80

"No."

Biglang natahimik ang lahat nang marinig nila ang sagot ni Yoonji, nawala rin ang ngiti sa labi ni Jimin, pati si Yoori ay hindi rin inexpect ang isinagot ni Yoonji.

"I'm sorry pero hindi pa pwede, ang bata pa natin, naiimagine mo ba na senior high school pa lang tayo? Hindi pa tayo nagka-college Jimin." Giit pa nito.

Lumakas ang bulong bulungan ng mga tao bigla, si Hoseok ay napakamot sa batok niya dahil hindi niya rin inakalang magiging ganto ang sagot ni Yoonji.

"H-Hindi naman ibig sabihin nito magpapakasal na tayo, I-I mean makakapaghintay pa naman, kahit after natin maka-graduate tsaka tayo magpakasal." Paliwanag ni Jimin, hindi pa rin tumatayo sa pagkakaluhod niya.

"Hindi nga kita boyfriend Jimin eh."

Natahimil ulit bigla ang mga tao, ramdam na ramdam nila ang sakit nung salita ni Yoonji kay Jimin.

"Ouch." Ani Jin, nagulat si Hoseok dahil hindi niya alam na nasa gilid na pala niya si Jin, kanina lang kasi ay may kaaway pa ito sa may malayo.

"Ang saket nun!" Dagdag pa ni Jin, napatango naman si Hoseok pero nag-aalala siya kay Jimin.

"Hindi naman natin kaylangan na nun Yoongs, mas okay ako na diresto engage na 'to para siguradong akin ka na—"

"Hindi ako gamit Jimin! Hindi mo ako pwedeng pakasalan dahil lang kaylangan mo ng ipapakilala sa magulang mo!" Sigaw ni Yoonji, nagbulungan na naman ang mga tao.

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jimin, "okay fine!" Tumayo si Jimin sa pagkakaluhod niya at kinuha niya ang kamay ni Yoonji para ibigay sa kanya ang box.

"A-Alam mo ba na ikaw yung gusto ko noon pa lang? Bago pa magsimula yung gulo na 'to? Bago yung araw ng birthday mo?!" Giit ni Jimin.

"Hindi mo ba naisip na kung bakit kita hinalikan nung araw na yun? Bakit ang clingy ko lagi sayo? Bakit ayaw kong nagkakahiwalay tayo? Bakit lagi kong ginagawa lahat para sa'yo? Di mo ba naisip yun? Na kahit pinagtatabuyan mo ko minsan kasi gusto mo mag isa hindi pa rin ako umaalis? Kahit kaibigan lang ang tingin mo sa akin noon!" Sigaw ni Jimin kaya naman natahimik ang lahat.

Nanunuod lang lahat ng tao sa kanila, "si Yoonji at Yoongi..." napatingin si Jin kay Hoseok nang bigla itong magsalita, "mag-isa lang sila di ba?" Tanong ni Hoseok na naging dahilan kung bakit napako si Jin sa kinatatayuan niya.

Hindi makasagot si Jin pero baka ang gulat sa kanyang mukha.

Napabuntong hininga na lang si Hoseok bago ito natawa ng mahina, "ang tagal bago ko marealize."

"P-Paanong..." hindi matuloy tuloy ni Jin ang sasabihin niya.

"Kay Jimin... narealize ko kay Jimin nung nagkausap kami nung gabing pinapunta ko siya sa inyo."

"Wait, what?!" Nagulat si Jin, "sino nagsabi sa'yo na magpapunta ka sa bahay namin?"

Natawa na lang ng mahina si Hoseok, "gusto ko lang mapatunayan sana kaso nalilito pa rin ako kung paano sila naging iisa."

Napabuntong hininga na lang si Jin, "ipapaliwanag ko na lang sa'yo kapag nagkaroon ng pagkakataon." Anito.

Napangiti naman si Hoseok bago nila binalik ang tingin sa eksena ng dalawa.

"Pinilit kong tingnan ka noon ng katulad lang ng pagtingin mo sa akin noon, kasi natatakot ako, alam kong malaki yung magbabago sa atin, alam ko rin hindi matatanggap ng mga magulang ko, pero sumugal pa rin ako eh..." nanghihinang sabi ni Jimin.

"Oo... natatakot ako, pero eto na yun!" Ani Jimin.

"Hindi na ako takot sa sasabihin ng ibang tao—"

Biglang bumagsak si Yoonji sa sahig, mabilis na binitawan ni Jimin ang mic at nagtatakbo agad siya kay Yoonji.

Nagsimulang magpanic ang mga tao, habang si Jin at Hoseok ay parehong mapabuntong hininga nalang nang makita nilang walang malay si Yoonji.

"Ate mommy!" Sigaw ni Yoori bago tumakbo rin papalapit kay Jimin at Yoonji.

"Yoonji, gising..." tinatapik ni Jimin ang pisngi ni Yoonji pero hindi ito nagigising, nagsimula nang magkagulo ang mga tao lalo na nung may sumigaw na inatake daw ito sa puso, yung iba naman sinasabi na sinaniban daw ito, kaya nagpanic ang lahat.

Si Jin at Hoseok naman ay parehong naglakad patungo sa tatlo, binuhad ni Hoseok si Yoori kahit noon pa lang sila nagkakita, baka kasi maapakan ito sa dami ng mga taong nagkakagulo, si Jin naman ay tinulungan si Jimin na buhatin si Yoongi.

"Dalhin natin siya sa ospital." Nagpapanic na sabi ni Jimin, pero natawa lang si Jin.

"Oo nga, kaylangan na natin siyang dalhin sa ospital para magkaalaman na." Biro ni Jin, hindi naman iyon pinansin ni Jimin dahil mas abala siya sa pag-intindi sa walang malay na si Yoonji.

"Ano po bang nangyari sa ate mommy ko?" Naiiyak na tanong ni Yoori kay Hoseok.

"Wag kang mag-alala, malakas 'yang ate mo, walang mangyayaring masama sa kanya." Pagpapakalma ni Hoseok sa bata.

Nag-aalala nilang tiningnan pareho si Yoonji na ngayon ay buhat na ni Jimin, sinundan nila Jin si Jimin palabas.

"Anong nangyari?!" Tanong ni Taehyung na nakasalubong nila nung naglalakad na sila palabas, kasamahan ni Taehyung si Jungkook.

"Nahimatay si Yoonji, dadalhin namin siya sa ospital." Sagot ni Hoseok, nagkatinginan si Taehyung at Jungkook.

"Sa van na lang namin siya isakay, sasama kami." Sabi ni Jungkook, tumango naman agad si Jimin at nagtatakbo na sila patungo sa van ni Jungkook, nagtulong-tulong silang ipasok si Yoonji sa van, nang makapasok na silang lahat ay nagsimula nang paandarin ni Taehyung ang sasakyan.

Nag-aalala ang lahat, pati si Jennie na nabalitaan ang nangyari ay tinawagan agad si Jin para kamustahin si Yoonji.

"Saang ospital?" Tanong ni Jennie sa kabilang linya, halatang lasing na lasing na.

"Basta! Naiwan ko yung sasakyan diyan, magpahatid ka na lang sa matinong kasamahan mo, lasing na lasing ka na, at please lang wag mong ipapahamak yung sasakyan, hindi atin 'yan." Paalala ni Jin, bago pa tuluyang makasagot si Jennie ay mukhang nakatulog na agad ito, napasinghap na lang si Jin bago niya pinatay ang tawag.

"Wake up babyy, please..." Mahinang bulong ni Jimin habang yakap-yakap niya si Yoonji na nakaupo sa lap niya na wala pa ring malay hanggang ngayon.

Pinupunasan ni Jimin ang pawis ni Yoonji, kabang kaba pa rin siya kasi ngayon lang niya nakitang nagkaganito si Yoonji kahit kaylan. 

Sa sobrang pag-aalala ni Jimin ay nangingilid na yung luha niya, panay lang ang halik niya sa noo ni Yoonji habang mahigpit niya itong yakap, wala pa ring malay.

Hindi sila tinitingnan ng kahit sinong kasama nila sa loob ng van dahil ang awkward noon para sa kanila. 

"Bakit parang ang sikip natin?" Tanong ni Jungkook nang marealize nilang nagsisiksikan sila sa likod.

"Oo nga eh." Sagot ni Namjoon.

Biglang natahimik silang lahat, walang kumikibo sa kanila, nagbabalikan lang sila ng tingin sa isa't isa hanggang sa nagsigawan silang lahat, bukod kay Yoonji na wala pa ring malay.

"Paano ka napunta dito?!" Sigaw ni Taehyung nang makita niya si Namjoon na nasa tabi lang pala niya simula kanina pa.

"Ay, ewan ko." Napakamot si Namjoon nang mapatingin siya sa buong paligid niya, weird lang siyang pinagmamasdan ng mga kasama niya sa van, "namali pala ako ng pasok..." 

Sabay sabay na napasinghap silang lahat dahil sa sagot ni Namjoon, "hayaan niyo na nga siya diyan, hindi natin siya pwedeng ibalik sa school, kaylangan na nating madala si Yoongs sa ospital." Ani Jimin.

Kaya naman wala nang nagawa silang lahat kundi hayaan si Namjoon na makasama nila hanggang sa ospital.

Nang makarating sila sa ospital ay sabay sabay pa silang pumasok sa loob ospital na para silang sasabak sa isang fashion show, idagdag mo pa na lahat sila ay naka-formal na damit, kaya't lahat ng tao sa loob ng ospital ay napatingin sa kanila.

Hawak-hawak na lang ngayon ni Hoseok ang kamay ni Yoori, dumiretso naman agad si Jimin sa emergency room para dalhin doon si Yoonji.

Naiwan silang lahat sa labas, naghihintay lang silang lahat sa paglabas ng doctor.

"Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ni Taehyung kay Namjoon na kasama rin nilang naghihintay ngayon.

"Wala lang." Sagot naman nito, napangiwi na lang si Taehyung bago napailing, di talaga nila maintindihan si Namjoon.

Ilang saglit lang ay lumabas na ang doctor, agad nagsitayuan silang lahat at nagpulong pulo sa harapan ng doctor, medyo nagulat pa ang doctor dahil sa biglaang paglapit ng anim na lalaki sa kanya.

"May kamag-anak po ba yung pasyente sa inyo?" Tanong nung doctor.

Nagkatinginan silang lahat, "Ako po! Kapatid po ako." Sabi ni Yoori, kaya naman napatingin sa kanya lahat, pati ang doctor. 

Napakamot ang doctor nang makita niyang maliit na bata lang 'yun, "uhm, mayroon pa po ba?" Tanong ng doctor.

"A-Ako po, fiance niya." Ani Jimin.

Napakunot ang noo ng lahat sa kanya, "hindi ka naman niya sinagot di ba." Pambasag trip ni Jungkook kaya naman napasama ang tingin sa kanya ni Jimin.

"Ako po, kasama niya sa bahay." Sabi naman ni Jin, napatingin sa kanya ang doctor at napatango.

"May kaylangan ho kayong malaman tungkol sa pasyente..." napatigil saglit ang doctor bago napatingin sa anim na lalaking nakatayo sa harapan niya, "sino ho sa inyo yung nobyo ng pasyente?" 

"Wala, wala siyang sinagot." Harsh na sabi ni Jin, napatingin sa kanya pareho si Hoseok at Jimin pero binalikan lang niya ng tingin yun dalawa.

"So... sino po yung past fling or something?" Tanong pa ulit ng doctor.

Sabay na nagtaas ng kamay si Hoseok at Jimin, si Jungkook at Taehyung ay sabay na itinuro si Hoseok habang si Jin at Namjoon naman ay itinuro si Jimin.

Napataas ang kilay ng doctor bago awkward na napatango, "Oh.. kay?" Awkward na sabi nito.

"Well, may dapat po kayong malaman." Ani ng doctor, sabay sabay na napalapit sa kanya ang anim ng lalaki pati si Yoori na lumapit rin sa doctor pero hindi na nahalata dahil sa liit nito.

"Kinakalungkot ko pong sabihin pero..." napatigil saglit ang doctor, "kaylangan na pong putulin ang ari ng pasyente." 

Napatigil ang anim, para bang nagloading ng ilang saglit ang utak nila hanggang sa tuluyang magsink in sa kanila ang sinabi ng doctor.

"What?! Bakit?!" Gulat na tanong ni Jimin.

"Kasi po kumakalat na yung rabbis, kaylangan na pong putulin yung private part niya para hindi umabot sa--"

"Doc, yung babaeng maiksi ho yung buhok yung kasamahan namin." Pagputol ni Jin sa sasabihin pa nung doctor.

"Ayy, hindi ho ba yung nakagat ng aso sa ano niya?" Gulat na tanong ng doctor, tiningnan lang siya ng anim na pare-parehong nakangiwi.

"Doc! Ako ho yung kasama nung nakagat ng aso, ako po yung boyfriend niya." Pakilala nung isang lalaki na biglang lumitaw sa gilid.

"Ayy ganun ba?" Humarap ang doctor sa lalaki, "Kaylangan na hong putulin ang private part ng nobyo niyo." Ani ng doctor.

"Okay lang ho doc, basta mabuhay lang ho siya, at isa pa siya naman ang bottom sa amin kaya hindi naman masyadong gamit yun--"

"TMI Sir." Pagputol ng doctor sa sasabihin pa ng pasyente, humarap naman ulit ang doctor sa anim na lalaki.

"Yung pasyente naman po na kasamahan niyo, okay naman na po siya, hinimatay lang po siya sa sobrang pagod..." Sabi nung doctor kaya naman nakahinga na sila nang maluwag.

"Kapag ho hinimatay ulit ang pasyente ay pagpahingahin niyo na lang ho siya, kaylangan ho niya nang kompletong tulog at kain, at iwasan po sana yung sobrang pagpapagod, kaylangan rin ho niya nang mga vitamins, normal lang naman ho ang mahimatay at magsuka, lalo na ho kung nahihilo siya, nakakasama po sa baby yung--"

"Teka, teka, teka, anong baby?!" Pagputol ni Taehyung sa sinasabi ng doctor.

Natahimik silang lahat ng ilang saglit, pati ang doctor ay nakipagtitigan lang muna saglit sa kanila.

"Hindi niyo alam?" Tanong ng doctor, walang sumagot, kaya naman napatango na lang ang doctor.

"Well, congratulations! Buntis ho ang pasyente." Masayang sabi ng doctor.

Pero unti unting nawala ang ngiti ng doctor nang wala man lang naging reaksyon ang anim, mas lalong natahimik ang mga ito na para bang hindi pa rin nagsisink in sa mga utak nila ang sinabi ng doctor.

"Buntis?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hoseok. 

"Yes, buntis po siya, kaya nagkakaroon siya ng mga gantong symptoms--"

"Doc, yung kasamahan ho namin yung babaeng maiksi yung buhok,  baka namali na naman kayo?" Tanong ni Jungkook.

"No, hindi na ako nagkakamali this time..." Sabi ng doctor bago niya tiningnan ang papel na hawak niya, "Min Yoonji, tama ba?" Paninigurado ng doctor.

Sabay-sabay napatango ang anim.

"Yup, siya nga yung buntis." Saad ng doctor.

Wala na namang kumibo sa kanila, hindi sila makapaniwalang lahat, bukod kay Jin na may ideya na sa nangyayari.

"Sino yung ama?" Tanong ni Namjoon sa doctor kaya naman mabilis na napakunot ang noo ng doctor.

"Doctor lang ako hijo, hindi ako manghuhula." Giit ng doctor bago nito ibinalik ang tingin kay Jin, "Inilipat na ang pasyente sa room 123, pwede niyo na po siyang puntahan doon." Sabi ng doctor bago nagpaalam sa anim na lalaki.

Wala pa rin nagsasalita sa kanila kahit nawala na ang doctor sa harapan nila.

"So sino nga ang ama?" Pambasag ni Taehyung sa katahimikan.

Sabay-sabay silang napatingin kay Hoseok, agad nanlaki ang mata ni Hoseok at mabilis na napailing, "h-hindi ako, walang nangyari sa amin!" Giit ni Hoseok.

Kaya naman mabilis na lumipat ang tingin nila kay Jimin.

"P-Possible ba yun? Lalaki pa yata siya nung may nangyari sa amin?" Naguguluhang tanong ni Jimin.

Tumango si Jin, "pwede na baka nagiging babae na siya nung may nangyari sa inyo." Paliwanag nito.

Natahimik ulit silang lahat.

Hanggang sa napabuntong hininga na lang si Jin at napangiti, "sabi ko na nga ba magiging ninong na ako."

"Nice, ninong rin ako." Sabi ni Jungkook.

"Best man ako." Ani naman ni Taehyung.

"Kahit abay na lang ako." Nakangiting sabi ni Hoseok.

"Yay! Flower girl ako!" Masayang sabi ni Yoori.

"Pari ako!" Sabi naman ni Namjoon.

Napatingin ang lahat sa kanya na may nakakunot na noo, naguguluhan sa sinabi niya.

"Mali ba?" Napakurap kurap ang mata ni Namjoon habang nakikipagtinginan siya sa limang lalaki.

"Hindi ka pwedeng maging pari." Pambasag ni Jungkook kay Namjoon.

"Ay ganun ba?" Malungkot na sabi ni Namjoon, "sige driver na lang, ako na lang magdadrive sa kanila patungong simbahan." Anito.

"Hindi ka marunong mag-drive Namjoon." Napafacepalm na lang si Jin.

"Ah, eh, ako na lang yung groom." Ani Namjoon.

Napakunot na naman ang noo ng lahat sa kanya.

"Hindi pwede kasi si Jimin at Yoongs nga yung ikakasal, so technically si Jimin yung groom--" Napatigil si Jin sa pagsasalita nang marealize niyang wala na si Jimin sa tabi niya.

"Nasan si Jimin?" Tanong agad niya kay Hoseok, mabilis namang tinuro ni Hoseok si Jimin na naglalakad na patungo sa elevator. 

"Pupunta na yata kay Yoonji." Ani Hoseok.

"Ahh..." Tumango na lang si Jin hanggang sa marealize niyang pupunta si Jimin nang hindi sila kasama, "eh bakit nandito pa tayo?!" Biglang sigaw ni Jin.

Napakibit balikat lang silang lahat bago sila mabilis na nagtatakbo para sundan si Jimin.

"Ay! Wait! Si Yoori!" Sigaw ni Hoseok nang marealize niyang naiwan nila si Yoori

Kaya naman mabilis siyang bumalik para kunin ang naiwang si Yoori sa tapat ng emergency room, kaya naman nauna na si Jimin sa elevator at naiwan silang lahat sa harap noon.

Naghantay silang bumaba iyon kaya naman nang makababa na yun ay mabilis silang sumakay ulit doon, sila lang ang tao sa loob noon pero tahimik pa rin ulit sila, medyo nakakapanibago.

"So bakit nga pala kasama pa rin natin si Namjoon hanggang ngayon?" Tanong ni Jungkook, napatingin silang lahat kay Namjoon na nakadukdok ang mukha sa gilid ng elevator.

"Shh!" Sayaw ni Jin kay Jungkook kaya naman wala nang nagtanong ulit kung bakit kasama pa rin nila ito hanggang ngayon.

Pagbukas nang elevator ay hinanap agad nila ang kwarto ni Yoonji, pagbukas nila sa room 123 ay nakita nila si Jimin na nakangiti habang hinihimas ang tiyan nang natutulog na si Yoonji, naririnig nilang bumubulong pa ito na para bang kinakausap niya ang bata sa loob ng tiyan ni Yoonji.

Kaya naman hindi namamalayan ni Jimin na nasa loob na rin ng kwarto sila Hoseok.

"Ate mommyyyy!!!" Sigaw ni Yoori bago ito nagtatakbo patungo kay Yoonji, kaya naman nagulat si Jimin at napatingin kay Yoori, noon niya lang narealize na nasa loob na rin pala sila Jin, kaya naman unti unting namula ang mukha niya nang marealize niyang nakita siya nang mga ito.

"Wag kang mag-alala, hindi ka namin jinajudge, alam naming masaya ka lang." Nakangiting sabi ni Hoseok bago niya tinapik si Jimin.

"Nah, wag ka maniwala diyan, jinajudge ka namin." Ani Jin bago siya naupo sa sofa malapit sa hospital bed na hinihigaan ni Yoonji.

"Kaylan po gigising si ate mommy?" Tanong ni Yoori kay Jimin.

"Maya maya, nagpapahinga pa siya." Sabi naman ni Jimin.

"Okayyy po!" Nakangiting sabi ni Yoori.

Gumalaw si Yoonji pero hindi pa rin ito nagigising kaya naman mabilis na idinikit ni Jimin ang daliri niya sa bibig niya para senyasan si Yoori na huwag maingay, agad naman nakuha ni Yoori yun kaya tumango ito.

"Baka magising ate mommy mo..." Mahinang sabi ni Jimin.

"Pati si baby?" inosenteng tanong ni Yoori.

Bahagyang natigilan si Jimin pero agad naman itong napangiti at tumango, "pati si baby..." Mahinang pa ulit ni Jimin habang nakatingin kay Yoonji na mahimbing pa rin na natutulog.

"Eww..." Ani Jin habang pinapanuod niya ang eksena nila Jimin.

"Shh! Hayaan mo silang damdamin yung araw na 'to." Saway naman ni Hoseok kay Jin, nagkibit balikat na lang si Jin. 

Nagsisiksikan silang lima sa iisang sofa habang naghahantay na magising si Yoonji.

Kaya naman nang magising si Yoonji ay sabay-sabay silang tumayo dahilan kung bakit nagkatumba tumba sila pabalik sa sofa.

"Yoori?" Ani Yoonji nang magising siya at ang mukha ng bata ang una niyang nakita, napatingin si Yoonji sa gilid at nakita naman niya si Jimin na nakatayo.

"Jimin..." Sabi ni Yoonji bago nito sinubukang maupo, kaya naman agad siyang tinulungan ni Jimin na maupo.

"Anong nangyari?" Tanong ni Yoonji habang nakahawak siya sa ulo niya dahil medyo masakit pa rin yun.

"Nahimatay ka ate mommy." Sagot naman ni Yoori.

Napatingin ulit si Yoonji sa kanya bago niya ito niyakap, nakaupo kasi si Yoori sa kamang kinahihigaan ni Yoonji kaya naman madali lang para kay Yoonji na yakapin ito. 

Hinalikan ni Yoonji ang noo ni Yoori bago niya ito tiningnan ulit, "kaylan ka pa bumalik? sino naghatid sa'yo? sinamahan ka ba ni papa? dito ka na ba ulit sa akin titira?" Sunod sunod na tanong ni Yoonji.

"Dito muna po ulit ako kasama ninyo ni kuya daddy, hinatid ako ni papa pero sinundo ako ni kuya daddy sa airport, kinausap po kasi ni kuya daddy si papa na dito muna ulit ako hehe." Pagkwento ni Yoori.

Agad namang tinignan ng masama ni Yoonji si Jimin dahil hindi man lang siya sinabihan ni Jimin na kukunin pala nito si Yoori, pero hindi naman masyadong malalim ang galit niya kay Jimin since inuwi nito si Yoori.

"Happy family na ulit tayo!" Excited na sabi ni Yoori kaya agad na natahimik si Yoonji.

Napabuntong hininga na lang ito nang makita niya ang ngiti sa mukha ng kapatid niya.

"Pero Yoori, hindi na ako nakatira kay Jimin..." Paliwanag ni Yoonji.

"Eh?" Nagtatakang sabi ni Yoori bago siya napatingin kay Jimin, "edi hindi natin kasama si ate mommy at si baby sa bahay?" Tanong ni Yoori kay Jimin.

Napakunot ang noo ni Yoonji sa sinabi ni Yoori.

"Anong baby sinasabi mo Yoori?" 

Napabalik ang tingin ni Yoori sa kanya, "yung baby niyo..." Paliwanag ni Yoori.

"Anong baby namin? Wala kaming baby, ikaw lang baby ko Yoori." Giit ni Yoonji bago niya ginulo ang buhok ni Yoori.

Inosente siyang tiningnan ni Yoori, "eh? Sabi po nung doctor kanina buntis ka daw po." 

Napatigil si Yoonji sa paggulo ng buhok ni Yoori nang marinig niya ang sinabi nito, "A-Anong buntis?" Nauutal na tanong nito.

Napakunot ang noo ni Yoori bago ito napanguso, "hindi mo alam yung buntis ate mommy?" 

Napabuntong hininga ang batang babae bago ito lumapit kay Yoonji, "ibig sabihin po noon may baby ka sa tiyan mo." Paliwanag ni Yoori.

Nakatulala lang si Yoonji habang pinapakinggan niya ang paliwanag ni Yoori, of course alam ni Yoonji ang buntis pero ang hindi niya alam ay kung bakit siya buntis, although alam niya rin kung paano nabubuntis ang tao at pwede nga siyang mabuntis pero ang hindi niya alam ay kung totoo ba ang sinasabi nito.

Lutang na lutang si Yoonji, para bang nag-eecho sa utak niya ang salitang buntis.

Pinagmamasdan lang siya ng lahat habang tulala siya.

"So sinong magsasabi sa kanya na buntis talaga siya?" Tanong ni Jin habang naghahantay na may mag-volunteer.

"Ako na lang." Sabi ni Namjoon bago sila lumapit kay Yoonji.

"YOONJI BUNTIS KA." Sigaw ni Namjoon sa tenga ni Yoonji kaya naman agad na bumalik sa huwisyo si Yoonji.

Napatingin si Yoonji sa lahat ng kasamahan niya sa loob ng kwarto habang naghahantay na may magsabi ng 'joke lang' pero walang nagsasalita noon kaya naman unti unting kumabog ang dibdib niya.

Tiningnan niya isa-isa ang mga ito, lahat ng eto ay seryosong nakatingin lang sa kanya hanggang sa tumama ang paningin niya kay Jimin.

Napabuntong hininga si Jimin bago ito lumapit kay Yoonji, naupo siya sa kamang kinahihigaan ni Yoonji bago niya ito hinawakan sa kamay, agad nanlaki ang mata ni Yoonji nang hinawakan ni Jimin ang kamay niya.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo ko hinahawakan sa kamay?" Naguguluhang tanong ni Yoonji.

Napabuntong hininga ulit si Jimin bago niya tiningnan ng diretso si Yoonji sa mata.

"Buntis ka..." napatigil saglit si Jimin, "at ako yung ama."

Nang marinig ni Yoonji iyon ay hinimatay ulit siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top