79
Nakaupo na lang ngayon si Yoonji sa isang upuan sa may gawing gilid katabi niya si Hoseok at Jin, si Jennie ay hindi na nila makita, malamang isa na siya sa mga babaeng nagwawala habang sumasayaw sa gitna.
Hindi mapakali si Hoseok habang tumitingin siya sa buong paligid niya na para bang may hinahanap kaya naman napatingin sa kanya si Jin. Si Jin na nagpapaypay kay Yoonji gamit ang isang pink na pamaypay na nahirap lang niya sa dumaang estudyante kanina.
"Oy, kanina ka pa tingin ng tingin diyan, may hinahanap ka ba?" Tanong ni Jin, pero hindi siya napansin ni Hoseok dahil abala pa rin ito sa pagtingin-tingin kaya naman hinampas na siya ni Jin ng pamaympay.
Nagulat si Hoseok sa ginawa ni Jin kaya mabili siyang napalingon kay Jin, "kung si Yoongi ang hinahanap mo, hindi mo siya makikita, maniwala ka sa akin." Giit ni Jin.
"Alam ko naman yun, hindi naman si Yoongi ang hinahanap ko, si Jimin ang kanina ko pa hinahanap eh." Ani Hoseok.
Napakunot ang noo ni Jin, "don't tell me, Jennie the second ka na?"
"Ha?" Naguguluhang tanong ni Hosoek, "hindi, hindi, may inaabangan lang talaga ako." Kinakabahang paliwanag ni Hoseok.
Napairap na lang si Jin, wala na siyang pakealam dahil ang hirap kausap ni Hoseok, binalik na lang niya ang atensyon niya kay Yoonji na medyo bumabalik na sa sarili dahil panay ang kain, pati ang pagkain ni Jin at Hoseok ay kinain na rin niya pero hinayaan na lang siya ng dalawa.
Si Hoseok naman ay unti unting nawala sa sarili nang maalala niya ang usapan nila ni Jimin nung gabing yun...
"Hoseok, anong nangyari?"
Pagbukas pa lang ng pinto ni Jimin ay halata na ang pag-aalala sa mukha nito, napakunot ang noo ni Hoseok dahil kung pumunta siyang nakapajama at gulong gulo ang kanyang buhok, si Jimin naman ay literal na pumunta ng nakaboxer lang, magulo rin ang buhok at may nakalagay pang cooling gel sheets sa noo nito.
"May sakit ka ba?" Tanong ni Hoseok at akmang hahawakan niya sana si Jimin sa leeg para salatin ang temperatura nito pero umiwas agad 'to sa kanya.
"W-Wala." Pagsisinungaling ni Jimin, napangiwi lang si Hoseok dahil obvious na nagsisinungaling 'to dahil sa nakalagay sa noo ni Jimin.
Nang marealize ni Jimin na may nakalagay na ganoon sa noo niya ay mabilis niyang inalis iyon at tinapon sa labas bago siya pumasok sa loob.
Hinanap agad ni Jimin si Yoonji, nang tumama ang paningin niya kay Yoonji na mahimbing na natutulog sa sofa habang napapalibutan ng maraming stuff toy ay agad kumalma si Jimin, marahan siyang naglakad patungo kay Yoonji para hindi ito magising.
Hinawi ni Jimin ang buhok ni Yoonji na tumatabing sa mukha niya bago niya iyon inipit sa likod ng tenga nito.
Pinagmamasdan lang ni Hoseok si Jimin at Yoonji, napangiti siya ng maliit nang makita niya ang ginawa ni Jimin.
"Anong nangyari?" Mahinang tanong ni Jimin.
Umiling lang si Hoseok, "naisip ko lang na ikaw dapat yung kasama niya." Aniya.
"Huh?" Tumayo si Jimin para harapin ulit si Hoseok.
"Mauna na ko ha, ikaw na bahala kay Yoonji." Nginitian siya ni Hoseok bago ito naglakad papaalis ng bahay.
"Teka saglit!" Pagpigil ni Jimin kay Hoseok bago pa ito tuluyang makalabas, napatingin sa kanya si Hoseok na may nagtatakang mukha.
"Thank you." Mahinang sabi ni Jimin, ngumiti lang sa kanya si Hoseok bago akmang aalis na ulit ito nang pigilan ulit siya ni Jimin.
"Last na 'to." Sabi ni Jimin bago niya hinawakan ang braso ni Hoseok kaya natigilan ito.
Ilang segundong walang nagsasalita sa kanilang dalawa hanggang sa napabuntong hininga na lang si Jimin bago siya ngumiti kay Hoseok.
"May hihingin sana akong pabor sa'yo..."
"Pa-abot naman nung cocktail."
Napairap si Jin nang makita niyang tulala pa rin si Hoseok kaya naman agad siyang pumitik sa harap nito, nagulat si Hoseok sa ginawa ni Jin kaya gulat siyang napatingin dito.
"Ang sabi ko, pwede bang paabot nung cocktail kasi hindi ako makatayo dito sa upuan ko, masikip sa pwesto ko dahil nagigitgit ako ni Yoonji." Malambing na sabi ni Jin kahit halatang ang plastic ng pagkakasabi nito.
"Pasensya na." Sabi ni Hoseok bago niya inabot ang cocktail kay Jin.
Napataas ang kilay ni Jin bago siya sumimsim ng cocktail, "may problema ka ba Hoseok? Kanina ka pa tulala diyan." anito.
"Wala naman, may iniisip lang ako." Sagot nito.
"Kanina ka pa madaming iniisip, maya't maya nawawala ka sa sarili mo." Ani Jin.
Napakunot ang noo ni Jin habang may nagdududang tingin kay Hoseok, "In love ka ba?" Tanong pa ni Jin kaya nagulat si Hoseok pero nang mapag-isip isip ni Jin ay napailing itong bigla, "broken ka no?"
Napabuntong hininga si Hoseok, "hindi nga, may iniisip lang ako." Sagot nito.
Tumango na lang si Jin, wala siyang masyadong time para sa drama ngayon dahil may dalawa siyang inaalagaan ngayon, hindi kasama si Hoseok doon.
"Okay ka na ba?" Tumango lang si Yoonji sa tanong ni Jin.
"Gusto mo bang sumayaw?" Tanong pa ulit ni Jin kay Yoonji na nakatulala lang, napatingin sa kanya ito na may nandidiring ekspresyon ng mukha.
"Ikaw? At ako?" Tanong ni Yoonji kay Jin pero umiling naman agad si Jin, "kayong dalawa ni Hoseok." Sagot ni Jin.
Kusang napatingin si Hoseok sa dalawa nang marinig niya ang pangalan niya, pero nag-stay ang paningin niya kay Jin nang makita niya itong ngumiti.
"I know." Ani Jin gamit lang ang pagbuka ng kanyang bibig.
Hanggang sa marealize ni Hoseok na alam ni Jin ang mangyayari ngayong gabi, may nginuso pa si Jin sa likod niya kaya naman pasimple siyang napatingin doon, nakita niya si Jungkook na sumesenyas sa kanya kaya naman tumango na lang si Hoseok bago niya inilahad ang kamay niya kay Yoonji.
Napataas ang kilay ni Yoonji dahil sa ginawa ni Hoseok.
"Mamaya na lang, medyo pagod pa ako--"
Natigilan si Yoonji sa pagsasalita nang literal na hinablot siya ni Jin para sumama kay Hoseok sa gitna, "Goodluck." Bulong ni Jin sa dalawa bago niya tinapik itong pareho, nagtataka si Yoonji dahil sa sinabi ni Jin pero bago pa siya makapagtanong ay bigla na lang sila nitong iniwan sa gitna.
Inilahad ni Hoseok ang kamay niya kaya naman napatingin doon si Yoonji, kahit nag-aalangan siya ay hinawakan pa rin niya ang kamay ni Hoseok bago siya hinawakan nito sa baywang para mas mapalit siya sa kanya, nagulat si Yoonji sa ginawa ni Hoseok pero hindi rin siya agad naka-angal.
Habang sumasayaw silang dalawa kasabay ng maraming mga estudyante ay nakatingin lang sila sa isa't isa.
Kaso biglang tumigil ang vocalist ng bandang kumakanta sa stage, napahawak si Yoonji sa tenga niya dahil nagfeedback yung mic, napatigil rin ang mga taong sumasayaw kasabay nila, lahat sila ay napatingin sa stage.
"Jungkook?" Nagtatakang tanong ni Hosoek nang makita niya si Jungkook sa stage imbes na si Jimin.
"I-uhm, hi hehe." Awkward na bati ni Jungkook habang hawak niya ang mic, lahat ng estudyante ay nasa kanya na ang atensyon ngayon.
"Anong ginagawa ni Jungkook?" Nagtatakang tanong ni Yoongi habang tinitingnan niya ang kinakabahang si Jungkook na nasa stage.
"Dude, anong trip mo?" Inis na tanong nung vocalist kay Jungkook.
"Saglit lang pre, saglit lang talago 'to promise." Ani Jungkook dun sa lalaki bago niya sinenyasan ang DJ, tumango naman ang DJ nang makuha agad niya ang signal ni Jungkook.
Tumunog ang intro ng Marry Me ni Jason Derulo kaya naman napangiti agad ang mga estudyante na mukhang nakakahalata na sa mangyayari, bukod syempre sa mga medyo mahinang pumick up kagaya na lang ni Yoonji na nagtataka sa mga kinikilos ni Jungkook.
105 is the number that comes to my head, when I think of all the years I wanna be with you
Nagsimulang kumanta si Jungkook sa stage kaya naman napatili ang ilang mga kababaihan, pati yung ibang lalaki napatili rin, wala eh, si Jungkook yung kumakanta kaya halos lahat ng tao ay tumigil sa mga ginagawa nila para lang makinig sa boses ng binata.
Wake up every morning with you in my bed, that's precisely what I plan to do
"Hindi ako binayaran para makisali sa eksenang 'to." Inis na sabi nung vocalist bago naglakad pababa ng stage, ang ibang kasama sa banda ay nagkatinginan muna saglit na para bang hindi alam ang kanilang gagawin, kung aalis na rin ba sila sa stage or sasabayan nila ang tugtog tutal ay alam naman nila ang tugtog na yun.
And you know one of these days when I get my money right
Nang makita nilang nag-eenjoy ang mga estudyante ay nagtanguan sila bago sinabayan ang tugtog kaya naman mas lalong dumami ang mga estudyanteng nagpupulong pulong sa harap ng stage.
Buy you everything and show you all the finer things in life
Si Jin ay nanunuod lang mula sa malayo habang nakangiti pero napakunot ang noo niya nang makita niya ang vocalist na may kausap na isang student council, hindi naging maganda ang pakiramdam ni Jin doon kaya naman mabilis siyang sumenyas kay Jimin na nasa gilid lang niya na kabadong kabado.
"Go Jimin, ako na ang bahala dun." Bulong ni Jin, napatango naman si Jimin bago siya naglakad patungo sa stage.
Will forever be enough, so there ain't no need to rush
Ngayon ay naguluhan na talaga si Yoonji nang makita niya si Jimin sa stage, pero nagawa pa niyang kumaway kay Jimin na parang bata, akala niya kasi ay kakanta rin eto pero nagulat siya nang inabutan ni Jungkook si Jimin ng isa pang wireless mic na kanina pa pala nasa bulsa nito pero hindi ito kumanta, tumayo lang ito sa gitna at dumiretso agad ang tingin nito sa kanya.
But one day, I won't be able to ask you loud enough
Sa dulong parte naman ng gymnasium ay nandoon pa rin si Jin pero nanlaki ang mata nito nang makita niya ang student council na papalabas ng gymnasium, kaya naman dali dali siyang naglakad papalapit doon bago niya kinuha ang isang cocktail na nakalapag sa lamesang nadaanan niya, hindi niya alam kung kanino yun pero kinuha pa rin niya at nagkunware siyang napatid.
Tumapon lahat ng yun sa student council, napatingin sa kanila ang ilang mga estudyante pero wala namang pakealam ang iba, gulat ang babaeng student council dahil sa ginawa ni Jin, hindi ito makapaniwalang matatapunan lang ng cocktail ang magandang damit niya.
"What the hell?" Inis na sabi nung babae kay Jin.
"Oh, i'm sorry." Sabi ni Jin bago niya kinuha ang panyo at akmang pupunasan ang damit nito nang makita niya si Namjoon na dadaan sa kanila na may hawak rin na cocktail.
"Namjoon be careful!" Malakas na sigaw ni Jin, sinasadya niyang gulatin si Namjoon para tumapon ulit dun sa babae ang cocktail.
Alam niyang clumsy si Namjoon kaya kahit alam niyang hindi naman talaga dapat matatapunan ni Namjoon yung babae kung di niya 'to ginulat.
Nanlaki ang mata nang student council nang sumapol sa mukha niya ang cocktail na hawak ni Namjoon, hindi makapaniwalang natawa ito ng sarkastiko, si Namjoon naman ay hindi alam ang gagawin, kung magsosorry ba siya, kung tutulungan ba niya 'to o ano, sa sobrang kaba niya ay natulak niya ito ng hindi sinasadya.
Kaya naman bumagsak ito sa isang table, dahilan kung bakit natumba iyon, napalayo ang lahat ng estudyanteng malapit doon dahil sa sobrang gulat. Napahawak si Jin sa bibig niya dahil nagulat rin siya sa ginawa ni Namjoon.
"I-I'm sorry, hindi ko sinasadya." Natatarantang sabi ni Namjoon.
"Fuck!" Sigaw nung babae bago niya binalibag si Namjoon ng cake nasa table na kasama niyang tumumba.
Nanlaki ang mata ni Jin dahil sa ginawa nung babae, kaya naman mabilis niya itong hinarap, "bingi ka ba? Hindi nga niya sinasadya di ba?" Galit na sabi ni Jin, hindi naman talaga sinasadya ni Namjoon yun dahil siya ang nanadya talaga.
"Bitch, I don't care!" Inis na sabi nung babae.
Natawa ng sarkastiko si Jin dahil inattitudedan siya ng babae kaya naman nang may dumaang estudyante na may hawak na pinggan na may lamang cake ay agad niyang dinampot iyon para ibalibag rin sa babae.
Napasinghap lahat ng estudyanteng nakapanuod sa ginawa ni Jin.
"What? Hindi ko rin sinasadya." Sarkastikong sabi ni Jin.
"Fuck you." Nang gagalaiting sabi nung babae habang pinipilit niyang tumayo sa table.
"Bitch kahit bayaran mo ako hindi ko gagawin sa'yo yun, eww." Nang iinis pang sabi ni Jin.
Habang nagkakagulo ang ilang estudyante sa parte nila Jin ay nagkakagulo rin ang mga estudyanteng malapit sa stage habang pinapanuod si Jungkook.
Si Jimin ay nanatiling nakatayo pa rin sa harap ng stage, literal na walang ginagawa kundi tumingin lang kay Yoonji.
"Ang weird naman ni Jimin--" Bulong ni Yoonji kay Hoseok pero natigilan ito nang marealize niyang wala na si Hoseok sa tabi niya, napatingin siya sa buong paligid niya para sana hanapin ito pero napabalik ang tingin niya sa stage nang magsimulang magsalita si Jimin sa mic.
"Uhm, hi guys!" Awkward na bati ni Jimin sa mic.
Natigilan saglit si Jin at ang babaeng student council sa pag-aaway dahil napatingin rin sila kay Jimin na nasa stage.
"Alam kong bawal 'tong ginagawa ko ngayon, uhm wag niyo kong sumbong sa mga teachers-- i mean malalaman rin naman nila pero wag muna ngayon, pagsalitain niyo muna ako." Sabi ni Jimin.
Napatigil si Jungkook sa pagkanta dahil kay Jimin, hindi naman ganoon yung plano nilang dalawa kaya naman inis na pinatay ni Jungkook ang mic niya, nang mapansin ng DJ ang ginawa ni Jungkook ay pinatay na rin nito ang music, tumigil na rin sa pagtugtog yung mga nasa banda.
"Uhm, thanks Kook, sorry m-medyo nawala sa plano natin pero--"
"Bahala ka na diyan." Ani Jungkook bago niya binitawan na lang ang mic na hawak niya at naglakad na pababa ng stage, dahilan kung bakit napakunot ang noo ng ilang estudyante dahil sa attitude na pinakita ni Jungkook.
"J-Jungkook, teka! W-Wala sa usapan natin na iiwan mo k-ko dito s-sa stage m-mag-isa." Nauutal na sabi ni Jimin, mas lalo kasi itong kinakabahan.
Nasa kanya ang atensyon ng lahat ng estudyante ngayon, napalunok siya bago siya awkward ulit na natawa sa stage.
"Uhm, eto na hehe." Napakamot si Jimin sa kanyang batok, "I-I know mukha na akong tanga ngayon sa harap niyo k-kasi sino ba naman 'tong n-naninira ng prom na 'to, i-i'm sorry, saglit lang talaga 'to."
Huminga ng malalim ng Jimin, "gusto ko lang akong sabihin sa lahat..." ngumiti si Jimin bago niya ibinalik ang tingin sa crowd.
"n-nandito kasi yung pinaka-importanteng tao sa akin, nandito siya sa crowd, a-ang ganda niya ngayong gabi..."
Namula ang pisngi ni Yoonji habang pinapakinggan niya ang sinasabi ni Jimin sa stage, lalo na't diretso ang tingin nito sa kanyang mga mata, nahiya bigla si Yoonji dahil napapansin na ng ibang estudyante na sa kanya nakatingin si Jimin kaya naman bahagya siyang napaurong, hindi niya alam ang gagawin niya.
"I-I just want to say that..." napatigil saglit si Jimin bago siya ngumiti, "I love you."
Napa-aww ang ilang estudyante, ang ilan namang mga bitter ay napangiwi at nandiri, habang ang ilan naman ay mag-interesado sa away ni Jin at ng student council.
Napakagat si Yoonji sa labi niya, sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kanya diretso ang tingin sa kanya ni Jimin, ayaw niyang mag-assume pero nag-aassume na talaga na siya yun.
Bumaba si Jimin sa stage kaya naman mas lalong lumakaw ang bulungan ng mga estudyante, habang naglalakad siya patungo sa crowd ay umiiwas ang ilang mga estudyante dahil interesado rin silang malaman kung saan tutungo si Jimin.
Si Yoonji naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan niya dahil literal na nakatingin sa kanya si Jimin, mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso niya kada mas lumalapit sa kanya si Jimin kaya naman ng huminto ito sa harap niya ay hindi siya naka-iwas kagaya ng ilang mga estudyante.
"I love you..." Pag-uulit ni Jimin, halos magpigil ng hininga si Yoonji, hindi niya alam ang gagawin niya.
"I-I..." Hindi alam ni Yoonji ang isasagot niya, naguguluhan siya.
Pero biglang napakunot ang noo niya nang bumaba ang tingin ni Jimin hanggang sa bigla itong lumuhod sa harap niya.
Napasinghap ang mga manunuod, gulat na gulat sila sa eksena ngayon, pero wala nang mas gulat pa kumpara kay Yoonji.
"I love you Yoori." Ani Jimin bago niya niyakap ang batang biglang lumitaw sa likod ni Yoonji ay nagtatakbo para yakapin ang nakaluhod na si Jimin.
"I love you too Kuya Daddy." Sagot naman ni Yoori.
Hindi alam ni Yoonji kung anong gagawin niya, kung matutuwa ba siya dahil nasa harapan niya ngayon si Yoori o maiinis ba dapat siya? malulungkot? madidisappoint? Hindi na niya alam kaya naman nakatayo lang siya sa pwesto niya habang gulat na gulat sa mga nakikita niya.
"Ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng nandito ngayong gabi Yoori." Mahinang sabi ni Jimin kay Yoori kaya naman napasinghap si Yoonji.
Napangiti si Yoori dahil sa sinabi ni Jimin.
Tinapat ulit ni Jimin ang mic sa kanyang bibig para makapagsalita ulit, "Everyone, this is my baby bunso, Yoori."
"Hindi ko man siya totoong anak pero mahal na mahal ko siya, kagaya ng pagmamahal ko sa Ate Mommy niya." Nakangiting sabi ni Jimin, this time ay pakiramdam ni Yoonji ay namali siya ng pagkakarinig.
"Mahal? Mahal mo si Ate Mommy?" Tanong ni Yoori, napakunot ang noo ni Yoonji nang bahagya nang makita niyang tumapat pa si Yoori sa mic bago niya sabihin yun, "baka naman minahal mo na lang yung ngayon na ate mommy, pero hindi mo minahal yung dating ate mommy ko?"
Nakita ko ang bahagyang gulat sa mata ni Jimin, "wala 'yan sa script." Bulong ni Jimin kay Yoori pero hindi siya pinansin ni Yoori.
Napabuntong hininga si Jimin, "mahal ko siya noon pa lang Yoori, pero takot ako noon, takot ako sa sasabihin ng ibang tao, takot ako sa magiging reaction ng pamilya ko, takot ako na mawala yung pagkakaibigan namin, takot ako sa lahat na pwedeng mangyari pero ngayon hindi na..."
"Yoori mahal ko yung kapatid mo." Giit ni Jimin sa bata, "Ang cliche nitong pakinggan pero hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala siya sa akin..."
Nakikinig lang si Yoonji sa usapan ng dalawa kagaya ng lahat ng estudyante habang si Jin at Namjoon naman ay abala sa pagpigil ng mga student council na nagtatangkang magsumbong sa mga teacher na nasa labas.
"Kaya Yoori, may itatanong ako ate mommy mo, gusto ko na ikaw yung magparating sa kanya ng tanong ko na 'to..."
Natahimik ang lahat, nag-aabang silang lahat sa itatanong ni Jimin sa bata, hanggang sa may kinuha si Jimin sa bulsa niya. Napasinghap ulit ang lahat nang makita nilang naglabas si Jimin ng isang kulay pulang box at binuksan ito para ipakita kay Yoori ang laman nitong singsing.
"Pakitanong sa ate mommy mo..."
Nangilid ang luha sa mga mata ni Yoonji habang pinapanuod niya ang eksena, nang hihina na ang kanyang tuhod dahil hindi niya talaga alam ang gagawin niya, nabablangko na ang utak, at the same time pakiramdam niya ay nahihilo na rin siya at nasusuka.
Inangat ni Jimin ang paningin niya kaya't nagtama ulit ang paningin nilang dalawa ni Yoongi.
"Will you marry me?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top