81
"Papatayin talaga ako ni Yoongi kapag di ako nakauwi agad."
Nagmamadaling binuksan ni Jimin ang bahay nila. Mabuti na lang ay malapit na siya nang magchat sa kanya si Yoongi, pagpasok ni Jimin ay nagmadali agad siya sa tumakbo patungo sa kwarto ni Yoongi, pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang mahimbing itong natutulog kaya naman nakahinga na ng maluwag si Jimin.
Mabuti naman at nakatulog ito, kahit papaano ay mababawasan ang galit nito sa kanya paggising nito.
Akmang lalabas na si Jimin nang kwarto nang bigla siyang nakarinig nang pag-ubo, nakahawak na si Jimin sa doorknob pero hindi niya iyon magawang buksan dahil naestatwa siya sa kinatatayuan niya.
Napalunok siya bago siya dahan-dahang napalingon kay Yoongi.
Halos tumigil ang tibok ng puso niya nang makita niya si Yoongi na gising na, mukhang nagising pa yata niya.
Kaya naman alam na ni Jimin na mas dumoble na ang galit nito sa kanya, kung nagalit ito na nawala siya nung magising ito kanina, mas lalong matindi ang galit nito ngayon dahil nagising pa niya sa pagkakatulog.
"I-uhm, h-hi baby." Awkward na bati ni Jimin bago siya umayos ng pagkakatayo nang makita niyang wala man lang reaction si Yoongi.
Nakatingin lang ito sa kanya nang malamig, kaya naman hirap na hirap siyang napalunok na para bang may malaking bato na nakabara sa lalamunan niya ngayon.
"I-Ilalagay ko lang sa k-kusina yung b-binili kong mga p-pagkain para sa'yo." Awkward na sabi ni Jimin bago siya mabilis na lumabas sa kwarto at naglakad patungo sa kusina, pagdating niya sa kusina ay mabilis niya itong binagsak sa lamesa bago siya napasabunot sa buhok niya.
Napagalit na naman niya si Yoongi, ano nang gagawin niya?!
Panay ang lakad ni Jimin, pabalik balik lang siya dahil nagpapanic na siya at wala siyang maisip na paraan para pagaanin ang loob ni Yoongi.
"Anong ginagawa mo?"
Napatigil si Jimin sa paglalakad at napalingon kay Yoongi na mukhang hindi naman nagagalit pero mas lalo lang kinabahan si Jimin dahil hindi naman niya nahuhulaan kung kaylan nasa punto na si Yoongi na malapit na siyang patayin nito at kung normal lang ba talaga ang ekspresyon ng mukha niya.
"I-I uh-- I-I... uhm, ipagluluto sana k-kita ng pagkain--"
Hindi natuloy ni Jimin ang sasabihin niya nang maramdaman niyang niyakap siya ni Yoongi, pero hindi pa rin nawala ang takot sa kanya dahil iniisip niya na baka may kutsilyo pa lang hawak si Yoongi sa likod niya at sasaksakin na pala siya nito.
"Nakakainis ka..." Mahinang sabi ni Yoongi pero hindi nakasagot si Jimin dahil kinakabahan pa rin siya, kaya naman napahiwalay muna ulit sa yakap si Yoongi bago niya tinignan si Jimin na mukhang natatae.
"Okay ka lang?" Tanong ni Yoongi bago niya hinawakan ang mukha ni Jimin gamit ang dalawang kamay niya para salatin ang temperatura nito, nagtataka si Yoongi.
Habang si Jimin naman ay nakahinga na ng maluwag nang makita niyang walang hawak na kahit ano si Yoongi kaya naman mabilis niya itong niyakap pabalik.
"Akala ko papatayin mo na ko." Halos nanghihinang sabi ni Jimin.
"Baliw, syempre hindi kita papatayin edi mawalan ng ama yung anak ko." Kalmadong sabi ni Yoongi, napataas saglit ng kilay si Jimin, edi kung hindi pala sila magkakaanak ay baka napatay na talaga siya nito.
"Binibiro lang kita..." Anito bago hinawakan ang kamay niya kaya nanlaki ang mata ni Jimin.
Pakiramdam niya ay may kaylangan sa kanya si Yoongi dahil biglang bait ito sa kanya, kaya naman pinanliit niya ito nang mata, nang mapansin ni Yoongi na pinanliliitan siya ng mata ni Jimin ay agad niya itong hinampas sa braso.
"Bakit mo ko pinanlilitan ng mata?!" Galit na galit na sigaw ni Yoongi.
"Hindi kita pinanliliitan ng mata! Maliit talaga mata ko!" Pagdadahilan pa ni Jimin.
Kaya naman pinanliitan siya ni Yoongi na para bang nagdududa sa sinasabi niya, napahimas na lang siya sa braso niya habang iniisip kung bakit si Yoongi pwede siyang panliitan ng mata pero kapag siya hindi niya ito pwedeng panliitan ng mata.
Ang unfair.
"Anong sinabi mo?" Inis na tanong ni Yoongi.
"Wala akong sinasabi." Giit ni Jimin, ngayon ay napaisip tuloy siya kung nasabi ba niya yun ng malakas o sa isip lang niya.
"May sinabi ka eh, narinig ko." Giit rin ni Yoongi.
"Wala nga akong sinasabi, promise." Ani Jimin bago niya hawakan sa baywang si Yoongi para pakalmahin 'to, "promise wala akong sinasabi..." Paguulit pa niya dahil sure niyang sa isip niya lang nasabi yun.
Hinalikan niya sa noo si Yoongi na medyo kumalma na, naramdaman niyang niyakap siya ulit nito pabalik kaya naman bahagya siyang napangiti.
Nang mag-angat ulit ng tingin sa kanya si Yoongi ay nagkatitigan sila hanggang sa unti unting bumaba ang tingin ni Yoongi sa labi niya, napakunot si Jimin nang mapansin niyang titig na titig si Yoongi sa labi niya, hanggang sa naramdaman niyang kinagat ni Yoongi iyon.
"Ouch!" Malakas na sigaw ni Jimin, napahawak pa siya sa labi niya dahil naramdaman niyang dumugo iyon.
Napangisi lang si Yoongi kahit tumutulo yung dugo sa labi ni Jimin.
"Yoongi!" Sigaw ni Jimin dahil sa sobrang gulat niya.
"Sinisigawan mo ba ko?" Tanong ni Yoongi, magsasalita na sana si Jimin pero natigilan na naman siya nang makita niyang nangingilid ang luha ni Yoongi.
Napabunga na lang si Jimin para pilit na ikalma ang sarili niya, paano naman siya magagalit kay Yoongi kung kada nakakagawa ito ng kasalanan sa kanya ay lagi nitong pinanlalaban ang luha niya.
"No, baby... i'm sorry, nagulat lang ako." Malambing na sabi ni Jimin bago niya hinawakan ang mukha ni Yoongi para halikan ulit ito, pero this time ay sa labi na.
Hinalikan ni Yoongi pabalik si Jimin, kaya ang nangyari ay naghahalikan na silang dalawa ngayon sa kusina, maingat na binuhat ni Jimin si Yoongi para ipatong ito sa table.
Nakayakap si Yoongi sa leeg ni Jimin habang patuloy lang sila sa ginagawa nilang dalawa, napatigil saglit si Jimin para tingnan ang tiyan ni Yoonji.
"What... why?" Mahinang tanong ni Yoongi dahil lumayo si Jimin sa kanya.
"P-Pwede ba 'to? Pwede ba yun?" Nag-aalangang tanong ni Jimin.
"Ang alin?" Napataas ang kilay ni Yoongi.
"Yung alam mo na, yung gawin natin yun nang ano, na buntis ka?" Nahihiyang tanong ni Jimin.
Napaisip saglit si Yoongi bago ito napakibit balikat, "hindi ko alam eh, hindi ko natanong sa doctor."
Nagkatinginan silang dalawa nang ilang saglit bago kinuha ni Jimin ang cellphone niya sa bulsa, "wait, sesearch ko muna."
Habang naghahantay si Yoongi na magsearch si Jimin kung pwede ba silang mag-sex kapag buntis siya ay napansin ni Yoongi na nakabukas ang isang kitchen kabinet nila, napakunot ang noo ni Yoongi, bumaba rin ang tingin niya malapit sa sink at napansin niyang may mga pinggan doon, wala naman siyang matandaan na kumain sila kanina ni Jimin.
Pero nawala ang atensyon niya doon nang maramdaman niyang hinalikan siya ni Jimin sa leeg niya, "pwede daw" bulong ni Jimin sa kanya.
"Kumain ka ba kanina bago ka umalis?" Tanong ni Yoongi.
"Hmm, hindi, pero ngayon..." naramdaman niyang bumababa ang halik ni Jimin kaya naman mabilis niya itong pinigilan.
"Saglit lang parang may nakatingin sa atin." Na-aansyang sabi ni Yoongi.
Napatigil si Jimin saglit dahil napaisip siya sa sinabi ni Yoongi, mabilis niyang inilibot ang buong paningin niya para tingnan kung may ibang tao ba sa bahay nila.
"Wala naman tayong kasama dito— teka, nasan si Yoori?" Biglang tanong ni Jimin.
"Kinuha ni Jin kanina." Ani Yoongi kaya naman nakahinga nang maluwag si Jimin.
"Yun naman pala, wag ka nang mag-overthink." Bulong ni Jimin kay Yoongi bago niya ito muling hinalikan sa labi, kahit medyo nabobother si Yoongi ay hinayaan na lang niya.
"You okay with this?" Tanong ni Jimin habang bumababa ang labi niya sa leeg ni Yoongi.
"Yeah." Tipid na sagot nito bago siya humawak nang mahigpit kay Jimin pero iniingatan na huwag maipit ang tiyan niya.
"Tara sa kwarto." Bulong ni Jimin bago niya dahan dahang binaba si Yoongi sa lamesa.
"Wag sa kwarto." Ani Yoongi.
"Bakit?" Naguguluhang tanong ni Jimin.
Napatingin si Yoongi sa pinto nang kwarto bago umiling ulit si Yoongi, "ayokong mag-amoy..." hindi matuloy tuloy ni Yoongi yung sasabihin niya pero nakipagtitigan lang siya kay Jimin hanggang sa marealize ni Jimin ang ibig sabihin ni Yoongi kaya naman tumango na lang 'to.
"Okay? Sa sofa na lang." Tinuro ni Jimin ang sofa, napatingin doon si Yoongi bago tumango.
Naglakad sila patungo doon, nang nasa tapat na sila nang sofa ay tinitingnan lang nilang dalawa yun, para bang iniisip nila kung paano nila gagawin yun doon nang hindi maiipit yung tiyan ni Yoongi.
Nagkatinginan silang dalawa pagkatapos nilang titigan ang sofa.
"Paanong gagawin natin dyan?" Tanong ni Yoongi.
Napaisip muna nang ilang saglit si Jimin bago siya naupo sa sofa, tinapik niya ang lap niya, kahit nagtataka si Yoongi ay naupo pa rin siya sa lap ni Jimin.
"Tapos paano na?" Tanong pa ni Yoongi.
"Actually hindi ko na alam." Sabi ni Jimin bago niya hinalikan ulit si yoongi sa labi, "bahala na."
Isinawalang bahala na lang nila kung paano nila gagawin yun basta ang importante ay nasa labi ni Yoongi ang labi niya, hanggang sa tumigil na naman si Yoongi.
"Bakit pakiramdam ko may nakatingin sa atin?" Tanong ulit ni Yoongi kaya naman umiling lang ulit si Jimin, "wala baby, wala." Sagot ni Jimin bago niya hinila ulit si Yoongi para halikan sa labi.
Pilit inaangat ni Yoongi ang shirt ni Jimin kaya naman bumitaw saglit si Jimin sa halik para tanggalin ang shirt niya at ibalibag kung saan man, napangiti si Yoongi nang makita niyang wala ng damit si Jimin, napakagat siya sa labi niya habang tinitingnan niya ang katawan nito bago niya hinalikan ulit si Jimin sa labi.
Pero this time ay mas malalim na.
One fact kapag nagmimake out silang dalawa... maingay sila.
"Oh fuck."
Napatigil saglit si Jimin nang marinig niya yun, "nagmura ka ba?"
Napatingin sa kanya si Yoongi, "hindi... yata? i don't know."
Napaisip ng ilang saglit si Jimin bago niya inalis na lang sa isip niya ang narinig niya at hinalikan ulit si Yoongi pero naabala na naman sila nang biglang may nagdoorbell.
"Putang—" Hindi nagawang ituloy ni Jimin ang pagmumura niya sa halip ay tinikom na lang niya ang bibig niya, halatang nagpipil sa inis bago niya hinalikan ulit sa labi si Yoongi at hindi pinansin ang nagdodoorbell.
Hanggang sa sunod sunod ang pagpindot sa doorbell, kaya naman lumayo ng kaunti si Yoongi sa kanya bago niya nginuso ang pinto na para bang sinesenyasan si Jimin na buksan yun.
"Hayaan mo na, baka si Hoseok lang yun." Sabi ni Jimin at akmang lalapit ulit kay Yoongi pero pinigilan na siya ni Yoongi.
"Buksan mo na yung pinto." Giit ni Yoongi.
Napabuga na lang si Jimin sa kawalan bago siya padabog na naglakad patungo sa pinto, pagbukas nya ng pinto ay bumungad sa kanya si Jin na buhat-buhat ang natutulog na si Yoori, maingat na inabot ni Jin si Yoongi kay Jimin para hindi ito magising.
"Kanina pa siya nakatulog pero bago siya makatulog panay ang sabi niya sa akin na gusto na niyang umuwi." Ani Jin habang tinatanggal niya ang tsinelas niya.
"Ginugulo na naman ba kayo nila Taehyung?" Tanong ni Jin.
Napakunot ang noo ni Jimin, "wala naman sila dito."
"Talaga? Nagtext sa akin kanina si Hoseok ang sabi pupunta na daw sila dito... tsaka eto yung mga tsinelas nila oh." Tinuro ni Jin ang mga tsinelas sa pinto kaya naman nanlaki ang mata ni Jimin.
"What the -f" Hindi natuloy ni Jimin ang pagmumura niya nang gumalaw si Yoori, kaya naman mabilis na tinikom ni Jimin ang bibig niya at padabog na naglakad patungo sa sala.
"Mga puta kayo, magsilabas kayo sa tinataguan niyo!" Sigaw ni Jimin, kaya naman nagising si Yoori.
Napakunot ang noo ni Yoongi sa isinigaw ni Jimin pero nang laki na lang mata nito nang makita niyang dahan dahang nagsilabasan sila Hoseok sa mga tinataguan nila, napangiwi pa si Yoongi nang makita niyang nakapatong sa ulo ni Jungkook ang damit ni Jimin, mukhang naglanding sa ulo nito nang binalibag iyon ni Jimin kanina.
Iritadong inalis ni Jungkook ang shirt ni Jimin sa ulo niya.
"Anong ginagawa niyo dito at bakit— bakit kayo nagtatago diyan sa mga pwesto niyo? Anong balak niyong gawin, manuod ng—" Napatigil si Jimin sa pagsasalita, napansin ni Jin na naiinis si Jimin kaya naman binawi niya ulit si Yoori para dalhin ito sa kwarto.
"Let me explain okay?" Sigaw ni Taehyung "Kumakain kami sa kusina nang bigla kayong lumabas sa kwarto at nagsimula agad magplokplokan, anong gusto mong gawin namin? Nagpanic kami kaya nagtago kami." Giit ni Taehyung.
"Bahay namin 'to okay? Pwede naming gawin ang gusto naming gawin, at kayo naman! Paano kayo nakapasok sa bahay namin? At sino nagsabing pwede kayo pumasok dito kung kaylan niyo gusto ha?!" Galit na tanong ni Jimin.
"Galet na galet parang di maliet." Side comment ni Jungkook kaya naman tiningnan agad siya ng masama ni Jimin pero nagkibit balikat lang si Jungkook.
"Kalma Jimin! Jeez, kaya kami nakapasok ay dahil binigyan ako ng susi ni Yoongi." Pinakita ni Hoseok ang susi kaya naman napatingin agad si Jimin kay Yoongi.
"What? Binigyan ko siya ng susi kasi minsan tinatamad akong bumangon para pagbuksan siya." Kalmadong sabi ni Yoongi.
Napapikit ng mariin si Jimin sa sobrang iritasyon, "nagchicheat ba kayong dalawa sa akin?" Tanong ni Jimin kaya naman natahimik ang lahat.
Tiningnan ng masama ni Jimin si Hoseok na hindi alam ang kanyang gagawin, "Hoseok, nagchicheat ba kayo ng asawa ko sa akin?!" Malakas na sigaw ni Jimin kaya mas lalong natahimik ang lahat.
Walang nagsasalita ng ilang segundo hanggang sa lumabas si Jin sa kwarto ni Yoongi, "hindi mo siya asawa Jimin, wag kang assuming." Ani Jin, bago naupo sa tabi ni Yoongi.
"Nagsusuka ka na naman ba?" Tanong ni Jin kay Yoongi, umiling naman agad si Yoongi, "madalang na." Sagot nito.
Tumango naman si Jin bago napatingin kay Jimin, ngayon lang narealize ni Jin na walang damit si Jimin kaya naman napangiwi ito.
"Ew Jimin, magdamit ka nga, wag kang mayabang." Inis na sabi ni Jin.
"By the way, yun ang pinaka-worst na conversation na narinig ko bago magsimula mag-sex." Ani Taehyung kaya naman napatingin si Jin dito bago napakunot ang noo.
"Agree, boring." Dagdag pa ni Jungkook na parang nang-aasar, napatingin si Jin kay Hoseok na para bang naghahantay ng sasabihin nito.
"Hindi ko alam kung paano nagsisimula yung sex, so..." Napangiwi si Hosoek, "pero tama sila, ang boring nga."
"So ngayon jinajudge niyo pa ako?" Inis na tanong ni Jimin.
"Wait, what?! Anong sex yung sinasabi nila?" Inis na tanong ni Jin na para bang naghahantay ng explanation mula sa dalawa.
"Sex, as in, sex." Sagot ni Yoongi bago nag-hand gesture ng sex.
"Gahd! No!" Sigaw ni Jin, "hindi kayo pwedeng mag-sex ng buntis si Yoongi kasi hindi natin alam ang magiging consequence, what if bumalik ka sa pagiging lalaki? Anong mangyayari sa baby? Hindi natin alam!" Giit ni Jin.
Napatayo si Jin sa sobrang inis, "hindi niyo pwedeng i-risk yung bata dahil lang gusto niyong mga chukchakan, that's a big no."
"So it means 9 months silang hindi pwedeng magganun?" Interesadong tanong ni Jungkook.
"Exactly!" Giit ni Jin.
"What?!" Sabay na sigaw ni Jimin at Yoongi pa parehong hindi makapaniwalang kaylangan nilang tiisin ang isa't isa ng ganun katagal.
"I told you Yoongi, mas maganda kung sa amin ka muna ulit tumira, mas maaalagaan kita dun, at mas siguradong wala kayong gagawin ni Jimin." Suhestyon ni Jin.
"Jin, dude, hindi ka nanay ni Yoongi, hindi mo apo yung nasa loob ng tiyan niya, kalma ka lang." Ani Jungkook.
"Seriously, tapusin na natin yung usapan na 'to at magsi-uwi na kayo, hindi niyo makukuha si Yoongi, dito lang siya sa bahay namin." Giit ni Jimin, "shit! Bakit ba ginagawang lungga ng mga adik 'tong bahay namin, I swear to god kapag may pumunta pa ditong katulad niyong mga may aning-aning—"
"Let's partyyyyyyyyyyyy!!!"
Natahimik ang lahat at napatingin kay Namjoon na biglang sumulpot sa gilid ni Jimin, hinipan ni Namjoon ang hawak niyang party whistle pero wala pa ring kumikibo, tahimik lang silang nakatingin kay Namjoon na para bang jinajudge nila ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Hoseok.
"Di ba may party dito? Kasi di ba magkakababy na sila—"
"Walang party dito! Sinong nagsabi sa'yong may party? Walang party!" Sigaw ni Jimin.
"Easy Jimin, easy." Saway ni Jin dito, "Namjoon kanino mo nalaman na may party?" Tanong ni Jin.
Napaisip ng ilang saglit si Namjoon.
"See? Nang huhula lang 'yan." Giit ni Jimin.
"Shut up Jimin." Iritadong sigaw ni Jin kaya walang nagawa si Jimin kundi manahimik.
"Kay Jennie?" Ani Namjoon.
Napakunot ang noo ni Jin, "Kay Jennie?" Pag-uulit ni Jin, tumango naman agad si Namjoon, "anong sinabi ni Jennie—"
"BABY SHOWER!" Sigaw ni Jennie, nanlaki ang mata nilang lahat nang biglang sumulpot si Jennie.
"Baby shower?" Naguguluhang tanong ni Yoongi, excited na tumango si Jennie.
"Wag kayong mag-alala, hinanda ko na lahat para sa baby shower!" Excited na sabi ni Jennie, "Girls! Pasok!"
Napatingin silang lahat sa pinto, pumasok sila Lisa na may tinutulak na dalawang malaking regalo, napakunot ang noo ng mga lalaki lalo na ng makita nilang kasama rin nila Jennie sila Jihyo.
"Okay???" Hindi makapaniwalang sabi ni Jimin kahit naguguluhan siya sa mga nangyayari, literal na halos 1/4 sa batch nila ang nasa loob ng bahay nila ngayon na may mga dala-dalang mga pagkain at kung anu anong pang-party, may mga lobo, pagkain, regalo, at higit sa lahat ay isang katerbang alak.
"Please tell me sound proof ang kwarto ni Yoori." Bulong ni Jin kay Yoongi nang biglang magpatugtog ng malakas sila Jennie at nagsigawan.
"Wag kang mag-alala, mas matindi yun matulog kaysa sa akin." Bulong ni Yoongi pabalik, "at sa pagkakaalam ko, sound proof naman yun."
"Guys! Ipasok niyo na 'yang mga stripper!" Sigaw ni Jennie kaya naman agad nanlaki ang mga mata nila Jimin.
"Anong stripper?!" Sigaw ni Jimin pero walang sumagot sa kaniya, bigla na lang may nagpasok ng dalawang malaking box, hindi pinansin nila Taehyung si Jimin dahil nagtitipon tipon na sila ngayon sa isang box habang may mga hawak ng kani-kanilang mga red plastic cups na may laban na beer.
"Jin pigilan mo—" Pero si Jimin ang natigilan nang makita niya si Jin at Yoonji sa harap rin ng malaking box naghihintay sa paglabas ng stripper.
Magkahiwalay ang dalawang malaking box, nasa kulay red nagtitipon ang mga babae at nasa kulay pink naman nagtitipon ang mga lalaki, si Yoonji ay kasama nila Taehyung ngayon.
May nagpatugtog ng malakas na malaswang kanta, nag-aalala si Jimin kay Yoori na nasa kwarto lang, baka magising iyon at eto ang maabutan.
"Baby shower ba talaga 'to o bridal shower?" Tanong ni Jimin sa sarili niya nang makita niyang nagsilabasan ang mga stripper sa malaking box kaya naman nagsigawan ang mga tao.
Lumabas ang babaeng stripper sa grupo kung saan nagtitipon ang mga lalaki, lumabas naman ang lalaking stripper kung saan nagtitipon ang mga babae pero laking gulat ni Jimin nang makita niyang lumipat sila Jin patungo sa lalaking stripper at nagsilipatan naman sila Jennie patungo sa babaeng stripper.
At muli, nagkagulo na naman ang buong bahay.
Napakunot ang noo ni Jimin nang makita niyang hinahawakan pa ni Yoonji ang abs ng lalaking stripper, kaya naman mabilis na naglakad si Jimin pero paglapit niya ay bigla siyang hinawakan ng stripper at pinaupo sa isang upuan bago siya nito dahan-dahang ginilingan.
"Woah! Woah! Easy! Easy!" Sigaw ni Jimin habang marahan niyang tinutulak ang lalaking stripper.
"Go Jimin!" Sigaw ni Jungkook na lasing na lasing na ngayon.
Si Jin ay tawa nang tawa habang vinivideohan si Jimin, may hawak na rin etong red plastic cup, si Jimin at si Yoonji na lang yata ang hindi lasing dahil bawal itong uminom ng alak habang si Jimin naman ay walang balak uminom dahil kailangan niyang mabantayan ang mga tao sa bahay.
Nang magkaroon ng pagkakataon si Jimin na makaalis ay kinuha na agad niya ang pagkakataon na yun, medyo pinagpawisan siya sa pangyayaring yun at medyo nag-init rin siya, kaya naman napahawak siya sa dibdib niya sa sobrang kaba.
Akmang lalapit siya kay Yoonji pero biglang nawala ito sa tabi niya, kaya naman mabilis niyang inilibot ang paningin niya hanggang sa nakita niya ito na nakayuko habang inaalalayan ang tiyan niya at naggagrind sa likod niya ang lalaking stripper.
"Dun tayo sa buntis na pokpok pa rin." Lasing na lasing na sabi ni Jin habang vinivideo ang buong pangyayari. "Joke lang hehe."
"Hoy! Hoy! Hoy! Ano 'yan?! Ano 'yan?! " Away ni Jimin sa stripper, marahas niyang tinulak iyon papalayo kay Yoonji.
"Trabaho lang dude, walang personalan." Sabi nung stripper.
"Uhh, KJ." Narinig pa niyang sabi ni Jungkook pero hindi niya iyon pinansin kahit sumang-ayon pa si Taehyung at Jin sa sinabi nito.
Napanguso si Yoonji nang mawala ang stripper sa tabi niya kaya naman biglang nag-init ang dugo ni Jimin, hindi niya lang talagang magawang pagsabihan si Yoonji dahil natatakot siya na baka umiyak pa ito or magalit na naman sa kanya.
Mabuti na lang ay may naisip siya pero alam niyang medyo pagsisisihan rin niya yun after nito, or baka mamaya lang ay magsisi na siya sa gagawin niya pero itinuloy pa rin niya.
Mabilis niyang hinubad ang kanyang damit kaya naman agad napanganga sina Jungkook at Taehyung, si Jin naman ay biglang napataas ang kilay niya dahil medyo hindi niya inexpect ang ginawa ni Jimin.
Nanlaki ang mata ni Yoongi sa ginawa ni Jimin lalo na nang magsimula itong makipagkompitensya sa stripper, napasigaw ang mga nanunuod sa kanila hanggang sa napunta na kay Jimin ang atensyon ng lahat ng tao sa kanilang bahay.
Chinicheer ng lahat si Jimin sa kanyang ginagawa, "uhm, binabawi ko na sinabi ko, hindi na siya KJ." Ani Jungkook bago inilabas ang kanyang cellphone at naki-video rin para ipangblackmail kay Jimin kapag nangailangan siya.
Nagsisigawan ang lahat, hanggang sa isang iglap ay nawala ang ingay na yun nang biglang bumukas ang pinto ng bahay nila at bumungad sa kanila ang mukha ng mga magulang ni Jimin na halatang gulat na gulat sa kanilang nakita.
"Uh-oh." Ani Jin habang nakatingin sa dalawang matanda.
__________
"Hindi ba the end na dapat 'to?" Pabulong na tanong ni Hoseok kay Jungkook habang naglalakad silang lahat palabas sa tinitirahan nila Jimin nang biglang umeksena ang mga magulang nito.
"Hindi dude, ang alam ko epilogue na dapat 'tong chapter na 'to pero hindi niya alam kung papaano tatapusin." Pagkwento pa ni Jungkook.
"Sino?" Mas mahinang tanong ni Hoseok.
"Yung author nung story." Halos sabay na sabi ni Taehyung at Jungkook.
"True ba?" Biglang singit ni Jin sa usapan nang marinig niya ang mga pinagkukwentuhanan ng mga ito.
"Oo, kasi may hindi siya maisingit sa chapter na 'to kaya dadagdagan pa niya ng mga limang chapter." Bulong ni Jungkook sa kanilang lahat.
"Paano mo nalaman?" Tanong naman ni Jin.
"Nabalitaan ko lang kay Namjoon, naka-chat daw niya eh?" Ani Jungkook.
"Naniniwala ka dun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jin.
"Basta ako naniniwala ako, nakachat ko nung nakaraan si Author sabi niya totoo daw." Paliwanag ni Taehyung kaya naman sabay-sabay napatingin sa kanya ang tatlo.
"Weehh??" Sabay sabay nilang paghihinala.
"Oo nga! Bakit sa tingin niyo the end na yan?" Tanong ni Taehyung.
"Oo, katapusan na nila." Biro ni Jin nang maalala niya ang biglang pagsulpot ng mga magulang ni Jimin.
"Oh siya! Ang dami na nating screen time, tara na at maghanap ng ibang lugar para makainom." Pag-aya ni Jungkook sa tatlo, pero biglang napatingin sa kanila lahat ng mga ka-batch nilang naglalakad rin.
"Inuman ba kamo?!" Halos sabay sabay na tanong ng mga tao.
"Uh-oh." Wala sa sariling sabi ni Hoseok nang biglang magsisunuran sa kanila ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top