53

"OMG! Bumalik na si Yoongi?" 

Kanina pa naririnig ni Yoongi ang bulong bulungan ng mga tao, nakausap na niya ang dean at pinayagan siyang i-continue na lang ang hininto niya, pumayag rin ito na humabol na lang siya at ipasa ang mga hindi niya napasa dati, pero kaylangan pa daw niyang makausap ang principal kaya naman pinagdadasal niya na pumayag ito, 

medyo madali lang ang lahat, mabuti na lang at nasabi na pala ni Jimin dati yun sa dean na may posibilidad na bumalik siya.

Lakas talaga ng kapit ng isang yun, mayaman kasi ang pamilya.

"Yo! Dude!" Sigaw ng isang lalaki mula sa kalayuan.

Huminto si Yoongi sa paglalakad at tumingin sa likod niya para hanapin ang nagsalita, nakita niya ang nakangising si Jungkook na tumatakbo papalapit sa kanya, mabilis siyang inakbayan nito kaya naman napakunot ang noo niya.

"Kamusta? Paano ka bumalik sa pagiging lalaki?" Tanong nito.

"Shh, hinaan mo boses mo." Mariin na sabi ni Yoongi bago niya hinila si Jungkook patungo sa restroom ng lalaki, tiningnan muna niya kung may tao sa loob ng mga cubicle bago niya hinarap si Jungkook.

"May tanong ako sa'yo." Panimula ni Yoongi.

"Sige lang." Nag-aabang na sabi ni Jungkook.

"Bakit naniwala ka agad sa akin nung sinabi kong naging babae ako bigla? Alam mo ba yung tungkol sa myth ng soulmate's 18th birthday wish?"

Napakunot ang noo ni Jungkook bago siya tumango, "Oo, may nakapagsabi na sa akin nun, tsaka kaya ako naniwala agad ay dahil wala naman akong masyadong pakialam, boy i don't care." Aniya bago siya naglakad palabas ng restroom, hanggang sa tumigil siya nung nasa tapat na siya ng pintuan at humarap kay Yoongi.

"At bakit nga pala tayo ulit nag-uusap? Di ba blinock mo na ko?" Napatikhim si Jungkook bago siya naglakad palabas ng c.r. 

Napasinghap si Yoongi dahil sa attitude ni Jungkook, naglakad na siya papasok sa classroom at nakita niyang maaga pa siya, pero wala pa ang pinakamaagang pumasok lagi, si President.

Naglakad si Yoongi patungo sa upuan niya, sa upuan ni Yoongi dati, bago siya napatingin sa paligid nang makita niyang pinagtitinginan siya ng mga kaklase nila. Tiningnan niya ng masasama lahat ng kaklase niya kaya naman nag-iwasan silang lahat ng tingin dahil sa takot kay Yoongi.

Pero napansin niyang may isa pang hangal na nakatingin sa kanya, binalingan niya ng masamang tingin si Namjoon pero nakanganga lang ito sa kanya, kahit tiningnan niya ito ng masama ay hindi ito nag-iiwas.

"Namjoon, pwede pakialis yung tingin mo sa akin?" Iritadong tanong ni Yoongi kay Namjoon na hindi pa rin nag-aalis ng tingin, nakanganga pa rin na para bang may iniisip siya na naging dahilan kung bakit mawala siya bigla sa mundo, konti na lang mapapasukan na siya ng lamok sa bibig ay ayaw pa rin niyang itikom.

"Yoongi?" Tanong niya kay Yoongi kaya naman napapikit si Yoongi sa sobrang iritasyon bago siya napahilot sa bridge ng ilong niya.

"Obvious ba?" Sarkastikong tanong ni Yoongi, "Mukha ba kong multo?"

"Yoonji?" Tanong niya ulit kaya naman nainis na talaga si Yoongi.

"Obviou--" Natigilan si Yoongi nang marealize niyang Yoonji ang pangalawang sinabi at hindi Yoongi, tinikom ni Yoongi ang bibig niya at ngumiti ng sarkastikong si Yoongi.

"Min Yoongi, wala na si Yoonji." Giit ni Yoongi bago niya padabog na binagsak ang bag niya sa desk at humarap sa blackboard.

Napansin niyang pumasok si Jin kasunod si Hoseok, nagkatinginan sila ni Jin bago dumiretso si Jin sa upuan niya.

"Good morning Yoonji..." Nakangiting sabi ni Hoseok pero bigla itong natigilan at napabalik ng tingin kay Yoongi na nanlalaki ang mata, "Y-Yoongi? Nasan si Yoonji? T-Teka, bumalik ka na?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hoseok.

"San ka galing bro? Bigla ka na lang nawawala at lumilitaw." Interesadong tanong ni Hoseok bago niya hinila ang isang upuan papalapit sa upuan ni Yoongi.

"Balita ko pumunta ka daw ibang bansa, nasan si Yoonji?" Tanong pa ulit ni Hoseok.

"Wala na si Yoonji, di na siya babalik." Tipid na sagot ni Yoongi, hindi tinitingnan si Hoseok dahil pakiramdam niya naiirita siya sa lahat ng tao.

"Ha? I-Ibig sabihin hindi siya makakapunta sa p-prom? Malapit na yun..."

Napatigil si Yoongi dahil napansin niya ang lungkot sa boses ni Hoseok, napatingin siya dito at napansin niyang nakayuko lang ito at para bang may iniisip na malalim.

"Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya." Malungkot na sabi nito.

"Oh-- buti pinaalala mo, may ipapadala daw siyang sulat sa'yo, parang nabanggit niya sa akin na meron." Pagsisinungaling ni Yoongi.

"T-Talaga? Para sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hoseok, awkward na ngumiti si Yoongi at tumango sa kanya.

Gagawa na lang siya mamaya at magkukunwaring galing kay Yoonji, kahit papaano nakokonsensya pa rin siya na hindi na makikita ni Hoseok ulit si Yoonji pagkatapos siyang pangakuan nito na sasamahan siya sa prom. 

Dumating na ang prof kaya naman umalis na si Hoseok sa tabi niya, napatingin si Yoongi sa upuan ni Jimin dahil wala pa rin ito, madalang malate iyon kaya nagtataka si Yoongi kung bakit wala ito.

Habang nagdidiscuss ang prof ay biglang bumukas ang pinto, napatingin ang lahat sa kakapasok lang na si Jimin, kinausap siya ng prof saglit bago siya umupo sa upuan niya, nagkatinginan silang dalawa ni Yoongi saglit pero nag-iwas agad 'to ng tingin sa kanya.

Pakiramdam ni Yoongi ay may bahagyang kumirot sa dibdib niya nung nag-iwas ito ng tingin sa kanya, dahil sa nangyari ay hindi mawala sa isip ni Yoongi si Jimin, iniisip niya kung bakit hindi siya hinahabol nito at sinusuyo kagaya ng palagi nitong ginagawa sa kanya.

"Siguro nga tama ako." Malamig na sabi ni Yoongi sa sarili niya.

Nang tumunog ang bell ay napatingin agad si Yoongi sa pinto dahil may mga babaeng sumisilip doon, hanggang sa makilala niya kung sino ang mga iyon, nakita niya si Jennie na kumakaway sa kanya habang si Jisoo, Rose, at Lisa at nakikisilip rin pero nahihirapan silang magkasya sa bintana ng pinto.

Nang lumabas ang prof ay tumabi muna silang apat bago sila sumilip ulit sa pinto naman, napatingin si Yoongi sa paligid niya para malaman kung saan nakatingin ang mga ito hanggang sa mapagtanto niyang sa kanya ito nakatingin.

Napatingin si Yoongi kay Jin at nagkibit balikat naman agad ito sa kanya na para bang alam na niyang magtatanong si Yoongi tungkol sa apat na babaeng biglang sumusulpot.

Kinuha ni Yoongi ang bag niya, pero napansin niyang nakatingin na naman ang mga kaklase niya sa kanya, ngayon ay may mga nakakalokong tingin niya.

"Yoongi, sabay ka na kumain sa amin." Pag-aya ni Jennie.

"Uyyyyyyy." Sabay-sabay na kantyaw ng mga kaklase nilang natitira sa classroom, pati si Lisa, Jisoo at Rose ay naki-uuuyyyyy rin.

Napailing si Yoongi bago siya napatingin kay Jimin na mukhang abala sa sinusulat niya sa notebook kaya naman napairap si Yoongi bago naglakad patungo kila Jennie.

"Sige, sabay na ko sa inyo." Sabi ni Yoongi nung makarating na siya sa tapat ng pintuan kung nasaan si Jennie.

"Actually sinamahan lang namin si Jennie, tara na girls." Nakangiting sabi ni Rose bago niya sinenyasan si Jisoo at Lisa.

"Huh? Akala ko ba kakain na tayo? Nagugutom na ko." Reklamo ni Jisoo.

Pinandilatan siya agad ni Rose at Lisa dahil sa sinabi niya, "Kakain tayo mamaya." Giit ni Lisa bago nila hinila si Jisoo papalayo sa dalawa.

"Isama na lang natin si Jin." Awkward na sabi ni Jennie.

"Nah, ayokong sumabay sa inyo." Out of nowhere ay sumulpot si Jin sa gilid nila at naglakad agad papalayo, napanguso si Jennie dahil hindi niya inaasahan na iiwan siya ng tatlo at hindi pa sila sasamahan ni Jin.

"Tara na? Ano bang gusto mong kainin? Ako na manlilibre ngayon, para makabawi naman ako nung kumain tayo sa mall." Sabi ni Yoongi kay Jennie, agad namula ang mukha nito.

"Kung ano na lang gusto mo." Nakangiting sabi ni Jennie, "Nga pala, samahan mo ko mamili mamaya ng groceries, magluluto ako mamayang gabi pag-uwi natin--"

"Excuse me."

Napatabi si Yoongi sa gilid dahil narealize niyang nakaharang siya sa pinto, napatingin siya sa taong nag-excuse me at nakita niya si Jimin na hindi man lang nag-aangat ng tingin, dirediretso lang itong naglalakad papaalis.

"Di mo ba siya kakausapin?" Tanong ni Jennie kay Yoongi habang pinapanuod nila si Jimin naglalakad papalayo.

"Hindi na kaylangan." Malamig na sabi ni Yoongi bago niya hinila si Jennie papuntang cafeteria. 

Hindi natutuwa si Jennie sa inaasta ni Yoongi, kung may problema sila dapat pag-usapan nila, kahit na may mali si Jimin dapat kausapin pa rin niya ito para maayos nila yung dalawa.

Nang makarating sila sa cafeteria ay nauna na si Jennie na maglakad sa counter, excited na bumili ng pagkain habang si Yoongi naman ay naupo na sa usual niyang inuupuan kapag kumakain siya sa cafeteria.

Hanggang sa mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Jimin na nakahinto sa harap ng pwesto nila dati, doon kasi sila umuupo palagi.

Nang magkatinginan sila ay umuwas agad si Jimin ng tingin at naglakad patungo sa ibang pwesto, pinanuod lang siya ni Yoongi na maupo sa ibang upuan. Dumating si Jennie na may dalang mga pagkain, inutusan niya talaga si Jennie na bumili dahil tamad siya, at tsaka nasanay siya na may inuutusan siyang bumili pero pera niya ang ginamit.

Pero may isa pa siyang problema, wala na siyang pera.

Hindi siya makabalik sa bahay para kunin ang pera niya, syempre kakailanganin niyang kausapin si Jimin, hindi nga niya magawang makipagtinginan ay yun pa kayang mag-stay sila sa iisang lugar kahit sa maiksing oras lang?

Tulala lang si Yoongi habang kumakain, paminsan minsan siyang sumusulyap sa pwesto ni Jimin. Hindi niya alam kung bakit si Jimin ang may atraso pero siya pa ang may ganang umiwas.

Dapat siya ang nag-iinarte dito, hindi si Jimin.

"Uy, bakit parang ang lungkot mo?" Tanong ni Jennie nang mapansin niyang halos hindi makain ni Yoongi ang pagkain niya.

"Hindi ako malungkot, wala lang akong pera." Walang ganang sabi ni Yoongi.

"Umuwi ka na kasi, baka nag-aalala na sa'yo si Jimin." Ani Jennie bago siya bahagyang napatingin kay Jimin kaya naman napatingin rin si Yoongi sa pwesto ni Jimin bago napatikhim.

"Yan ba nag-alala sakin? Hindi nga ako magawang tingnan." Sarkastikong sabi ni Yoongi.

"Malay mo kasi nahihiya lang siya sa'yo, ang nega mo naman kasi." Sabi ni Jennie.

"Hindi ako nega, wala na talaga siyang pakialam sa akin simula nung naging lalaki ako kasi mas gusto niya yung babaeng ako." Giit ni Yoongi pero napanguso lang si Jennie dahil hindi niya alam kung papaano niya madedepensahan si Jimin dahil wala naman siyang alam sa nararamdaman talaga ni Jimin.

Napatingin si Yoongi at Jennie kay Jin na biglang naupo sa tabi nila, "Pinapatawag ka ng Principal Yoongi."

Napataas ang kilay ni Yoongi, "Bakit daw?"

"Kaylangan mo daw mapapunta si Yoonji, kaylangan ng principal ng pirma ni Yoonji at pirma ng magulang nyo kahit guardian nyo tungkol sa pagkawala at pagbalik nyong dalawa bigla-bigla. Kapag napapirma mo daw si Yoonji pwede mo na daw ituloy na lang yung mga subjects niya."

"Huh?! Pero wala na si Yoonji, sinong pipirma dun? Wala rin dito pamilya ko." Giit ni Yoongi.

"Aba, problema mo na yan? Tsaka ang daling pabalikin ni Yoonji, makipagsex ka lang ulit kay Jimin at hilingin nyong pareho kahit sa utak nyo lang na maging babae ka ulit." Walang ganang sabi ni Jin.

"Shit, hinaan mo boses mo." Mariin na sabi ni Yoongi habang nilalapit niya ng kaunti ang mukha niya sa mukha ni Jin para makapag usap sila ng mahina.

"Hindi ko kayang gawin yun, ayoko siyang makita, ayoko rin siyang makausap, mas lalong ayokong makipagsex sa kanya." Giit ni Yoongi, "Wala bang ibang paraan?" 

"Dude, wala na. Bahala ka problema mo na yan, nagsusuggest lang naman ako. Ayaw mo nun? Wala ka na rin problema, babalik na rin kayong dalawa ni Jimin sa dati kapag naging babae ka." Ani Jin.

"Hindi ko siya kayang gamitin para bumalik ako sa pagiging babae, at isa pa paano namin maibabalik lahat sa dati kung alam kong gusto niya lang ako kapag babae ako? Madami pa siyang ibang kasalanan sa akin, hindi ganun kadali yun."

"Ano naman kung gamitin mo siya? Minanipula ka nga niya eh, payback time lang." Suhestyon ni Jin.

Natahimik si Yoongi dahil sa sinabi ni Jin, okay lang naman sa kanya yung suggestion nito.

"Wag ka ngang magsuggest ng ganyan, hindi kaya ni Yoongi yun--"

"Okay." Mabilis na sabi ni Yoongi. Nanlaki ang mata ni Jennie at napataas ang kilay ni Jin.

"Sige, makikipagsex ako sa kanya para bumalik ako sa pagiging babae pero hindi na ako babalik sa kanya." Mariin na sabi ni Yoongi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top