalya sa kanyang baywang.

"Hindi ka na naman umuwi kagabi, Raze. You didn't even show up to meet me and your grandfather." Kahit hindi sumisigaw ang daddy niya, pakiramdam niya ay ganoon na rin ang ginagawa nito.

"I-I slept early last night," pagsisinungaling niya.

"Ako pa ba ang lolokohin mo? Alam ng lahat na gabi-gabi kang laman ng mga bars. Gabi-gabing kung sino-sino ang mga kasama mo. When are you going to grow up? Paano ibibigay ng lolo mo ang pamamahala sa kompanya niya kung ganyan ang ginagawa mo?" Doon na nagsisimulang tumaas ang boses ng daddy niya.

Inis niyang tinanggal ang pagkakatapi ng tumalya sa katawan niya at painis na tinuyo noon ang buhok. Wala siyang pakialam kung maglakad man siyang hubad sa kuwarto niya. Napatingin pa siya sa salamin at napahinto nang makita ang sariling repleksyon doon.

Walang patid sa panenermon ang daddy niya pero parang[0 hindi niya naririnig iyon. Ang tingin niya ay nakapako sa nakikitang repleksyon sa salamin.

Did he gain weight? Bakit lumaki yata ang katawan niya? Hindi naman siya babad sa gym. Normal lang ang exercise routines niya just to have movements. Hindi rin siya fan ng mga protein shakes. Hindi rin siya nagdi-diyeta. He was eating food whatever he likes. Pero bakit parang may nag-iba sa katawan niya?

Lalo siyang lumapit sa salamin. His pectoral muscles became prominent. Napuno ng muscles. Pati ang braso niya ay lalong pumutok. Nagkaroon ng definition. His stomach became flatter. Lalong naging kitang-kita ang mga ukit doon.

What the fuck happened? Hindi naman ganito kaganda ang katawan ko dati.

Talagang tinitingnan niyang maigi ang sarili. Naroong humarap, tumagilid, tumalikod. Talagang may nag-iba sa katawan niya.

Luminaw na ba ang paningin niya? Bumalik na sa dating grado? He was in high school when he started to wear glasses and until now he still wear one because of his poor eye sight.

Dinampot niya ang salamin sa mata. Mataas ang grado noon. Sinubukan niyang isuot. At instead na makatulong sa kanyang makakita ng maayos, lumabo lang ang mata niya gawa ng salamin.

Shit. Did I become Spiderman? Paanong luminaw ang mata ko?

Ilang beses niyang hinubad at isinuot muli ang salamin. Hindi niya maipaliwanag ang pagbabagong nangyari sa kanya? Over sex ba kaya nagkaroon ng ganitong pagbabago sa kanya?

"Raze! Are you listening to me?"

Noon lang niya naalala na kausap niya ang kanyang ama.

"S-sorry, dad. I was just um... what did you say?" Ano nga ba ang mga sinabi ng tatay niya?

"God damn it, Raze! Kailan ka ba titino? Umuwi ka na dito at humarap ka sa lolo mo. You will be thirty in less than a week. Alam mong nangako ang lolo mo na ita-transfer niya lahat sa iyo ang mga properties niya kapag pumalo ka na ng trenta. Sa tingin mo, kung ginagawa mong patapon ang buhay mo gagawin pa niya iyon?" Sermon ng tatay niya.

Napa-rolyo ng mata si Raze. "As if naman na gagawin iyon ni Lolo. I am his only grandchild. Kanino pa niya ibibigay iyon? Ako lang ang nag-iisang tagapagmana niya." Punong-puno ng kumpiyansang sagot niya.

"Huwag kang magpakasigurado, Raze. Hindi mo alam ang mga puwedeng mangyari. Umuwi ka na ngayon!" Iyon lang at wala na siyang narinig mula sa ama.

Inis niyang ibinato ang telepono sa kama at muling tiningnan ang sarili sa salamin. Napangiti siya sa nakitang pagbabago sa sarili. Gumanda ang mood niya at humugot ng damit sa cabinet. Pumili siya ng maayos na damit. Kailangan niyang maging presentable sa harap ng lolo niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top