82

Nagsi-uwian na ang mga tao sa kanilang bahay nang malaman nilang mga magulang ni Jimin iyon, bakas na bakas ang panghihinayang nilang lahat sa party, si Jin naman ay madramang nagsindi ng kandila at nagdasal doon para sa kaluluwa ni Jimin kahit hindi pa naman ito patay.

Pero patay na siya sa mga magulang niya later pagkauwi nilang lahat.

At nang makauwi na nga ang lahat ay naiwan na lang si Yoongi at Jimin, si Yoongi ay walang bakas ng kahit anong takot o pag-aalala ang kanyang mukha, wala lang talaga siyang pake kahit malaman ng mga magulang ni Jimin na buntis siya at ang anak nila ang ama.

Itakwil man sila o hindi, wala talaga siyang pakialam.

"Ano yung nakita namin?" Panimula ng mommy ni Jimin nang makalabas na ang huling tao, si Jungkook yun na nakitae muna sa kanila.

"Party?" Nag-aalangang sagot ni Jimin.

"Alam naming party yun pero yung gumagawa kayo ng malalaswang bagay sa harap ng mga tao?! Ano na lang ang iisipin ng mga kamag-anak natin kapag nakita ka nilang ganun ha? Masisira ang pangalan natin." Giit ng Daddy ni Jimin.

Si Yoongi naman ay kalmado lang na nakaupo sa sofa habang umiinom ng gatas at nakikinig sa usapan ng pamilya.

"Ganyan ba ang itinuro namin sa'yo Park Jimin?! Naalala mo si Kevin nung—"

"Please ma, wag mo ng idamay si Kevin dito, wala siyang kinalaman dito, nanahimik yung tao kasama yung boyfriend niya oh." Pagtatanggol ni Jimin sa pinsan niya.

"Wag mo ngang pagsamahin ang pangalan ni Kevin at nung boyfriend niya." Galit na sabi ng daddy ni Jimin, habang si Yoongi naman ay nag-iisip kung nabanggit ba ni Jimin ang pangalan ng boyfriend nung Kevin.

"Care to explain Jimin?" Tanong ng mommy ni Jimin kaya naman kinakabahang napatingin si Jimin kay Yoongi, habang si Yoongi naman ay tahimik na tinitingnan ang kanyang kuko kung mahaba na ba yun at dapat na ba niya yung putulin.

"Ahh dapat ko na nga 'tong putulin." Bulong ni Yoongi sa sarili niya habang patuloy lang si Jimin at ang mga magulang niya sa pagtatalo.

"Mom! Matanda na ako, alam ko na yung mga ginagawa ko, and for sure naman hindi malalaman 'to ng mga kamag-anak natin kaya wala kayong dapat ipangamba, okay? hindi masisira yung image nyo." Giit ni Jimin.

"Aba't bastos kang bata ka ah!" Napahawak ang tatay niya sa puso, "wala ka ng galang!" Sigaw pa nito bago siya inalalayan ng mommy niya.

Pasimpleng kinakapa ni Yoongi sa kalagitnaan ng sigawan ang nail cutter na nakasingit lang sa sofa, alam niya kasi dun niya lang nalagay yun nung nakaraan eh.

"Dinedepensahan ko lang naman yung sarili ko, hindi niyo naman ikasisira yung maliit na kasiyahan." Dagdag pa niya Jimin.

"Jimin tumahimik ka na! Nagiging katulad ka na ng pinsan mong si Kevin—"

"Please lang! Wag na kayong mandamay ng ibang tao dito! Nanahimik yung tao." Iritang iritang sabi ni Jimin.

Napa-angat ang tingin ni Yoongi sa pamilya habang nagpuputol siya ng kuko pero ilang saglit lang ay binalik niya rin agad ang atensyon niya sa ginagawa niya, ayaw naman niya syempre na masugatan ang sarili niya.

"Hindi na ako magtataka kapag isang araw nabalitaan ko na katulad ka na rin niya!" Sigaw pa ng Daddy niya.

"Hon!" Pagpigil ng mommy ni Jimin sa kanyang asawa.

Biglang natigilan si Jimin sa sinabi ng kanyang ama, pati si Yoongi ay napatigil sa pagpuputol niya ng kuko, tiningnan niya ang tatay ni Jimin na para bang jinajudge na niya ito sa kanyang isip.

Hanggang sa napayukom si Jimin ng kanyang kamao, biglang napataas tuloy ang kilay ni Yoongi dahil akala niya ay sasapakin ni Jimin ang tatay niya, yun pala ay humuhugot lang ito ng lakas ng loob para sabihin ang isang bagay na kahit si Yoongi ay ngayon pa lang rin maririnig.

"Yes, I'm in love with Yoongi and he's a guy." Mariin na sabi ni Jimin na naging dahilan kung bakit natahimik ang kanyang mga magulang.

"But so what?" Dagdag pa ni Jimin, "kahit ano pa siya, kahit ano pang gender niya kung siya ang mahal ko wala na kayong magagawa."

"Jimin tumigil ka!" Sigaw ng daddy ni Jimin.

"Hindi mo alam 'yang sinasabi mo anak—"

"Shh!" Pagpapatahimik ni Yoongi sa mga magulang ni Jimin, hindi naman sa binabastos niya, gusto niya lang talagang marinig ang mga sinasabi ni Jimin kaya lang panay ang pagputol ng mga magulang nito.

Kaya naman sabay na napatingin ang mga magulang ni Jimin kay Yoongi.

"P-Paano naman siya! A-Akala ko ba siya yung gusto mo." Tinuro nila si Yoongi.

"Yeah." Bored sagot ni Yoongi bago siya kalmadong tumayo para mag-inat ng kanyang katawan.

Naghikab muna si Yoongi bago niya hinarap ulit ang mga magulang ni Jimin, "I'm Yoongi." Dagdag pa nito dahil baka nalilito na sila ngayon.

"What? I thought you're Yoonji and you're a girl." Giit ng mommy ni Jimin.

"I'm me." Ani Yoongi.

"So you're a transgender?" Hindi makapaniwalang tanong ng Daddy ni Jimin.

"Yes? Maybe? I don't know, parang ganun siguro." Hindi rin sigurado si Yoongi sa sariling sagot niya.

"Oh my gahd." Napahawak ang tatay ni Jimin sa pader habang nakahawak ang kabilang kamay sa kanyang puso na para bang aatakihin na ito, kaya naman mabilis siyang dinaluhan ng kanyang asawa para pakalmahin.

"Hindi naman nakakamatay ang pagiging homophobic di ba?" Bulong ni Yoongi kay Jimin, kaya naman bahagyang nawala ang inis sa mukha ni Jimin at napalitan iyon ng kaunting ngiti.

Ngingiti na rin sana si Yoongi kay Jimin pero bigla siyang may naalala, kaya napunta ang ngiti niya sa iba nang matuon ang atensyon niya malapit sa isang drawer, kaya naman masaya siyang naglakad patungo doon, nagha-hum pa siya ng isang kantang pambata habang patungo siya sa kukunin niya.

Nang makuha na niya iyon ay excited niyang hinarap ang mga magulang ni Jimin na galit na galit pa rin sa kanilang anak.

"And by the way!" Biglang sabi ni Yoongi dahilan kung bakit napahawak sa kaniya ang mga magulang ni Jimin, bukod kay Jimin na kanina pa siya sinusundan ng tingin, "bago ho kayo tuluyang mag-walk out may isa pa akong sasabihin sa inyo."

Masayang naglakad si Yoongi patungo sa mga magulang ni Jimin para i-abot sa kanila ang envelope.

Kahit kanina ay hirap nang huminga ang tatay ni Jimin ay bigla na lang itong nakabalik sa huwisyo para abutin ang envelope kay Yoongi, ngiting ngiti si Yoongi habang hinahantay niya ang mga magulang ni Jimin na buksan iyon.

At nang mailabas nila iyon ay sabay na napakunot ang mga noo nito.

"Ano 'to?!" Sigaw ng mommy ni Jimin.

"Buntis ako." Nakangiting sabi ni Yoongi, pare-parehong napatingin sa kaniya ang lahat pati si Jimin na hindi malaman kung anong gustong gawin ni Yoongi.

"Papaanong nangyari yun?!" Hindi makapaniwalang tanong ng daddy ni Jimin.

"Well, simple lang naman ho, nag-sex kami ng anak niyo—"

"I mean papaanong nangyari nabuntis ka?"

"Yun nga ho nagsex nga kami," mapagpanggap na inosenteng sabi ni Yoongi na para bang hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng mga magulang ni Jimin, "bakit may iba pa ho bang paraan para makabuo ng bata?" Nagtatakang tanong ni Yoongi.

Parehong nakanganga sa kaniya ang mga magulang ni Jimin na para bang hindi pa rin nagsisink in sa mga utak nila ang mga nangyayari.

Well alam naman ni Yoongi na hindi iyon mag-sisink in talaga sa utak ng mga magulang ni Jimin.

"Ang ibig kong sabihin ay papaano ka mabubuntis kung..." Tiningnan ng Daddy ni Jimin si Yoongi mula ulo hanggang paa, pasimpleng hinawakan ni Yoongi ang tiyan niya na may kaunting bakas na ng bata, kaya naman nang mapatitig sila doon ay napahawak nalang sila sa sintido nila habang pilit na pinapasok sa isip nila ang mga nangyayari.

"Buntis ako." Pag-uulit ni Yoongi ng nakangiti pa rin kahit may diin na ang bawat pagbigkas niya ng mga salita.

Napabuga ng hangin ang daddy ni Jimin, "s-so magiging lolo na ako?" Naguguluhang tanong nito.

Tumango naman si Yoongi, "yun ay kung gugustuhin nyo lang ho maging lolo, it's your choice naman ho, hindi namin kayo pipilitin na tanggapin yung bata or kahit ang relasyon namin ni Jimin, ang sa akin lang naman ho eh kaya naman naming buhayin 'tong bata kahit walang tulong niyo, maghihinto 'yang si Jimin sa pag-aaral at magtatrabaho para sa pamilya namin, tapos pagkapanganak ko tutulungan ko na rin ho siya sa pagtatrabaho para mapag-aral naman namin 'tong apo niyo."

Nakatitig lang si Jimin kay Yoongi, hindi rin niya kasi inexpect na ganun na kalayo ang napuntahan ng imagination ni Yoongi.

"Wait, wait, wait! So totoo ngang buntis ka?" Tanong pa ulit ng mommy ni Jimin kaya halos mapairap na si Yoongi sa kawalan pero pinipigilan lang talaga niya ng sobra ang sarili niya na umikot iyon dahil magulang pa rin naman yun ni Jimin.

"Kung ayaw niyo hong maniwala pwede niyong tawagan yung doctor ko." Paglilinaw ni Yoongi, inabot na rin niya ang number ng doctor niya bago siya muling naupo sa sofa para uminom ng gatas na nakalagay sa wine glass.

Napatitig lang doon yung mga magulang ni Jimin na para bang hindi pa rin talaga nagsisink in sa mga utak nila.

"Magiging lolo na ako..." hindi makapaniwalang sabi ng daddy ni Jimin, "magkakaapo na tayo!" Halos magtatalon sa tuwa ito.

Halata ang excitement sa mukha nila kaya maman naramdaman ni Jimin na parang mali iyon.

"Yoongs, pakiramdam ko hindi tama na sinabi mo sa kanila, makakalimutan na naman nila panigurado yung tungkol sa atin at mas magpo-focus sila sa anak natin, hindi nila tayo tanggap, iisipin na naman nila na—"

"Jimin, shh!" Pagputol ni Yoongi.

"Deserve nila na malaman na magkakaapo na sila." Paliwanag niya, "pero hindi mo deserve na ipilit ang sarili mo sa kanila, hindi mo kailangan i-explain ang sarili mo, hindi mo kailangan ipaintindi sa kanila na intindihin ka nila."

"Kapag alam mo nang hindi ka nila kayang intindihin, sila na lang ang intindihin mo." Dagdag pa niya.

Napabuntong hininga na lang si Jimin, bahagya siyang tinapik ni Yoongi bago ito lumapit sa mga magulang ni Jimin para chikahin ang mga ito, hindi naman sa pagiging plastic pero alam rin kasi ni Yoongi na gusto ng mga ito ng apo.

Give and take lang, bibigyan sila ng apo ni Yoongi as long as bibigyan rin sila nito ng pera, simple lang, masaya pa lahat.

Napatigil si Jimin nang mapansin niyang bumukas ang pinto sa kwarto ni Yoori, lumabas ito na sa kwarto na gulo-gulo ang buhok at nagkukusot pa ng mata, halatang bagong gising siya.

"Kuya Daddy..." mahinang sabi nito.

"Oh, nagising na pala baby namin~" ani Jimin bago niya sinalubong si Yoori para buhatin ito, "nakatulog ka ba ng ayos?"

Bahagyang tumango si Yoori habang naghihikab pa rin.

Hanggang sa matigilan si Jimin nang marealize niyang nakatingin pala sa kanya ang mga magulang niya. Medyo nahiya tuloy siya, pero slight lang syempre.

"Sama ko sa ate mommy!" Ani Yoori habang pilit na inaabot si Yoongi.

"Hindi pwede baby Yoori, nabuhat ka na niya kanina, big girl ka na, di ka na pwede baka mapahamak si baby." Paliwanag ni jimin.

"Ayaw ko mapahamak si baby." Sagot ni Yoori, hanggang sa mapansin niya ang mga magulang kong nanunuod sa kanilang dalawa.

"Sino sila?" Naguguluhan na tanong ni Yoori nang ituro niya ang mga ito.

"Mom and dad ko." Sagot ni Jimin.

"Lolo't lola ko?" Inosenteng tanong ni Yoori, umiling ng bahagya si Jimin.

"Who's that?" Tanong ng mommy ni Jimin, halatang nacucurious dahil sigurado siyang narinig niya itong tinawag si Jimin kanina na daddy.

"Kapatid ko ho." Sagot ni Yoongi.

"Dito siya nakatira kasi inuwi ulit siya ni Jimin, nasa ibang bansa na siya kasama nila mommy, kaya sa amin siya ngayon." Paliwanag nito.

"Hello po!" Masayang bati ni Yoori sa kanila.

Binaba ni Jimin si Yoori para makausap nito ang mga magulang niya, lumapit si Yoori at nagsimula agad magkwento sa mga magulang ni Jimin tungkol sa kung papaano siya alagaan ni Yoongi at Jimin at kung gaano siya kamahal ng dalawa.

Bakas sa mukha ng mga magulang ni Jimin ang tuwa habang pinagmamasdan si Yoori na sobrang excited habang kinukwento na yung nangyari nung new year.

Hanggang sa naramdaman ni Jimin si Yoongi sa kanyang likuran, "gusto talaga nila ng apo..."

Napatingin si Yoongi sa likuran ni Jimin dahil sa biglaang pagsabi ni Jimin, "obvious naman yun, kaya nga ganun mo rin sila kagustong bigyan ng apo di ba?"

Bahagyang tumango si Jimin, "kaya nga ang dami kong nagawang maling desisyon."

"True." Pagsang ayon ni Yoongi habang pinagmamasdan rin niya si Yoori na ngayon ay nakakandong na sa mommy ni Jimin.

Halatang kumalma na rin ang mga magulang ni Jimin ngayon, maaaring iniisip nila ngayon na sinabi lang ni Jimin ang mga sinabi niya kanina para tumigil sila sa pagbanggit kay Kevin.

Dahil iniisip nila ngayon na babae talaga si Yoongi at magkakaapo na sila. Iyon na lang ang iniisip ng mga magulang niya dahil iyon ang gusto nilang mangyari. Sa tingin naman kasi ni Yoongi ay kahit anong gawin nilang paliwanag ay hindi sila maiintindihan ng mga ito kaya't hinayaan na lang niya na paniwalaan ng mga ito ang gusto nilang paniwalaan.

Naagaw ang atensyon ni Yoongi ng bahagyang umubo si Jimin, mukhang sinasadya iyon ni Jimin para mawala siya sa pagkatulala.

"Alam mo kung bakit gustong gusto kitang manatili sa pagiging babae dati?" Tanong ni Jimin pero hindi sumagot si Yoongi, "kasi hindi kita matanggap..."

Napataas ang kilay ni Yoongi sa sinabi ni Jimin pero mas pinili niyang hintayin na magsalita ulit ito dahil alam naman niyang hindi lang iyon ang sasabihin nito.

"Hindi ko matanggap na lalaki ka at ikaw ang gusto ko..."

Bahagyang natawa si Jimin habang pinagmamasdan niya pa rin si Yoori.

"Pero akala ko lang pala yun." Ngayon ay tumingin na si Jimin kay Yoongi, "akala lang na hindi kita matanggap..."

Nginitian niya si Yoongi, "dahil ang totoo niyan, yung sarili ko ang hindi ko matanggap."

Napabuntong hininga si Jimin bago niya muling tiningnan si Yoongi pero wala pa rin reaksyon si Yoongi.

"Hindi ko magawang baguhin yung sarili ko, kaya ikaw yung pilit kong binabago." Napakagat si Jimin sa labi niya dahil hindi na niya alam kung ano pang sasabihin niya, pero naramdaman niyang hinawakan ni Yoongi ang kamay niya.

"Don't worry..." Sabi ni Yoongi bago niya pinisil ang kamay ni Jimin ng isang beses, "hindi naman effective." Pabirong dagdag nito.

Natawa ng mahina si Jimin, "oo nga eh, imbes na mabago kita, ako yung nagbago mo," bahagyang lumapit sa kanya si Jimin para tapikin ang tungki ng ilong niya.

Mabilis naman iyong hinawi ni Yoongi sabay sabing, "so dapat pala things you need to do when you're a boy and you're in love with your bro?"

"tumigil ka nga, kailan ka pa natuto ng mga ganyan?" Natatawang tanong ni Jimin pero nginisihan lang siya ni Yoongi.

"Pero tama ka naman dun eh..." Ani Jimin bago niya inilapit ng bahagya ang mukha niya kay Yoongi.

"I'm in love with you." Bulong nito.

Saglit silang nagkatitigan, pareho silang hindi kumikibo hanggang sa napangiwi si Yoongi.

"Eww." Ani Yoongi bago ito nag-walk out.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top