55

WARNING!

Lasing na lasing na si Yoongi, kung anu ano na ang nasasabi niya kay Jennie at Jin, may pagkatouchy na rin siya pareho sa dalawa, kanina nga ay nahawakan pa niya ang Seokjin jr. nang hindi niya sinasadya kaya naman umalis na si Jin para iwan sila. Naghanap na siya ng ibang makakausap.

Natrauma yata si Jin sa ginawa ni Yoongi sa kanya kaya naman si Jennie at si Yoongi na lang ang naiwan sa may bar counter habang nagkukwentuhan ng mga kalokohan. Lasing na lasing na rin si Jennie kaya naman nang bumulong siya kay Yoongi ay muntik na siyang mahulog kaya hinawakan na siya ni Yoongi sa baywang para hindi na ulit ito mahulog.

Si Jimin? Nakita na niya kanina kaso may kausap na ibang babae kaya naman eto ang nangyari, nagpakalasing siya ng sobra para hindi niya matandaan si Jimin at i-enjoy na lang ang mga alak sa paligid.

♪ I want to smash your fears, and get drunken off your tears 

"Paborito ko 'yang kanta!" Excited na sabi ni Jennie ng marinig niya ang kanta ni Carly Rae Jepsen.

Don't share your smile with anyone else but me 

Sumasabay si Jennie sa pagkanta habang parang tangang nakataas pa ang kamay, napangiti si Yoongi sa ginagawa ni Jennie pero hindi niya mapigilang mag-alala dahil ang likot nito, baka mahulog ito o kung ano man kaya mas hinigpitan niya ang hawak sa baywang nito.

♪ I want to touch your heart, I want to crush it in my hands 

Hinampas ni Jennie ang dibdib ni Yoongi bago siya umarte na may kinuha sa dibdib ni Yoongi at tsaka yumukom, natawa si Yoongi dahil sa ginawa ni Jennie habang madramang sumasabay sa kanya.

♪ Make you plead and cry as you give up all the lies 

Biglang bumaba si Jennie sa pagkakaupo niya kaya naman nagulat si Yoongi, napababa na rin siya at napatingin sa natatawang si Jennie, halatang sabog na sa kalasingan. Bigla siyang hinila nito sa pwesto kung maraming sumasayaw na tao.


Kahit naman si Yoongi ay lasing na rin kaya naman hindi niya alam kung bakit sumasabay siya kay Jennie sa pagiging mukhang tanga, mabuti na lang walang magjajudge sa kanila dahil mga mukha na ring tanga yung iba na nasa bar.

Babalik muna sana si Yoongi sa counter para uminom ulit para mawala na talaga siya sa ulirat at magawa niyang sumayaw ng hindi nahihiya pero di niya magawa dahil paglingon niya ay nakita niyang nasa pwesto niya kanina si Jimin at nakaupo dun, nakatingin sa kanya, walang emosyon.

♪ We're not lovers, but more than friends 

Mabuti na lang nagkaroon ng dahilan si Yoongi para umiwas ng tingin dahil pinalupot ni Jennie ang kamay nito sa leeg niya, naagaw agad ni Jennie ang atensyon niya.

♪ Put a flame to every single word you ever said 

Kahit alam niyang malayo si Jimin ay hindi niya alam kung bakit ramdam na ramdam pa rin niya ang titig nito sa kanya. Hindi niya tuloy maalis sa isip niya ulit si Jimin.

♪ No more crying, to get me through 

Natapilok si Jennie habang kumakanta kaya naman inalalayan niya agad ito, humigpit na naman ang kapit niya sa baywang nito, halos magkalapit ang mukha nila kaya naman napalunok si Yoongi.

"Kapag kaya hinalikan ko si Jennie lalapit kaya si Jimin at hihilahin ako papalayo sa kanya?" Tanong ni Yoongi sa isip niya.

♪ I keep dancing 'til the morning with somebody new 

Akmang hahalikan ni Yoongi si Jennie pero nung nasa kalagitnaan na siya ay bigla siyang tumigil, hindi niya kaya. Hindi niya kayang gumamit ng ibang tao para saktan si Jimin, lalo na kung lasing na lasing yung taong gagamitin niya, hindi kaya ng konsensya niya.

"Tonight I'm getting over you!" Sabay na sigaw ni Jennie at Yoongi, hindi alam ni Yoongi na iisang tao lang ang tinutukoy nila.

Bigla silang nagwala na dalawa at nagtatalon kasabay ng beat. Mabuti na lang biglang sumaya ang beat kaya nagkahiwalay silang dalawa. Natawa si Yoongi nang makita niyang nasa unahan si Hoseok at nagsisigaw rin habang nagwawala beat.

♪ Tonight I'm getting over you 

Napatingin si Yoongi sa paligid niya at nakita niyang kasama ni Jennie ang kaibigan niyang si Lisa at nagwawala silang dalawa. Napatigil si Yoongi at napatingin ulit sa counter, nakita niya si Jimin na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kanya.

Tonight I'm getting over you ♪

Naglakad si Yoongi patungo kay Jimin na umiinom ng alak pareho silang hindi nagbibitaw ng tingin sa isa't isa. Pagkarating ni Yoongi sa bar counter at naupo siya sa pwesto ni Jennie kanina.

"Hi." Bati ni Yoongi kay Jimin.

Kahit nagulat si Jimin sa pag-approach ni Yoongi sa kanya ay hindi nahalata iyon sa mukha niya dahil abala siya sa pag-appreciate ng hitsura ni Yoongi ngayon, pulang pula ang mukha at gulong gulo ang buhok, hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya bagay kay Yoongi ang ganung hitsura.

"Hi." Halos maubusan ng hiningang bati ni Jimin pabalik.

Napangiti si Yoongi bago niya sinenyasan ang bartender, habang kausap ni Yoongi ang bartender ay hindi pa rin mawala ang tingin ni Jimin, kaya naman napabalik siya ng tingin dito at napataas ang kilay niya.

Hindi niya alam kung saan niya nahuhugot ang lakas ng loob niya para makipagtitigan kay Jimin. Nang makarating ang inumin niya ay napatingin ulit siya kay Jimin habang iniinom niya yun. Napangalumbaba siya habang pinaglalaruan niya ang baso niya.

"Baka matunaw ako nyan." Nakangising sabi ni Yoongi kay Jimin.

Hindi nagsalita si Jimin.

Natawa si Yoongi ng walang humor dahil sa ginawa ni Jimin na hindi pagsagot sa sinabi niya, kaya naman nang makita niyang iinom si Jimin ay tiningnan niyang mabuti ang labi nito habang umiinom, napansin ni Jimin iyon kaya naman napatingin siya kay Yoongi.

"I missed you." Mahinang sabi ni Yoongi habang nakatingin sa labi ni Jimin, halos hindi na marinig sa lakas ng tugtog pero narinig iyon ni Jimin.

Kaya halos magwala ang puso ni Jimin sa lakas ng tibok nito, bumaba si Yoongi at nalakad papalapit kay Jimin, nang nakapagitan na siya sa hita ni Jimin at kinuha niya ang baso ni Jimin at nilapag ito sa counter bago niya hinawakan ang baba nito.

Nagkatinginan silang dalawa bago muling binaba ni Yoongi ang tingin niya sa labi ni Jimin.

"Bibilang ako ng tatlo, kapag ayaw mo itulak mo lang ako." Bulong ni Yoongi, hindi nagsalita si Jimin kaya naman nagsimula ng magbilang si Yoongi.

"Isa... dalawa..."

Hindi pa rin nagsasalita si Jimin, nakatingin lang ito ng diretso sa mata niya.

"Tatlo." Halos maubusan ng hiningang sabi ni Yoongi, nagtitigan muna sila ni Jimin ng ilang segundo pero nang mapansin ni Yoongi na walang intensyon si Jimin na itulak siya ay nilapit niya agad ang mukha niya sa mukha ni Jimin.

Bumaba ang tingin ni Yoongi sa labi ni Jimin bago niya ito hinalikan, napapikit si Jimin sa halik ni Yoongi, marahan silang naghahalikan, walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanila-- well, iyon ang nasa isip ni Yoongi pero hindi si Jimin.

Napalayo bigla si Jimin at napatingin sa gilid niya, nakita niya ang bartender na nakatingin sa kanilang dalawa ni Yoongi, pati ang ibang taong nasa paligid nila. Napansin ni Yoongi na medyo naiilang si Jimin sa dami ng tao kaya naman hinila niya ito patungong banyo ng lalaki.

Dinala niya si Jimin sa pinakadulong cubicle bago niya ito nilock, walang salisalita ay bigla niyang hinalikan ulit si Jimin, hindi naman ito kumontra dahil hinalikan siya ni Jimin pabalik. 

"Namiss ko 'to." Mahinang sabi ni Yoongi sa pagitan ng halikan nilang dalawa.

Dahan dahang binubuksan ni Yoongi ang mga butones ng damit ni Jimin habang hinahalikan niya ito.

"Ah." Bahagyang napalayo si Jimin at napahawak sa labi niya ng biglang humapdi iyon. 

"Sorry." Napangisi si Yoongi ng mapansin niyang nasugatan niya ang labi ni Jimin, napahawak si Jimin dun pero inalis ni Yoongi ang kamay ni Jimin bago niya ito hinalikan ulit pero mas marahan na kumpara kanina, nalalasahan nila pareho ang dugo sa labi ni Jimin.

Pinagpatuloy ni Yoongi ang pagtanggal ng mga botones ng damit ni Jimin, nang mabuksan na niya ang polo nito at tumambad sa kanya ang katawan ni Jimin.

Tiningnan niya iyong mabuti, "Namiss ko rin 'to." Sabi ni Yoongi bago niya hinalikan ang leeg ni Jimin, nag-iiwan ng mga bakas nya.

Napahawak si Jimin sa buhok ni Yoongi pero hinayaan niya lang ito, idiniin ni Yoongi si Jimin sa cubicle bago nyai kinuha ang kamay ni Jimin.

Nagkatinginan silang dalawa, parehong naghahabol ng hininga. Pinagmasdan ni Yoongi ng mabuti ang mukha ni Jimin, namumula ang mukha nito, may mga pawis na bumabagsak sa noo niya, gulo-gulo ang buhok niya, marami siyang marka sa leeg, at pulang pula ang labi niya pero paano niya nagagawang maging perfect kahit ganto na ang hitsura nya?

Dahan dahang lumapit si Jimin para halikan ulit siya sa labi, pero napatigil si Jimin sa paghalik sa labi ni Yoongi ng maramdaman niyang dinadala iyon ni Yoongi sa pantalon niya.

Magkatinginan silang dalawa, hinahantay ni Yoongi si Jimin na pumalag o alisin ang kamay niya pero hindi niya ginagawa. 

Ang bilis ng tibok ng puso ni Jimin, hindi pa siya handa.

Pero nang makita niyang napapikit si Yoongi at nagsimulang lumalalim ang paghinga ay napakagat siya sa labi niya at pinagpatuloy niya lang ang paghawak sa clothed member ni Yoongi dahil mukhang nasasatisfy siya dun. 

Pinatong ni Yoongi ang noo niya sa balikat ni Jimin habang huminga ng malalim, tinuturuan niya si Jimin kung papaano ang gagawin niya, sumusunod naman si Jimin.

"Fuck, Jimin, I love you." Nanghihinang sabi ni Yoongi sa pagitan ng malalalim niyang paghinga.

Napakagat si Jimin sa labi niya bago siya nagpipigil ng ngiti, pero kahit nagpipigil siya ng ngiti ay nagpipigil rin siya ng iyak kasi alam niyang makakalimutan rin ni Yoongi iyon dahil lasing ito.

Nang magsawa si Yoongi ng puro ganun na lang ay humiwalay siya saglit kay Jimin, pinagmasdan lang siya ni Jimin, malamlam na ang mata ni Yoongi habang may nginunguso ito pababa.

Napakunot ang noo ni Jimin dahil hindi niya ito maintindihan.

Mas diniin ni Yoongi ang pag nguso niya sa baba kaya mas lalong naguluhan si Jimin.

"H-Ha?" Tanong ni Jimin.

Napapikit ng mariin si Yoongi, medyo naiirita dahil hindi maintindihan ni Jimin ang ibig niyang sabihin, kaya naman kinalma niya ang sarili niya at bumuntong hininga.

"Luhod." Utos ni Yoongi.

"Ha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jimin.

"Luhod." Pag-uulit nito.

Napalunok siya, alam niya ang ibig sabihin ni Yoongi pero pakiramdam niya hindi niya kaya.

"P-Pero..." Napatingin si Jimin sa sahig ng banyo bago siya nagsimulang manginig, pakiramdam niya maiiyak siya ano mang oras.

"Fuck, luhod lang Jimin di mo maintindihan?" Iritadong tanong ni Yoongi.

Napanganga si Jimin dahil sa sinabi ni Yoongi, hindi niya magawang isarado yung bibig niya dahil sa sobrang gulat dahil sa inaasta nito ngayon sa kanya, kahit kaylan hindi siya ginanun ni Yoongi. 

"H-Hyung..." Hindi makapaniwalang sabi ni Jimin, para bang hinahanap niya yung dating Yoongi na nakilala nya sa mga mata nito.

"Ayaw mo?" Tanong ni Yoongi. 

Napatikom si Jimin sa bibig niya, pakiramdam niya basag na basag na yung puso niya ngayon at mas binabasag pa lalo dahil mukhang walang pakialam si Yoongi sa nararamdaman niya.

Hindi nakapagsalita si Jimin kahit pilitin niya ang sarili niyang magsalita, nangingilid na yung luha sa mga mata niya.

Napatango si Yoongi. "Okay, sorry, sana sinabi mo." Walang ganang sabi nito habang inaayos niya ang damit niyang ginulo ni Jimin.

"Una na ko, baka hinahanap na ko ni Jennie--"

Nabuksan na ni Yoongi ang pinto. Aalis na sana si Yoongi sa loob ng cubicle nang bigla siyang hinawakan ni Jimin sa damit niya, mahigpit ang kapit ni Jimin na para bang ayaw niya itong makawala.

Pinipilit ni Jimin na magmukha siyang matapang kahit namumuo na yung luha sa mata niya, napansin ni Yoongi iyon kaya nagsimula nang pumasok sa isip niya ang mga binitawan niyang salita kay Jimin. 

"O-Okay... okay..." Sabi ni Jimin habang tumatango. "Sige, gagawin ko." Unti-unting bumagsak ang luha sa mata ni Jimin. 

"Gagawin ko lahat ng gusto mo, lahat Yoongi." Napatikom si Jimin.

"Lahat" Mariin na sabi ni Jimin bago niya pinunasan ang luha niya at nagsimulang lumuhod sa harap ni Yoongi.

Halos hindi makahinga si Yoongi habang pinapanuod niya si Jimin na lumuhod sa harap niya, hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya unti-unting nababasag yung puso niya habang pinapanuod niya si Jimin na umiiyak sa harap niya. Hindi pinapansin kahit gaano kadumi ang sahig ng banyo.

"Kung eto lang paraan para makasama pa kita ng mas matagal, gagawin ko Yoongi, gagawin ko." Napahawak si Jimin sa sinturon ng pantalon ni Yoongi, pinipilit niyang buksan iyon kahit hindi na niya halos makita dahil nanlalabo na ang mata niya sa dami ng luha sa mata niya.

Unti-unting bumabagsak ang luha sa mata ni Yoongi, pakiramdam niya pinapatay siya habang pinapanuod niya si Jimin na nababasag dahil sa kanya, pero wala siyang magawa.

Dahil hindi mabuksan ni Jimin ang sinturon ni Yoongi ay napahawak na lang siya ng mahigpit dun habang humahagulgol, hindi rin siya makapaniwala na sinabi at ginawa niya yun. Hindi na siya makapag-isip ng ayos.

"J-Jimin..." 

Napatingin si Yoongi sa taong nagsalita, napatingin siya kay Taehyung na nanlalaki ang mata, habang si Jungkook naman ay halatang gulat rin pero abala sa pagsasarado ng zipper ng pantalon niya.

Dahan-dahang napaangat ang tingin ni Jimin habang namumula ang mga mata niya, napasinghap si Taehyung nang magtama ang paningin nila ni Jimin, di pa rin siya makapaniwala sa nakita niya, umiiyak si Jimin habang nakaluhod at nakadikit ang noo niya sa private part ni Yoongi, that's weird shit.

Mabilis na hinila ni Taehyung si Jimin papalayo kay Yoongi, hindi pa rin makapagsalita at makagalaw si Yoongi sa pwesto niya. 

Tiningnan ni Taehyung ng masama si Yoongi bago niya hinila si Jimin papalabas ng banyo.

Susunod dapat si Jungkook sa dalawa pero hindi niya nagawa nang makita niya si Yoongi na napaluhod sa sahig dahil sa panghihina, napatalon si Jungkook sa gulat ng biglang sinuntok ni Yoongi yung pader habang umiiyak.

Napasinghap si Jungkook dahil hindi niya magawang iwan si Yoongi. Napailing na lang ito bago niya nilapitan si Yoongi.

"Tangina nyo naman kasing dalawa." Mahinang sabi ni Jungkook.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top