54

"Hyung! I missed you!"

Pagbukas pa lang ni Jimin sa apartment ni Yoongi ay nagtatakbo na agad siya patungo kay Yoongi na nakahiga sa sofa, mabuti na lang at may susi siya ng aparment nito kaya nakakapasok siya dito kung kaylan niya gusto.

Binaba niya agad ang pizza na binili niya at tumalon sa sofa para yakapin si Yoongi na nanunuod ng movie sa tv. 

"Jimin-- what the fuck?"" Natatawang sabi ni Yoongi ng makita niya si Jimin na nakangiti habang yakap siya ng mahigpit.

"Anong problema mo?" Tanong ni Yoongi habang bumabangon para hindi siya madaganan ni Jimin, kahit bumangon na siya at lahat hindi pa rin nagbibitaw si Jimin ng yakap.

"1 week tayong hindi nagkita hyung, di mo ba ko namiss?" Nakangusong tanong ni Jimin, napakunot ang noo ni Yoongi dahil sa sinabi ni Jimin.

"Ikaw 'tong hindi pumunta sa dito ng isang linggo, tapos ikaw pa may ganang magtanong nyan?" Pilit inaalis ni Yoongi ang pagkakayakap ni Jimin sa kanya pero ayaw bumitaw ni Jimin.

"Ehhh, nagkaproblema kasi sa condo." Nakangusong sabi ni Jimin. Mukhang kawawang pusa.

Nahirapan tuloy si Yoongi na tanggalin yung pagkakayakap sa kanya ni Jimin kaya hinayaan na lang niya itong yakapin siya.

"Anong nangyari? Kakagaling ko lang dun nung nakaraang linggo ah." Sabi ni Yoongi.

"Oo pero after mong umalis dumating si Mommy, bumisita siya sa bahay tapos nakita niya yung mga kinalat natin dun, akala tuloy niya may girlfriend na ako." Nakangusong sabi ni Jimin, "Ang tagal ko siyang kinumbinsi na wala akong girlfriend pero ayaw niya talaga maniwala, sabi ko ikaw lang yun pero di talaga siya naniniwala, parang gusto niyang maglabas ako ng girlfriend kahit wala naman talaga."

"Huh? Bakit naman?" Naguguluhan na tanong ni Yoongi. "Ayaw pa rin ba sa akin ng mga magulang mo?"

"H-Huh? Hindi hyung, hindi naman nila a-ayaw sa'yo." Nauutal na sabi ni Jimin.

"Wag kang mag-alala, alam ko naman. Teka, bakit daw ayaw maniwala?" Tanong ni Yoongi.

"Ewan ko ba kay Mommy, nakakastress siya." Konti na lang magtatuntrums na si Jimin kaya naman napangiti si Yoongi nang makita niya kung gaano kacute si Jimin mainis.

"Nako, mahihirapan kang maghanap ng girlfriend niyan, tingnan mo nga yan, mommy pa rin tawag mo sa nanay mo." Natatawang sabi ni Yoongi.

"Bakit? Ano ba dapat tawag ko sa kanya? Mrs. Park? Jiyeong? Hoy Jiyeong wala akong girlfriend! Kaibigan ko lang yun na makalat! Ganoon ba?" Sarkastikong tanong ni Jimin bago bumitaw sa yakap at napakacross arms pa.

"Baliw!" Tinulak ni Yoongi ng bahagya si Jimin habang natatawa, "I mean mom, or mama, bakit mommy?" 

"Eh sa Mommy tawag ko, ano bang problema dun?"  Napairap si Jimin sa kawalan.

"Okay, wala naman." Natatawang sabi ni Yoongi. 

Napasandal si Jimin sa sofa bago siya napatingin sa lamesa, nakita niya ang mga nakakalat na canned beers kaya naman napatingin siya ng masama kay Yoongi.

"Umiinom ka na naman ba? Aga aga ah!" Inis na sabi ni Jimin bago niya kinuha ang mga canned beers para icheck kung may laman pa ba yun pero wala na, naubos na niya kaya naman padabog niyang kinuha ang mga iyon at tinapon sa basurahan.

"Sorry, wala akong magawa eh, ang tagal mo kasing hindi pumunta dito." Ani Yoongi bago nahiga ulit sa sofa.

"Kasalanan ko pa ngayon? Kasalanan ko na lasinggero ka?" Tanong ni Jimin bago niya inirapan si Yoongi.

Nakita iyon ni Yoongi, "Teka! Inirapan mo ba ko?" 

"Hindi." Pagsisinungaling ni Jimin.

"Nakita ko eh, inirapan mo ko." Giit ni Yoongi.

"Hindi nga!" Inis na sabi ni Jimin habang nililinis niya ang mga kalat ni Yoongi sa kusina bago siya bumalik sa sala, kahit may isa pang sofa ay tinaas niya lang ang paa ni Yoongi at naupo siya doon bago niya pinatong ang paa nito sa hita niya.

Tiningnan ni Jimin si Yoongi na abala sa panunuod, hanggang sa may mapansin siya sa leeg nito.

"Ano yan?" Tanong ni Jimin bago niya binaba ang damit nito para makita ng ayos ang nasa leeg nito pero hinawi lang ni Yoongi ang kamay niya.

"Wala yan." Iritadong sabi ni Yoongi, pero nakita na ni Jimin ang hickey nito kaya naman napabuntong hininga nalang si Jimin.

"Nagdala ka ng babae mo dito?" Mahinang tanong ni Jimin.

"Hindi ako nagdadala ng babae dito, umalis ako kagabi." 

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"  Tanong ni Jimin.

"Hmm, bakit di mo sinabi sakin na hindi ka magpapakita ng isang linggo?" Tanong ni Yoongi pabalik.

Natahimik si Jimin, nakatingin lang siya sa kawalan. Usapan nila na hindi na siya pupunta ng bar mag-isa pero hindi na naman sumunod si Yoongi. Imbes na magalit siya ay napabuntong hininga na lang siya bago siya humarap kay Yoongi, ngumiti siya dito yung  tipong hindi niya mahahalatang peke yung ngiti niya.

"Hyung! Tulungan mo ko." Nakangiting sabi ni Jimin.

"Saan?" Bored na tanong ni Yoongi.

"Kung paano maging boyfriend."

Napataas ang kilay ni Yoongi at napatingin siya kay Jimin, nakita niyang nakangiti ito kaya medyo nairita siya. 

"Akala ko ba gusto mo maging fuckboy?" Tanong ni Yoongi, umiling si Jimin.

"Nagbago na isip ko, gusto ko na lang ng seryosong relasyon, turuan mo kong papaano maging isang perfect na boyfriend, please! Please!" Pakiusap ni Jimin.

"Anong klaseng boyfriend? Bottom? Top?" Biro ni Yoongi pero sumeryoso ang mukha ni Jimin bago siya umiling.

"Seryoso ako, aamin na ko kay Rose pero bago ako umamin gusto ko muna matuto kung paano maging isang perfect boyfriend para hindi na niya ko iwan, a-ayokong basta na lang maggirlfriend na wala akong alam kung paano maging boyfriend."  Seryosong sabi ni Jimin.

Kaya naman napaubo si Yoongi bago siya napaseryoso na rin dahil nakita niyang seryoso talaga si Jimin, tiningnan niyang mabuti si Jimin bago niya tinapik ito sa braso.

"Sige, bahala ka."  Tipid na sabi ni Yoongi.

"Talaga?" Biglang umaliwalas ang mukha ni Jimin.

"Yeah, umarte ka lang na girlfriend mo ko tapos boyfriend kita, isipin mo babae ako." Ani Yoongi.

"P-Pero parang ang hirap." Bulong ni Jimin.

"Mahirap talaga yun, kasi una sa lahat sa ating dalawa laging ikaw umaarte na parang babae kaya kaylangan mong masanay sa mga ginagawa madalas ng lalaki sa isang relasyon, kaya isipin mo na lang muna na girlfriend mo ako, ayos lang naman sakin, di naman nakakawala ng pagkalalaki." 

Napatingin lang si Jimin kay Yoongi habang nakanguso at iniisip kung papaano niya maitatak sa isip niya na girlfriend niya si Yoongi.

"Oh game na." Sabi ni Yoongi bago niya tinulak si Jimin, nagulat si Jimin sa ginawa ni Yoongi.

"Nagtatampo ko sa'yo." Sabi ni Yoongi bago niya sinipa si Jimin papaalis sa sofa.

"T-Teka, bakit?" Naguguluhang tanong ni Jimin habang pinipigilan niya ang paa ni Yoongi.

"Umalis ka dyan, ayokong kausapin ka, nagtatampo ako sa'yo." 

Mas lalong naguluhan si Jimin dahil bigla na lang itong nagtampo sa kanya, "M-May nagawa ba ko? Bakit bigla ka na lang nagtatampo sakin?" Nag-aalalang tanong ni Jimin.

"Wala! Basta! Nagtatampo ako!" Giit ni Yoongi.

"S-Sorry." Napayuko si Jimin bago siya tumayo sa sofa papaalis kay Yoongi.

Napanganga si Yoongi dahil sa ginawa ni Jimin, napasinghap si Yoongi bago niya binalibag ng unan si Jimin.

"Ibig sabihin nun nagugutom ako! Di mo man lang naramdaman?" Iritadong tanong ni Yoongi.

"N-Nagugutom ka? Bakit di mo sinabi sa akin, may dala naman akong pizza--"

"Syempre hindi ko sasabihin sa'yo na nagugutom ako, dapat mararamdaman mo yun!" Giit ni Yoongi.

"S-Sorry, hindi ko naramdaman--"

"Syempre di mo mararamdaman, wala kang kwentang boyfriend eh." Walang ganang sabi ni Yoongi.

Natigilan si Jimin sa sinabi ni Yoongi, para bang napako siya sa kinatatayuan niya hindi niya alam kung bakit tumagos sa dibdib niya ang sinabi ni Yoongi.

Kaya naman nang mapatingin sa kanya si Yoongi at nakita nitong may namumuong luha sa mata niya ay natigilan rin ito, nagkatitigan lang silang dalawa hanggang sa napabuntong hininga si Yoongi.

"Kita mo 'yan Jimin, mauunahan mo pang umiyak magiging girlfriend mo kapag nag-away kayong dalawa." Sabi ni Yoongi.

Napakagat sa labi si Jimin para pigilan ang luha niya at magmukhang malakas sa harap ni Yoongi, pero kitang kita pa rin ni Yoongi yung sakit sa mata ni Jimin, nakokonsensya tuloy siya sa sinabi niya, hindi niya alam na magiging ganun yung reaksyon ni Jimin.

Nagbibiro lang naman siya at hindi naman niya alam na seseryosohin ni Jimin iyon dahil hindi naman sila totoong magkarelasyon.

"Come here." Hinila ni Yoongi si Jimin patungo sa kanya, napaupo si Jimin sa sofa kaya naman hinila niya ito para mapahiga ito sa tabi niya.

Pero nang marealize ni Yoongi na baliktad sila ng pwesto dahil siya dapat yung babae ay pinagpalit niya ang pwesto nila, siya ang nahiga sa braso ni Jimin sa yumakap sa baywang nito, nakita niya ang pamumula sa mukha ni Jimin kaya naman napangisi siya.

"Mahilig mga babae sa ganto, lagi mong tatandaan yun, gusto nila lagi na may kayakap." Paliwanag ni Yoongi.

"G-Gusto ko rin yung g-ganto." Nahihiyang sabi ni Jimin.

Napahinto saglit si Yoongi dahil sa sinabi ni Jimin, napaubo siya ng kunware bago siya nag-iwas ng tingin kay Jimin, "Pero no homo dude." Ani Yoongi. 

Nahihiyang tumango si Jimin.

"Hawakan mo ko ng mahigpit, baka mahulog ako." Utos ni Yoongi, kaya naman hinawakan ni Jimin ang baywang niya at hinila siya nito papalapit sa kanya.

Mas lalong nagkalapit ang mukha nila dahil sa ginawa ni Jimin, halos maramdaman na nila ang mainit na hininga ng bawat isa.

Mas naunang umiwas si Yoongi.

"Jimin." Tawag ni Yoongi sa kanya.

"Hmm?" Napataas ang kilay ni Jimin.

"Ang swerte ng magiging girlfriend mo sa'yo, kaya kapag sinaktan ka niya wag mong hahabulin, yamo siyang maghabol." Pangaral ni Yoongi.

Nahihiyang napangiti si Jimin bago siya tumango, "Noted."


Napangiwi si Yoongi dahil sa mga scenerio na pumapasok sa isip niya, napakamot siya sa ulo niya bago siya napahampas sa table, "Punyeta! Bakit ko sinabi yun?!" 

"Hoy! Wag ka ngang hampas ng hampas, baka masira yung table ko." Sigaw ni Jin kaya naman napatigil si Yoongi at napatingin siya dun.

"Sorry." Nag-peace sign si Yoongi bago siya napabalik sa pag-iisip, napangalumbaba siya habang iniisip na naman si Jimin.

Kagaya na lamang ng kung ano na kayang ginagawa ni Jimin ngayon? Kumakain kaya ito sa tamang oras? Natutulog kaya ng maaga? Masusustansya kaya kinakain niya? Baka puro instant noodles na naman ang kinakain nito dahil hindi ito marunong magluto. 

Taragis naman kasing rich kid na yun.

"Yoongs! Di ba nagbabar ka rin dati?" Tanong ni Jennie na bigla na lang sumulpot sa gilid niya.

"Yeah, bakit mo natanong?" Tanong naman ni Yoongi, tinatago ang pagkagulat niya sa biglang paglitaw ni Jennie.

"Pupunta kaming bar mamaya, sasama daw si Jin, sama ka sa amin? Please!" Pakiusap ni Jennie.

"Pero tinatamad ako, inaantok na nga ulit ako eh." Walang ganang sabi ni Yoongi.

Napanguso si Jennie dahil gusto niya ng bagong kasama, sawa na siyang maging alalay lang ni Jin. "Sige na, please! Minsan lang naman ako mag-aya eh, sama ka na." 

"Pero tinatamad talaga ako." 

"Jennie! Hayaan mo na, nandoon naman mga kaibigan mo mamayang gabi, wag mo nang pilitin si Yoongi." Sigaw ni Jin mula sa sala.

Tumango si Yoongi sa sinabi ni Jin pero nagulat siya ng biglang lumitaw rin si Jin sa gilid niya.

"Tsaka balita ko nandoon si Jimin mamayang gabi, ilang gabi na daw nagbabalik balik dun yun, malamang ayaw makita ni Yoongi si Jimin kaya hayaan mo na siya dito sa bahay."

Parang pumintig ang tenga ni Yoongi nung marinig niya ang pangalan ni Jimin.

"Sabagay, sige okay lang Yoongs, next time na lang kapag wala na si Jimin--"

"Sasama ko." Biglang sabi ni Yoongi.

Pasimpleng nagtinginan si Jennie at Jin bago sila parehong nagpipigil ng ngiti. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top