84

"So kamusta naman yung relationship niyo ni Jimin?"

Napatingin si Yoongi kay Jin na maayos na nakaupo sa sofa nila habang nagkakape ng alas sais ng umaga sa bahay nila, kanina pa siyang 5:30 am dito, siya ang literal na gumising sa dalawa, at walang nagawa ang dalawa kundi bumangon na dahil alam nilang hindi titigil si Jin kakadoorbell at kakatok sa pinto nila hangga't hindi nila pinagbubuksan.

"Nakikinig ka ba?" Napataas ang kilay ni Jin, "Kamusta kako relationship niyo ni Jimin." 

"Anong relationship?" Tanong ni Yoongi.

"What do you mean by 'anong relationship' Yoongi?" Halos hindi na mainom ni Jin ang kape niya sa tanong ni Yoongi.

Nagkatitigan sila hanggang sa napatingin si Yoongi sa gilid at napakurap kurap.

"Uhh?" Naguguluhang sabi ni Yoongi habang binabalik niya ang tingin kay Jin, para bang kinakapa niya ang sinasabi nito dahil hindi niya talaga maintindihan.

"We're still good friends?" Sagot ni Yoongi, nag-aalangan, "I guess?" 

"FRIENDS?! What do you mean FRIENDS?!" Pabulong na pasigaw na sabi Jin, para hindi marinig ni Jimin na abala sa kusina.

"Hindi mo alam yung friends? Magkaibigan, duh?" Sarkastikong sabi ni Yoongi.

"Syempre alam ko ibig sabihin noon," giit ni Jin. "Ang hindi ko alam eh yung bakit kaibigan mo lang si Jimin."

Mas lalong naguluhan si Yoongi, "Ano naman kung magkaibigan kami?

"Yoongi! Hindi kayo magkaibigan," mariin na sabi ni Jin.

"We're just friends, we're not dating, hindi nga niya ako niyayang magdate kami at mas lalong hindi niya ako niyayang maging boyfriend niya," kalmadong paliwanag ni Yoongi.

"Girlfriend," sabat ni Jin.

"Boyfriend," pangkontra ni Yoongi.

"Okay, whatever!" sagot ni Jin, "pero he likes you." 

"So what? Hindi pa rin noon mababago yung fact na hindi niya ako niyayang makipagdate sa kanya," sagot ni Yoongi habang kumakain ng prutas na dala ni Jin.

"You actually don't need that anymore, nagpropose na nga siya sa'yo dati na pakasalan mo siya."

Napabuntong hininga si Yoongi bago niya sinubo ng buo yung isang saging, "I know! And nireject ko siya, so it means hindi kami engaged."

Napakunot ang noo ni Jin dahil dirediretso pa rin ang pagsasalita ni Yoongi kahit namumuwalan na siya sa saging, kaya naman lumapit si Jin sa kanya para abutan siya ng tissue at tubig na nakalagay sa mesa.

"I'm aware," ani Jin, "and I'm also aware that you're living with him."

Uminom si Yoongi ng tubig bago at pagkababa niya ng baso ay hinarap niya ulit agad si Jin, "Matagal na kaming nakatira sa iisang bahay kahit nung tropa tropa pa lang talaga kami at wala pa kaming anak, at—"

"At magkasama kayong natutulog sa iisang kama," pagputol ni Jin.

"I know, matagal na rin kaming natutulog sa iisang kama kahit nung wala pa kaming anak," ngumiti ng sarkastiko si Yoongi kaya naman napaayos ng upo si Jin, na para bang handa na siyang makipagsagutan kay Yoongi.

"Nakita ko kayong dalawa na naghahalikan nung nakaraan, how can you explain that?" Nagtaas na ng kilay si Jin, para bang hinahamon na si Yoongi ng sagutan.

"Kagaya nga ng sinasabi ko, ginagawa na namin yun matagal na," pagdadahilan pa ni Yoongi.

"Walang magkaibigan na naglalaplapan," inis na sabi ni Jin.

"Meron." Giit ni Yoongi.

"Sino? Sino ha? Sige, sino? Sabihin mo!" 

"Kami," nagcross arms pa talaga si Yoongi.

"That's bullshit!" Halos mapasigaw na talaga si Jin sa inis, mabuti na lang at naka-earphones si Jimin habang nagluluto sa kusina, kaya siguro ay iniisip lang nito na nagchichismisan ang dalawa, "You're gonna raise a child with him, you have his son— or his daughter, and you like each other! How come you guys are not dating?"

"We never talk about us," simpleng sagot ni Yoongi.

"Dahil baka iniisip niya na kayo na," paliwanag pa ni Jin, "kasi kung hindi kayo magboyfriend, edi ano kayo? Magkaibigan na nag-aalaga ng mga bata sa iisang bahay ng magkasama?"

Napasinghap si Yoongi nang mahimigan niya ang pagiging sarkastiko ni Jin, "huwag mo namang gawing big deal yung pagtira ko sa bahay niya, nagbabayad ako dito dati, we're roommates."

"Roommates my ass," inis na sabi ni Jin, "sa wattpad lang may mga magroroommate na nagsesex."

"Seokjin..." pagod na sabi ni Yoongi, para bang ayaw na niyang makipagtalo pa.

"Hay nako Yoongi! Gusto kong magsabi sa'yo ng mga masasamang words, kung alam mo lang, kaso naalala ko na buntis ka kaya hindi muna kita bubwisitin." 

Napabuntong hininga na lang si Yoongi, "mabuti naman..."

"Pero seryoso 'to," tinuro ni Jin si Jimin na abala sa pagluluto sa kusina, "tingnan mo siya, hindi mo ba nakikita kung gaano siya mag-effort na ipagluto ka, na alagaan ka, kayong dalawa ng anak mo, pati si Yoori, huling kita ko diyan Yoongi hindi pa yan marunong magluto tapos ngayon siya na nagluluto sa inyo? Bakit? Sa tingin mo bakit Yoongi?" 

Tiningnan ni Jin si Yoongi na pinapanuod si Jimin na nahihirapan pa rin sa pagluluto, halata ang paghihirap sa ginagawa niya dahil sa ekspresyon ng mukha nito pero halatang desidido itong ipagluto sila, at dahil abala si Yoongi sa panunuod ay hindi na siya nakasagot sa tanong ni Jin kahit narinig niya iyon ng buo.

"Yoongi, alam mo kung bakit niya ginagawa 'yan," sabi ni Jin bago sumimsim ng kape, "ayoko lang kasi sanang marinig ko yung paliwanag mo sa inaanak ko na... anak eto yung tatay mo, hindi ko 'yan jowa pero roommates naman kami kaya makikita mo kaming dalawa sa bahay na magkasama, wag ka rin mag-aalala anak hindi kami magkagalit, best friends nga kami ng tatay mo anak eh, huwag ka rin mag-alala na baka hindi ka na magkaroon ng kapatid kasi nagsesex naman kaming dalawa ni tatay mo—"

"Jin," pagputol ni Yoongi.

"Look," ani Jin, "sinusubukan niya yung best niya Yoongi, para sa'yo at para sa magiging anak mo, hindi ako fan ng mga cheesy cheesy na kakornihan na mga bagay na ganyan pero kung ako sa inyo mas pipiliin ko na lang na aminin niyo sa isa't isa na may relasyon na kayong dalawa at hindi na kayo basta magtropa lang dahil malaki na yung responsibilidad na haharapin niyo."

Napairap na lang si Jin dahil sa hinaba haba ng sinabi niya ay nakita niya si Yoongi na hindi nakikinig sa kanya dahil abala ito sa panunuod kay Jimin nagluluto, mukhang natatalansikan ito ng mantika, kaya natatawa si Yoongi.

"Alam mo, hindi masarap magluto si Jimin pero gustong gusto ko yung mga luto niya ngayon, although alam ko na kung hindi ako buntis ngayon ay mahihirapan akong kainin yun," out of nowhere na sabi ni Yoongi habang pinapanuod pa rin si Jimin, "pero masarap siyang magbake, pinagbake niya ako ng cake nung nakaraan, tapos cookies, tapos cupcakes, kahit wala siyang background sa pagbibake."

Natigilan si Jin sa pag-inom ng kape habang nakikinig kay Yoongi na nagkukwento na para bang isang normal na taong nagkukwento tungkol sa boyfriend niya, kahit na lumayo ng sobrang yung pinag-uusapan nila.

"Tapos alam mo ba? Nagbake lang siya kasi sabi ko nagkicrave ako sa sweets, kaso sarado na lahat ng bakeshop kasi nga 2:00 am yun ng umaga, kaya ginawa niya bumangon siya tapos pinagbake niya ako, nanuod lang siya sa youtube, tapos nung nakatapos na siyang magbake parang wala na akong gana..."

Malungkot na sabi ni Yoongi, "h-hindi ko na gustong kainin yung niluto niya, gusto kong kainin pero ayaw talaga ng tiyan ko." 

Nakikinig lang si Jin, wala siyang balak sumabat sa sinasabi ni Yoongi, alam rin naman niyang hindi titigil si Yoongi hangga't hindi niya natatapos yung kwento niya kaya nag-aabang lang si Jin, ayaw niya rin sirain muna drama ni Yoongi.

"So pinilit kong kainin," napanguso si Yoongi, "masarap yung gawa niya, nalasahan kong masarap pero ayaw na talaga ng tiyan ko noon, mukhang napansin ni Jimin yun kaya naman sinabi niya sa akin na huwag kong pilitin yung sarili ko kung ayaw naman na ng tiyan ko, pero gusto kong kainin kasi ayokong masayang yung ginawa niya..."

Ilang minutong hindi nagsalita si Yoongi, nag-aabang lang si Jin, pero ang tagal hindi nagsasalita ni Yoongi, para bang nag-aalangang ituloy pa ang kwento, kaya naman sumabat na si Jin.

"So anong sunod na nangyari? Hindi mo na tutuloy yung kwento mo? Nagsimula-simula ka ng kwento tapos di mo tatapusin? Ano ka si Desteenx?" Sarkastikong tanong ni Jin.

Huminga ng malalim si Yoongi na para bang humugot rin ng lakas ng loob para ituloy yung kwento niya.

"Umiyak ako," tipid na sabi ni Yoongi dahilan kung bakit nawala yung nang-aasar na mukha ni Jin.

"Umiyak ako, hindi ko gusto umiyak pero naiyak ako kasi gusto kong kainin, gusto ko talaga pero hindi ko magawa, naiinis ako kasi bumangon siya ng madaling araw, pinagbake niya ako kahit hindi niya alam kung papaano tapos hindi ko nakain," dahan dahang namuo ang luha sa mata ni Yoongi kaya naman nagsimula nang magpanic si Jin.

"Shit! Umiiyak ka ba?" Nagpapanic na tanong ni Jin, mabilis siyang napatingin kay Jimin na mukhang abala pa rin sa pagluluto kaya naman mabilis na kinuha ni Jin ang tissue kanina at niyakap si Yoongi para matabingan niya ito sa paningin ni Jimin.

Kinuha ni Yoongi ang inabot ni Jin na tissue.

"Gusto ko lang naman kainin yung cake niya," nahihirapang sabi ni Yoongi dahil sa kanyang hikbi.

"Okay, okay, alam ko, gusto mong kainin yung cake niya, huwag ka ng umiyak." 

Medyo nasasanay na rin si Seokjin sa pagiging madrama ni Yoongi, simula kasi nung nabuntis ito ay sobrang dali na nitong umiyak, para bang bigla na lang itong naging soft sa lahat bukod kay Jimin na medyo harsh pa rin siya, pero konti lang naman.

"Ganun ba kahirap kainin yung cake niya para hindi ko—"

"Shhh, shhh..." Pagpapatahan ni Jin kay Yoongi, halatang pinipigilan lang nitong umiyak si Yoongi dahil sa takot na baka makita ni Jimin, last time kasi na nakita ni Jimin na umiiyak si Yoongi ay isang linggo itong hindi nakatulog at kinukwestyon kung anong kulang at mali sa kanya, kaya naman ayaw na ni Jin na mangyari ulit iyon.

"Lilipat na kami ng bahay gamit yung mga ipon niyang pera tapos wala man lang ako maibigay at magawa para sa kanya, kainin lang yung cake niya hindi ko pa magawa," hirap na hirap na si Yoongi magsalita dahil sa hikbi niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagrarant niya.

Kaya naman niyakap na lang ni Jin si Yoongi kahit walang emosyon ang mukha niya, napairap pa siya sa kawalan, kung hindi lang talaga niya gustong maging ninong malamang ay hindi na siya bumibisita sa bahay nila Yoongi.

Gusto niya ng drama pero hindi yung gantong drama.

Ilang saglit lang ay napapatahan na ni Jin si Yoongi, konting panunuya lang ay medyo kumalma na si Yoongi kaya naman nang humiwalay ng yakap si Yoongi kay Jin ay pinunasan agad ni Jin ang mata ni Yoongi para hindi mahalata ni Jimin na umiiyak ito, kaya lang namumula ang mata ni Yoongi, wala pa namang maisip na palusot si Jin.

Nang matahimik silang dalawa ay binuksan na lang ni Jin ang TV para mawala ang awkwardness pagkatapos ng iyak, hindi kasi alam ni Jin kung papaano niya ko-comfort-in si Yoongi, hindi kasi siya marunong nun kaya tinabihan na lang niya at tinitingnan paminsan minsan para masigurado kung tumahan na ba talaga.

"Wala ka bang chika dyan?" tanong ni Jin.

Napahikbi si Yoongi, "wala."

"Wala ka bang balita kay Kiki?" umiling lang si Yoongi.

"Hindi ba natin siya lalaitin ngayon?" tanong pa ni Jin, kaya naman napatingin na sa kanya si Yoongi habang nakakunot ang noo niya.

"Ano namang lalaitin natin sa kanya?" 

"Ewan ko," nagkibit balikat lang si Jin, "wala tayong magawa eh? Edi manlait na lang tayo."

"Hindi ka ba nagsasawa sa panlalait niyo ni Jennie kay Kiki?" 

Tiningnan siya ni Jin mula ulo hanggang paa, "bakit naman ako magsasawang laitin yun?"

"Kasi tapos naman na yung issue sa kanya, hindi na niya ulit kinakausap si Jimin."

"Ano naman sakin?" sarkastikong tanong ni Jin, "lumalakas yung mga buto-buto ko kapag nalalait ko yung babaeng yun.

Natawa nang bahagya si Yoongi sa sinabi ni Jin, "okay..."

"Seryoso ako, wala ba tayong pagkukwentuhanan? Nabobored na ako," pagmamaktol ni Jin.

"Wala akong maikwento, nasa loob lang ako ng bahay, paulit ulit lang ang nangyayari sa akin" ani Yoongi bago niya binalik ang atensyon niya sa TV.  

Nanunuod na ito ng drama sa TV, si Jin naman ay hindi niya alam ang gagawin niya, nabobored na siya talaga, mabuti na lang at tumawag si Jennie sa kanya.

"Sagutin ko lang 'to," ani Jin.

Tumango lang si Yoongi, diretso pa rin ang tingin niya sa TV habang kumakain ng prutas.

"Hello?" Panimula ni Jin habang naglalakad siya patungo sa gilid para hindi siya masyadong marinig ni Yoongi.

"Jin!" Sigaw naman agad ni Jennie.

"Mabuti napatawag ka, bored na bored na ko dito gusto ko na umuwi kaso ayaw ko namang maging rude na bigla na lang aalis habang di pa tapos magluto si Jimin..."

"Gaga umalis ka na dyan!" 

"Bakit?" 

"Papunta na rin 'di ba sana ako dyan, bibisita rin ako kaso may nakasalubong akong lalaki, tapos nagtatanong siya kung diyan pa rin daw ba nakatira si Jimin at Yoongi."

"Oh tapos?"

"Sabi ko 'opo, ano pong kailangan niyo?' edi ganyan, ganyang ganyan sinabi ko."

"Oh ano ngang sabi?"

"Sagot niya sa akin 'tatay kasi ako ni Yoongi, bibisita lang sana ako ulit sa kanila' nakangiti pa nung sinabi sa akin!"

"Edi bumisita siya, karapatan naman niya yun, tatay niya yun," sarkastikong sabi ni Jin.

"Oo nga! Pero nakalimutan mo na bang hindi pa alam ng mga magulang ni Yoongi na buntis siya?!" Nagpapanic na sigaw ni Jennie.

Hindi agad nakakibo si Jin, para bang pinapasok pa niya sa isip niya ang mga narinig niya, at nang mapagtanto niyang tama si Jennie ay agad siyang napatingin kay Jimin at kay Yoongi, nagbalik balik ang tingin niya sa dalawa, hindi niya alam kung sasabihin ba niya o hindi, sa sobrang pagpapanic niya ay wala siyang nasabihan sa dalawa dahil nagtatakbo na agad siya palabas ng bahay.

Sabay na napatingin si Yoongi at Jimin kay Jin na nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay, pagkatapos ay nagkatinginan naman agad si Yoongi at Jimin dahil naguguluhan silang pareho sa nangyari.

"Bakit umalis yun?" tanong ni Jimin.

"Hindi ko alam..." sagot naman ni Yoongi.

Pahero pa rin silang naguguluhan kaya nagkatinginan na lang silang dalawa.

"Maluluto na yung pagkain," ani Jimin.

Tumayo na si Yoongi para magtungo sa kusina, tiningnan niya ang niluluto ni Jimin, mukhang hindi niya makakain kung hindi siya buntis.

"Patikhim," sabi ni Yoongi kaya naman kumuha si Jimin ng kutsara at hinipan iyon, bago isubo kay Yoongi, nang tinikman iyon ni Yoongi ay hindi na masyadong pangit ang lasa...

Kasi lasang mineral water.

Napatango na lang si Yoongi bago niya tinulungan si Jimin, dinagdagan niya iyon ng ingredients para magkalasa man lang kahit konti.

Kaya naman nang may magdoorbell ay pareho silang napatingin sa pintuan.

"Tingnan mo yung Jin na yun, pagkatapos umalis bigla babalik agad..." sabi Jimin bago siya naglakad patungo sa pintuan para pagbuksan iton ng pinto, pero pagbukas pa lang niya ng pinto ay nawala na agad ang inis niyang ekspresyon ng mukha at napalitan iyon ng gulat.

Napansin ni Yoongi na hindi agad bumalik si Jimin.

"Jimin! Bilisan niyo dyan ni Jin at kakain na tayo!" Sigaw ni Yoongi pagkatapos niyang patayin ang kalan, inihanda na niya ang pagkain, pero tapos na niyang ilagay ang pagkain ay hindi pa rin bumabalik si Jimin kaya naman naglakad na rin siya patungo sa pinto, napahinto rin siya nang makita niya ang isang pamilyar na lalaki sa pintuan.

"P-Pa.." 

"Oh! Nak!" Mabilis na naglakad ang Papa ni Yoongi patungo sa kanya, hindi alam ni Yoongi kung papaano siya magrereact, napatingin siya sa tiyan niya, hindi masyadong halata iyon dahil naka-maluwag siyang damit.

"Bakit parang gulat na gulat kayo ng boyfriend mo nang makita niyo ko dito? Hindi ko naman kukunin si Yoori," biro pa ng Papa niya, napalunok si Yoongi sa sobrang kaba, mukhang hindi pa rin napapansin ng Papa niya ang tiyan niya.

Kahit si Jimin ay hindi alam ang gagawin, halatang hindi rin handa nang makita ang Papa ni Yoongi, nagkatinginan sila ni Yoongi na parehong hindi alam ang gagawin.

"Narinig ko na nag-aaya na kayong kumain? Sakto! Hindi pa ako kumakain..." naglakad na ang Papa ni Yoongi patungo sa kusina, nang makaalis ang Papa nito ay agad nagsenyasan si Jimin at Yoongi na parehong hindi alam ang gagawin.

"Anak!" sigaw pa nito, kaya naman napatigil si Jimin at Yoongi sa pagtalo ng walang boses.

"Gigisingin ko lang po si Yoori!" ani Yoongi bago niya pinandilatan si Jimin habang nginunguso niya ang kusina, napapikit nalang ng mariin si Jimin bago siya naglakad patungo sa kusina, si Yoongi naman ay dumiretso agad sa kwarto para gisingin si Yoongi.

Habang tumatagal ay nagiging tamad na si Yoongi, madalas na rin itong tanghaliin ng gising, kaya naman nang pagpasok ni Yoongi sa kwarto ay mabilis niyang inalis ang kumot na nakataklob dito.

"Nasa labas si Papa," bungad agad ni Yoongi kaya naman agad napadilat si Yoori at napabangon.

"Anong ginagawa ni Papa dito? Kukunin na ba ulit niya ako?!" tanong ni Yoori, halatang tutol sa ideya ng pagtangay ulit sa kanya ng Papa nila.

"Hindi ko alam..." sagot ni Yoongi bago naupo sa kama ni Yoori, "pero hindi ako papayag kapag kinuha ka niya ulit, alam kong hindi mo gusto dun sa ibang bansa, alam kong ayaw mong tumira kasama yung mama ko..."

Napaiwas naman agad ng tingin si Yoori, "at isa pa..."

Lumapit si Yoongi kay Yoori, "huwag mo munang babanggitin kay Papa na buntis ako." 

Pilit kinakasabwat ni Yoongi si Yoori, wala rin namang pake si Yoori kaya tumango na lang siya.

"Pero hindi po ba mahahalata niya rin yun? Kasi po ang laki na po ng tummy niyo," tinuro ni Yoori ang tiyan ni Yoongi.

"Alam ko, kaya paglabas natin mauna ka, takpan mo yung tiyan ko," utos ni Yoongi. "Pipilitin ko si Jimin na siya yung magsabi kay Papa, kasi hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa kanya kung papaano ako nabuntis."

Halatang nagpapanic si Yoongi kaya naman hinawakan ni Yoori ang kamay niya, "hindi magagalit si Papa, nararamdaman ko Ate Mommy..."

Dahil sa sinabi ni Yoori ay bahagyang kumalma si Yoongi, ito yung isa sa mga dahilan kung bakit gusto rin ni Yoongi si Yoori sa bahay nila, nararamdaman kasi niya na may pamilya siya tuwing malapit sa kanya si Yoori,  habang tumatagal kasi ay nararamdaman na niya ang pagiging magkapatid nilang dalawa, minsan kasi ay pakiramdam niya anak niya si Yoori at hindi kapatid.

Napabuntong hininga na lang si Yoongi bago sila dahan dahang lumabas ni Yoori sa kwarto, tinatakpan nga ni Yoori ang tiyan ni Yoongi kaya naman mas nauuna si Yoori sa paglalakad habang nakahawak si Yoongi sa balikat niya.

Naabutan ni Yoongi ang Papa niya na panay ang kwento kay Jimin na halatang kinakabahan at nilalamon ng takot, nang makita ng Papa niya si Yoori ay mabilis niya itong niyakap, napunta na ang atensyon ng Papa niya kay Yoori kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Yoongi na puntahan si Jimin.

"Papaanong gagawin natin? Papano natin sasabihin?" mahinang tanong ni Yoongi.

"Hindi ko alam, natatakot ako, papaano kung magalit rin siya?"

"Huwag ka ngang matakot! Natatakot rin ako," utas ni Yoongi.

Hindi na nagsalita si Jimin, napatingin na lang sila pareho ni Yoongi sa Papa nito na nakikipag-usap kay Yoori.

"Ikaw ang magsabi kay Papa."

"Bakit ako?!" halos mapasigaw si Jimin.

"Ikaw nakabuntis sa akin, kaya ikaw magsabi," giit nito.

"Tatay mo yun!"

Tiningnan ng masama ni Yoongi si Jimin, kaya naman napatikom na lang si Jimin ng bibig niya, ngayon ay wala na siyang choice kundi ang sabihin iyon, mas lalo tuloy siyang kinabahan, medyo takot pa naman siya sa Papa ni Yoongi.

Kaya naman nang nasa lamesa na sila at nagsisimulang kumain ay panay ang sipa ni Yoongi kay Jimin sa ilalim ng lamesa, pero hindi masyadong pinapansin ni Jimin iyon dahil hindi pa niya alam kung papaano sasabihin sa Papa ni Yoongi na nabuntis niya ang anak nito.

"Parang tumataba ka yata, nak?" 

Natigilan silang lahat, pati si Yoori ay bahagyang natigilan sa pagsimsim niya sa orange juice niya habang nagbabalik balik ang tingin niya sa Ate Mommy at Kuya Daddy niya.

"Ah, hehe..." napakamot si Yoongi sa ulo niya bago niya mas nilakasan ang pagsipa kay Jimin, sa sobrang lakas noon ay halos tumunog ang mga pinggan at kutsara't tinidor nila dahil sa pagkakagalaw ng lamesa.

Kaya naman hinawakan ni Jimin ang binti ni Yoongi sa ilalim ng lamesa para pakalmahin ito, pareho lang naman silang nagpapanic sa sitwasyon.

"Hiyang mo yata 'tong boyfriend mo kaya ka nananaba," biro ng Papa niya.

Nagkatinginan lang si Yoongi at Jimin, parehong awkward na natawa bago nagsenyasan na naman sila gamit ang ekspresyon ng mukha nila.

Si Yoori naman ay napairap nalang sa kawalan, kung hindi lang siya nangako sa Ate Mommy niya na hindi siya magsasalita tungkol sa pagbubuntis nito ay malamang kanina pa niya inunahan ang dalawa sa pagsabi sa Papa niya.

"May problema ba?" Marahang tanong ng Papa ni Yoongi nang mapansin niyang kanina pa nagtitigan ang dalawa na para bang nag-uusap gamit ang mga mata.

"W-Wala po..." sabi ni Yoongi bago nag-iwas ng tingin.

"Jimin?" Nagtaas ang kilay ng Papa ni Yoongi, alam kasi nitong hindi makakapagsinungaling si Jimin.

"U-Uhh..." napatingin si Jimin kay Yoori na sumasenyas na sa kanya na sabihin na ito sa Papa ni Yoongi.

Habang ang Papa naman ni Yoongi ay naghahantay lang sa sasabihin ni Jimin.

"U-Uh, A-Ahh— May sakit po si Yoongi!" 



"Huh?!" Halos sabay-sabay nilang sigaw.

Bukod kay Jimin na parang nanigas sa pwesto niya.

"M-May taning na po ang buhay niya!" Pagkasabi noon ni Jimin ay biglang nabulunan ang Papa ni Yoongi.

Napatayong bigla si Jimin sa sobrang gulat.

"H-Hala! Abutan mo ng tubig si Tito!" nagpapanic na sigaw ni Jimin, kaya naman mabilis na kumuha ng tubig si Yoongi at sinalinan ang baso nito, kinuha naman agad iyon ni Jimin para i-abot sa Papa ni Yoongi.

Si Yoori naman ay tahimik lang na nanunuod sa eksena habang sumisimsim pa rin ng paborito nyang orange juice na naka-straw pa.

Habang umiinom ng tubig ang Papa ni Yoongi ay madramang napabuntong hininga si Jimin.

"Jusko! Akala ko hindi niyo na maabutan yung apo niyo tito..." 

Pagkasabi ni Jimin noon ay nasamid na naman ang Papa ni Yoongi sa iniinom nitong tubig, kaya naman nagpanic na naman si Jimin bago niya tinapik tapik ang likod nito.

"A-Anong apo?!" Tanong ng Papa ni Yoongi, "t-tsaka bakit mamatay na ang anak ko?! A-Anong nangyari sa kanya?" 

Unti unting napuno ng takot ang mukha ng Papa ni Yoongi sa balitang mamatay na ang kanyang anak niya.

"It's a prank!" Awkward na sigaw ni Jimin.

Nagkatitigan silang dalawa ng Papa ni Yoongi kaya naman awkward na napakamot si Jimin sa batok niya, habang natitingin tingin siya kay Yoongi na halatang nahihiya at naguguluhan sa ginagawa ni Jimihn.

"A-Actually Tito hindi pa siya mamatay, buntis lang po siya..."

Nakahinga ng maluwag ang Papa ni Yoongi sa narinig niya, "mabuti naman akala ko mamatay na siya, mabuti naman ay b—"

Natigilan ito sa pagsasalita, pati si Yoongi at Jimin ay natigilan rin, parehong nag-aabang sa magiging reaksyon ng Papa nito, habang si Yoori naman ay umiinom pa rin ng orange juice.

Hanggang sa napatayo ang Papa ni Yoongi nang magsink in sa utak niya ang mga narinig niya.

"PAPANONG MABUBUNTIS SI YOONGI—" tinuro niya ang kanyang anak na napaayos bigla ng upo.

"EH LALAKI YAN!!!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top