67

few dags ago...

Ak0 aY LUmUhA dAHiL, 'dii qUo kaYA nA LiMuTiN Ka aT iWaN Ka daHiL iKaW LanG tALaGa~

"Jimin, please! Hindi naman naging kayo ni Yoongi, wag ka ngang OA, mamakalimutan mo rin 'yan, feelings lang 'yan. Saglit lang 'yan." Giit ni Taehyung nang pumasok siya sa loob ng kwarto ni Jimin at nakita ang matinding kalat dito.

Ak0'Y nAGmAHaL nG tODo pERo aK0'y niLoKo SaNa nGaYon Ay mAHaLin aT wAg mOng--

Pinatay ni Taehyung ang pinapatugtog ni Jimin bago niya ito tiningnan ng masama. Nakatulala lang si Jimin habang nakahiga sa kama at nakayakap sa unan niya. Ilang araw na daw kasi simula nung umalis si Yoongi ng walang dahilan, hindi naman niya daw magawang habulin dahil nabigla rin si Jimin sa pagiging lalaki ni Yoongi.

Kaya eto, si Jimin ay wala sa sarili. Ilang araw na siyang ganyan.

"Jimin, kung mahal ka noon! Babalik yun." Giit ni Taehyung.

"Kung mahal niya ko di siya aalis." Mahinang sabi ni Jimin kaya napairap si Taehyung sa kawalan dahil sobrang drama nito.

"Nagulat lang rin yun dahil naging lalaki siya ulit." Paliwanag ni Taehyung. Oo, alam ni Taehyung yung nangyari kay Yoongi, alam na rin ni Jimin na alam ni Taehyung matagal na. Masyadong matalino si Taehyung.

Ang totoo niyan, si Taehyung ang nagpaliwanag kay Jimin ng nangyari kay Yoongi, kaya matagal na rin alam ni Jimin na soulmate silang dalawa ni Yoongi.

At si Yoongi lang rin ang hindi nakakaalala ng nangyari bago siya maging babae.

Dahil si Jimin? Tandang tanda niya lahat.

"Baka nasasanay na siya sa pagiging babae, tsaka ikaw rin baka mali ka rin, mukhang nasanay ka na rin sa pagiging babae niya." Ani Taehyung kaya naman napayuko si Jimin.

"Kahit naman babae siya o lalaki, siya pa rin naman yun, sanay na ako kay Yoongi babae man o lalaki siya..." Ani Jimin habang may bumabagsak na luha sa mata niya kaya naman binalibag siya ni Taehyung ng maduming t-shirt niya na nakakalat lang sa sahig.

Ayaw na ayaw ni Taehyung na nakikitang umiiyak si Jimin kahit may tinatago siyang inis dito. May naalala kasi siya.

"Oh bakit ka umiiyak? Edi magsama ulit kayo, pakasal kayo. Mainis nyo pa ko, ang drama nyo." Inis na sabi ni Taehyung. "Kaya mo ba ko pinapunta dito para mag-rant ka tungkol sa lalaking 'yan? Kasi kung yun lang yun aalis na ko kasi literal na wala naman kayong problema, kayo lang gumagawa ng problema nyong dalawa."

Sinasakitan na ng ulo si Taehyung kay Jimin at Yoongi, wala naman talaga siyang pakealam sa relasyon ng dalawa, kaya hindi niya alam kung bakit nasisingit siya dito.

Well, bukod sa may galit siya sa dalawa.

"Pero hindi na kami pwede." Mahinang sabi ni Jimin.

Bahagyang natigilan si Taehyung dahil sa sinabi nito. "Bakit?" Curious na tanong ni Taehyung.

"Mahal ko siya pero hindi na kami pwede..." Pag-uulit pa ni Jimin habang nakatulala sa kawalan.

"Bakit nga?" Singhal ni Taehyung.

"Yoongi mahal kita pero hindi 'yan pwede!" Sigaw ni Hoseok.

Wait, si Hoseok?!

Biglang bumalik sa huwisyo si Jimin, kanina pa pala siya nagtothrowback, hindi na siya nakapaghiwa ng ayos dahil natulala na siya.

Pinanuod niyang naghaharutan si Yoongi at Hoseok. Medyo nagseselos siya dahil madalas kapag hinaharot niya si Yoongi ay sinusungitan lang siya nito kahit noon pa lang pero kapag kay Hoseok pinapatulan niya yun.

"Y-Yoongi." Tawag ni Jimin kaya naman natigilan si Hoseok at Yoongi sa ginagawa nilang pagwiwisikan ng tubig sa gripo.

"Papatulong lang sana ako kung paanong hiwa gagawin dito?" Tanong ni Jimin.

"Hiwain mo pa ng mas maliit 'yan." Si Hoseok ang sumagot at lumapit pa siya kay Jimin para idemonstrate ang gagawin, si Yoongi naman ay naglakad sa kabila para kunin ang ibang ingredients kaya naman napanguso na lang si Jimin bago tumango kay Hoseok kahit hindi naman talaga siya nakinig.

Ilang saglit lang ay lumapit ulit si Yoongi sa kanila para tingnan ang ginawa ni Hoseok.

"Sobrang liit naman niyan, wag mo masyadong hiwain mukha na 'yang asukal." Komento ni Yoongi.

Natawa ng malakas si Jimin kaya naman napatingin sa kanya si Yoongi at Hoseok na parehong nagtataka, pero si Jimin ay patuloy lang sa pagtawa, hinahampas pa niya ng mahina ang braso ni Yoongi na mukhang naguguluhan sa pagtawa ni Jimin.

Nang humupa ang tawa ni Jimin ay bahagya pa niyang tinulak si Yoongi.

"Ang funny mo Yoongs." Natatawa pa rin na sabi ni Jimin.

Nagkatinginan si Hoseok at Yoongi dahil pareho silang naguguluhan. Awkward na lang na napangiti si Yoongi, samantalang si Hoseok ay natawa na lang rin.

"Psh! Hindi naman funny si Yoongi." Nangingiting komento ni Hoseok.

"Sus! Akala mo funny ka?" Inis na sabi ni Yoongi kay Hoseok.

At dahil dun silang dalawa na lang ulit ang nag-usap, naiwan na naman si Jimin na pinapanuod lang ulit silang dalawa habang nagbibiruan.

Unti unting pinagsisisihan ni Jimin ang pagsama niya dahil nagmumukha lang siyang multo kapag nakadikit siya sa dalawa, para siyang hangin, walang pumapansin sa kanya.

Napairap sa kawalan si Jimin, masyado niyang pinipilit na makabiruan si Yoongi pero hindi naman ito nakikisabay na sa kanya. Masyado siyang trying hard kaya kahit wala namang nakakatawa sa mga sinasabi ni Yoongi ay natatawa pa rin siya.

Panay ang sabat ni Jimin sa usapan ng dalawa para makasali siya sa kwentuhan nila pero laging saglit lang siya nakakasali dahil napupunta kay Hoseok ang usapan.

"Medyo hindi talaga ako sure kung masarap ako magluto ng adobo eh." Pagkwento ni Hoseok.

"Masarap naman luto mo nung nakaraan, medyo kulang nga lang sa toyo." Ani Yoongi.

"Naalala mo yung pinagluto kita nun Yoongs?" Tanong ni Jimin kaya naman napa-angat ang tingin sa kanya ni Yoongi.

"Kinain mo pa rin yun kahit hindi masarap yung lasa, sabi ko pa sa'yo noon wag mo ng kainin, magprutas na lang tayo pero sabi mo kakainin mo pa rin kasi niluto ko yun para sa'yo." Natawa ng mahina si Jimin habang kinukwento niya yun kahit medyo nalulungkot siya.

Bahagyang natawa si Yoongi nang maalala niya yun pero nag-iwas rin siya agad nang tingin nang magtama ang paningin nila ni Jimin.

"Oh? Baka hindi ka rin nasasarapan sa luto ko Yoongi? Pinipilit mo lang kainin kasi nahihiya ka sa akin na tanggihan yun? Umamin ka na!" Kinuha ni Hoseok ang siyanse at ginamit iyong panturo kay Yoongi.

"Masarap yung luto mo, seryoso ako." Sabi ni Yoongi kay Hoseok pero medyo natatawa ito, hindi dahil nagsisinungaling siya kundi dahil gusto niya lang talaga asarin si Hoseok at medyo natatawa rin talaga siya sa reaksyon nito.

"Sinungaling! Niloloko mo lang ako eh." Naghihinalang sabi ni Hoseok.

"Totoo nga kasi! Masarap talaga yung luto mo." Giit ni Yoongi kahit nangingiti siya.

"Lokohin mo lelang mo." Biro ni Hoseok, nagkukunwareng naasar pero natatawa rin naman siya.

Napabuntong hininga na lang si Jimin bago siya tahimik na naghiwa ng sibuyas. At least kahit maiyak man siya sa mga oras na 'to, may maidadahilan siya sa dalawa.

At dahil nangingilid na ang luha niya ay yumuko na lang siya para hindi siya mapansin ng dalawa, hindi niya alam kung bakit ganto yung nararamdaman niya. Wala naman syang karapatan masaktan dahil siya ang unang nanakit.

Mabilis niyang pinunasan ang luha sa mata nya bago tuluyang pumatak. Nanlalabo na kasi ang mata niya habang naghihiwa siya.

Kaya't aksidente niyang nahiwa ang daliri nya. Napasigaw siya sa sakit pero mabilis niyang tinikom ang bibig niya para hindi siya mapansin ng dalawa.

Pero huli na ang lahat dahil napatingin na sa kanya ang dalawa.

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Hoseok.

Pinilit ni Jimin na hiwag indahin ang sakit. "A-Ayos lang, maliit na hiwa lang 'to. May band aid ka ba?" Nanginginig na tanong ni Jimin.

"Oo nasa banyo, saglit kukunin ko—"

"Ako na lang ang kukuha." Mabilis na tumayo si Jimin at naglakad ng mabilis patungo sa banyo.

Nag-aalala siyang pinanuod ni Hoseok maglakad patungo sa banyo, si Yoongi naman ay napatingin sa mga nagkalay na patak ng dugo sa lamesa, pati ang kutsilyong gamit ni Jimin ay marami rin dugo.

"Puntahan ko lang si Jimin." Sabi ni Yoongi kay Hoseok.

"Sasama na ko."

"Walang magbabantay sa niluluto natin, ako na lang." Tumango na lang si Hoseok kay Yoongi.

Nagtatakbo si Yoongi para sundan si Jimin sa banyo, dinikit muna niya ang tenga niya sa pinto para pakinggan kung anong ginagawa ni Jimin, baka kasi umiihi pala ito tas bigla siyang pumasok.

Pero hikbi lang ang naririnig niya kaya naman mabilis niyang binuksan ang pinto.

Bumungad sa kanya ang mas maraming dugo sa sink, punong puno rin ng luha ang mga mata ni Jimin kaya't nanlumo si Yoongi.

Para bang hindi alam ni Jimin ang gagawin niya para patigili ang pagdurugo.

"Sobrang sakit ba?" Nag-aalalang tanong ni Yoongi bago siya lumapit kay Jimin.

"Sobra." Tipid na sagot ni Jimin, iba ang dating sa kanya.

"Akin na, ako na magpapatigil ng pagdudugo niyan." Kinuha ni Yoongi ang kamay ni Jimin, medyo malalim at malaki ang hiwa sa diliri ni Jimin.

Medyo nagpanik rin si Yoongi kung pala o niya mapapatigil yun, pero nagawa naman niya ng ayos.

"Wag kang umiyak, di talaga ako natutuwa kapag nakikita kitang umiiyak." Malamig na sabi ni Yoongi.

Natawa ng kaunti si Jimin kahit panay pa rin ang hikbi niya. "Kaya nga tayo naging magkaibigan kasi nakita mo kong umiiyak nun."

"Yeah..."

"Gusto ko na lang umiyak ng umiyak para makuha ko atensyon mo." Biro ni Jimin.

"Baliw." Tinulak ni Yoongi ang noo ni Jimin gamit ang hintuturo niya. "Hugasan mo na 'yang kamay mo at lumabas na tayo."

"Saglit lang." Pinigilan ni Jimin si Yoongi.

Nagtataka siyang tiningnan ni Yoongi.

"Dito muna tayo..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top