72
"Section 12-A, Park Jimin, Min Yoongi, and Jung Hoseok."
Nagsimula nang maglakad ang tatlo patungo sa kanilang pwesto sa stage, nagsisigawan ang mga kaklase nila pati na rin ang mga hindi nila kaklase na sila pa rin ang sinusuportahan dahil crush sila ng mga ito.
Kaya naman karamihan sa mga kalaban nila ay mga nakasibangot dahil sa pagtataksil na ginawa sa kanila ng mga kaklase nila sa pamamagitan ng pagsusuporta sa kila Jimin imbes na sa kanila.
After lumipat ni Yoongi sa bahay ni Jin ay hindi na ulit nakapagpractice ang tatlo, kaya ang totoo niyan ay lalaban sila na isang beses lang nakapagpractice, pero hindi rin naman kasi big deal sa kanila ang laban na yun, kaya hinayaan na lang ng tatlo, kung matatalo sila ay okay lang, kung manalo naman sila edi ang swerte nila.
"Yoongi, nagkakita ba tayo nung mga nakaraan?" Bulong ni Jimin habang nasa stage sila.
"Kaylan? Wala akong matandaan." Pagsisinungaling ni Yoongi.
"Anong pinagbubulungan niyo?" Tanong ni Hosek sa dalawa kaya naman umiling agad ang mga ito bago binalik ang atensyon sa nagsasalita sa harapan nila.
Mas lalong na naging awkward ang sitwasyon sa kanilang tatlo, tumingin si Yoongi sa mga estudyanteng nanunuod, napangiti siya nang makita ni si Jin kasama si Jennie at ang tatlong kaibigan nito.
May hawak si Jin na isang malaking placard na may nakasulat na 'iuuwi mo ang trophy or hindi ka na makakauwi?' na obviously ay para sa kanya.
Habang si Jennie naman at ang tatlong kaibigan nito ay may mga hawak na pompoms at pare-parehong nakasuot ng black na top at pink na skirt, lahat rin sila ay naka-two ponytail, agaw pansin silang lima sa crowd kaya naman natatawa si Yoongi ng patago.
Pinagtitinginan ito ng mga tao, especially ang apat na babaeng todo support kay Yoongi kahit kalaban nito ang section nila.
Parehong napatingin si Jimin at Hoseok kay Yoongi na pasimpleng ngumingiti, kaya after nilang tingnan si Yoongi ay nagkatinginan rin silang dalawa, parehong nagtataka. Napakunot itong pareho pero parehong napakibit balikat at binalik na lang nila ang atensyon sa nagsasalita.
Hanggang sa narinig nilang sumigaw si Jin kaya naman pati si Hoseok at Jimin ay napatingin dito, tsaka lang nila narealize kung bakit nangingiti si Yoongi, literal na sumasayaw ang apat na babae at gumagawa ng sarili nilang cheer habang si Jin naman ay nakatayo sa upuan niya habang may hawak na malaking placard. Nagrereklamo na ang mga estudyante sa likod nila pero wala silang pakealam.
Nang inaannouce ng host na pwede na silang magsimula ay nagkatinginan lang ang tatlo bago nagsimula na sila sa paghihiwa at pag-aayos ng mga ingredients, naging tahimik ang crowd habang nagluluto ang mga contestant, tanging ang tunog lang ng timer ang kanilang naririnig.
Halos mapamura si Yoongi sa isip niya dahil hindi sila na-inform na may oras pala ang pagluluto. "I don't think na maipapanalo natin ang contest na 'to." Mahinang sabi ni Yoongi habang nagmamadali siyang maghiwa.
"Kalma lang Yoongs." Bulong ni Hoseok sa kanya bago ito bumalik sa ginagawa niya.
Napatingin rin sa kanya si Jimin, napansin ni Jimin na ninenerbyos si Yoongi kahit blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito, kaya naman hinawakan ni Jimin sa braso nito bago niya ito tinapik. "Maiintindihan ni Jin-hyung kapag di natin napanalo 'to, wag kang mag-alala." Bulong naman ni Jimin.
Huminga ng malalim si Yoongi, medyo hirap siya sa kalagayan niya ngayon, lalo na sa telang umiipit sa kanyang dibdib para hindi ito mahalata, tapos ang kati na rin ng wig na suot niya kaya naman, dumadagdag lang iyon sa iritasyon ni Yoongi.
Pero natigilan siya nang makita niyang kinuha ni Jimin ang mga gamit ingredients na nasa harapan at sinimulan na niya yun, hindi alam ni Yoongi kung papayagan ba niya si Jimin na magluto dahil sa takot na baka masunog iyon ni Jimin.
Napansin ni Hoseok ang nag-aalalang mukha ni Yoongi kaya naman tinapik siya nito. "Magtiwala ka lang kay Jimin, hindi 'yan mangunguna sa pagluluto kung hindi niya 'yan pinag-aralan, hindi niya tayo kayang ilaglag." Bulong ni Hoseok para pagaanin ang loob ni Yoongi.
Kahit alam ni Yoongi na hindi magaling magluto si Jimin ay mas pinili pa rin niya na magtiwala dito, siguro ay dahil sinabi ni Hoseok na magtiwala dapat sila, or pwede rin na dahil sadyang malaki lang rin ang tiwala ni Yoongi kay Jimin.
Hindi alam ni Yoongi kung bakit iritado siya siguro ay dahil hindi siya sanay na napepressure or dahil kinakabahan na nga siya tapos may umiipit pa sa dibdib niya kaya mas lalo siyang hindi makahinga.
Buong pagluluto nila ay wala masyadong nagsasalita sa kanilang tatlo, kahit wala silang masyadong practice ay mas lamang pa rin sila sa mga kalaban nila dahil una sa lahat ay may tiwala silang tatlo sa isa't isa. Nang malapit ng matapos ang oras ay abala na silang tatlo sa pagdidisenyo ng kanilang plating.
Habang pinapanuod ni Jin ang tatlo na hindi pa rin tapos magdisenyo pero malapit nang matapos ang oras ay hindi ito mapakali, silang tatlo na lang ang may ginagawa habang ang ibang contestant ay tapos na. Matindi ang kapit ni Jin sa kanyang placard at halos bumaon na ang kanyang daliri doon.
Habang ang apat na babae naman ay magkakayakap dahil sa sobrang kaba, kala mo kasali sila sa contest, mas ninenerbyos pa silang apat kumpara sa mga contestant.
Nang tatlong segundo na lang ang natitira ay hinain na ng tatlo ang kanilang mga niluto, nakahinga na ng maluwag sila Jin at pati na rin ang mga nanunuod na taga suporta nilang tatlo.
Napahawak si Yoongi sa dibdib niya nang matapos na ang oras at nakahabol pa sila, napayakap sa kanya si Jimin na halatang kinabahan rin sa nangyari, nanlaki ang mata ni Yoongi sa gulat dahil sa biglang pagyakap sa kanya ni Jimin na nanginginig pa rin ang kamay hanggang ngayon.
Hindi nagawang alisin ni Yoongi ang kamay ni Jimin sa kanya, napangiti si Hoseok na nakahinga rin ng maluwag bago nakisali sa yakapan ng dalawa, mas lalong nagulat si Yoongi dahil literal na may dalawang lalaki na yumayakap sa kanya ngayon sa harap ng maraming tao.
Nagsigawan ang mga manunuod, si Jin at ang apat na babae naman ay pare-parehong may nakakalokong ekspresyon ang mga mukha na para bang inaasar si Yoongi.
Awkward na niyakap ni Yoongo pabalik ang dalawa bago siya awkward na nangiti nang makita niyang nakatingin rin sa kanya ang host habang nagsasalita, pero hindi na naiintindihan ni Yoongi ang mga sinasabi nito dahil sa sobrang lakas ng sigawan ng mga manunuod.
Pinatikim sa mga judges ang mga pagkain, ang tatlo na pinagmamasdan ang mga ekspresyon ng mga judges habang kumakain ay magkakayakap pa rin hanggang ngayon.
Pinagmamasdan nilang mabuti ang mga mukha ng judges kada subo ng mga ito sa pagkain pero mukhang nag-usap usap yata ang mga judges na pilitin na maging blangkol nag ang mukha habang kumakain.
Habang nag-uusap usap ang mga judges ay naghawak hawak naman ng kamay ang tatlo, ang nakakatawa pa dun ay hindi naman talaga humawak si Yoongi sa kamay ng dalawa, si Hoseok ang unang humawak sa kanyang kanang kamay at nang makita ni Jimin ang ginawa ni Hoseok ay hinawakan rin nito ang kaliwanag kamay ni Yoongi.
Mas lalong lumala ang pang-aasar ni Jin at ng apat na babae, to the point na nag-hahand gestures na ang mga ito ng mga mababastos.
Mabuti na lang ay halatang kinakabahan ang dalawa kaya focus na focus ang mga ito sa mga judges kaya't si Yoongi lang ang nakakakita ng mga kalokohan ng lima.
Nang magsimulang mag-salita ang host at sabihing nakapagdesisyon na ang mga judges ay muling nanlamig ang dalawang kamay na hawak ni Yoongi.
Habang tumataas ng tumataas ang mga runner ups ay mas lalong nawawalan ng pag-asa si Yoongi na makasali pa sila, pero nang maging malungkot si Yoongi ay mukhang napansin iyon ng dalawa kaya halos sabay ang dalawang ito na pisilin ang kanyang kamay.
Napangiti si Yoongi, kahit naman matalo sila at least ay nag-enjoy silang tatlo, yun nga lang ay kinabahan talaga sila.
"And the winner is..."
Natahimik ang buong paligid, lahat sila ay kinakabahan sa kakalabasan ng resulta, kahit si Jin ay kinakabahan to the point na sa kanya na nakayakap ang apat na babae ngayon sa sobrang kaba.
"Section 12-A!" Anunsyo ng host.
Napanganga ang tatlo habang pare-parehong nalalaki ang mga mata. Pinapunta sila ng host sa gitna para i-abot sa kanila ang trophy, magkakahawak pa rin sila ng kamay nang hindi nila namamalayan na tatlo, si Hoseok ang kumuha ng trophy bago itinapat sa kanya ang mic.
"Uhm, maraming salamat po sa mga sumuporta at nagtiwala sa amin, hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo kami kasi isang beses lang kami nagpractice na tatlo tapos may nangyari pang masama nun kay Jimin-- ay teka, hindi ko pala dapat sabihin na isang beses lang kami nagpractice hehe." Awkward na sabi ni Hoseok.
"Pero gusto ko rin po sanang mapasalamat si Yoongi, kung hindi niya ako pinilit dito hindi ko mararanasan na makatanggap ng ganto, kaya thank you Yoongi." Sabi ni Hoseok habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ni Yoongi.
Natulala si Yoongi sa ngiti ni Hoseok. "Sabi ko kapag nagchampion tayo dito, aamin na ko sa'yo na mahal kita."
Natahimik ang mga tao, para bang walang nagtatangkang magsalita dahil hindi pa rin angpoproseso sa utak nila na si Jung Hoseok ay may gusto kay Min Yoongi, ang iniisip nila ay namali lang sila ng rinig.
"Yoongi, alam kong alam mo na rin pero gusto ko sanang sabihin sa'yo na totoo yung pagmamahal ko sa'yo, wala akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin, basta gusto ko lang ipagkasigawan sa lahat na mahal kita." Ani Hoseok.
Wala pa rin nagsasalita sa mga tao, kahit ang host ay hindi inexpect ang sinabi ni Hoseok sa mic, pati ang mga teacher na nanunuod ay walang naglakas ng loob na pigilan si Hoseok na mag-announce ng kanyang nararamdaman sa harap ng buong school.
Dahan-dahang napabitaw si Jimin sa kamay ni Yoongi pero hindi iyon napansin ni Yoongi dahil nabigla rin ito sa sinabi ni Hoseok.
"T-Tanong ba yan?" Nauutal na tanong ni Yoongi.
Napangiti si Hoseok bago niya hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ni Yoongi, "Hindi, hindi 'to tanong, hindi mo kaylangan sagutin, gusto ko lang sabihin sa'yo at sa harap ng lahat ng tao na nandito na totoo yung nararamdaman ko para sa'yo."
Hindi nakapagsalita si Yoongi, katulad ng lahat ng mga nanunuod sa kanila.
"Mahal kita Yoongi." Yinakap ni Hoseok si Yoongi kaya biglang nagsigawan ang mga tao sa tuwa.
Si Jimin naman ay naiwan sa gilid ng dalawa, hindi niya alam ang gagawin niya pero unti-unti ng nababasag yung puso niya, sobrang sakit nung binitawan niya si Yoongi pero mas masakit pa pala na hindi man lang siya nilingon nito pagkatapos niyang bumitaw.
Napatingin si Jimin sa mga tao lahat ito ay nakangiti at chinecheer ang dalawa, nangilid ang luha ni Jimin, sa isang iglap ay parang nakalimutan ng lahat ng tao na tatlo silang kasali sa contest.
Tahimik na umalis si Jimin sa stage, wala man lang nakapansin sa kanyang pagbaba, kahit si Yoongi at Hoseok ay hindi siya napansin na wala na siya sa tabi ng dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top