56

Nakatulala lang si Yoongi sa pagkain niya, wala siyang ganang kumain, panay ang isip niya tungkol sa nangyari kagabi. Nakokosensya siya ng sobra, hindi niya akalain na masasaktan niya si Jimin ng ganun.

"Dude, kumain ka na." Pagpilit ni Jungkook, pagkatapos kasi niyang ihatid si Yoongi kagabi sa bahay nila Jennie ay alam niyang hindi pa rin ito okay.

Kaya naman nang makita niya itong mag-isa sa canteen ay sinamahan niya, napansin kasi niya na hindi pumasok si Jimin, wala rin naman si Taehyung na madalas niyang kasama nitong mga nakakaraan kaya naman kahit di naman talaga sila ganoon ka-close ni Yoongi ay sinamahan na niya lang ito.

Hindi sumagot si Yoongi dahil malalim pa rin ang iniisip nito, napakamot sa ulo si Jungkook bago siya napailing na lang at pinagpatuloy ang pagkain niya, hinayaan na lang si Yoongi na magpakatulala, alam niyang nagdadrama na ito inside kaya wala na siyang magagawa kung mas gusto niya yun.

Napatingin si Jungkook sa taong papalapit kaya naman napangiti agad siya. 

"What's up, dude?" Nakangiting bati ni Jungkook bago niya tinaas ang kamay niya para makipag-fist bump kay Taehyung.

"Your dick." Tipid na sagot nito bago siya nilagpasan at naupo ito sa tabi ni Yoongi, iniwan na nakataas ang kamay niya para sa fist bump.

Napangiwi si Jungkook dahil sa ginawa ni Taehyung, napasinghap siya bago niya dahan-dahang binaba ang kamay niya at binulsa iyon bago siya humarap sa dalawa, mabuti na lang at tulala si Yoongi kaya hindi niya yun nakita.

Nakakahiya.

"Yoongi." Mahinang tawag ni Taehyung. 

Hindi sumagot si Yoongi dahil nakatulala pa rin ito, ang totoo niyan ay hindi niya alam na may tao sa tabi niya dahil yung utak niya ay na kay Jimin pa rin.

"Yoongi." Nilakasan ni Taehyung ang boses niya pero hindi pa rin siya pinansin nito.

"Min Yoongi!" This time ay halos lahat ng tao sa paligid nila ay napatingin sa kanila, bukod kay Yoongi syempre na tulala pa rin.

Agad hinampas ni Taehyung ang kamay niya sa lamesa dahilan para bahagyang mapatalon si Jungkook sa gulat pero pilit siyang nagpanggap na hindi siya nagulat sa ginawa ni Taehyung, napaubo siya at umayos ng upo habang pinagmamasdan ang nag-aapoy sa galit na si Taehyung.

Ngayon ay pinag-uusapan na rin sila, napatingin si Jungkook sa paligid para obserbahan ang mga tao, malamang nagtataka sila kung paano nagawang sumigaw ng pinakamalaking nerd sa buong school. Sinigawan lang naman nito ang walang iba kundi ang pinakanakakatakot na estudyante sa buong school.

Kahit bakas mo na ang galit sa buong katawan ni Taehyung ay wala pa rin pakealam si Yoongi-- or wala talaga siyang alam na may nagagalit sa gilid niya.

Kaya naman mabilis na hinawakan ni Taehyung ang kuwelyo ng uniporme ni Yoongi, ngayon ay sigurado na siyang nakuha na niya ang atensyon ni Yoongi, walang ganang pinagmamasdan ni Yoongi si Taehyung na galit na galit, pulang pula na rin ang tenga nito.

Hanggang sa isang iglap ay natahimik ang lahat ng tao, pati si Jungkook ay napahawak sa bibig niya sa oras na dumapo ang kamao ni Taehyung sa panga ni Yoongi. 

Maraming napasinghap sa nangyari, kahit si Jungkook ay hindi makagalaw sa kinauupuan niya, para siyang naging estatwa habang pinagmamasdan si Taehyung na halatang gusto pang pumangalawang suntok kay Yoongi pero halatang pinipigilan niya ang sarili niya. 

Natawa ng mapait si Yoongi bago siya tumayo at nakipagtitigan kay Taehyung, habang galit na galit si Taehyung ay kalmado naman si Yoongi, natawa pa nga ito ng sarkastiko habang pinupunasan niya ang dugo sa labi niya. 

Napataas ang kilay ng mga manunuod nang makita nilang lahat na hinigpitan pa ni Taehyung ang pagkakahawak niya sa kuwelyo ni Yoongi, nangibabaw tuloy ang tangkad niya at nagmukhang sobrang liit ni Yoongi.

"Oh my god! What's happening--" Napatigil sa pagsasalita si Jennie na kakapasok lang sa cafeteria nang pinigilan siya ni Jin na lumapit. Umiling si Jin sa kanya kaya naman walang nagawa si Jennie kundi panuorin na lang ang eksena.

"Gusto ko sanang makipag-usap ng ayos, kaso narealize ko na mas gusto ko pala yung ganto." Malamig na sabi ni Taehyung pero hindi nagsalita si Yoongi, bored niya lang na pinapanuod si Taehyung.

"Akin si Jimin nung una, inagaw mo lang siya sa akin, then fucking act like you deserve him." Malamig na saad ni Taehyung.

Natawa ng sarkastiko si Yoongi bago niya hinarap ulit si Taehyung na walang pagbabago sa kanyang itsura, "Kahit kaylan hindi siya naging sa'yo." Ani Yoongi.

This time ay si Taehyung naman ang natawa ng sarkastiko, "How sure, Yoongi? Ako ang mas nauna niyang kasama kaysa sa'yo, mas close kami kaysa sa inyo dati." Bahagyang lumapit si Taehyung kay Yoongi bago ito ngumisi. 

"Anong malay mo kung ginagawa rin namin dati yung ginagawa nyo?" Bulong nito sa tenga ni Yoongi.

Agad hinawakan ni Yoongi ang kuwelyo ni Taehyung pero hindi ito natakot, sa halip ay mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ni Taehyung nang makita niyang nagsisimula nang magalit si Yoongi sa kanya.

"Oh gusto mong mapanuod kung paano ko siya unti unting kunin sa'yo kagaya ng ginawa mo sa akin dati? At least ako kahit kaylan hindi ko siya tinrato na parang basura--"

Natigilan si Taehyung sa pagsasalita nang sinapak siya ni Yoongi dahilan para mahulog ang malaki niyang salamin, nanatili si Taehyung nanakayuko bago siya nagsimulang matawa ng sarkastiko.

Halos magtaasan ang balahibo ni Jungkook habang pinapakinggan pa lang ang malalim na boses ni Taehyung, napanganga ang lahat ng tao sa kanilang nasaksihan, bukod kay Jungkook na medyo inasahan nang mangyayari yun, tahimik ang lahat, walang pumipigil dahil lahat sila ay gusto makanuod ng away.

Nang mag-angat ng tingin si Taehyung na may ngisi sa kanyang labi ay hinawi niya ang buhok niya dahilan para makita ang kanyang noo habang may bahagyang dugo sa kanyang labi, ngayon ay si Jungkook naman ang napanganga.

"Bakit totoo naman ang sinabi ko di ba? Tinuturing mo siyang parang basura." Malamig na sabi ni Taehyung.

Hindi nakakibo si Yoongi dahil tama si Taehyung, wala siyang karapatan na magalit dahil tama ang sinasabi nito, kaya naman napayukom lang siya ng mahigpit, gusto niyang bugbugin si Taehyung pero alam niyang hindi matutuwa si Jimin kapag ginawa niya yun.

At isa pa siya ang may mali, tama lahat ng sinasabi ni Taehyung.

Pero kumukulo talaga yung dugo niya sa ideya na kukunin siya ni Taehyung sa kanya, alam niyang wala siyang karapatan na magalit ng ganto pero nagsasarado ang utak niya dahil sa takot.

Pero tama si Taehyung, mas deserve niya yung tao na hindi siya binastos ng ganun. 

Napabuntong hininga na lang si Yoongi bago niya pilit na kinalma ang sarili niya.

"Panuorin mo ko Yoongi." Ani Taehyung bago ni pinulot ang basag niyang salamin at hinampas ito sa table dahilan para tuluyan iyong mabasag, "Paanuorin mo kong gawin lahat ng mga bagay na dapat ginawa mo nung na sa'yo pa siya." 

Iniwan ni Taehyung si Yoongi nang nakatulala, hinila ni Taehyung si Jungkook na mabilis namang nagpabigat para hindi siya mahila ng tuluyan ni Taehyung.

"Bakit mo ko hinihila?" Pilit na winawakli ni Jungkook ang kamay ni Taehyung sa braso niya.

Pero nang tiningnan siya ni Taehyung ng masama ay agad napalunok si Jungkook bago siya nag-iwas ng tingin.

"C-Chill, dude." Iyon na lang ang nasabi ni Jungkook bago siya walang nagawa kundi magpatangay sa galit na galit na si Taehyung.

Sa mga oras na yun nagkaroon na ng pagkakataon si Jennie na lumapit kay Yoongi para tanungin kung okay lang ba ito kahit obviously, hindi ito okay. Naupo na lang si Jin at Jennie sa tabi ni Yoongi na wala na naman sa sarili kakaisip.

"Yoongi, wag mo masyadong isipin yung sinabi ni Taehyung." Mahinang sabi ni Jennie habang pinapakalma ang kalmado namang si Yoongi.

Umiling si Yoongi kay Jennie bago ito napayuko.

"Tama si Taehyung, hindi ko siya deserve."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top