75
"Jimin!"
Kahit tinawag ni Yoongi ang pangalan niya ay hindi siya lumingon, dirediretso lang ang pag-alis niya nang umamin si Kiki na hindi totoo ang batang pinagbubuntis niya.
Akmang hahabulin ni Yoongi si Jimin pero pinigilan siya ni Jin, napatingin si Yoongi kay Jin dahil sa pagkakahawak nito sa braso niya pero umiling lang si Jin dito kaya naman walang nagawa si Yoongi kundi mapabuntong hininga habang may nag-aalalang ekspresyon ang kanyang mukha.
"I like drama pero this is too much, para tayong nagshoshoot ng telenovela." Sabi ni Jin habang hinuhubad niya ang uniform niya para isuot iyon kay Yoonji, mabuti na lang at may t-shirt na panloob rin si Jin.
Nakasuot lang kasi ng short shorts si Yoongi at manipis na t-shirt na puti, wala rin itong panyapak kasi nakahubad siya.
"Kayong mga nanunuod kayo! Tapos na ang drama! Magsi-alis na kayo! Lalo ka na Kiki ka, umalis ka na bago mo pa mapag-init yung ulo ko." Bulyaw ni Jin sa lahat, natakot naman ang mga ito sa sigaw ni Jin kaya nagsialisan nga sila.
"Jennie, pumasok ka na sa next class mo, i-uwi mo na lang mga gamit ni Yoongi mamaya." Utos ni Jin nang silang tatlo na lang ang matira sa banyo.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Jennie, kahit si Yoongi ay nagtataka rin.
"I-uuwi ko muna si Yoongi, tingnan mo itsura niyan, mukhang pinaikutan sa washing machine ng tatlong beses." Sabay turo ni Jin kay Yoongi na mukhang 12 years old dahil sa laki ng uniform ni Jin sa kanya.
"At isa pa baka may makakitang teacher sa kanya, iuuwi ko na." Sabi ni Jin.
"Okay, kita na lang tayo sa bahay mamaya." Sabi ni Jennie bago siya naglakad na paalis.
Nagkatinginan si Jin at Yoongi, walang kumikibo sa kanila hanggang sa unti unting napangisi si Jin, "So anong nangyari? Chika mo na." Ani Jin.
"Mamaya na sa bahay." Sabi ni Yoongi.
"Sige, tara na." Hinila siya ni Jin pero hindi nagpahila si Yoongi kaya napataas ang kilay ni Jin kay Yoongi, nginuso lang ni Yoongi ang paa niya, bumaba naman ang tingin ni Jin sa paa niya na nakayapak.
Napakunot ang noo ni Yoongi nang tumalikod sa kanya si Jin.
"Anong gagawin ko diyan sa balikat mo? I mean sa likod mo?" Tanong ni Yoongi.
"Titigan mo! Jusko, malamang sasakay ka, bilisan mo!" Giit ni Jin.
"Bakit?" Naguguluhang tanong ni Yoongi.
"Kasi nga ho wala kang suot na panyapak, pwede namang lakarin mo hanggang labas ng school ng nakatapak, pwede naman." Lumayo na sa kanya si Jin, medyo naiinis.
"Syempre hindi, bilisan mo balik ka na dito, papasan na ko sa likod mo." Sabi ni Yoongi bago niya hinila si Jin at pumasan siya agad sa likod nito, medyo muntik pa silang mabuwal dahil sa biglang pagtalon ni Yoongi.
Pinasan siya ni Jin hanggang sa makalabas sila ng school, sa likod sila dumaan para hindi sila makita ng iba, pinagtitinginan sila ng tao sa kalsada pero wala silang pakealam.
Ang plano nilang dalawa ay magkukwento si Yoongi pagkauwi nila sa bahay pero hindi ganoon ang nangyari dahil pagkauwi ni Yoongi ay nakatulog na siya agad sa sofa, wala namang nagawa si Jin kundi hayaan na lang ang babae na matulog.
Habang mahimbing ang tulog ni Yoongi sa sofa ay biglang may nagdoorbell, kahit nagtataka si Jin ay naglakad pa rin siya patungo sa pinto dahil sa pag-aakalang nag-cutting rin si Jennie para makauwi ng maaga.
Pero pagbukas niya nang pinto ay nakita niya si Hoseok, napangiti si Jin bago siya napailing dahil hindi niya inexpect na pupunta agad si Hoseok sa bahay.
"Bakit mo sinend sa akin yun?" Malamig na tanong ni Hoseok, medyo nakakatakot kumpara sa dati nitong awra.
"I told you, aksidente kong nasend sa'yo." Giit ni Jin kaya naman napabuntong hininga na lang si Hoseok.
"I'm sorry, pinagbintangan kitang sinasadya mong i-send sa akin yun." Malungkot na sabi ni Hoseok.
"At least aware ka na." Mahinang sabi ni Jin.
"Ha?" Nagtatakang tanong ni Hoseok dahil hindi niya iyon naintindihan.
"Wala, ang sabi ko pumasok ka muna."Sabi ni Jin bago niya binuksan nang malaki ang pinto para makapasok si Hoseok, nahihiyang pumasok si Hoseok sa loob, nakita niya agad si Yoonji na natutulog sa sofa.
Ang ginawa ni Jin ay nagkunware siyang nahulog ang kaldero para magising si Yoongi at gumana naman iyon, iritadong bumangon si Yoongi pero nang makita niya si Hoseok ay nawala bigla ang inis sa mukha niya.
"Pasensya na nahulog ko yung kaldero, papanik lang ako matutulog muna ko, mag-usap muna kayong dalawa diyan." Sabi ni Jin bago siya naglakad agad papanik sa taas para maiwan si Hoseok at Yoongi sa ibaba.
Napakusot muna si Yoongi sa mata niya bago siya naghikab at nag-inat bago niya sinenyasan si Hoseok na maupo sa kabilang sofa, naintindihan naman agad yun ni Hoseok kaya naglakad agad ito patungo sa sofa.
"Bakit ka napunta dito? Di ba may klase pa kayo?" Tanong ni Yoongi kahit medyo inaantok pa.
"Nawala bigla si Yoongi at Jin eh, sabi ni Jennie umuwi na daw sila, nandiyan ba si Yoongi?" Tanong ni Hoseok kay Yoonji.
"Wala eh, umalis." Pagsisinungaling ni Yoonji.
"Ah ganun ba, kaylan siya babalik?" Tanong ni Hoseok.
"Di ko alam eh, bakit ba gusto mo siyang makita?"
"May gusto lang sana akong linawin kay Yoongi, may sinend kasi sa akin si Jin-- I mean aksidenteng nasend sa akin ni Jin yung isang video." Paliwanag ni Hoseok.
"Anong video?" Kinakabahang tanong ni Yoonji, iniisip niya ay video iyon kanina kung saan nakikipagsabunutan siya kay Kiki.
"Uhm, sa tingin ko medyo matagal na rin yung video na 'to, gusto ko sanang makausap muna si Yoongi, pero sa tingin ko hindi siya babalik dito..." Nagkatinginan silang dalawa ni Yoonji ng matagal, "kasi nandito ka pa."
Parang nalaglag ang puso ni Yoonji dahil sa sinabi ni Hoseok, pakiramdam niya ay alam na nito.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong nito.
"Sinend sa akin ni Jin yung video, kaya alam ko na." Paliwanag ni Hoseok, para bang malungkot ang kanyang mukha.
"A-Ano yung alam mo na?" Naguguluhan si Yoonji kahit may naiisip na siyang dahilan nito.
"Alam ko na Yoonji, wag mo na ipagkaila." Giit pa ni Hoseok.
"Hindi mo naiintindihan." Giit ni Yoonji.
"Naiintindihan ko, naiintindihan ko na lahat, alam ko na kung bakit kapag nandiyan ka ay wala siya, at kapag naman nandiyan siya ikaw naman ang wala."
Nanlalaki ang mga mata ni Yoonji pero hindi siya makapagsalita, hindi niya alam kung anong gagawin niya ngayong alam na ni Hoseok.
"Alam ko na lahat, pareho niyong gusto si Jimin."
Biglang napakunot ang noo ni Yoonji, naguluhan siyang bigla dahil sa sinabi ni Hoseok.
"Gusto niyo pareho si Jimin kaya hindi kayo nagsasama sa iisang lugar kasi nagkagalit kayong dalawa, naiintindihan ko na rin kung bakit hindi ako magawang sagutin ni Yoongi, yun ay dahil gusto niya si Jimin, ang tanga tanga ko, bakit ngayon ko lang narealize lahat ng to?" Malungkot na sabi ni Hoseok, "pinepressure ko siya sa harap ni Jimin."
Biglang nakahinga ng maluwag si Yoonji dahil kung nagkataon na nalaman ni Hoseok na siya at si Yoonji ay iisa ay mahihirapan siyang magpaliwanag.
"Anong video ba ang sinend ni Jin sa'yo at nagkakaganiyan ka?" Tanong ni Yoonji.
Kinuha ni Hoseok ang phone niya at inabot iyon kay Yoonji, pagtingin ni Yoonji ay mabilis siyang napangiwi, hindi pa niya agad natandaan kung saan iyon pero narealize niyang birthday niya yun, unti unting napuno nang alaala ang utak niya.
Mabilis ang tibok ng puso ni Yoonji habang pinapanuod niya ang sarili niya na nakikipaghalikan kay Jimin sa gilid ng club kung saan siya nagbirthday kasama si Jimin, nakalimutan niya ang part na yun pero ngayon na nakikita na niya sa video ay unti unti na niyang naalala.
Naguguluhan man si Yoonji kung bakit may video si Jin noon ay mas nabahala siya dahil ngayon lang niya naalala ang ibang nangyari nung araw na yun.
"Alam kong nagulat ka rin pero siguro pareho lang tayo ng sitwasyon ngayon, gusto mo si Jimin tapos gusto ko naman si Yoongi, tapos silang dalawa pala..." Hindi na natuloy ni Hoseok ang sasabihin niya kaya naman agad lumapit sa kanya si Yoonji para yakapin siya at i-comfort.
Unti-unting namula ang mukha ni Hoseok dahil sa ginawa niya.
Nagtataka si Yoonji kung bakit parang na-estatwa si Hoseok kaya inangat niya ang tingin niya dito, nakita niyang nakatingin si Hoseok sa dibdib niya habang pulang pula ang mukha at para bang gulat na gulat, hanggang sa napababa rin ang tingin ni Yoonji at narealize niyang natanggal na pala ang telang umiipit sa dibdib niya kaya nakadikit iyon kay Hoseok.
Awkward na napalayo si Yoonji.
"Sorry..." Napakamot si Yoonji sa ulo niya bago niya kinuha ang isang unan at pinantabing yun sa dibdib niya.
Napalunok na lang si Hoseok at napaiwas ng tingin. "Pero wag mo masyadong isipin si Yoongi--"
"Alam mo Yoonji, kahit sabihin mo sa akin na huwag ko siyang isipin iisipin ko pa rin siya." Paliwanag ni Hoseok.
"B-Bakit?" Naguguluhang tanong ni Yoonji.
"Kasi nag-aalala ko sa kanya, after all this time hindi ko alam na katabi lang pala namin yung taong gusto niya, imbes na bigyan ko sila ng time na dalawa nagiging hadlang pako para sa kanila." Paliwanag ni Hoseok.
"Alam mo Hoseok, hindi ka hadlang, hindi ka hadlang sa kanila, di ka nila tinuturing na ganun." Giit ni Yoonji, napalunok si Hoseok sa sinabi ni Yoonji.
"Alam mo Yoonji, di pa naman ganun kalalim yung nararamdaman ko kay Yoongi, oo gusto ko siya, hindi ko ipagkakaila na gusto ko na akin siya pero kung hindi naman ako yung gusto niya kaya ko naman magparaya, kung mahal nila ni jimin yung isa't isa huwag na natin silang kontrahin." Hinawakan ni Hoseok ang kamay ni Yoonji kaya naman napakunot ang noo ni Yoonji.
"Alam ko masakit sa'yo Yoonji pero kita mo naman sa video na gusto nila yung isa't isa, naiintindihan kita kung gusto mo si Jimin para sa'yo pero... minsan ang kaylangan na lang natin gawin ay hayaan na lang yung taong mahal natin sa mahal nila, hindi ko sinasabi na magparaya ka na para kay Yoongi pero parang ganun na nga."
"Teka, teka!" Naguguluhan pa rin si Yoonji, "It means gusto mong mangyari ay magparaya ako para sa kapatid ko kasi ganun yung gagawin mo?" Tanong pa nito.
"Parang ganun na nga." Sabi ni Hoseok.
"Paano mo nagagawang pakawalan si Yoongi ng ganun na lang, samantalang may paamin amin ka pa sa harap ng maraming tao." Tanong ni Yoonji.
"Kasi mas gusto ko siyang nakikitang masaya, kung hindi siya magiging masaya kay Jimin then wala akong choice kundi kunin ko siya kay Jimin pero nakikita ko naman na masaya siya kay Jimin."
Unti unting napanguso si Yoonji dahil sa sinabi ni Hoseok, mabilis siyang tumalon dito para yakapin ulit ito kahit wala siyang bra, nagulat naman si Hoseok sa ginawa ni Yoonji pero hinayaan niya lang ito na yakapin siya.
"Bakit ang bait mo? Hindi ka deserve ng mundong 'to." Tanong ni Yoonji habang nakayakap siya kay Hoseok, dahan-dahan siyang tinapik ni Hoseok sa likod na para bang ito na ang nagcocomfort sa kanya imbes na siya ang mag-comfort kay Hoseok.
"Kung kaya ko lang sana na ikaw na lang yung gustuhin ko pero hindi ganun kadali yun." Paliwanag ni Yoonji.
"Alam ko, yan rin yung naisip ko nung nakita ko yung video na Jimin at Yoongi, mabuti na lang at hindi ako pinili ni Yoongi, kasi kung pinili niya ako kahit si Jimin ang gusto niya, malulungkot lang ako." Sabi ni Hoseok.
"Alam mo Hoseok, madaming nagkakagusto sa'yo, alam ko may dadating rin na babae or lalaki for you," Sabi ni Yoonji kaya naman napangiti si Hoseok, "yun nga lang hindi ako or si Yoongi yung tao na yun," nawala bigla ang ngiti ni Hoseok dahil sa dinagdag ni Yoonji.
Nagkatinginan lang sila saglit hanggang sa natawa silang pareho, niyakap ulit ni Yoonji si Hoseok hanggang sa narealize nilang dalawa na may camera na nakatutok sa kanila.
Napatingin sila pareho kay Jin na nagtatago sa may hagdan.
Nang marealize ni Jin na nakatingin na sa kanya ang dalawa ay agad siyang nag-peace sign.
"Sesend ko lang kay Jimin--ay! Aksidenteng maisesend pala, opps!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top