66

"Magkakaroon tayo ng cooking contest this year, kaylangan natin ng tatlong representative sa section natin. Seokjin, pwede ka ba?" 

Napatingin ang lahat kay Jin pero umiling lang ito. "Nagchampion na ko last year ma'am, tsaka nung isa pang taon, baka madisqualified na section namin kapag ako na naman ang lumabas." 

"Yeah, may point ka naman dun. So sino pang may gusto?" 

Walang nagsasalita sa klase, para bang walang interesado sa section nila kaya naman napairap sa kawalan si Jin. "Ma'am, si Yoongi marunong magluto." 

Nanlaki ang mata ni Yoongi at inis niyang binalingan ng tingin si Jin pero nginitian lang siya nito.

"Ma'am, hindi po ako magaling magluto. Marunong lang." Giit ni Yoongi.

"Hindi totoo ma'am, sa amin po yan tumira nung nakaraan, siya madalas magluto at sinasabi ko sa inyo ma'am, malapit na niyang mapantayan yung luto ko." Paliwanag ni Jin.

"Yoongi please, sumali ka na, kung di ka sasali walang sasali sa section natin, may dagdag credits rin yun sa grades mo kapag sumali ka." Paliwanag ng guro, napabuntong hininga na lang si Yoongi hanggang sa napatingin siya kay Hoseok at tumatango sa kanya na para bang pinupush siyang sumali.

"Sige po ma'am, sasali po ako pero sa isang kondisyon." Sabi ni Yoongi.

"Ano yun?" Tanong ng guro, para bang nabuhayan ng kaunti dahil sa sinabi ni Yoongi.

"Basta po kasama si Hoseok, marunong rin 'yan magluto ma'am." 

Napatingin sa lahat kay Hoseok na nagulat sa sinabi ni Yoongi, agad naman itong umiling. "Hindi po ako marunong ma'am." Pagsisinungaling nito.

"Ma'am, sa kanya po ako nakatira ngayon at siya po lagi ang nagluluto." Ginamit ni Yoongi sa palusot na sinabi ni Jin kaya naman bahagyang napangiti si Jin.

"Hoseok please, pakiusap sumali ka na." Pakiusap ng guro, at dahil medyo marupok si Hoseok ay tumango na lang siya.

Agad napangiti ang guro at napapalakpak sa tuwa. "Mayroon na tayong dalawang kasama, isa na lang, any volunteers?" Tanong nito.

Walang kumikibo sa klase, tahimik lang silang lahat at mukhang wala talagang may interesado hanggang sa may isang dahan dahang nagtataas ng kamay, napatingin ang lahat kay Jimin na nahihiyang nagtaas ng kamay.

Hanggang sa biglang napatingin ang lahat kay Namjoon ng tumayo ito sa upuan at nagtaas ng kamay.

"Ako po ma'am!" Nakangiting sabi ni Namjoon kaya naman mabilis na binaba ni Jimin ang kamay niya na para bang nagbago na ang isip niya.

Napangiti ng pilit ang guro ng makita niyang si Namjoon ang nakataas ng kamay bago napabalik ng tingin kay Jimin. "Jimin, nagtataas ka ng kamay mo kanina di ba?" Tanong ng teacher nila, nanlalaki ang mata.

"H-Hindi na po--" Natigilan si Jimin ng makita niyang pinanlalakihan siya ng mata ng teacher nila, napatingin siya sa mga kaklase nila at nakita niyang umiiling ang mga ito sa kanya.

"Ah, opo! Opo! Hehe." Awkward na tumawa si Jimin.

"Okay, sorry Namjoon, naunang magtaas ng kamay si Jimin sa'yo. So..." Ngumiti ang guro sa kanila. Inis na napaupo si Namjoon bago siya tinapik ni Jin sa likod.

"Okay lang yun, kaysa naman masunog mo yung buong school or abutin ka dun ng pasko sa paghihiwa pa lang ng sibuyas." Pagchicheer up ni Jin, kahit hindi nakakacheer up ang sinabi niya.

"Yoongi, Hoseok, and Jimin. Kayong tatlo ang ilalaban sa cooking contest next week and everyone-- oh, Park Jimin ikaw muna pala ang kakausapin ko about sa Prom, since ikaw ang class president. Everyone, class dismiss." 

Nagsitayuan na ang lahat bukod kay Jimin na nakikipag-usap pa sa guro, sabay si Yoongi at Hoseok na lumabas ng classroom.

"Hindi naman marunong magluto si Jimin." Bulong ni Yoongi kay Hoseok.

"Hmm, baka gusto niyang mag-try? Since may dagdag sa grades, alam mo namang lowkey grade conscious rin si Jimin, alam na alam mo yun since kaibigan ka niya." Sabi ni Hoseok.

"Grade conscious? More like takot sa magulang niya, pinipilit niyang maging perfect son para sa kanila. Alam mo na, cliche shit kung saan mayaman ang pamilya mo at wala kang choice kundi sundin sila." Paliwanag ni Yoongi at tumango naman si Hoseok.

"Eh di ba mahilig kayong magparty na dalawa? Tapos maghahanap kayo ng babae. May mga magulang bang gustong maging ganun ang anak nila?" Tanong ni Hoseok.

"Meron, my dad." Natatawang sabi ni Yoongi. "And besides naging ganun lang si Jimin nung naging magkaibigan kami, takot nga sa tao yun dati, pero okay na rin na medyo nagbago siya at least hindi na siya napapagdiskartehan ng mga bully sa school. Hindi alam ng mga magulang niya na naging ganun siya, although alam ng mga magulang niya na hindi na siya nabubully kaya-- wala naman silang pake. Gusto lang nila ng magandang image." 

"Ohhh." Tumango tango si Hoseok. "Pero teka, next week na yung contest. What if magpractice na tayo ng pwede nating lutuin." Suggestion ni Hoseok.

"Okay-- pero teka, kasama natin si Jimin." Ani Yoongi.

"Hmm, gusto mo hintayin na natin siyang matapos kausapin si Ma'am tapos ayain natin siya?" Tumango si Yoongi sa suggestion ni Hoseok. Nag-abang ang dalawa sa gilid ng classroom habang hinahantay na lumabas si Jimin.

Ilang saglit lang ay nakalabas na si Jimin, nagulat siya nang makita niya ang dalawa na tila ba naghahantay sa kanya dahil tumayo agad ang dalawang ito nang makita siya.

"Jimin, busy ka ba ngayon?" Tanong ni Hoseok, umiling naman agad si Jimin.

"Balak sana naming magpractice ni Yoongi ng lulutuin para sa cooking contest, tara sama ka na sa amin." Pag-aya ni Hoseok, nagkatinginan si Jimin at Yoongi, tumango naman si Yoongi.

Pinipilit na magmukhang walang namagitan sa kanila ni Jimin. "Oo nga, kasama ka rin naman namin sa contest, sumama ka na." Dagdag pa ni Yoongi.

Napangiti naman agad si Jimin nang si Yoongi na ang mag-aya sa kanya. "Sige sasama ako." 

"Pero wala kaming masyadong stock sa bahay kaya mamimili muna tayo ng mga ingredients." Sabi ni Hoseok, tumango naman agad si Jimin bago sila nagsimulang maglakad.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Jimin nang makita niya ang dalawang dirediretsong maglakad.

"Mag-aabang ng bus?" Naguguluhang tanong ni Hoseok.

Natahimik sila ng ilang saglit, walang kumikibo sa kanila. "May kotse ako..." Awkward na sabi ni Jimin.

Awkward na natawa si Hoseok. "Oo nga pala, sorry..." Sabi ni Hoseok bago niya siniko si Yoongi. 

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Inis na bulong ni Hoseok kay Yoongi.

"Malay ko ba na makikisakay tayo sa kanya?" Bulong ni Yoongi pabalik.

"Malamang makikisakay tayo alangan namang maghiwa-hiwalay pa tayo." Napangiwi na lang si Yoongi bago sila naglakad na tatlo sa parking lot. 

Medyo naa-out of place si Jimin dahil panay ang bulungan ng dalawa, pakiramdam tuloy niya hindi talaga magandang idea ang pagsali niya sa contest dahil lang bigla siyang naka-imagine na naghahalikan ang dalawa sa kusina. Mas lalo siyang nainis dahil narealize niyang spot nilang dalawa ang kusina, madalas silang magmake out dun kaya ayun. Nagtaas siya ng kamay.

Yun lang talaga ang dahilan niya kaya nga bigla niyang binaba ang kamay niya ng marealize niyang medyo pathetic ang reason niya.

Binuksan ni Jimin ang kotse, pumasok siya sa drivers seat at napakunot ang noo niya ng makita niya ang dalawang nakaupo sa likod pareho. Napabuntong hininga na lang si Jimin bago niya tiningnan ang dalawa rear mirror.

"Wag nyo naman akong pagmukhaing driver nyong dalawa." Mahinang sabi ni Jimin.

Napairap na lang sa kawalan si Yoongi bago ito lumabas sa likod at pumasok sa harap para maupo sa tabi ni Jimin. Sa totoo lang ay medyo ayaw ni Yoongi na maupo sa parati niyang upuan dahil pakiramdam niya ay masyado siyang fit sa pwesto na yun. Masyado na siyang nasasanay sa pwesto na yun kahit hindi naman dapat.

Pinaandar ni Jimin ang sasakyan ng makapagseatbelt na sila. 

"Pwede ka namang dumiretso ng upo diyan, diyan ka naman lagi nakaupo." Ani Jimin. 

"Malay ko ba kung may nalalabag na akong personal space Jimin." Sarkastikong sabi ni Yoongi kaya naman awkward na pinanuod ni Hoseok ang dalawa sa harapan.

"Yoongi, walang personal space sa atin, we're friends. Best friends." Giit ni Jimin.

"We're just friends Jimin. Best friends." Pinagdiinan ni Yoongi ang salitang 'just'. Pinipilit na hindi magtunog bitter dahil walang alam si Hoseok tungkol sa kanilang dalawa at isa pa, pinipilit niya rin na maibalik ang dati, kahit hindi na katulad na katulad ng dati pero at least maging okay man lang silang dalawa.

 "Kaylan mo pa ginalang ang personal space ko?" Tanong ni Jimin.

"Simula nung malaman kong magkakaanak ka na." Sagot agad ni Yoongi kaya naman napabuntong hininga nalang si Jimin bago ito napailing.

"Yoongi, magkakaanak lang naman ako. Wala namang magbabago sa atin." Nanghihinang sabi ni Jimin.

"Dude, really?!" Sarkastikong sabi ni Yoongi, para bang handa na siyang ipamukha lahat ng kalandian nilang dalawa nitong mga nakakaraan pero mabuti na lang ay napigilan niya ang sarili niya ng makita niya sa peripheral vision niya si Hoseok na tahimik na nanunuod sa pag-aaway nilang dalawa.

"Yeah, tama ka naman dun. Walang magbabago sa atin." Ngumiti ng pilit si Yoongi bago siya bumalik sa pagkakasandal niya sa upo.

"Promise?" Malambing na sabi ni Jimin.

Napangiti lang ng mapait si Yoongi bago ito umirap at tumingin na lang sa labas. 

"Okay guys, may itatanong ako." Sabi ni Hoseok kaya naman napatingin pareho si Jimin at Yoongi sa rear mirror. 

"Kaninong bra 'to?" Medyo natatawang sabi ni Hoseok bago niya inangat ang isang light pink na bra sa likod ng kotse. 

Naisip agad ni Yoongi na sa isa sa mga babae ni Jimin iyon pero nang matitigan niya ang itsura ng bra ay narealize niyang kanya yun. Nanlaki agad ang mata niya, pareho sila ng reaksyon ni Jimin.

"B-Bakit ganyan yung reaksyon nyo?" Naguguluhan na sabi ni Hoseok.

"Sa girlfriend mo ba 'to Jimin?" Binitawan na ni Hoseok iyon dahil medyo weird sa pakiramdam humawak ng bra. 

"Oo." Awkward na sabi ni Jimin bago niya binalik na lang ang tingin sa daan, tiningnan siya ng masama ni Yoongi pero pilit sinisiksik ni Yoongi ang sarili niya sa gilid dahil sa kahihiyan.

Natatandaan niya kung kaylan niya hinubad yun, nung minsan silang umalis ni Jimin at medyo ginabi na sila, hindi nga kasi siya sanay matulog ng may suot na bra kaya hinubad niya yun at natulog.

"Iba ka talaga Jimin, pati sa kotse..." Biro ni Hoseok.

Awkward na natawa si Jimin, pinipilit na magmukhang hindi awkward pero mas lalo lang nagiging awkward, si Yoongi naman ay hindi kumikibo dahil nilalamon na ng hiya.

Dahil naalala niyang naghalikan nga sila nung araw na yun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top