58
"Ang hindi ko kasi maintindihan ay bakit mo shiniship ang dalawang lalaking straight?!"
Napakunot ang noo ni Jennie sa tanong ni Jin, kanina pa sila nagtatalong dalawa tungkol sa pagiging fan ni Jennie ng boy to boy relationship, yung tipong nanuod siya ng boy to boy series tapos ngayon ay hindi na niya maiwasan iship yung dalawang lalaking bida sa totoong buhay.
"Walang taong straight! Lahat tayo may tinatagong kabaklaan." Giit ni Jennie.
"May mga straight na tao, wag mong nilalahat." Singhal ni Jin.
"Hindi mo kasi naiintindihan, bagay sila! Bakit wala namang issue yung mga straight couple kapag shiniship sila after ng drama? Pero kapag dalawang lalaki issue agad?" Reklamo pa ni Jennie.
"Eh kasi may possibility yung babae at lalaki na maging sila--"
"May possibility rin ang dalawang lalaki!" Sigaw ni Jennie.
Napatigil sa pagsisigawan ang dalawa ng biglang pumasok si Yoongi sa kusina, nagising siya sa ingay ng dalawang nagtatalo. Napabuntong hininga na lang si Yoongi dahil wala siyang karapatang magreklamo kaya naman dumiretso na lang siya sa hapagkainan para makakain.
Tahimik siyang pinanuod ng dalawa kaya naman napatingin rin siya sa dalawang 'to, nagtataka kung bakit bigla silang tumahimik nung dumating siya.
"Saan ka galing kagabi? Kila Jimin ba?" Medyo excited na tanong ni Jennie, pero umiling lang si Yoongi na naging dahilan kung bakit nawala ang ngiti ni Jennie at napanguso na lang.
"Yan ang sinasabi ko sa'yo kapag shiniship mo yung dalawang lalaki." Mahinang sabi ni Jin kay Jennie pero hindi iyun ganun kahina dahil narinig pa rin yun ni Yoongi. Inirapan lang ni Jennie si Jin bago ito nagpatuloy sa pagkain.
"Ano? Tama ako no?" Kantyaw pa ni Jin dahil natahimik na si Jennie.
"Porket di mo makatuluyan ang kahit isa sa kanila sila na lang yung gusto mong magkatuluyan, hangal!" Dagdag pa ni Jin kaya naman napahampas ng malakas si Jennie sa lamesa sa sobrang iritasyon.
Kung magkapagpatuloy sila sa pinag-aawayan nila ay para bang wala sa harapan nila ang pinag-uusapan nila.
Biglang tumunok ang cellphone ni Yoongi kaya naman tiningnan agad niya kung ano yun, nakita niyang may bagong tweet si Jimin kaya naman binuksan niya iyon kahit kumakain siya pero natigilan siya ng makita niyang picture iyon ni Jimin at Taehyung na kumakain sa labas.
Napabuntong hininga na lang si Yoongi bago niya pinatay ang cellphone niya at nagpatuloy sa pagkain. Napansin iyon ni Jennie at Jin, aware naman sila na madalas ng magkasama si Taehyung at Jimin ngayon, nakapost yun sa lahat ng social media accounts ni Taehyung pero ngayon lang nagpost si Jimin.
Hindi na lang pinapansin ni Yoongi dahil alam niyang ginagawa lang iyon ni Taehyung para inisin siya, may part sa kanya na iniisip na ang ibig sabihin ni Taehyung sa aagawin si Jimin ay aagawin bilang kaibigan, pero in the first place matagal ng hindi magkaibigan lang si Jimin at Yoongi.
Yun ang naiisip ni Yoongi kaya hindi siya masyadong natethreatened kay Taehyung, nabobother lang siya sa kinikilos nito.
"By the way Yoongi, paano yan? Kung di nyo na magagawa ni Jimin ulit yun, paano ka mababalik sa pagkababae, paano mo na makakausap yung Principal?" Tanong ni Jin.
"Hindi ko pa alam kung paano pero hindi ko na papakealaman si Jimin ulit." Mahinang sabi ni Yoongi.
"Sus..." Walang ganang sabi ni Jin, ayaw niya ng desisyon ni Yoongi dahil gusto niya ng drama.
Kapag di na niya pinakealaman si Jimin ibig sabihin ay wala ng gulo, wala ng drama, boring na. Gusto pa naman niya ng mga ganun. Kaya napangiwi na lang siya bago niya pinagpatuloy ang pagkain.
"Wala ka bang naiisip na ibang paraan Yoongi? Baka may iba pang paraan?" Tanong ni Jennie kay Yoongi, napailing naman si Yoongi dahil hindi na talaga siya makapag-isip ng ayos, ilang araw ng ayaw gumana ng utak niya dahil parang isang sirang plaka na ang utak niya na puro JIMIN na lang ang sinasabi.
Samantalang si Jin naman ay biglang may naisip na idea, napangisi siya sa naisip niya, para bang tuwang tuwa siya dahil naisip pa niya yun.
"May naisip ako guys!" Nagtaas pa ng kamay si Jin na para bang sumasagot sa recitation.
Napa-angat ang tingin ni Yoongi at Jennie kay Jin na nakangisi, imbes na sabihin niya sa dalawa ay mas pinili ni Jin na lumapit kay Jennie at ibulong ito. Natawa naman agad ng malakas si Jennie sa sinabi ni Jin sa kanyang idea.
"Ano yung naisip nyo?" Tanong ni Yoongi sa dalawang naghahagikgikan habang nagbubulungan.
"You'll see." Iyon na lang ang sinabi ni Jennie bago siya kinindatan nito.
"NO!" Malakas na sigaw ni Yoongi nang makita niya ang tatlo pang kaibigan ni Jennie na nasa bahay na rin ngayon habang may mga dalawang mga make up, wig, at kung anu ano pang mga pangpaganda.
"Eto na lang ang paraan Yoongi!" Giit ni Jennie.
"No! No! No! No fucking way!" Sigaw ni Yoongi habang naglalakad ng paurong pero biglang lumitaw si Jin sa likod niya at tinulak siya patungo sa upuan.
"Wala na tayong ibang paraan bukod dito Yoongi, kaya Jennie, Jisoo, Rose, and Lisa. Let's go!" Sigaw ni Jin kaya naman nagsimula na ang apat na hawakan si Yoongi.
"Fuck?! Yung totoo gagawin nyo ba akong babae o itoturture?" Sigaw ni Yoongi dahil literal na itinali siya ng mga ito sa upuan. Gusto sana niyang pumalag pero narealize niyang mga babae ito at baka masaktan niya kapag nagwala siya kaya naman wala siyang magawa kundi ang magpatali.
"Jennie, ikaw sa make up. Jisoo at Lisa kayo sa manicure at pedicure, Rose ikaw na ang bahala sa wig. Go! Para hindi tayo malate sa klase!" Sigaw ni Jin, agad nagsimula ang apat sa pag-aayos habang nanunuod lang si Jin, tuwang tuwa na nakikitang nagsasuffer si Yoongi sa ginagawa ng apat sa kanya.
Panay ang mura ni Yoongi kaya naman hinampas siya ni Jennie sa bibig, wala tuloy nagawa si Yoongi kundi tumahimik dahil wala rin naman siya magagawa dahil nakatali na siya.
Walang ekspresyon ang mukha niya pero deep inside ay nanggigil na siya.
Para siyang ginawang manika na tig bebente ng apat na babae na literal na tuwang tuwa habang nakikita siyang walang kalaban laban.
Nakatulog na si Yoongi habang inaayusan siya ng mga ito, kaya naman nang magising siya ay nakita niyang halos nakadukduk sa mukha niya ang lima, bakas sa mukha nilang lahat ang pagkamangha.
Kaya naman nang itinapat sa kanya ni Jin ang salamin ay halos malaglag ang panga niya dahil parang bigla siyang bumalik sa pagkababae.
Napakapa tuloy siya bigla sa titi niya dahil sa pag-aakalang nawawala na naman yun.
Agad nagsilayo ang lima dahil sa ginawa ni Yoongi na paghawak sa ibabang parte ng katawan niya.
"Don't tell me tinigasan ka sa sarili mo?" Nandidiring tanong ni Jin.
"Shut up." Singhal ni Yoongi bago niya inagaw ang salamin kay Jin at tinitingnan ulit niya ang sarili niya dun.
"Ang problema na lang natin ay yung boobs at kung papaano hindi babakat yung hotdog niya sa ibaba." Bulong ni Jennie kay Jin.
Napatingin ng masama si Yoongi kay Jennie dahil sa piniling word nito sa pagdescribe sa alaga niya.
"Palda naman ang suot natin, hindi na yun babakat." Bulong ni Rose pero narinig pa rin ni Yoongi.
"Feel ko babakat pa rin, medyo malaki eh." Dagdag pa ni Lisa.
"Hindi naman siguro babakat yun kaso ang problema kapag humangin tapos nakitang may nagwiwiggle wiggle sa ilalim ng palda." Gatong pa ni Jisoo.
Ngayon ay namumula na ang mukha ni Yoongi dahil pinag-uusapan nila ang alaga niya na para bang wala siya sa harap nila,
"Ano ba! Walang babakat! Walang magwiwiggle wiggle! Ang OA nyo!" Sigaw ni Jin dahil hindi na rin niya kinakaya yung pinag-uusapan ng apat.
"Oh! Eto yung pangbabaeng uniform! Magbihis ka na, alam kong alam mo na kung paano gawan ng paraan yung dibdib mo, ikaw ng bahala." Hinagis sa kanya ni Jin ang uniform ni Jennie.
Bigla tuloy niyang naalala yung ginawa niya nung unang beses siyang pumunta dito, ngayon lang niya narealize na aware si Jin na lalaki siya noon pa lang. Kinuha niya ang uniform at mabilis siya naglakad patungo sa kwarto niya.
Mabilis niyang sinarado ang pinto bago niya tiningnan ang sarili niya sa malaking salamin.
Tiningnan niya ang reflection niya sa salamin, mukha na talaga siyang babae, kamukha na talaga niya si Yoonji. Kaya napangiti siya ng mapait.
"Swerte mo, gusto ka ni Jimin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top