59
Sabay-sabay na naglalakad sina Jennie, Jin, at Yoongi sa hallway, pinagtitinginan sila ng mga tao, sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa kanila? Idagdag mo pa na tinalo nila ang Mean Girls sa taray ng lakad nila.
Well, except kay Yoongi na medyo naiilang sa suot niyang pambabae, natatakot na baka may makahalatang estudyante na siya yun, at hindi si Yoonji.
Teka ano daw?
Iisa lang si Yoongi at Yoonji, pero natatakot siya na baka marealize ng mga tao na nasa lalaking anyo siya pero nakabihis siya ng pangbabae. Hindi nga rin niya alam kung bakit siya natatakot kahit sanay naman na siya magsuot ng pangbabae.
Kanina nung kinausap nila ang Principal ay kabang kaba siya, mabuti na lang at naisip idahilan ni Jin na minamalat si Yoonji kaya naman hindi ito makapagsalita.
Ngayon ay pauwi na sila pero bago ang lahat ay gusto munang makita ni Yoongi si Hoseok dahil ibibigay nito ang pinangako niyang letter pero imbes na si Hoseok ay si Jimin ang nakita niya.
Nagkatinginan silang dalawa saglit habang naglalakad sina Yoongi, Jennie at Jin sa hallway. Hindi alam ni Yoongi ang gagawin niya dahil nagpanic siya, halos bumagal ang paglalakad niya dahil narealize niya na alam ni Jimin na lalaki pa rin siya at nagbihis lang siya ng pambabae.
Mas lalo siyang binalot ng kahihiyan ng makita niyang muntik ng matawa si Jimin pero pinigil niya lang ang tawa niya sa pamamagitan ng pag-iwas ng tingin at pagkagat sa labi nya.
"Shit." Malutong na mura ni Yoongi kaya napahinto si Jennie at Jin sa paglalakad.
Napatingin silang dalawa kay Yoongi na halos naiwan na nila, magtatanong na sana ang dalawa kung bakit ito huminto ay bigla silang napatigil nang sumulpot si Hoseok sa gilid ni Yoonji.
"Yoonji!" Masayang bati nito.
Napalingon agad si Yoongi kay Hoseok.
"Bumalik ka na ulit? Kasama mo ba si Yoongi?" Tanong ni Hoseok, hindi makasagot si Yoongi dahil of course, makikilala agad ni Hoseok ang boses niya.
Nagkunwareng nauubo si Yoongi para iligtas agad ni Jin ang nanganganib niyang buhay. Nagets naamn agad ni Jin ang senyales na binigay ni Yoongi kaya sumingit agad siya sa eksena.
"Hoseok, malat kasi 'yang si Yoonji, may malaking nana din siya sa lalamunan, ooperahan kaya siya dadalhin sa ibang bansa." Imbento ni Jin, napakunot ang noo ni Yoongi sa sinabi nito dahil masyadong OA ang palusot nito.
"Ayy ganun ba? Pasensya na." Paghingi agad ng tawad ni Hoseok, halatang nalungkot sa balita.
"Aba't naniwala 'to sa palusot ni Jin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yoongi sa isip niya.
"Oh siya, may ibibigay sa'yo si Yoonji na letter, yung pinangako daw ni Yoongi sa'yo." Sabi ni Jin bago niya siniko si Yoongi, napairap ito dahil bakit naman kaylangan pa siyang sikuhin?
Paano kung nahulog yung mga medyas na pinasok nila sa bra para magkaroon siya ng dibdib? Hindi nag-iingat etong si Jin eh!
Kinuha ni Yoongi yung letter sa bag niya.
"T-Talaga? Para sa akin 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hoseok.
"Obvious ba? Kakasabi lang di ba?" Sarkastikong tanong ni Jin, pero kahit gaano kasarkastiko ang pagkakasabi nito ay hindi iyon napansin ni Hoseok dahil mas focus siya ngayon kay Yoonji.
"Salamat Yoonji! Pasabi rin kay Yoongi na salamat." Ngumiti sa kanya si Hoseok, bakas na bakas yung saya sa mukha niya.
Tumango lang si Yoongi at ngumiti ng pilit hanggang sa halos mapaurong siya nang biglang lumapit sa kanya si Hoseok, as in nilapit talaga niya ang kanyang mukha sa mukha ni Yoongi.
"Parang may kakaiba sa'yo ngayon?" Tanong ni Hoseok habang sinusuri niya ang mukha ni Yoongi ng malapitan.
Napalunok si Yoongi dahil sa kaba na baka napansin nito na lalaki pa rin siya at nagbihis babae lang. Nataranta rin si Jennie at Jin, wala silang maisip kung papaano nila dedepensahan si Yoongi.
"Parang mas gumanda ka ngayon."
Napasinghap si Yoongi dahil sa sinabi ni Hoseok, lumayo na ulit sa kanya ito kaya naman nakahinga na ng ayos si Yoongi, pati si Jin at Jennie ay parehong napahabol sa hininga nila dahil halos napigil ang hininga nila kanina.
Kahit ayaw ni Yoongi ay namula siya, hindi niya alam kung sa takot o dahil masyadong korni ang sinabi ni Hoseok sa kanya.
"Ay! Tama na yan! Tara na Yoongi— i mean Yoonji!" Nagpapanic na sabi ni Jin bago nya hinila si Yoongi pero hinawakan ni Hoseok ang kamay ni Yoonji kaya natigilan silang lahat.
"Mag-iingat ka palagi Yoonji. Salamat." Madramang sabi ni Hoseok kaya parang biglang huminto ang eksena at may tumunog na OST at nagkaroon ng mga pa-thank you sa sponsor sa ibaba nila.
Napakurap kurap si Yoongi sa nangyari.
Natahimik silang lahat, dahil nasa hallway sila at madaming nakakita sa kanila na para bang gumagawa sila ng eksena sa kdrama.
"Aish! Ano ba!" Binasag ni Jin ang katahimikan.
"Hoseok! May sasabihin ka pa ba? Sabihin mo na, nagmamadali kami." Ani Jin at tumango tangi na lang si Jennie dahil gusto na nya talaga umuwi at makipagchismisan kay Jin at Yoongi tungkol sa mga nangyari sa araw na 'to.
Lalo na ngayon, nakikita ni Jennie na nanunuod si Taehyung at Jimin sa eksena ng dalawa.
"Ahh oo may sasabihin pa ako." Nilabas ni Hoseok ang isang notebook nya at pumilas ng papel doon.
"Pakisabi kay Yoongi na kapag may time sya kung pwede bumisita sya sa akin, magpapaturo sana ako sa kanya magluto. Please?" Pakiusap nya kay Yoonji.
"Tapos eto yung number ko pakibigay na lang sa kanya, pakisabi please tawagan agad ako, may gusto lang akong sabihin sa kanya, sorry Yoonji, n-nakakahiya..."
Agad umiling si Yoongi. "Okay lang— i mean ehem ehem." Nagkunwareng umubo si Yoongi dahil muntik na syang mahuli dahil nagsalita sya bigla.
Nagthumbs up na lang si Yoongi bilang sign na ihahatid nya kay Yoongi yun, which is ihahatid nya sa kanya dahil sya si Yoongi.
"Salamat!" Agad niyakap ni Hoseok si Yoongi.
Parang may tumunog na naman na OST at nagslowmo ang pangyayari.
Napaangat ang kilay ni Jin at dahan dahan syang lumingon kay Jennie. Napangisi naman si Jennie dito na para bang may naramdaman silang dalawa ni Jin kaya nagtaas baba ang kilay nila sa isa't isa habang nakangisi.
"Na sense mo ba yun?" Bulong ni Jin.
"Ramdam na ramdam ko." Ani Jennie.
"Oh sya! Tama na drama!" Pumalakpak si Jin bago niya pinaghiwalay ang dalawa.
"Salamat sa inyo, salamat Yoonji." Ngumiti si Hoseok.
"Okay na tama na, di ka mayor Hoseok, lahat na lang pinasalamatan mo." Ani Jin bago niya hinila si Yoongi.
Kumaway si Hoseok sa kanila, kumaway naman pabalik si Yoongi na hinihila ni Jin,
Sa unang pagkakataon, nawalan ng pakealam si Yoongi na nasa gilid lang si Jimin at pinapanuod sya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top