77

"Nasan si Hobi?!" 

Napatigil pareho si Jin sa paghuhugas ng pinggan habang si Jennie naman ay napatigil sa pagsubo ng kanyang kinakain na pizza sa lakas ng sigaw ni Yoongi pagpasok pa lang nito ng bahay.

"Who the fuck is Hobi?" Tanong ni Jin bago niya pinasadahan ng tingin si Yoongi mula ulo hanggang paa, "at bakit mukha kang natatae?" 

"Si Hobi! Si Hoseok!" Sigaw ni Yoongi.

"Kaylangan ba talagang sumigaw? I mean duh!" Dagdag pa ni Jennie bago niya pinagpatuloy ang naudlot niyang pagsubo ng pizza dahil sa eksena ni Yoongi.

"Nasan si Hoseok?!" Tanong pa ulit ni Yoongi.

"Malamang nasa bahay niya, bakit dito mo hinahanap? Bahay ba niya 'to?" Inis na tanong ni Jin bago siya nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan.

"Don't tell me pinauwi mo siya?" Galit na tanong pa ulit ni Yoongi bago siya sumugod kay Jin sa kusina.

Napairap sa kawalan si Jin, "hindi ko siya pinauwi Yoongi, umuwi na siya dahil gabi na at dahil iniwan mo siya dito para puntahan yung lalaki mo." 

"What?! Anong lalaki?" Naguguluhang tanong ni Yoongi.

"Si Jimin, lalaki mo." Sagot naman ni Jin.

"Hindi ko siya lalaki." Dipensa ni Yoongi, bored na napatingin sa kanya si Jin kaya naman napangiwi si Yoongi, "okay fine! Pero hindi ko siya lalaki, he's my... he's my f-friend, you know." Medyo awkward na palusot ni Yoongi.

"Here we go again, friendzoning each other, maganda 'yan Yoongi, deny niyo lang dalawa hanggang sa makabuntis ulit si Jimin." Sarkastikong sabi ni Jin.

"Nuh-uh! Remember hindi kay Jimin ang dinadala ni Kiki, ayy! Wala nga pa lang dinadala." Napatingin pareho si Jin at Yoongi sa sala kung saan nakapwesto si Jennie dahil sa bigla nitong segway.

"Pero it's not about Jimin okay? Where the fuck is Hobi?!" Sigaw ni Yoongi ulit kaya napairap si Jin.

"Kaylan pa naging Hobi ang pangalan ni Hoseok?" Inis na tanong ni Jin.

"Kanina lang, nag-isip ako ng cute na nickname na bagay sa kanya." Nakangiting sabi ni Yoongi kaya naman binigyan siya ni Jin ng nagdududang tingin.

"Why are you so obsess with Hoseok?" Nandidiring tanong ni Jin.

"I'm not obsess!" Giit ni Yoongi, "naiinis lang ako kasi pinaalis mo siya ng bahay na hindi pa ako nakakauwi, sinabi ko ba sa'yong pauwiin mo siya ha? Ang sabi ko pakainin mo lang siya."

"God! Yoongi!" Singhal ni Jin naiirita na sa inaarte ni Yoongi, "umuwi siya kasi umalis ka ng 10 ng umaga, wala kang sinabi sa kanya kung mag-stay dapat ba siyang mag-stay dito o hindi, at idagdag mo pang umuwi ka na ng 10 ng gabi!" Dirediretsong sabi ni Jin sa sobrang inis.

"Then papuntahin mo siya dito." Utos ni Yoongi bago ito nag-cross arms.

Mabilis namang pinunasan ni Jin ang kamay niya bago siya napahawak sa baywang niya na para bang ready na siyang makipag-sagutan kay Yoongi.

"At bakit ko siya papapuntahin dito?" Galit na tanong ni Jin.

"Kasi gusto ko." Giit ni Yoongi kaya napabuga ng hangin si Jin.

"Well, first of all Yoongi wala kang karapatang utusan ako, pangalawa ay hindi mo boyfriend o asawa si Hoseok na pwede mong papuntahan kung kaylan mo gusto, at pangatlo hindi ako tumatanggap ng bisita dahil magmamadaling araw na." Ani Jin.

Napatitig si Yoongi sa kanya ng ilang segundo kaya naman napakunot ang noo ni Jin dahil mukhang wala sa sarili si Yoongi.

"B-Bakit hindi pwedeng pumunta dito si Hoseok?" Tanong pa ulit ni Yoongi.

Napaface palm na lang si Jin at napailing bago niya hinarap ulit si Yoongi, "kasi nga--"

Natigilan sa pagsasalita si Jin nang makita niyang may nangingilid na luha sa mga mata ni Yoongi, ilang segundo silang nagtitigan lang ni Yoongi hanggang sa makita niyang may namuo na talaga luha sa mga mata nito.

"Oh my god." Hindi makapaniwalang sabi ni Jin, "Fuck! Jennie! Call Hoseok! Asap!" Malakas na sigaw ni Jin kahit hindi maalis ang tingin niya kay Yoongi.

Iritadong napatingin si Jennie sa kanila hanggang sa marealize ni Jennie na may kakaiba sa dalawa dahil nakatayo lang ang dalawang ito imbes na magsapakan or whatever dahil kanina pa sila nagsisigawan, kaya naman napabangon agad si Jennie at nagtatakbo patungo sa kusina para puntahan ang dalawa.

"Anong problema niyo--" 

Natigilan rin si Jennie nang makita niyang may namumuong luha sa mga mata ni Yoongi, hindi ito nagsasalita pero mukhang aping api siya dahil sa itsura niya ngayon.

"Oh. My. Gosh." Hindi makapaniwalang sabi ni Jennie habang nakatitig siya kay Yoongi.

"Call Hoseok now, Jennie, please." Mariin na utos ni Jin habang hindi pa rin maalis ang tingin kay Yoongi.

Kahit naguguluhan si Jennie ay agad itong nagtatakbo para tawagan si Hoseok at papuntahin sa bahay.




Ilang saglit lang ay nakarating na sa bahay nila Jin si Hoseok, kabadong kabado ito dahil sa sinasabi nila Jennie na 'emergency' daw kaya naman halos magkadarapa na ito papunta sa bahay ni Jin, panay ang doorbell niya dahil hindi siya mapakali lalo na kung may emergency daw na nangyari kay Yoongi.

Pagbukas pa lang ng pinto ay bumungad na agad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Jennie kaya naman mas lalo itong kinabahan.

"Anong nangyari?" Tanong ni Hoseok, medyo gulo-gulo pa ang buhok at nakapajama pa dahil hindi na nakapagpalit ng kanyang suot dahil literal na bumangon lang siya sa pagkakatulog.

"May kakaibang nangyari kay Yoonji." Naiiyak na sabi ni Jennie kaya naman napuno ng pag-aalala si Hoseok, mabilis itong pumasok sa bahay at hinanap niya si Yoonji hanggang sa makita niya ito sa sofa...

Napapalibutan ng maraming stuff toy habang kumakain ng cookies.

Napakunot ang noo ni Hoseok bago ito napatingin kay Jennie, nagkibit balikat lang ito sa kanya kaya naman binalik niya ang tingin niya kay Yoonji hanggang sa makita niya si Jin na nakakunot ang noo, bahagyang natawa si Hoseok nang makita niya ang hitsura ni Jin ngayon pero sinamaan lang siya ng tingin ni Jin kaya nawala ang ngiti niya sa mukha.

Nakasuot kasi si Jin ng banana costume habang hinihilot ang likod ni Yoonji.

Nang mapatingin si Yoonji kay Hoseok ay agad itong napangiti, mabilis niyang binitawan ang mga kinakain niyang cookies para magtatakbo patungo kay Hoseok, nagkalaglag rin ang mga stuff toys sa sofa at natamaan pa nito si Jin kaya naman mas lalo itong nainis.

Tumalon si Yoonji patungo kay Hoseok, halos mabuwal silang dalawa mabuti na lang at naalala yan sila ni Jennie, literal na sumabit si Yoonji kay Hoseok na para itong isang koala. 

"Hobi!!!" Masayang sigaw ni Yoonji.

"What the fuck?!" Mariin na tanong ni Jennie kay Jin kahit wala itong tunog, tanging pagbuka lang ng kanyang bibig, nagkibit balikat lang rin si Jin dahil wala rin 'tong ideya sa nangyayari.

"Are you okay Yoonji? May masama bang nangyari sa'yo?" Tanong ni Hoseok kay Yoonji habang habang inaalalayan niya ito pabalik sa sofa, inupo niya ulit si Yoonji doon pero ayaw bumitaw sa kanya nito kaya wala siyang nagawa kundi maupo sa tabi niya.

"Mayroon kasi iniwan mo ko." Nakangusong sabi nito, naguluhan si Hoseok sa sinabi ni Yoonji.

"Oh... kay?" Nag-aalangang sagot ni Hoseok, napatingin ito kay Jennie at Jin na para bang naghahanap ng sagot kung bakit ganoon umarte si Yoongi pero wala rin siyang nakuhang sagot dahil sabay na nagkibit balikat lang rin ang magpinsan.

"Okay, Yoonji, so nasigurado ko naman na okay ka na, matulog ka na ha? Wag ka na magpuyat? Ako rin, hindi na rin ako magpupuyat, uuwi na ko para pagpatuloy ko yung pagtulog ko, okay? Ayos ba yun?" Tanong ni Hoseok habang inaayos niya ang mga stuff toy sa paligid ni Yoonji.

Parang bata lang itong nakatingin sa kanya, literal na hindi na nagsasalita at nakatingin lang sa kanya hanggang sa biglang hinawakan nito ang wrist niya kaya halos atakihin siya sa puso.

"Oh my gawd." Napahawak si Hoseok sa puso niya dahil sa sobrang gulat, "I think dapat mong iwasan yung bigla bigla ka nalang nangga-grab ng wrist." Ani Hoseok habang pinipilit na huminga ng ayos dahil sa sobrang gulat.

"Aalis ka na agad?" Tanong ni Yoongi, tumango naman si Hoseok.

"Kasi okay ka naman, at kaylangan ko na rin matulog." Dagdag pa ni Hoseok.

Umiling lang ang babae, "dito ka matulog sa tabi ko." Hindi yun tanong, utos yun ni Yoonji.

Napatigil si Jin, Jennie at Hoseok dahil sa sinabi ni Yoonji, ang nakakainis pa doon ay napakainosente ng pagkakasabi niya doon, walang kumibo sa tatlo hanggang sa unti unting may namuong luha sa mga mata ni Hoseok.

Napapikit ng mariin si Jin at napahawak na 'to sa tenga niya, "oh shit! Papanik na ko taas, bahala ka na diyan Hoseok, ang hirap niyan patahanin, pakiramdam ko talaga may sumanib na masamang espiritu diyan! Bye!" Mabilis na sabi ni Jin bago ito nagtatakbo na papanik sa taas.

Nagulat si Hoseok dahil sa ginawa ni Jin kaya naman napatingin siya kay Jennie pero umiling lang ito ulit sa kanya bago nagtatakbo na rin papanik sa taas.

Napabuntong hininga na lang si Hoseok bago siya napatingin kay Yoongi kaya naman nginitian niya na lang ito. 

Ginawa ni Hoseok ang lahat ng pang-uuto kay Yoonji, mabuti na lang sa hindi malamang dahilan ay madali niyang nauuto si Yoonji ngayon, kaya naman kinuwentuhan niya lang ng kung anu ano si Yoonji para makatulog ito, at nag-work naman ang plano niya dahil nakatulog nga ito, inayos niya ulit ang mga stuff toy sa paligid ni Yoonji bago niya ito kinumutan.

Pinagmasdan niya si Yoonji na mahimbing na natutulog, napangiti siya mag-isa bago niya tinawagan si Jimin, hindi niya inexpect na sasagutin iyon ni Jimin.

"Punta ka dito sa bahay ni Jin, asap, hintayin kita sa labas." Sabi ni Hoseok.

"Bakit?" Tanong ni Jimin.

"It's about Yoonji." Tipid na sabi ni Hoseok pero sapat na para patayin ni Jimin ang tawag at magmadali patungo sa bahay ni Jin.

Kagaya ng inaasahan ni Hoseok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top