76
"OH SHIT! BAKIT MO SINEND?!"
Kitang kita ng dalawang mata ni Yoonji na sinend iyon ni Jin kay Jimin, kahit si Hoseok ay naguguluhan ay nagtataka pa rin siya kung bakit kaylangan pang i-send ni Jin iyon kay Jimin.
Mabilis na nagtatakbo si Yoonji papalapit kay Jin bago niya ito malakas na kinutusan, "hindi ka pa nakakapagpaliwanag sa akin kung bakit may video ka namin ni Jimin sa club nung birthday ko tapos may sinend ka na namang bago." Inis na sabi ni Yoonji.
"Hoy! Bakit mo ko kinukutusan! Tsaka for your information, pangatlong video na 'to kasi sinend ko rin yung video mo habang sinasabunutan mo si Kiki kay Jimin." Parang wala lang na sabi ni Jin kaya mas lalong nainis si Yoonji.
"Aish!" Sigaw ni Yoonji sa sobrang asar, nilagpasan niya si Jin at naglakad siya patungo sa kwarto nila para magpalit ng damit, pagkatapos niyang magpalit ay bumaba siya agad, parehong napatingin si Jin sa kanya.
"Aalis lang ako saglit, pagmeryendahin mo muna si Hoseok, please wag na hamburger and sprite--"
"Actually mahilig ako sa hamburger and sprite." Awkward na sabi ni Hoseok.
"Narinig mo yun Jin? Mahilig daw siya sa hamburger and sprite, ibili mo siya kung wala na tayong stock."
"Bakit ko naman siya ibibili?" Galit na tanong ni Jin.
"Bakit hindi mo siya ibibili?" Mas galit na tanong ni Yoonji kaya naman napairap na lang si Jin.
"Fine!" Singhal ni Jin, "pasalamat ka may atraso ako sa'yo kaya susundin ko utos mo." Paliwanag nito kay Yoonji.
"Akala mo makakatakas ka sa atraso mo? Hintayin mo ko pagbalik ko!" Banta ni Yoonji kay Jin, nakakatakot ang ekspresyon ng mukha ni Yoonji pero nang malipat kay Hoseok ang paningin niya ay naging soft na naman ang mukha niya, "magmeryenda ka muna bago ka umuwi Hoseok ah? Sabihin ko na lang kay Yoongi na i-text ka mamaya."
Napangiwi si Jin dahil sa eksena nila ngayon, hindi siya makapaniwalang ang soft magsalita ni Yoonji kay Hoseok, nandidiri siya kay Yoonji ngayon.
"Sige na aalis na ko." Sabi ni Yoonji, nang bumalik ang paningin niya kay Jin ay naging galit na naman ang ekspresyon ng mukha nito, "wag mong papaalisin si Hoseok ng gutom ha, kapag talaga nalaman kong di mo trinato ng mabuti si Hoseok patay ka talaga sa akin pag-uwi." Banta na naman ni Yoonji.
"Kapag ikaw pinagpatuloy mo 'yang pagbabanta mo pa sa akin, di ka na makakauwi." Banta rin ni Jin kaya naman napairap na lang si Yoonji bago ito nagpaalam ulit sa dalawa at lumabas na ng bahay.
Nakasalubong pa niya si Jennie nung palabas na siya pero hindi na niya pinansin iyon, napasibangot na lang si Jennie nang lagpasan siya ni Yoonji.
Sumakay agad si Yoonji sa pinara niyang taxi para makarating siya agad sa condo ni Jimin, mabilis lang ang byahe kaya naman nang makarating si Yoonji sa dapat ng pinto ni Jimin ay nagdadalawang isip siya kung magdodoorbell ba siya or bubuksan na lang niya ang pinto since may susi pa rin naman siya.
Mas pinili niyang buksan na lang.
Pagbukas niya ng pinto ay napansin agad niyang walang tao kaya naman dumiretso agad siya sa kwarto, nakita niyang nakaupo si Jimin habang nakabalot ng makapal na makapal na kumot habang kumakain ng maraming chichirya habang nanunuod ng netflix sa laptop.
Napatingin sa kanya si Jimin, hindi man lang ito nagulat.
Napansin niya ang cellphone ni Jimin malapit lang sa kanya, kaya naman napabuntong hininga na lang si Yoonji bago siya naglakad papalapit dito, naupo rin siya sa kama.
"Bakit hindi iniwan mo ko nung may nangyari sa atin? Akala ko tuloy nanaginip lang ako." Nakangusong sabi niya, "hindi ko rin tuloy inexpect na si Yoonji ka na pala ulit."
"Naiinis kasi ko sa'yo, di ko naman kasi alam ang dahilan mo." Sabi ni Yoonji, pinunasan nito ang budbud ng chichirya sa gilid ng labi ni Jimin.
"Kung alam ko lang Jimin kung bakit mo ginawa yun, hindi ako magagalit sa'yo, tsaka kung sinabi mo lang sa akin papayag naman ako." Malumanay na sabi ni Yoonji.
"Nung una akala ko kaya kong gawin sa'yo yun nang hindi mo nalalaman pero nakokosensya ko, y-yun din ang dahilan kung bakit ko gustong maging babae ka, i'm sorry—"
"Don't be, love." Pinanatili ni Yoonji ang kamay niya sa pisngi ni Jimin hanggang sa narealize niyang mainit ang balat nito.
"Wait, may lagnat ka." Nataranta si Yoonji nang maramdaman niya yun, "wag ka nang kumain niyan," kinuha ni Yoonji ang mga chichirya bago niya sinarado ang laptop.
Inilipat niya ang mga chichirya sa lamesa bago niya pinahiga si Jimin, "hindi ka pa ba kumakain?" Tanong ni Yoonji, umiling lang si Jimin.
"Kasi hindi ka marunong magluto no? Nagpractice ka lang sa lulutuin natin sa contest, yun lang kaya mo no?" Natatawang tanong ni Yoonji na para bang sigurado siya sa mga tinatanong niya, napanguso lang si Jimin kaya mas lalong natawa ito.
"Magpahinga ka na diyan." Akmang aalis si Yoonji pero bigla siyang hinawakan ni Jimin para hindi siya makaalis.
"Saan ka pupunta? Wag mo kong iwan please, wag muna, dito ka muna, sa akin ka muna." Malungkot at nakikiusap na sabi ni Jimin.
"Huh? Magluluto lang ako Jimin, ipagluluto lang kita ng pagkain mo, hindi ako aalis."
Pagkatapos niya yung sabihin ay parang ayaw pa rin bumitaw ni Jimin, pero nang pagtaasan na siya ng kilay ni Yoonji ay wala na siyang nagawa kundi bumitaw.
Inayos ni Yoonji ang kumot ni Jimin bago siya naglakad palabas ng kwarto, dumiretso siya sa kusina para maghanap ng mga stock ni Jimin, medyo konti na lang ang mga nandoon, mukhang hindi pa rin ito naggogrocery.
Nagsimula nang maluto si Yoongi, habang nagluluto siya ay para bang maramdaman siyang kakaiba, kaya naman inilibot niya ang paningin niya at nagkatama ang paningin nila ni Jimin na nakasilip sa pinto ng kwarto.
Kaya naman pala may nararamdaman siyang kakaiba ay dahil may nakatingin sa kanya.
Kinunutan niya ng noo si Jimin, "bakit ka bumangon? Magpahinga ka muna."
"A-Akala ko kasi umalis ka na naman." Nakangusong sabi ni Jimin.
Napabuntong hininga na lang si Yoonji bago siya napailing, pinagpatuloy na lang niya ang ginagawa niya, hanggang sa maramdaman niya si Jimin na nasa gilid na niya habang may balot na kumot, napangiti naman si Yoonji nang makita niya ang itsura ni Jimin ngayon, mukha siyang suman.
"Namiss ko na yung luto mo." Mahinang sabi ni Jimin habang pinapanuod niya si Yoonji.
"Yung luto ko lang?" Napataas ang kilay ni Yoonji.
Namula ang mukha ni Jimin, hindi niya alam kung sa lagnat ba niya or dahil nahihiya siyang aminin kay Yoongi na walang araw niya itong hindi inisip.
Napangisi naman si Yoonji nang makita niyang nahiya si Jimin, "may natitira ka pa pa lang hiya." Biro nito.
"Anong akala mo sa akin? Kagaya mo?" Tanong ni Jimin, nagulat ito sa sinabi ni Jimin dahil ganun yun magsalita nung magkaibigan pa lang sila.
"Bakit? Mahiyain kaya ako." Natatawang sabi ni Yoonji.
Napangiti na lang si Yoonji bago niya inakbayan si Jimin na balot na balot pa rin ng kumot, bago niya ito hinalikan sa noo.
Medyo awkward lang ang sitwasyon dahil babae si Yoonji ngayon at mas matangkad si Jimin.
"Uuwi ka ba kay Hoseok mamaya?" Tanong ni Jimin kahit hindi ito nakatingin sa kanya.
"Hmm? Hindi na ko kay Hoseok nakatira, bumalik ako kila Jin."
"Talaga?" Parang bahagyang sumaya ang tono ni Jimin.
"Alam mo ang harsh mo minsan kay Hoseok, ang bait kaya noon, umayos ka Jimin ha." Sermon ni Yoonji.
"Hmp!" Lumayo sa kanya si Jimin kaya naman napakunot ang noo ni Yoonji pero imbes na sundan niya si Jimin ay hinayaan niya lang itong mag-inarte.
Mukhang napansin ni Jimin na hindi siya sinuyo ni Yoonji kaya naman mabilis siyang bumalik sa tabi ni Yoonji at kinuha niya ang kamay nito para ibalik sa balikat niya.
"Nagseselos lang naman ako! Kahit naman siguro sinong nagseselos." Paliwanag ni Jimin.
"Wag kang mag-alala, nagkausap na kami ni Hoseok at alam na rin niyang ikaw yung gusto ko, kung nalaman niya lang daw ng mas maaga hindi na daw sana niya ginawa yun lalo na sa harapan mo." Paliwanag ni Yoonji.
"Talaga?" Parang batang tanong ni Jimin.
Tumango si Yoonji, "sabi ko sayo, mabait nga yun."
Napanguso na lang ulit si Jimin bago niya siya gumitgit kay Yoonji, "mabuti naman."
"Pero kila Jin pa rin ako uuwi—"
"Bakit?!" Gulat na tanong ni Jimin.
"Wala lang." Sagot ni Yoongi, "kakalipat ko lang kaya kila Jin tapos lilipat na naman ako dito? Napapagod na mga gamit ko, tyaka na lang ako lilipat dito kapag medyo matagal na ko kila Jin."
"Okay..." Malungkot na sagot ni Jimin habang pinaghahanda siya ni Yoongi ng pagkain.
Naupo si Yoongi sa tabi niya habang pinapanuod niya si Jimin na kumakain, nakatitig lang siya dito habang kumakain ito na para bang hindi na ulit niya makikita si Jimin.
"Nagbabalik balik pa ba sila Taehyung dito?" Tanong ni Yoongi.
"What do you mean?" Natapaas ang kilay ni Jimin.
"Di ba nakita ko sila ni Jungkook dito nung nakaraan?"
Napaisip muna saglit si Jimin hanggang sa bigla siyang nahiya nang maalala niya yun, "ahh yun ba?" Awkard na natawa si Jimin, "si Taehyung di na bumalik, si Jungkook nandito siya lagi nung mga nakakaraan."
"At bakit siya nandito palagi?" Medyo inis na tanong ni Yoongi.
"Tinutulungan niya ako sa mga pinapagawa sa akin nila Ma'am para sa prom." Napakunot ang noo ni Yoongi kasi di siya masyadong naniniwala kay Jungkook na tulong lang ang habol nito.
"Sinong kasama mong pupunta sa prom?" Tanong ni Jimin habang kumakain.
"Si Hoseok." Tipid na sagot ni Yoongi kaya naman napakunot ang noo ni Jimin, "nangako ako sa kanya, hindi ko kayang sirain yun." Paliwanag ni Yoongi kaya naman napabuntong hininga na lang si Jimin bago nagkibit balikat.
"Ang sarap talaga ng luto mo." Kumento ni Jimin sa pagkain para mawala ang kakaibang aura sa paligid nilang dalawa at para na rin maiba ang topic nila.
"Thanks." Tipid na sabi ni Yoongi.
"Kaya lang parang medyo maalat ngayon, tinikman mo ba yung niluto mo?" Tanong ni Jimin.
"Nope, para kasing ayoko niyan ngayon kaso 'yan ang naisip kong iluto para sa'yo, di ko tinikman pero tantyado ko naman mga ingedients niyan." Paliwanag nito.
"Medyo maalat pero masarap pa rin naman." Sabi ni Jimin habang ninanamnam pa niya ang sabaw.
"Patikhim nga ako," utos ni Yoongi kaya naman kumuha si Jimin ng sabaw at hinipan niya yun bago akmang susubuan niya si Yoongi pero nung nalapit iyon sa ilong ni Yoongi ay bigla itong napaiwas.
"Bakit parang ang baho niyan?" Tanong ni Yoongi.
"What?" Mabilis na inamoy ni Jimin yun pero wala naman siyang naamoy na masama, "Yoongs, ikaw nagluto nito, tyaka wala namang mabaho."
Inamoy ulit ni Yoongi pero nabahuan ulit siya, "tikman mo muna." Ani Jimin napangiwi si Yoongi pero desidido siya na tikman ang sarili niyang niluto, kaya't tinakpan niya ang ilong niya bago niya isubo iyon.
Ilang segundo nawalan ng kibo si Yoongi hanggang sa bigla na lang itong nagtatakbo patungo sa sink para idura iyon.
"Ang pangit ng lasa!" Sigaw ni Yoongi bago siya nagmumog ng tubig sa gripo.
Tinikman ulit ni Jimin iyon at nagtaka siya kung bakit napapangitan ng lasa si Yoongi kahit masarap naman yun, napaisip tuloy siya kung dahil ba may sakit siya kaya di niya nalalasahan yung pangit na lasa or si Yoongi ang may problema?
"Wag mo na kainin 'yan." Kinuha ni Yoongi iyon at tinapon na lang bigla. Nanlaki ang mata ni Jimin sa ginawa ni Yoongi, mabuti na lang at madami na siyang nakain at nabusog na siya.
Hinila na siya ni Yoongi pabalik sa kwarto, hiniga niya ulit si Jimin sa kama bago niya inayos ang kumot nito.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Jimin.
"Maya maya, medyo sumama pa yata ang tiyan ko dahil sa pagkain na yun, ayoko naman mapag-abutan ng lbm sa bus." Natawa ng mahina si Jimin dahil sa sinabi ni Yoongi.
"Dito ka muna..." pakiusap ni Jimin bago niya hinawakan ang kamay ni Yoongi, tumango si Yoongi bago siya nahiga sa tabi ni Jimin.
Niyakap siya ni Jimin ng mahigpit, ramdam na ramdam ni Yoongi ang init ng katawan ni Jimin dahil sa lagnat nito.
"Can I kiss you?" Bulong ni Jimin.
Hindi sumagot si Yoongi dahil nanatili lang siyang nakahiga at nakayakap kay Jimin pero nang maramdaman niyang ilalapit ni jimin ang labu niya ay umiwas si Yoongi.
"Nope, ayaw kong mahawa sa sakit mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top