83

"Jimin please lang, lumayo ka muna sa akin, gutom na gutom na ko." 

"Pero hindi pa kami nakakapag-usap ulit ni baby—"

"Sasampalin kita." Banta ni Yoongi, although alam naman ni Jimin na nagbibiro lang si Yoongi ay mabilis siyang lumayo agad, mahirap na dahil mas lalong naging mainitin ang ulo ni Yoongi simula nung nagbuntis siya.

Well, sa kanya lang naman...

Dahil literal na bumait si Yoongi sa lahat lalong lalo na kay Hoseok simula noong unti unti nang lumalaki ang tiyan niya.

Ang dahilan naman ni Jimin kung bakit ayaw niyang umalis sa pagdikit kay Yoongi ay dahil gumalaw ang bata kagabi, at hindi niya naabutan.

Sobrang disappointed ni Jimin kaya naman lagi siyang naghihintay sa tabi ni Yoongi para abangan ulit ang pagsipa ng bata. Naiinggit si Jimin sa lahat, kasi minsan nung bumisita si Jin at Jennie ay sumipa ang bata, nung bumisita rin si Hoseok ay sumipa rin yung bata, pero kapag siya na ay hindi niya laging naabutan ang pagsipa noon.

"Bilisan mo, bumangon ka na diyan." Sabi ni Yoongi kay Jimin nang bumangon na ito sa kama.

"Yes po..." Bored na sagot ni Jimin bago walang ganang bumangon sa kama, inayos niya ang kama bago niya tiningnan si Yoongi na naglalakad na patungo sa kusina.

Isa pa sa pinagbago ni Yoongi ay mas maaga na siyang nagigising kaysa kay Jimin, siguro ay dahil nasanay na lang rin si Yoongi nitong mga nakakaraan na gumising ng umaga dahil nung una pa lang ay nagigising na ito tuwing nasusuka sa umaga.

Nang maayos na ni Jimin ang kama ay lumabas na rin siya ng kwarto, agad bumungad kay Jimin ang napakaraming box sa salas, napakunot ang noo ni Jimin dahil wala naman siyang natatandaang umorder siya ng napakaraming gamit online? Napakunot pa ang noo ni Jimin anng makita niyang may mga nakikita pa siyang mga box ng mga mamahaling damit, sapatos, at relo.

"Hyung, kanino 'tong—" Diretso na rin sana siya agad sa kusina para tanungin si Yoongi nang makita niyang may katawagan ito sa phone, napakunot naman agad ang noo ni Jimin.

Sino namang katawagan niya ng gantong oras?

Nag-pop up agad sa utak ni Jimin si Hoseok kaya naman pasimpleng naglakad si Jimin patungo sa ref para magkunwareng kukuha ng tubig kahit ang totoo niyan ay nang-iispiya lang siya sa katawagan ni Yoongi, mas lalong nagduda si Jimin nang makita niyang bahagyang tumitingin sa kanya si Yoongi at lumayo sa kanya na para bang tinatago kung sino ang kausap niya.

"Yes po, yes po, nahihiya na nga po ako sa inyo eh..." Rinig ni Jimin na sinasabi ni Yoongi pero hindi niya naririnig ang sinasabi ng kausap nito.

"Opo, okay naman po ako tsaka si baby, healthy na healthy rin po siya, sumisipa na nga po eh." Masayang kwento ni Yoongi kaya naman mas lalong natigilan si Jimin, tiningnan niya na ng diretso si Yoongi, hindi kasi ganyan kasaya si Yoongi kapag nagkukwento sa kanya.

"Uhmm, gusto po sana naming maging surpise yung gender ni baby kaya hindi pa po namin inaalam, ahh? Opo! Opo hehe..."

Mas lalong napakunot ang noo ni Jimin sa sinabi ni Yoongi, kasi ang totoo niyan ay matagal ng gustong malaman ni Jimin ang gender ng baby pero ayaw lang ni Yoongi kasi tinatamad pa daw siya umalis, tsaka hindi naman daw mahalaga kung anong gender ni baby kasi kahit anong gender daw noon ay anak pa rin naman daw nila yun.

Mukhang napansin rin ni Yoongi na nakatingin na sa kanya ng direkta si Jimin kaya naman binalikan lang siya ng tingin ni Yoongi na para bang wala na sa kanya kung marinig man ni Jimin ang pinag-uusapan nila.

"Yes mom, sasabihin ko po kay Jimin na kausapin na kayo." Sinasadya pa talaga ni Yoongi na lakasan na ang boses niya.

"M-Mom?" Nagtatakang tanong ni Jimin, "WHAT?!" 

Nagmamadaling naglakad si Jimin papalapit kay Yoongi pero mabilis namang naglakad papalayo si Yoongi, "Opo, opo! Salamat po ulit Mommy... Ingat rin po kayo... Bye po..." Nang mapatay na ni Yoongi ang tawag ay mabilis niyang hinarap si Jimin na nag-aalburoto.

"Si Mommy ba 'yung kausap mo?!" Parang batang tanong ni Jimin.

"Oo, anong problema mo?" 

"Bakit kayo magkausap? Kailan pa kayo nagsimulang mag-usap? Bakit hindi ko alam? Hindi ko nga siya kinakausap kasi ayokong ginaganyan kayo ng mga magulang ko, alam mo namang importante kayo sa akin ng magiging anak ko, tapos ikaw 'tong kumakausap pa kay mommy—"

"Shh!" Mabilis na isinarado ni Jimin ang labi ni Yoongi, kurot kurot niya iyon para hindi na matuloy ni Jimin ang sasabihin pa niya, "makinig ka muna sa akin okay?" 

Umilis si Jimin kaya naman mas diniinan ni Yoongi ang pagkakasarado ng labi nito.

"First of all, hindi sila galit sa akin at sa magiging anak natin, to be honest nararamdaman kong gusto talaga nila ng apo, kaya gusto nila ako at yung anak ko," paliwanag ni Yoongi, "Pangalawa nag-sorry na sila sa akin, at gusto ka nilang makausap para sana humingi ng tawad rin sa'yo pero blinock mo sila sa lahat ng social media account mo pati mga number nila," napansin ni Yoongi na medyo kumakalma na si Jimin.

"Pangatlo, kagaya ng sinasabi ko sa'yo hindi natin mapiplease ang lahat ng tao at hindi lahat ng tao maiintindihan tayo, kung hindi nila tayo maintindihan kapag sinasabi natin na pareho tayong lalaki then sige! Okay! Edi huwag nila tayong intindihin, hindi natin problema yun, pero kung gusto nila yung anak ko, edi sige! Apo nila yun, sa tingin mo ba ayaw ng anak natin na magkaroon ng lolo at lola na mayaman? At kung gusto lang nila ako kapag babae ako edi putangina, sige na lang rin para sa anak ko."

Hiindi kumibo si Jimin kaya naman tinitigan siya ni Yoongi, "naiintindihan mo ba ko?"

Tumango si Jimin kaya naman inalis na ni Yoongi ang pagkakapiga niya sa labi ni Jimin.

"Pero hyung hindi pa rin kasi tama na—"

Piniga ulit ni Yoongi ang labi ni Jimin, "Maniwala ka sa akin Jimin, anak ako sa labas, alam ko ang pakiramdam na ayaw sa'yo ng pamilya ng tatay mo, ayokong maranasan ng anak ko yun, kung kailangan kong lunukin yung pride ko gagawin ko." 

Kitang kita ni Yoongi kung papano kumalma si Jimin, para bang tinanggap na niya agad ang sinabi nito, kaya naman binitawan na ni Yoongi ng tuluyan ang labi ni Jimin.

"I'm sorry..." Malungkot na sabi ni Jimin pagkatapos bitawan ni Yoongi ang labi niya.

Magsasalita na sana si Yoongi nang biglang yumuko si Jimin para itapat ang mukha niya sa tiyan ni Yoongi, "I'm sorry rin baby, kasi nararanasan niyo 'to, promise ko sa inyong dalawa..." tumingin si Jimin kay Yoongi bago niya binalik ulit ang tingin siya tiyan niya, "gagawin ko lahat para maging the best daddy..."

"Mamahalin ko kayong dalawa, kasama si Tita-Ate mo, aalagaan ko kayong lahat, at ipaparamdam ko sa inyo araw-araw na mahal na mahal ko kayo..."

Nakatingin lang sa kanya si Yoongi habang hinahantay na matapos ang drama niya.

"Kaya ikaw baby, behave ka lang diyan ha? Huwag mo masyadong pahirapan si Mommy—" natigilan si Jimin sa sinabi niya, dahan-dahan siyang napatingin kay Yoongi at nang makita niyang nakatingin ito ng diretso sa kanya ay mabilis niyang binalik ang tingin sa tiyan ni Yoongi.

"I-I mean..." bahagyang napaubo si Jimin, "si D-Daddy..." 

Napabuntong hininga na lang si Yoongi, "sabi ko sa'yo Jimin wala akong pakealam kung anong itawag niya sa akin."

Napangiti na lang ng awkward si Jimin bago niya marahang hinalikan ang tiyan ni Yoongi, "love na love ko kayo pareho..."

Nanatili sa ganung pwesto si Jimin hanggang sa matigilan ito, napakunot ang noo ni Yoongi nang makita niyang nanlaki ang mata ni Jimin.

"G-Gumalaw siya, g-gumalaw si baby..." Hindi makapaniwalang sabi ni Jimin, hindi tuloy alam ni Yoongi kung anong irereact niya dahil ilang beses na rin niyang naramdaman na gumalaw yung anak nila.

Halatang gulat na gulat si Jimin, pero mabilis rin niyang binalik yung kamay niya sa tiyan ni Yoongi ay idinikit niya ang tenga niya dito, "love mo rin ba kami baby?" tanong ni Jimin kaya naman, nagulat ulit si Jimin nang gumalaw ulit ito.

"H-Hyung!" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Jimin nang tumayo siya para harapin si Yoongi, "g-gumalaw ulit siya hyung, l-love niya rin daw tayo..." 

Napabuntong hininga na lang si Yoongi dahil sa sobrang pagka-excite ni Jimin pero napakunot bigla ang noo ni Yoongi nang makita niyang may namumuong luha sa mata ni Jimin.

"T-Teka umiiyak ka ba?!" Tanong ni Yoongi.

Mas lalo tuloy lumakas ang pag-iyak ni Jimin nang tinanong siya ni Yoongi, hindi alam ni Yoongi ang gagawin niya dahil hindi naman siya naiyak nung gumalaw yung baby sa tiyan niya, oo natuwa rin siya ng sobra pero hindi naman siya naiyak.

"Hyung!" Naiiyak na sabi ni Jimin habang pilit niyang pinupunasan ang luha sa mata niya, pero ayaw talagang tumigil ng luha niya.

"Baket?" Bored na tanong ni Yoongi.

Bigla na lang siyang niyakap ni Jimin kaya naman nagulat na naman si Yoongi, hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman sa ginagawa ni Jimin, "Thank you!"

Naguluhan naman si Yoongi, "Thank you saan?" 

Bumitaw si Jimin sa yakap nila para hawakan siya sa pisngi, sa isang iglap lang ay naramdaman na niya ang labi ni Jimin sa labi niya, masyadong mabilis yung pangyayari kaya naman hindi agad nakagalaw si Yoongi, hindi rin niya alam kung papaano siya magrereact kaya naman awkward lang siyang nakatayo sa pwesto niya samantalang si Jimin ay nakapikit habang magkadikit ang labi nilang dalawa.

Nang bumitaw ng halik si Jimin ay nagkatinginan agad sila ni Yoongi, wala pa rin siyang reaction bukod sa bahagyang nanlaki ang mata niya dahil sa biglang paghalik ni Jimin, habang ngiting ngiti naman si Jimin sa kanya.

"Jimin—"

Niyakap ulit siya ni Jimin kaya nakalimutan na naman ni Yoongi ang sasabihin niya, "thank you kasi dinadala mo yung anak natin, thank you rin kasi dahil sa'yo nagkababy tayo, thank you rin kasi inaalagan mo si baby ng sobra, t-tsaka hindi mo pinabayaan yung sarili mo, hindi mo rin pinapabayaan si baby..."

"Masyado mo namang binibigay sa akin lahat ng credits." 

Umiling si Jimin habang magkayakap sila, "hindi hyung, tama lang yung sinasabi ko kasi ikaw yung nagdadala sa kanya."

"Oh sige palit tayo, ikaw magbuntis, sa tingin mo hindi mo rin gagawin mga ginagawa ko?" sarkastikong tanong ni Yoongi, "tinutulungan mo ko Jimin sa pagbubuntis ko, inaalagaan mo rin ako tsaka si baby, tsaka tangina sa tingin mo ba mabubuntis ako ng ako lang mag-isa? Huwag mo nga masyadong ina-underestimate pagiging tatay mo."

Mukhang mali yata si Yoongi ng nasabi kasi mas lalo lang lumakas pag-iyak ni Jimin, 

"H-Hyung?" Ani Jimin kahit panay hikbi niya.

"Oh?" Tanong ni Yoongi, hindi pa rin nababago pwesto niya simula kanina.

Hindi agad nakasagot si Jimin kaya naman mas lalong tumatagal ang pwesto nila, hindi nagsalita si Yoongi kasi hinihintay niya lang magsalita si Jimin.

"Mahal kita," bahagyang huminto si Jimin, "sobra."

Hindi ineexpect ni Yoongi ang sinabi ni Jimin.

Madalas naman sabihin sa kanya ni Jimin yun pero minsan talaga ay nabibigla pa rin siya.

"Ikaw, si baby, tsaka si Yoori, mahal ko kayo, sobra..." Sabi ni Jimin kahit patuloy pa rin siya sa paghikbi niya.

Alam ni Yoongi na nangingiti siya pero pinipigilan niya ang sarili niya na ngumiti, kaya mas lalo tuloy na mumula ang pisngi niya.

Alam rin naman ni Jimin sa sarili niya na hindi sasagot si Yoongi kaya naman sinulit na lang niya yung pagkakataon na yakapin ng mas matagal si Yoongi, pero biglang napunta ang atensyon niya sa mga nagkalat na box.

"Pero teka, kanino ba yung mga box na yun?" Tanong ni Jimin bago siya humiwalay ng yakap, napatingin rin naman si Yoongi sa box sa tinutukoy ni Jimin.

"Ahh, sa akin yun." Sagot ni Yoongi.

"Sa'yo?" Gulat na tanong ni Jimin, "saan galing 'yan?"

Dahan dahang napangiti si Yoongi bago niya inilabas ang isang kulay itim na card sa bulsa niya, dahan dahan namang nawala ang ngiti sa labi ni Jimin nang makita niya ang isang pamilyar na card.

"Hyung..." napabalik ang tingin ni Jimin kay Yoongi, "h-huwag mong sabihin na galing kila mommy 'yang card na 'yan..." 

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Yoongi bago niya kinindatan si Jimin, mas lalo namang nawala ang ngiti sa labi ni Jimin nang marealize niyang tama ang nasa isip niya.

"Hyung!" Parang batang sigaw ni Jimin, pumadyak pa talaga siya.

Naglakad naman agad si Yoongi patungo sa salas habang may nakakalokong ngiti sa labi niya, "Huwag mong kalimutang tawagan sila mommy!" Sigaw pa nito.

"Yoongi-hyung!!!" Mas malakas na sigaw ni Jimin.

"Love you too!" Pabirong sabi ni Yoongi bago nagsimulang buksan ang mga box.

"Aish!" Napapadyak na lang talaga si Jimin dahil alam niyang hindi na siya makakapagmaktol pa dahil sa sinabi ni Yoongi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top