71

"Yoongi?"

Nagkatinginan si Hoseok at Yoongi pero nang biglang lumitaw si Jin at Jennie sa likod nila kasama ang tatlo pang kaibigan ni Jennie ay natigil sila sa pagtitigan nila.

"I'm sorry hindi ako nakapagtext sa'yo, eto yung utang ko sa'yo." Inabot ni Yoongi ang pera kay Hoseok pero hindi niya yun tinanggap.

"No, it's okay." Sabi ni Hoseok, dahil si Yoongi ay medyo walang pera ngayon ay hindi na siya nakipagpilitan, need niya ng pera, di na siya magpapasweet pa kaya binalik niya agad yung pera niya sa bulsa niya.

"A-Anong ginagawa nila dito?" Tanong ni Hoseok habang nakatingin sa mga kasama ni Yoongi.

"Ahh, tutulungan nila kong kunin yung mga gamit ko, doon muna ako titira kila Jin ulit, pasensya ka na ngayon ko lang nasabi sa'yo."

Napatango na lang si Hoseok, "Ganoon ba? Ayos na ba kayong dalawa?" Tanong nito.

"Huh?" Nagtatakang tanong ni Yoongi.

"Di ba sabi mo tinapon ni Jin yung mga gamit mo sa labas." Bulong ni Hoseok.

"Ahh, hindi naman kami magkagalit, gusto niya lang itapon yung damit ko sa labas para lumipat ako ng titirahan." Kalmadong sabi ni Yoongi.

"Huh?" Naguguluhang tanong ni Hoseok.

"Hindi kami magkagalit at pinapabalik na niya ako sa bahay niya." Paliwanag ni Yoongi.

"Okay, pero kapag pinaalis ka niya ulit laging open bahay ko para sa'yo." Sabi ni Hoseok bago niya tinapik si Yoongi sa braso nito.

"Naririnig ko kayo." Sabi ni Jin bago ito walang pasintabing naunang pumasok sa bahay ni Hoseok.

Napakibit balikat na lang si Yoongi at natawa naman si Hoseok. 

"Teka bakit parang may iba sa boses mo ngayon?" Tanong ni Hoseok kaya naman agad napatigil si Yoongi pati na rin sila Jennie na narinig ang tanong ni Hoseok.

Ilang segundong walang nagsasalita sa kanila hanggang sa nag-ubo ubuhan si Yoongi. "Aray, ang sakit ng lalamunan ko, ehem, ehem." Pekeng arte ni Yoongi.

Napangiwi naman sila Jennie dahil sa obvious na obvious na umaarte lang si Yoongi pero ang hindi nila inaasahan ay naniwala na naman si Hoseok dahil bumakas ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha nito.

"A-Ayos ka lang ba Yoongi? Nako! Magpa-check up ka na baka may nana ka na rin sa lalamunan." Nag-alalang sabi ni Hoseok.

Napatawa ng mahina sila Jennie bago sila pumasok na rin sa loob ng bahay ni Hoseok at hinayaan na lang ang dalawa sa tapat ng pinto. 

"Hindi ayos lang ako, nasobrahan lang ako sa kain ng matatamis kaya nagkaganto boses ko." Ani Yoongi, pinipilit lang talaga niyang laliman ang boses niya kaya mukha siyang tanga.

Tumango na lang si Hoseok bago sila pumasok sa bahay, tulong tulong sila sa pag-aayos ng gamit ni Yoongi, nagpaalam na si Yoongi kay Hoseok pero alam naman nila na magkikita rin sila bukas mismo sa school at para sa practice nila sa pagluluto.

"Thank you ulit sa lahat Hoseok." Mahinang sabi ni Yoongi, tumango na lang si Hoseok at ngumiti dito bago niya hinatid sila sa labas.

Kumaway ulit sila sa isa't isa na para bang hindi na ulit magkikita, napairap sa kawalan si Jin bago niya pinaandar na ang sasakyan.

Pagkasandal ni Yoongi sa upuan ay tinanggal niya agad ang wig niya.

"Mas mahirap pa lang magpanggap na lalaki." Sabi nito bago niya tinanggal ang tali ng umiipit sa kanyang dibdib. Pagkaalis niya noon ay nakahinga na siya ng maluwag.

"Baka kasi hindi ka naman talaga lalaki." Biro ni Jennie kaya naman sinamaan siya ng tingin Yoongi pero nginisihan niya lang 'to.

Panay daldalan ng mga babae sa likod habang bumabyahe sila, huminto muna sila saglit sa isang fast food chain para mag-take out ng pagkain bago sila tuluyang umuwi. 

Pag-uwi ni Yoongi ay inayos ulit niya ang gamit niya sa kwarto ni Jin, balik na naman sila sa pagiging roommate nilang dalawa.

"Anong plano mo Yoongi?" Tanong ni Jin habang tinutulungan siya nitong mag-ayos ng gamit.

"Plano saan?" Binuksan ni Yoongi ang mga gamit niya at natigilan siya nang makita niya ulit ang picture frame niya na wala ng salamin ngayon.

Ngiting ngiti silang tatlo nila Yoori, halos hindi na makita ang mata ni Jimin at Yoori, kahit hindi related si Jimin at Yoori sa isa't isa ay napansin ni Yoongi na magkamukha ito ng mata kapag nakangiti, samantalang si Yoongi naman ay kangiti si Yoori dahil pareho kita ang gilagid nilang dalawa.

Napansin ni Jin ang tingin ni Yoongi sa picture frame kaya naman napailing na lang ito.

"Plano mo kay Jimin." Ani Jin kaya naman napatingin sa kanya si Yoongi habang nagtataka.

"Wala, umarte na walang nangyari, hintayin matapos ang senior high school at hindi na ulit magpapakita sa kanya." Sabi ni Yoongi.

Natahimik si Jin bago ito napatango, "Kay Hoseok? Anong plano mo kay Hoseok?" 

"A-Anong plano sa kanya?" Naguguluhang tanong ni Yoongi.

"Di ba may gusto siya sa'yo, sabi mo bibigyan mo siya ng chance, Yoongi nakita ko yung tingin mo sa kanya kanina, hindi ko gusto yun, paasa ka." Diretsong sabi ni Jin.

"Paasa? Wala naman akong ginagawa." Apila ni Yoongi.

Napangiwi si Jin, "Meron, pinapaasa mo siya." 

"Hindi ko siya pinapaasa, totoong bibigyan ko siya ng chance, pinag-iisipan ko lang kung magugustuhan ba niya ulit si Yoonji ngayong wala na si Yoongi?" 

Kinuha ni Jin ang frame kay Yoongi kaya nagulat ito. "Of course, magugustuhan ka ulit ni Hoseok pero bakit siya? Bakit hindi ito?" Taanong ni Jin bago niya ulit hinarap kay Yoongi yung picture frame.

"Alam mo Jin hindi kita maintindihan, kanina ka ba talaga kampi? Ang gulo mo kausap sa totoo lang." Ani Yoongi pero hindi sumagot si Jin, tinaasan lang siya ng kilay nito habang hawak pa rin ang frame, napabuntong hininga na lang ulit si Yoongi bago niya sinagot ang tanong ni Jin kanina. "At least kasi si Hoseok gusto niya pareho yung babae at lalaking ako."

"Sa tingin mo si Jimin hindi?" Tanong ni Jin, tumango naman si Yoongi kaya napairap si Jin sa kawalan.

"Sa opinyon ko Yoongi? Gusto rin ni Jimin pareho pero natatakot lang siya." 

"Yun na nga Seokjin, si Hoseok hindi siya takot, hindi siya takot na sabihin sa akin na at sa lahat na gusto niya ako, kahit yung lalaking ako." Giit ni Yoongi.

"Kasi they are not in the same position Yoongi, don't you get it? Magkaiba silang dalawa, magkaiba sila ng sitwasyon." 

"Mahal ako ni Hoseok..." Yun na lang ang nasabi ni Yoongi.

Napabuga si Jin ng hangin, "Mahal ka nga niya pero ang tanong siya ba yung mahal mo?" 

Hindi nakapagsalita si Yoongi sa tanong ni Jin kaya naman ibinalik ni Jin ang frame kay Yoongi. "See? Hindi siya yung mahal mo, kasi si Jimin pa rin ang mahal mo. Don't do this to Hoseok, mas better pa na wala kang makatuluyan sa dalawa kaysa maging kayo nga ni Hoseok pero iba yung mahal mo."

"Why are you saying this now?" 

"I don't know Yoongi, pero i'm saying this as a friend." Sabi ni Jin.

"So magkaibigan na pala tayo?" Nagtatakang tanong ni Yoongi.

"Duh." Sarkastikong sagot ni Jin.

Nagkatinginan silang dalawa nang ilang segundo, napangiti silang dalawa sa isa't isa at nagtawanan bago sila bumalik sa kani-kanilang ginagawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top