68
Tahimik lang si Yoongi at Jimin sa loob ng banyo, walang nagkikibuan sa kanilang dalawa pero dahil nakiusap si Jimin na mag-stay muna silang dalawa sa kwarto ay hindi malaman ni Yoongi kung bakit siya pumayag kahit wala namang kumikibo sa kanilang dalawa.
"Yoongi..." Pangbasag ni Jimin sa katahimikan.
"Hmm?"
"P-Pwedeng mo ba kong yakapin?"
Agad nanlaki ang mata ni Yoongi. "Yakap? As in yakap?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Y-Yeah." Awkward na sabi ni Jimin.
Natahimik ulit sila ng ilang saglit hanggang sa napabuntong hininga na lang si Yoongi bago siya dahan dahan at nahihiyang lumapit kay Jimin para yakapin ito. Mabilis siyang niyakap ni Jimin pabalik at mas mahigpit.
Wala na namang kumikibo sa kanilang dalawa, nayakap lang sila sa isa't isa.
Nakadikit ang tenga ni Jimin sa dibdib ni Yoongi kaya ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito hanggang lumayo ng kaunti si Jimin para tingnan ang mata ni Yoongi.
Nagulat si Yoongi sa nangyari dahil halos magtama na ang ilong nila sa isa't isa sa sobrang lapit. Ramdam na ramdam nila ang mainit na hininga ng isa't isa. Magkatinginan lang sila, walang nagsasalita, kaya sa hindi malamang dahilan ay halos sabay nilang pinaglapit ang labi nila sa isa't isa.
Mali yun, mali, maling mali.
Pero ginawa pa rin nila.
Hinawakan ni Jimin ang pisngi ni Yoongi bago niya ito isinandal sa pinto ng banyo, halos tumingkyad si Jimin habang idinidiin niya ang sarili niya kay Yoongi, hinahayaan lang siya ni Yoongi na mag-take control.
Hanggang sa matigilan sila nang may kumatok sa pintuan.
"Ayos lang ba kayo diyan sa loob?" Tanong ni Hoseok sa labas.
Tumigil lang sila sa paghahalikan pero hindi pa rin sila naglalayong dalawa. Napabuntong hininga si Yoongi bago ito napatingin kay Jimin at napailing.
"Saglit lang Hoseok, lalabas na rin kami, lilinisin ko lang yung sugat niya." Sigaw ni Yoongi.
"Okay, maghihintay na lang ako sa kusina, malapit nang maluto yung niluluto natin." Ani Hoseok.
"Okay." Sagot ni Yoongi pero wala na siyang nakuhang sagot pabalik kay Hoseo kaya natahimik ulit ang dalawa.
Nagkatinginan ulit sila habang parehong naghahabol ng hininga. Dahan dahang inilapit ulit ni Yoongi ang mukha ni kay Jimin.
"Mali 'to Jimin, magkakaanak ka na, tapos binigyan ko ng chance si Hoseok." Mahinang sabi ni Yoongi sa pagitan ng paghalik niya kay Jimin.
"Yeah." Wala sa sariling sabi ni Jimin habang hindi mawala ang tingin niya sa labi ni Yoongi tuwing lumalayo ito ng kaunti tuwing magsasalita.
Para bang hindi niya gusto na nawawala sa kanya yung labi nito kaya halos habulin niya yun. "Jimin mali 'to." Nalilitong sabi ni Yoongi kahit patuloy lang syia sa paghalik.
"Bakit hindi ka tumitigil?" Tanong pabalik ni Jimin habang bumababa ang kamay nito sa braso ni Yoongi.
"I-I don't know, pigilan mo ko." Utos ni Yoongi bago niya pinaglapat ulit ang labi nila.
"A-Ayoko." Sagot ni Jimin bago niya hinawakan ang shirt ni Yoongi para mas mapadiin ulit ito sa kanya, tumigil silang dalawa sa pag-uusap at naghilakan ulit silang dalawa.
Hanggang sa napatigil ulit silang dalawa nang may kumatok na naman sa pinto ng banyo.
"Guys, okay lang ba kayo? Nag-aalala na ko." Sabi ni Hoseok.
Nakosensya silang dalawa bigla kaya naman naglayo na sila, at binuksan nila ang pinto para harapin si Hoseok na halatang nag-aalala na nga. "Medyo malaki kasi yung sugat ni Jimin."
Pinakita ni Yoongi ang daliri ni Jimin kay Hoseok.
"Dalhin na kaya natin ng ospital si Jimin, baka ma-infection pa 'yan." Sabi ni Hoseok.
Agad umiling si Jimin at ngumiti pero halatang pilit, "ayos lang, kasalanan ko naman, kakayanin ko na lang yung sakit."
Napatingin pareho sa kanya si Hoseok at Yoongi na parehong may nag-aalalang ekspresyon ang mukha, napayuko si Jimin dahil sa tingin na natanggap niya.
"Excuse me." Sabi nito bago naglakad palabas ng banyo at dinaanan si Hoseok at Yoongi, nagtataka si Hoseok habang si Yoongi ay hindi mapakali.
"Uhm, ayos lang ba kung mauuna na ko?" Tanong ni Jimin sa dalawa, hindi agad ito nakasagot.
"Sure ka bang ayos ka lang? Pwede ka naming samahan sa ospital, ipa-check up natin 'yang sugat mo." Sabi ni Hoseok.
"Hindi na, ayos lang talaga ko." Sagot ni Jimin.
"Tama si Hoseok, dalhin ka na namin sa ospital." Sabi ni Yoongi kaya naman agad umiling si Jimin.
"Okay lang nga, hindi naman ako mamatay kahit sobrang sakit." Inis na sabi ni Jimin kaya naman natigilan ang dalawa dahil bahagyang tumaas ang boses ni Jimin.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya na tumaas yung boses ko, mauna na ko." Ani Jimin bago niya mabilis na dinampot ang bag niya at nagtatakbo palabas ng apartment ni Hoseok.
Nagkatinginan si Yoongi at Hoseok dahil sa ginawa ni Jimin hanggang sa napasigaw si Yoongi nang hinampas siya ng malakas ni Hoseok sa braso. "Anong ginawa mo kay Jimin? Bakit parang takot na takot yun?"
"Wala akong ginagawa sa kanya." Giit ni Yoongi.
Pinanliitan ng masama ni Hoseok si Yoongi pero nginiwian lang siya ni Yoongi kaya naman napailing na lang si Hoseok. "Feeling ko may pinag-usapan kayo ni Jimin sa banyo eh, ang tagal niyo kaya, anong pinag-usapan niyo? Tungkol ba kay Yoonji?"
Umiling agad si Yoongi. "Walang kinalaman si Yoonji dito, walang silang problema ni Yoonji." Anito.
"Huh? Akala ko ba hindi naging sila? Pakiramdam ko may problema sila, siguro nasaktan nila yung isa't isa, ano sa tingin mo? Kapatid mo yun, tanungin mo." Sabi ni Hoseok.
"Wala nga silang problema ni Yoonji." Giit ni Yoongi.
"Huh?" Nagtatakang sabi ni Hoseok dahil nakita niya yung lungkot kay Yoongi.
"Kami ni Jimin ang may problema, wala silang problema ni Yoonji."
Natahimik nang ilang saglit si Hoseok bago ito napabuntong hininga. "I knew it, kaya nagkakailangan kayo, pansin ko eh."
Inihanda na ni Hoseok ang pagkain na niluto namin, "sayang hindi man lang natikman ni Jimin yung niluto natin." Sabi nito.
"Pagtabi na lang natin siya tapos bigay natin sa kanya bukas, para naman magkaayos na kayong dalawa." Sabi pa ulit ni Hoseok pero masyadong tulala si Yoongi, hindi ito nakikinig sa kanya kaya pumitik si Hoseok sa harap ng tulalang si Yoongi.
Bumalik agad sa huwisyo si Yoongi.
"Makipag-ayos ka na kay Jimin, mahirap kapag hindi kayo ayos na dalawa tapos lalaban tayo sa contest, paano tayo mananalo niyan?"
Napabuntong hininga na lang ulit Yoongi, napailing naman ulit si Hoseok bago niya tinikman ang niluto nila, masarap naman ang gawa nila pero parang may kulang.
Biglang nagvibrate ang cellphone ni Yoongi kaya naman agad niyang kinuha sa bulsa niya yun, nakita niyang si Jin ang tumatawag kaya naman napaisip siya kung sasagutin ba niya yun o hahayaan niyang mainis sa kanya si Jin.
Pero sa huli ay sinagot rin niya ang tawag nito. "Hello?"
"May chismis ako sa'yo." Mabilis na sabi ni Jin.
Napahawak si Yoongi sa sintido niya. "Hindi ako interesado sa chismis mo."
Akmang papatayin ni Yoongi ang tawag pero nagsalita ulit si Jin.
"Wait!" Sigaw nito. "Kahit tungkol kay Jimin ang chismis?" Tanong pa ni Jin.
Agad napabalik ang cellphone ni Yoongi sa tenga niya. "Anong meron?" Tanong ni Yoongi bago siya bahagyang napatingin kay Hoseok na nakatingin lang sa kanya na para bang nagtataka.
Lumayo si Yoongi kay Hoseok, nagpunta ito sa sala para hindi marinig ni Hoseok ang usapan nilang dalawa ni Jin. "Anong meron kako kay Jimin?" Pag-uulit ni Yoongi.
"Oh, akala ko ba hindi ka interesado?" Sarkastikong tanong ni Jin.
"Sabihin mo na lang, kakaalis lang niya, kasama ko siya kanina." Ani Yoongi.
"Aruy, ang rupok mo naman." Natatawang sabi ni Jin.
"Ano nga sabi? Mamatay na ko dito kapag di mo pa kinuwento."
"Aw, curiosity kills the cat talaga eh no?"
Napasinghap si Yoongi sa sinabi ni Jin pero agad rin bumalik si Jin pagkatapos niyang tumawa ng malakas, pang-asar kay Yoongi.
"Nakakatawa ba yun?" Sarkastikong tanong ni Yoongi pero ito napairap.
"Oh siya, nakita daw ni Jennie si Kiki tapos may nalaman siyang sikreto, natututo na talaga sa akin si Jennie, i'm so proud of her." Proud na proud na sabi ni Jin.
"Sure ka na nakita lang ni Jennie? Hindi niya sinundan?" Tanong ni Yoongi.
"Ganun na rin yun, hindi na importante yun." Ani Jin kaya naman irap na naman si Yoongi.
"So ano nga yung nalaman niya?" Naiinip ng tanong ni Yoongi.
"Dinadahan dahan ko lang kasi magugulat ka."
"Pwede bang sabihin mo na lang sa akin yung sasabihin mo hindi yung panay ang pakaba mo pa, ano yun? Gusto mo kaylangan may pa-intense palagi? Wala ka naman sa isang drama Jin! Walang sound effects na pangpakaba kapag may sasabihin ka, kaya sabihin mo na lang kung sasabihin mo--"
"Okay! Hindi kay Jimin yung dinadala ni Kiki."
At natigilan nga si Yoongi hanggang sa unti unting nanlaki ang mata nito dahil sa gulat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top