78

"Are you sure na magsusuot ka ng pink na dress na 'yan at hindi ka magpapanggap na lalaki ngayon?"

Tumango naman si Yoonji habang hawak-hawak niya ang cute na dress, napakagat si Jennie sa labi niya habang pinag-iisipan kung ano bang nakain ni Yoonji nitong mga nakakaraan at bakit siya nagkakaganito.

Si Jin naman ay may isang specific na dahilan na sa utak niya pero ayaw niyang isipin na iyon nga ang dahilan, siguro ay ito lang ang ginagawang paraan ni Yoongi para maka-cope up sa mga problema niya nitong mga nakakaraan.

"Yoon, aayusan na kita baka malate tayo sa prom." Sabi ni Jennie bago niya ito inalalayan patungo sa upuan.

Nakamake up na kasi si Jennie pero ang buhok niya ay may pangkulot pa rin, si Jin naman ay nakabihis na rin, nag-aayos na lang siya ng buhok dahil feel niyang ipakita ang noo niya ngayon.

Inayusan ni Jennie si Yoongi hanggang sa makatulog na naman ito habang inaayusan niya, kinulot niya lang ng bahagya ang buhok ni Yoonji dahil maiksi lang ito, bago niya nilagyan ng cute na clip ang buhok nito.

Nagising ito nang malagyan siya ng clip kaya inutusan na siyang magbihis ni Jennie at sumunod naman ito kaya naman nagtakha si Jennie, lumapit ulit siya kay Jin.

"May kakaiba talaga kay Yoons ngayon." Ani Jennie.

"Stress lang yan." Sabi ni Jin kahit siya mismo ay nagdududa. Akala niya kasi ay magkakaroon lang si Yoonji nitong mga nakakaraan pero it turns out na nababaliw na talaga ito.

May nagdoorbell kaya naman pinuntahan ni Jennie ang pinto para pagbuksan, bumungad sa kanya si Hoseok na nakaayos na at may hawak na bulaklak.

"Pasok ka muna, nagbibihis na si Yoonji." Ani Jennie.

Tumango naman si Hoseok at pumasok sa bahay nila Jin, naupo siya sa may sofa, si Jennie naman ay bumalik para ayusin na ang kanyang buhok, si Jin naman ay nakaayos na kaya pumunta na siya sa sofa at naupo.

"Bulaklak bibigay mo? Bakit hindi na lang chupon?" Biro ni Jin, napataas naman ang kilay ni Hoseok pero nginisihan lang siya ni Jin.

"Biro lang." Ani Jin.

Nanatili si Hoseok na nakatingin sa hagdan habang hinahantay ang pagbaba ni Yoonji.

Nang makita nila si Yoonji ay parehong nalaglag ang panga ni Jin at Hoseok habang pinagmamasdan nila itong maingat na bumababa sa hagdan, halos sabay pa itong napalunok nang biglang sumaktong umikot ang electric fan sa kanya kaya naman bahagyang hinangin ang buhok nito.

Parehong napabalik sa huwisyo si Jin at Hoseok dahil para silang napunta sa isang telenovela kaya naman pareho nilang inayos ang postura nila habang hinahantay na lumapit si Yoonji sa kanila.

"Pasensya na natagalan ako, hindi ko kasi maisarado yung zipper sa likod." Sabi ni Yoonji bago niya pinakita sa dalawa ang likod niya kung saan hanggang ngayon ay nakabukas pa rin ang zipper kaya naman kitang kita nila ang maputing balat ni Yoonji.

Napahawak na lang si Jin sa ilong niya para pigilan ang pagbagsak ng dugo doon, nagmental breakdown na rin siya at napadalawang isip sa kanyang sexuality.

Si Hoseok naman ay hindi niya alam ang gagawin niya kaya naman nagpanic siya sa sobrang pagpapanic niya ay isinarado niyang bigla ang zipper ni Yoonji, medyo nagulat si Yoonji dahil sa biglang ginawa ni Hoseok pero napangiti rin ito dahil sa wakas ay nasarado na rin niya ang zipper.

Nakahinga na ng maluwag si Hoseok nang masarado niya iyon, pati si Jin at si Jennie na nagtatago sa may gilid at nakikitingin rin sa likod ni Yoonji ay nakahinga na rin ng maluwag na maisarado yun ni Hoseok.

"Ay! Para nga pala sa'yo." Inabot ni Hoseok ang bulaklak kay Yoonji.

Napatingin si Yoonji doon bago niya inamoy, halos mapangiwi si Yoonji nang kinuha niya yun at mabilis na inilapag sa table.

Ngumiti nang peke si Yoonji, "thank you." 

Halos masuka si Yoonji kaya naglagay siya ng pabango sa buong katawan niya, nang inamoy niya ang paligid at hindi niya pa rin gusto ang amoy ay nagwisik rin siya sa hangin, hindi pa siya nakuntento dahil nilagyan rin niya ng pabango si Hoseok bago niya binalik ang pabango sa bag niya.

Nagpipigil ng tawa si Jin at Jennie dahil sa ginawa ni Yoonji pero napakamot lang sa ulo si Hoseok dahil hindi naman niya alam na hindi magugustuhan ni Yoonji yun.

"Uhm, Yoonji, hindi ba masyadong mataas 'yang heels mo?" Tanong ni Jin kaya naman napatingin doon si Yoonji. 

"Hindi naman, nakakalakad naman ako ng ayos." Sabi nito.

"Bakit hindi ka na lang mag-flats? Mahihirapan ka maglalakad doon mamaya, sasakitan ka lang ng paa." Sabi ni Jin habang tinitingnan niya ang mga sandals ni Jennie, napakunot ang noo ni Yoonji, Hoseok at Jennie sa inaarte ni Jin.

Pinanliliitan ng mata ni Yoonji si Jin dahil ngayon niya lang ito nakitang nag-alala sa kanya, pero may point naman si Jin doon kaya naman mas pinili niyang isuot ang flats na inilapag ni Jin sa harapan niya, tinulungan rin siya ni Jin na tanggalin ang heels niya.

"Okay na ba lahat?" Tanong ni Jennie. 

Tumango naman silang apat, sabay-sabay kasi silang pupuntang prom, nanghiram pa nga si Jin ng sasakyan sa kung sino man na kakilala daw niya, si Jin ang nagdadrive, si Jennie ay nasa tabi niya habang si Yoonji at Hoseok ay magkatabi sa likod ng sasakyan, kapag sinabing magkatabi, as in walang space talaga sa kanilang dalawa, nakagitgit si Hoseok sa may gilid dahil mas lalo pa siyang ginigitgit ni Yoonji.

Mabuti na lang at may ID si Yoonji sa parehong Yoongi at Yoonji kaya kahit nakabihis siya ng Yoonji ay makakapasok pa rin siya sa school. 

"Here we go, it's our time to shine, bitches." Sabi ni Jin nang makarating na silang apat sa school, sabay sabay silang bumaba sa sasakyan at napatingin sa gymnasium kung saan gaganapin ang kanilang prom, sobrang lakas ng tugtog na nanggagaling doon. 

"Let's go!" Aya ni Jin kaya naman mabilis na humawak si Yoonji sa braso ni Hoseok, napatingin sa kanya si Hoseok pero nginitian lang siya ni Yoonji kaya wala na itong nagawa kundi hayaan ito.

Nakahawak lang si Yoonji kay Hoseok habang naglalakad sila papasok sa school kaya naman hindi maiwasan ng mga chismosa sa school nila na mapatingin sa kanilang dalawa, malamang issue na naman yun.

"Hoseok!" Napatingin si Hoseok sa tumawag sa kanya, nakita niya ang nakangiting si Jimin na tumatakbo papalapit sa kanya, "nakita mo  ba si Yo-"

Nawala ang ngiti sa labi ni Jimin nang marealize niya kung sino ang nakahawak sa braso ni Hoseok, nang magtama ang paningin nila ni Yoonji ay nginitian lang siya nito pero hindi makapagbalik ng ngiti si Jimin dahil bumaba agad ang paningin ni Jimin sa kamay ni Yoonji na nakapalupot sa braso ni Hoseok.

Siniko naman agad ni Jennie si Jin nang makita niya ang eksena ng tatlo, nang mapatingin si Jin sa nangyayari ay mabilis nitong inilabas ang kanyang cellphone para i-record iyon, napakunot ang noo ni Jennie dahil sa ginawa ni Jin kaya naman inagaw niya ang cellphone nito.

"What?" Inis na tanong ni Jin bago niya binawi ang phone niya kay Jennie.

"Wag mo nang sagarin si Yoongi." Bulong ni Jennie kaya naman napairap na lang si Jin at wala nang nagawa kundi itago ang kanyang cellphone at napanuorin na lang ang tatlo.

"Hi Yoong- I mean Yoonji." Awkward na sabi ni Jimin bago siya ngumiti.

"Hi, magaling ka na ba?" Tanong ni Yoonji bago niya sinalat ang noo ni Jimin, tumango naman si Jimin.

"Mabuti naman, akala ko hindi ka na makakapunta sa prom." Sabi ni Yoonji.

"Pwede ba yun? Pwede bang di ako pumunta dito?" Tanong ni Jimin, napatango si Yoonji dahil pwede naman talaga siyang hindi pumunta, hindi naman required.

Napangiti na lang si Jimin dahil sa inosenteng pagtango ni Yoonji, "oh siya! Mauna na ko, may aayusin pa kami ni Jungkook." Sabi ni Jimin bago niya tinapik si Hoseok sa braso at ngumiti kay Yoonji.

Nanliit ang mata ni Jin dahil sa ginawang pagtapik ni Jimin sa braso ni Hoseok, sa pagkakatanda niya kasi ang hindi okay ang dalawa na yun, bakit parang naging close yata sila bigla?

"Good luck!" Sigaw ni Hoseok.

"Thanks!" Nakangiting sagot ni Jimin habang tumatakbo na paalis.

"Good luck saan?" Tanong ni Yoonji kay Hoseok.

"Magpeperform daw sila ni Jungkook mamaya." Sagot naman ni Hoseok, kaya naman napanguso si Yoonji.

"Bakit alam mo tapos ako hindi ko alam?" Tanong ni Yoonji, nagkibit balikat lang si Hoseok.

"Tss!" Inis na sabi ni Yoonji, "ang cute niya, nakakainis siya, ang cute niya sa suot niya, ang cute niya rin kahit wala siyang suot." Mahinang bulong ni Yoonji sa sarili niya.

Napangiwi na lang si Hoseok nang marinig niya yun, kahit naman mahina lang iyong sinabi ni Yoonji sa sarili niya ay narinig pa rin niya yun ng malinaw dahil literal na magkadikit lang silang dalawa.

"Okay guys! Tama na muna ang drama!" Sabi ni Jin nang pumagitna siya sa dalawa.

Napatingin pareho sa kanya si Hoseok at Yoonji na nagkahiwalay dahil sa intrada niya, "Come on! Let's dance!" Sigaw niya bago niya tinulak ang dalawa papasok sa entrance, napailing na lang si Jennie bago siya sumunod sa tatlo.

Nagsimula silang makisayaw sa napakaraming tao sa kanta ni Liam Payne na Strip That Down, dahan-dahang nahihiwalay silang apat dahil si Jennie ay nagwawala sa pagsasayaw habang patungo sa tatlo niyang kaibigan, to the point na tinatamaan na ng mahabang buhok niya ang lahat ng tao na madaanan niya, si Jin naman ay may nakasayaw dahil biglang sumulpot si Namjoon sa kung saan man na parang isang kabute at napunta sa likod ni Jin.

You know, I love it, when the music's loud but c'mon, strip that down for me, baby

Natatawa naman si Hoseok kay Yoonji dahil ngayon niya lang ito nakitang nagkaroon ng energy, para kasi itong si Yoongi, wala ring energy sa lahat ng bagay pero ngayon ay todo sayaw talaga na parang lasing kahit hindi naman ito nakainom.

Now there's a lot of people in the crowd but only you can dance with me

Nakikisayaw naman si Hoseok kay Yoonji, pareho silang nakangiti habang sumasabay sa beat ng tugtog pero unti unting naawkwardan si Hoseok dahil napapansin niyang masyado nang lumalapit sa kanya si Yoonji na para bang gusto siyang kagatin nito, medyo natatakot na siya sa mga kinikilos nito.

So put your hands on my body and swing that round for me, baby

Literal na hinawakan siya ni Yoonji sa balikat niya pababa sa dibdib niya habang nakatingin ito sa kanya na para bang gusto siyang nitong kainin, hindi yung kainin na ano ha, kundi literal na kainin kaya naman naman unti unting nanlaki ang mata ni Hoseok, bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba, gusto niyang humingi ng tulong kila Jin pero hindi na niya makita ang mag-pinsan sa dami ng tao.

You know, I love it when the music's loud but c'mon, strip that down for me

Tinatawag na ni Hoseok lahat ng santo na kilala niya sa isip niya para tulungan siya sa sitwasyon na 'to, malamig naman pero pinagpapawisan na siya dahil sa takot, hanggang sa mapababa ang tingin niya kay Yoongi nang makita niya itong parang wala sa sarili.

Pero ang totoo niyan ay nahihilo na si Yoonji dahil sa mga neon lights na sumasabay sa beat ng tugtog kanina pa, akmang hahawak si Hoseok sa braso niya para alalayan siya pero huli na ang lahat dahil bumagsak na 'to sa sahig.

Baby, uh, strip that down, girl, love when you hit the ground

Napatingin ang lahat ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanila, mabilis na dinaluhan ni Hoseok si Yoonji sa sahig, "Yoonji, gising, gumising ka please." Paulit ulit na sabi ni Hoseok habang tinatapik niya ang pisngi nito.

Nakita naman sila agad ni Jin kaya nagtatakbo ito patungo sa kanilang dalawa, "Anong nangyari?" Tanong nito kay Hosoek.

"Hindi ko alam, basta bigla na lang siyang hinimatay eh." Nag-aalalang sabi ni Hoseok, mabilis namang binuhat ni Jin si Yoonji at nagtatakbo ito, nagtataka si Hoseok kung saan dadalhin ni Jin si Yoonji pero nang makita niya itong patungo sa banyo ang dalawa ay mas lalong napakunot ang noo ni Hoseok pero sinundan niya pa rin ito.

Napansin niyang gising na pala si Yoonji dahil nang binaba ito ni Jin ay nakakatayo na ito pero halatang nanghihina pa rin kaya naman inalalayan pa rin ito ni Jin hanggang sa makarating sa tapat ng cubicle, napahawak si Hoseok sa dibdib niya dahil sa kaba nang makita niyang napaupo si Yoonji sa sahig at nagsusuka sa toilet. 

"Okay lang 'yan, suka mo lang." Sabi ni Jin habang hinahawakan niya ang buhok ni Yoonji at hinihimas ang likod nito habang walang tigil sa pagsuka ang babae.

Nagdadalawang isip si Hoseok kung tatawagan ba niya si Jimin o hindi, pero mas pinili niyang huwag na lang tawagan si Jimin.

Nang binalik niya ang tingin sa dalawa ay nakita na niyang inaalalayan na ni Jin si Yoonji sa sink para tulungan itong magmumog.

"Gusto mo pa bang mag-stay dito? Or iuuwi na kita?" Tanong ni Jin kay Yoonji habang pinupunasan nito ang pawis ni Yoonji sa noo.

"S-Stay..." Wala sa sariling sabi ni Yoonji, kaya napabuntong hininga na lang si Jin.

"P-Pakiramdam ko m-may mali sa akin J-Jin..." Nanghihinang sabi ni Yoonji, ngumiti lang sa kanya si Jin at umiling.

"Walang mali sa'yo, walang mali." Bulong ni Jin kay Yoonji pero narinig pa rin iyon ni Hoseok, "May nagbabago lang sa katawan mo Yoonji, kaya please wag ka na magpagod masyadong ngayon, maupo ka na lang sa isang tabi..." Utos ni Jin.

Tumango naman si Yoonji.

Mas lalong napaisip si Hoseok kung dapat na ba niyang tawagin si Jimin pero sa pangalawang pagkakataon ay may pinili ni Hoseok na huwag nang tawagan si Jimin...

Dahil may gusto siyang mapatunayan sa gabing ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top