70

Parehong walang nagsasalita sa kanila dahil sa gulat hanggang sa dahan-dahang hinahawakan ni Yoongi sa dibdib niya para salatin iyon, nagulat si Hoseok sa ginawa ng babae sa harapan niya.

"Oh fuck." Malutong na mura ni Yoongi nang maramdaman niyang may dibdib na naman siya.

"A-Ayos ka lang ba?" Tanong ni Hoseok dahil gulong gulo ang buhok ni Yoonji ngayon, napalunok si Hoseok nang mapansin niya rin na wala itong suot na bra at may mga kiss mark ito sa leeg.

Napaiwas agad ng tingin si Hoseok nang marealize niya yung mga yun. "A-Anong ginagawa mo dito Yoonji?" Nahihiyang tanong ni Hoseok.

"Hindi mo gugustuhing malaman." Sagot ni Yoonji bago niya sinarado ang pinto ng bahay ni Jimin. "Ako dapat nagtatanong niyan sa'yo, anong ginagawa mo dito?"

"Hindi nagtetext sa akin si Yoongi, nagbabaka sakali lang ako na nandito siya or alam ni Jimin kung nasan si Yoongi." Sabi ni Hoseok.

Napabuntong hininga na lang si Yoonji dahil hindi niya talaga gusto kapag may nadadamay na tao sa mga kagagawan niya, lalo na kung alam niyang totoong may pakealam sa kanya yung tao, sa mga panahon na 'to hindi na lang si Jimin ang may pake sa kanya, mayroon na rin siyang Hoseok.

Ang problema lang sa kanya ay hindi niya magawang piliin si Hoseok kaysa kay Jimin.

Pero pinipilit naman niya. 

"Wala siya dito Hoseok, wag kang mag-alala sa lalaking yun may pinuntahan lang yun na importante, baka hindi rin agad makauwi." Sabi ni Yoonji habang nagmamadaling nalakad papalayo, mabilis siyang sinundan ni Hoseok.

"Saan ka pupunta? Ihahatid na kita." Sabi ni Hoseok.

"Kila Jin." Tipid na sabi ni Yoongi.

Bumaba ang tingin ni Hoseok sa dibdib ni Yoonji kaya napakunot ang noo ng dalaga, mabilis namang nag-iwas ng tingin si Hoseok kay Yoonji nang tinakpan nito ang dibdib niya gamit ang kanyang kamay.

"Hindi dibdib ang tinitingnan ko, tinitingnan ko lang yung damit mo kasi kamukha ng damit ni Yoongi." Sabi ni Hoseok.

"Damit 'to ni Jimin, magkamukha lang sila ng damit ni Yoongi, regalo ko sa kanilang dalawa 'to." Palusot ni Yoongi, mukhang naniwala naman si Hoseok pero naalala ni Yoongi na may hawak pa nga pala siyang underwear pero hindi pa yun nakikita ni Hoseok, bago pa ito makita ni Hoseok ay binalibag yun agad ni Yoongi kung saan man bago niya hinila si Hoseok papaalis ng building.

Pumara ng taxi si Hoseok, pagkapasok nila sa loob noon ay nakahinga na agad ng maluwag si Yoongi.

Walang suot na jacket si Hoseok katulad ng sa mga drama kaya naman hiniram na lang ni Yoongi ang panyo nito at pinahiram naman niya yun kay Yoongi, walang pasintabi iyung pinasok sa ni Yoongi sa loob ng shirt para ipangtapal sa dibdib niya at hindi iyon bumakat.

Nakita ni Yoongi sa peripheral vision niya ang bahagyang paglaki ng mata ni Hoseok at nung driver dahil sa ginawa niya, okay na rin siguro na kahit papaano ay may takip ang dibdib niya. 

Nang tiningnan ni Yoongi si Hoseok ay nakita niyang pulang pula na ang mukha nito habang pilit na nag-iiwas ng tingin sa kanya, halos nakadukdok na ang mukha niya sa salamin, natawa si Yoongi ng mahina dahil ibang iba ito kay Jimin, kung si Jimin 'yun malamang tuwang tuwa na naman yun-- teka, bakit ba lagi na lang niyang nasisingit si Jimin kahit saan?!

"O-Okay ka lang ba Yoonji?" Tanong ni Hoseok kahit hindi nakatingin sa kanya.

"Yep." Tipid na sagot ni Yoonji bago siya bahagyang umusog papalapit kay Hoseok para makita niya ang sarili niya sa rear mirror.

Napabuntong hininga na lang si Yoonji nang makita niya ang reflection niya sa salamin, bumalik na naman ang buhok niyang hanggang balikat.

"Ang tanga ko talaga, ang tanga ko, ang tanga tanga ko." Paulit ulit na sabi ni Yoonji bago siya bumalik sa pwesto niya at inuntog ng paulit ulit ang sarili niya sa salamin ng taxi.

"Ma'am baka po masira yung salamin--" Napatigil sa pagsasalita yung driver ng tingnan siya ng masama ni Yoonji.

Napalunok na lang ito at bumalik sa pagdadrive, si Hoseok naman ay napatingin na ulit kay Yoonji.

"Hindi naman sa nangingialam ako pero ayos lang ba kayo ni Jimin?" Tanong ni Hoseok.

"Hindi kami ayos noon, sapakin ko pa yun eh." Inis na sabi ni Yoonji, para siyang bata ngayon dahil sa itsura niya, para siyang nalugi at natalo, o mas mas bagay ang salitang mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Akala ko okay kayo kasi sabi ni Yoongi--" 

"Hindi totoo yung sinabi ni Yoongi, galit ako kay Jimin, galit na galit ako sa kanya, nanggigil ako sa kanya, kinasusuklaman ko siya, kinapupuotan ko siya." Nanggigil na sabi ni Yoonji habang nakayukom ang kanyang kamao.

"E-Easy, kalma ka lang Yoonji." Sabi ni Hoseok habang awkward na tinatapik ang likod ni Yoonji para pakalmahin ito.

"Paano niya nagawa sa akin yun? Inako niya yung anak ng iba? Para saan? Para saktan ako? Hayop siya! Kung gusto niya ng anak kaya ko naman siyang bigyan, kahit ilan yung gusto niya, gusto niya ngayon mismo-- teka! Ibalik mo ko dun bibigyan ko lang ng isa yun, papakitaan ko siya kung paano--"

"Kalma! Kalma lang Yoonji, pupunta na kayo kila Jin, kumalma ka lang." Sabi ni Hoseok habang pilit na tinatakpan ang bibig ni Yoonji.

Tinitingnan na kasi sila ngayon ng driver, medyo na wiweirdohan na kay Yoonji. Ayaw rin naman ni Hoseok na pag-isipan ng kung ano ng driver si Yoonji dahil sa mga sinasabi nito ngayon, alam naman niyang nasasaktan lang si Yoonji kaya ito nagkakaganito ngayon.

Pilit inalis ni Yoonji ang kamay ni Hoseok sa bibig niya bago niya muling dinukdok ang mukha niya sa bintana ng sasakyan. 

Napabuntong hininga na lang si Hoseok dahil naiisip niyang parehong may topak sa ulo si Yoonji at Yoongi.

Nang makarating sila sa tapat ng bahay nila Jin ay si Hoseok ang nagbayad, sabi ni Yoonji kay Hoseok ay si Yoongi na lang ang magbabalik sa kanya ng pera na nagastos sa pamasahe.

Hindi pa nakakatok si Yoonji ay bumukas na agad ang pinto, bumungad sa kanya si Jin at ilang saglit lang ay sumulpot rin si Jennie sa likod nito.

"Oh my god! Yoonji is back!" Excited na sigaw ni Jennie.

"Calm your gay tits Jennie," Iritang sabi ni Jin sa pinsan niya bago siya tumingin kay Yoonji, "ikaw naman nagbabalik babae ka pumasok ka sa loob, bilis!"

Hinila niya si Yoonji sa loob bago niya sinarado ang pinto, napapikit si Hoseok nang mariin dahil hindi man lang siya napansin ni Jin, napakibit balikat na lang ito at akmang aalis ng biglang lumabas ulit si Jin at inabutan ng pagkain si Hoseok.

"Salamat sa paghatid kay Yoonji." Sabi ni Jin bago sinarado ulit ang pinto nang magpapasalamat rin sana si Hoseok.

Medyo naiinis na si Hoseok kaya akmang aalis na ulit ito nang bumukas na naman ang pinto at lumabas na naman si Jin na may dalang softdrink bago ito biglang inabot na naman si Hoseok. 

"Last na yan, bye." Sabi ni Jin bago sinarado na naman ang pinto.

Napabuga si Hoseok ng hangin dahil sa iritasyon. 

"Wow hamburger." Sarkastikong sabi ni Hoseok nang tingnan niya ang binigay ni Jin, "... and Sprite." 

Napailing na lang ito bago naglakad paalis pero biglang lumabas si Yoonji. "Hoseok! Thank you!" Sigaw nito.

Napangiti na lang si Hoseok bago siya kumaway kay Yoonji habang naglalakad paalis.

Pagpasok ulit ni Yoonji sa loob ay agad siyang hinila ni Jin at Jennie patungo sa sofa at agad siyang pinaupo doon. 

"A-Anong nangyari? Paano ka naging babae ulit?" Tanong ni Jennie.

"Obvious ba Jennie? Syempre nagchukchakan sila, gusto mo pa ba detailed kung papaano sila nagpasukan ng--"

"Okay, okay, tama na ayoko na malaman." Pagpigil ni Jennie kay Jin.

"Paanong gagawin mo naging babae ka, may contest pa kayo this week." Tanong ni Jin.

Agad nanlaki ang mata ni Yoongi dahil sa sinabi ni Jin. "Oo nga! May contest pa kami, hindi pwedeng mawala ako doon, oh shit! Oh shit! Ang tanga tanga ko talaga!" Nagpapanic na sabi ni Yoongi.

"Madali lang naman yun, babaliktarin lang naman natin, instead na nagpapanggap kang babae dati, magpanggap ka namang lalaki ngayon." Sabi ni Jennie.

"What? Alam mo ba kung gaano kahirap yun?" Tanong ni Yoongi.

"Madali lang yun, mas madali yun kumpara sa pagpapanggap na babae kasi mas sanay ka sa kilos lalaki, ang kaylangan lang nating gawin ay gupitin ang buhok mo." Sabi ni Jennie bago siya biglang naglabas ng gunting.

Nagulat naman si Jin at Yoongi dahil hindi nila alam kung saan iyon nakuha ni Jennie at kung papaanong bigla na lang iyong nasa kamay niya.

"Teka! Teka! Kapag pinutol mo yung buhok ni Yoongi hahaba rin agad 'yan." Paliwanag ni Jin.

"Huh? Bakit naman? Paano mo nalaman?" Tanong ni Jennie.

"Basta alam ko lang." Giit ni Jin kaya naman sa sobrang curious ni Jennie at Yoongi ay nagputol nga siya ng buhok.

Sabay nanlaki ang mga mata ni Jennie at Yoongi nang tumubo nga ulit iyon.

"O-Okay lang 'yan, may nabibili namang wig na mukhang totoo." Sabi ni Jennie.

"Pero kila Hoseok ako nakatira, hindi niya pwedeng malaman na iisa lang kami ni Yoonji." Paliwanag nito.

"So no choice na kami kundi dito ka ulit tumira?" Tanong ni Jin at tumango naman si Yoonji at Jennie ng sabay.

Napairap na lang si Jin sa kawalan dahil madagdagan na naman ng prinsesa ang bahay niya, mga walang ibang ginawa kundi maupo, mga tamad. "Oh sige na, sige na, kukunin na natin ang mga damit mo kila Hoseok, pagod na pagod na yung mga gamit mo kakalipat ng bahay."

"Kung hindi mo ko pinalayas dito edi sana hindi ako nagpakahirap na lumipat kay Hoseok." Singhal ni Yoonji.

"Oh well." Nagkibit balikat na lang si Jin bago siya uminom ng tea, napataas ang kilay ni Jennie dahil hindi niya alam kung saan nanggaling yung tasa na hawak ni Jin.

"Alam mo kasi kung nakinig ka lang muna kasi sa akin edi sana wala kang problema ngayon, kating kati lang?" Sarkastikong tanong ni Jin kay Yoonji.

Napairap ito. "Anong magagawa ko? Eh gusto ko siya, gusto kong bumalik lahat sa dati." 

"Eh yun na nga, hindi na mababalik lahat sa dati." Paliwanag ni Jennie.

"Alam ko, ang tanga ko lang kasi akala ko niloko rin siya ni Kiki kaya ganun agad reaksyon ko." Paliwanag ni Yoongi.

"Wow naman, paano ginawa mo nung nagulat ka? Pumunta ka agad kay Jimin sabay sabing 'oy jimin nagulat ako, pakalampag naman ng isa' ganoon ba yun?" Sarkastikong tanong ni Jin.

"Argh! Jin! Tama na, okay? Alam kong mali ako." Giit ni Yoongi.

"See? Tingnan mo kung gaano kalaki ang nagiging epekto ng isang pagkakamali, sa susunod wag ka nang magdedesisyon nang biglaan." Kalmadong sabi ni Jin, tumango naman si Yoongi, "Wag ka na rin kakalampag ng biglaan." 

Napairap na lang si Yoongi. 

"So kaylan niyo ako aayusan para magmukha akong lalaki at makuha ko na yung gamit ko kila Hoseok?"

Nagkatinginan si Jin at Jennie bago biglang may tatlong babaeng lumitaw sa likod nila, nakita niya si Jisoo, Rose, at Lisa na may hawak ng wig at make ups.

"Saan sila nanggaling?!" Gulat na tanong ni Yoongi.

"Tinext ko sila kanina pa." Sabi ni Jennie at nag-apir naman sila ni Jin.

"Ready girls?" Tanong ni Jin sa apat, sabay-sabay na napangisi ang apat kaya naman napahawak agad si Yoongi sa dibdib niya dahil pakiramdam niya ay dadaanin na naman siya ng mga ito sa haras.

"Always ready." Sabay-sabay na sabi ng apat bago sila naglabas ng tali.

Nanlaki ang mata ni Yoongi bago ito napailing.

"Oh no."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top