63

"Nabalitaan mo na ba yung chismis?" 

Nagpantig agad ang tenga ni Sana dahil sa binulong sa kanya ni Nayeon. "Hindi pa, anong chismis ba yan?" 

"Chinika sa akin ni Yeri kanina na may nabanggit daw si Seulgi sa kanya tungkol sa kinukwento ni Joy sa kanya sa may Canteen, nalaman daw ni Joy yung chismis kay Wendy nung tinext siya ni Irine nung magkasama si Irine at Jennie kaninang naglunch break, narinig daw kasi ni Jin na nag-uusap si Taehyung at Jungkook." Panimula ni Nayeon.

"So ano nga yung chismis?" Tanong ni Sana.

"Bakla! Kinocontrol daw ni Taehyung si Jimin at Yoongi, pinag-aaway daw niya." Bulong ni Nayeon.

"True ba?" Gulat na tanong ni Sana. "Kaya siguro nag-aaway sa canteen si Taehyung at Yoongi." Dagdag pa ni Sana.

"Nako bakla, nakakaloka! Nasisiraan na siguro ng bait si Taehyung sa sobrang talino, kawawa naman si Yoongi babalik lang sa school natin tapos ganto agad..." Ani Nayeon.

"Teka bakla! Alam na ba 'to nila Sis Jihyo?" Tanong ni Sana, tumango agad si Nayeon.

"Sabi nga ni Jeongyeon deserve naman daw ni Jimin yun kasi ang bullshit daw kasi talaga minsan ni Jimin." Chika ni NAyeon.

"Teka, bakit ba galit na galit si Jeongyeon kay Jimin?" Tanong ni Sana.

"Aba malay ko bakla? Baka nagkafling sila dati or something." Ani Nayeon.

"Ayy! True! Pagtatanong ko na rin sa iba baka may alam kung ano pinag-awayan ni Jeongyeon at Jimin pero teka, sila Eunha ba alam na yung chika tungkol kila Taehyung?" Napakibit balikat si Nayeon sa tanong ni Sana.

"Ewan ko lang sis, pero baka alam na rin nila since kalat na kalat na yung chismis." 

"Right, pero chichika ko pa rin sa kanila. Kita na lang tayo mamaya." Sabi ni Sana bago siya bumeso kay Nayeon. "Bye! Love ya!" 

Pagkaalis ni Nayeon ay agad nagtatakbo si Sana patungo sa classroom nila Eunha. "Bestiee!" Sigaw ni Sana bago siya lumapit sa kumpulan nila Eunha.

"Napunta ka dito Sana?" Tanong ni Sowon.

"Nabalitaan nyo na ba yung chismis?" Tanong ni Sana.

Napatingin sa kanya ang anim at sabay-sabay napakunot ang noo. 

"Anong chismis?" Sabay-sabay na tanong ng anim.

Napangiti si Sana dahil mukhang wala pang alam ang mga ito. 

"Ganto kasi yun..." Nagsilapitan ang lahat sa kanya para walang makarinig ng pag-uusapan nila.

"Kinuwento sa akin ni Nayeon kanina na chinika daw sa kanya ni Yeri na may nabanggit daw si Seulgi sa kanya tungkol sa..."


--


"Yoongi! Nabalitaan mo na ba yung chismis?" 

Napatingin si Yoongi sa taong tumawag sa kanya, nakita niya si Hoseok na nagmamadaling tumakbo patungo sa kanya.

"Anong chismis?" Naguguluhang tanong ni Yoongi.

"Yung chismis! Kalat na kalat na." Giit ni Hoseok.

"Ano ba yun?" Napatingin si Yoongi sa buong paligid kasi parang napansin niya na pinagtitinginan siya ng ilan at kapag napapatingin siya sa mga ito ay napapaiwas ito ng tingin sa kanya.

"So hindi mo pa talaga alam?" Gulat na tanong ni Hoseok.

"Tatanungin ko pa ba kung alam ko na?" 

Napatango si Hoseok dahil may point si Yoongi dun.

"Totoo ba yun?" Mahinang tanong ni Hoseok.

"Ang alin?" Medyo naiinis ng tanong ni Yoongi kasi ayaw pa rin magsimula ni Hoseok.

"Na ex-girlfriend ni Jimin si Jeongyeon?" 

Napakunot ang noo ni Yoongi sa sinabi ni Hoseok, napaisip siya ng matagal kung may nabanggit ba si Jimin sa kanya dati na naging girlfriend ni Jimin si Jeongyeon.

"Hindi ko alam, bakit mo natanong?" Nagtataka si Yoongi.

"Wala lang, narinig ko lang kanina kila Eunha. Balita ko kalat na kalat na." Napakamot sa ulo si Hoseok.

"Kung ex-girlfriend man niya si Jeongyeon o hindi, di na mahalaga yun kasi may bago na si Jimin. Si Kiki, magiging tatay na si Jimin." Pagkwento ni Yoongi kay Hoseok.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Hoseok pero bago pa siya makapagsalita ay may nauna na sa kanya.

"Oh my god! Buntis si Kiki at si Jimin ang ama?!" 

Napatingin si Hoseok at Yoongi sa mga babae sa kabilang section na nakatingin sa kanilang dalawa, gulat ang mga eto pero mga mukhang handa na rin silang tumakbo at magpakalat ng chismis.

"Shit! This is the biggest tea ever!" Sabi ng isang babae.

Nagkatinginan si Hoseok at Yoongi na parehong hindi alam ang magiging reaksyon nang magsimulang magtakbuhan ang mga ito at kanya kanyang chismis agad sa mga estudyante sa hallway.


--


"Park Jimin!" 

Biglang napatingin ang lahat ng estudyante classroom nang walang pahintulot na pumasok si Kiki sa classroom nila.

Napataas ang kilay ni Jin bago niya pinasadahan ng tingin si Kiki at pasimpleng jinajudge ang kaibuturan nito. Habang si Yoongi naman ay nagtataka dahil sa inaasal ni Kiki, usually ay mahinhin lang ito pero ngayon ay para itong ulol na aso na malapit ng mangagat anumang oras.

"Anong ginagawa mo dito Kiki?" Tanong ni Jimin at agad na napatayo sa kinauupuan niya.

Biglang nagbulungan ang mga kaklase nila habang pinapanuod ang eksena ni Jimin at Kiki.

"May nagpapakalat ng chismis tungkol sa atin!" Napahagulgol si Kiki kaya naman mas lalong napataas ang kilay ni Jin.

"Pathetic." Bulong ni Jin bago niya nginuso si Kiki habang nakatingin kay Yoongi na medyo nakakasense na ng nagyayari.

"Anong chismis?" Tanong ni Jimin bago siya napatingin kay Yoongi, si Yoongi naman ay mabilis na nag-iwas ng tingin dahil natatakot na baka malaman ni Jimin na sa kanya nanggaling yung chismis.

"Nakarating kila mama yung chismis, ano ng gagawin ko? Ayaw nilang maniwala sa akin--" 

"Sa labas na tayo mag-usap." Galit na sabi ni Jimin bago niya hinila si Kiki palabas ng classroom.

Pagkasarado ng pinto ay agad nagsitayuan ang mga kaklase niya para magkumpulan at pag-usapan si Jimin at Kiki. Si Hoseok rin ay agad lumapit sa tabi ni Yoongi pero naunahan siya ni Jin.

"Believe me, hindi ako nagpakalat ng chismis na yun." Giit ni Jin kaya napatango naman si Yoongi.

"I know." Tipid na sagot ni Yoongi bago siya humarap kay Hoseok.

"Patay na tayo kapag nalaman nila na sa akin nanggaling yun." Bulong ni Yoongi kay Hoseok, pero natigilan saglit si Hoseok dahil sa sobrang lapit sa kanya ni Yoongi, tiningnan siya ng ilang segundo ni Yoongi bago siya mapabalik sa huwisyo.

"Oo nga, patay na tayo." Sagot na lang ni Hoseok bago napaiwas ng tingin.

Pero pag-iwas niya ng tingin ay nakita niya si Taehyung at Jungkook na nagtatalo sa hallway, pero syempre hindi nila naririnig yung pinag-aawayan ng dalawa dahil malayo ito sa kanila.

"Bakit ba laging nagtatalo ang dalawang yun?" Tanong ni Yoongi.

Napangiti si Jin dahil sa tinanong ni Yoongi. 

"Aba malay ko?" Nagmamaang maangang sabi ni Jin bago dahan-dahang bumalik sa upuan niya habang nakangiti.

Dahil sa kakaibang inasal ni Jin ay nagkatinginan si Yoongi at Hoseok na parehong nagtataka.

"So weird." Sabay nilang sabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top