52

"Actually Jennie, hindi mo na kaylangan gawin 'to para sa akin, kaya ko naman bumili ng damit mag-isa." 

Napahinto si Jennie sa paglalakad at napatingin sa akin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakahalukipkip bago siya tumango, "It's okay Yoongi, wala akong gagawin sa bahay at isa pa pera ko ang gagamitin, hindi 'to libre. Babayaran mo rin ako after mo makuha pera mo pero for the mean time, kaylangan mo ng damit kung sa amin ka titira since ayaw mo naman bumalik sa bahay nyo."

"Oh, thanks." Tipid na sabi ni Yoongi bago sila magsimulang maglakad ulit ni Jennie sa mall.

"Bakit nga pala ayaw mo umuwi?" Tanong ni Jennie.

"Uhm, paano ko ba i-explain 'to... actually..." Napatingin si Yoongi kay Jennie na nag-aabang ng sasabihin niya.

"Sa condo ako ni Jimin nakatira, kaya hindi ako makauwi." Pag-amin nya.

"O-Oh..." Natigilan si Jennie na para bang pinapasok pa niya sa utak niya ang sinabi ni Yoongi, "Wow." Iyon lang ang nasabi niya bago tumango-tango.

Nagsimulang maningin si Jennie ng mga damit panglalaki, "So kamusta kayo ng boyfriend mo?"

"B-Boyfriend?" Gulat na tanong ni Yoongi.

"Yeah, Jimin." Tipid na sabi ni Jennie.

"What? No, w-we're not a thing, it's just... I don't know pero walang kami." Mahinang sabi ni Yoongi.

Tumigil si Jennie sa paniningin ng mga damit at humarap kay Yoongi habang nakakunot ang noo, "So may gusto kayo sa isa't isa, tapos nakatira kayo sa iisang bahay at may nangyayari sa inyong dalawa... tapos walang kayo?" Naguguluhang tanong ni Jennie.

Napatikom si Yoongi at awkward na tumango.

"Wow." Hindi makapaniwalang sabi ni Jennie bago siya nagsimulang maningin ulit ng damit, parang hindi pumapasok sa isip niya ang mga sinasabi ni Yoongi dahil ang pumapasok lang sa isip niya ang may nangyayari sa dalawang crush niya. That's weird para sa kanya.

"Okay Jennie, i'm sorry." Hinawakan ni Yoongi ang damit na hawak ni Jennie para iharap ito sa kanya, dahil sa ginawa niya ay nakuha niya agad ang atensyon ni Jennie.

"For what?" Tanong ni Jennie.

"For hurting you, ang dami kong kasalanan na nagawa sa'yo, sobrang dami. Lalong lalo na yung hinalikan kita sa pool party, alam kong ang daming nakakita nun at ang tagal humupa ng chismis tungkol dun, i'm sorry pati yung tungkol kay Jimin, alam ko naman na may gusto ka sa kanya pero hindi ko sinabi sa'yo yung kung ano mang meron sa amin pero believe me nung mga panahon na yun wala talagang kahit ano sa amin, i'm really sorry, oh shit ang dami ko ng nasabi, sorry."

Tiningnang mabuti ni Jennie ang mata ni Yoongi para masigurado kung sincere nga ba ito sa mga sinasabi niya pero dahil mukhang sincere naman si Yoongi at tumango na lang si Jennie. 

"It's not big deal Yoongi, sub crush ko lang naman si Jimin nung biglang nawala yung main crush ko, you know, main crush, Min Yoongi." Awkward na sabi ni Jennie habang pinipilit ang sariling tumawa pero mas lalo lang naging awkward yung sitwasyon dahil sa awkward niyang tawa. 

"Don't worry, mawalan man ako ng main crush at sub crush meron pa naman akong 20+ na crush sa iba't ibang category." Paliwanag niya.

"It's okay Yoongi, tsaka yung sa pool party? It was a good kiss naman." Nagthumbs up sa kanya si Jennie kaya naman namula ang buong mukha niya lalo na nang maalala niya ang nangyari noon.

Awkward.

"Here, try this." Inabot ni Jennie ang mga nakita niyang damit kaya naman kinuha na lang ni Yoongi iyon at sinubukan, nang makita niyang maganda naman iyon at komportableng suotin ay binili na agad nila iyon dahil sa totoo lang gusto na niyang umuwi-- umuwi kila Jennie.

"Hey, saan mo gusto kumain? Libre ko." Biglang humarang ito sa dinadaanan niya kaya napatigil siya.

"Wag na, di mo ako kaylangan ilibre." Mabilis na pagtanggi ni Yoongi.

"Ano ka ba! Wag ka na mahiya, matagal ko ng pangarap 'to, yung makasama kang kumain sa labas--" Napatigil si Jennie sa pagsasalita at napahawak sa bibig niya.

Kahit si Yoongi ay natigilan siya sa sinabi ni Jennie, pangarap niya rin yun dati.

"Sorry, it's just... I-I uhmm, na-excite lang ako sa idea na kumain sa labas kasi... you know, a-ano, sa tingin ko a-alam mo naman kasi di ba, n-nung si Y-Yoonji ka nabanggit ko..." Nauutal na sabi ni Jennie dahil sa pinaghalong kaba at hiya.

"No it's okay, gusto ko rin dati na makasama kang kumain sa labas, wala lang akong lakas ng loob na ayain ka." Diretsahang sabi ni Yoongi dahil matagal na rin naman yun.

"H-Huh? W-What do you mean?"

"Actually interesado ako sa'yo dati Jennie, talaga lang kinokontra ng tadhana-- or may kumukontra talaga sa tadhana." Napatikhim si Yoongi nang maalala niya ulit yung sa love letter na binigay ni Jennie dapat sa kanya dati.

"Y-You mean..." Hindi matuloy ni Jennie ang sasabihin niya dahil ayaw niyang mapahiya kung sakaling mali ang nasa isip niya.

"Yeah, I like you Jennie." Tipid na sabi ni Yoongi, "Gustong gusto kita dati, kung alam mo lang." 

Nang marinig ni Jennie ang dinugtong ni Yoongi ay nawala ang malawak na ngiti niya at napalitan iyon ng malungkot na ngiti.

"Siguro nakatadhana na talaga na hindi tayo magka-aminan dati kasi kayo ni Jimin ang soulmate." Aniya.

"Jennie, ang tadhana tao lang rin ang gumagawa, tayo lang rin gumagawa ng sarili nating tadhana pero sa sitwasyon ko mukhang may ibang tao ang gumagawa ng tadhana ko." Inis na sabi ni Yoongi.

"Ha? Bakit mo nasabi?" Tanong ni Jennie.

"Ayokong mag-assume pero pakiramdam ko may kinalaman si Jimin sa lahat ng nangyayari sa akin, pakiramdam ko may alam siya una pa lang kaya gumawa ng listahan na mga dapat kong gawin bilang babae para mag-stay ako sa pagiging babae, kaya ayaw niya rin akong palapitin sa'yo, at hinahalikan niya ako tuwing napapalapit ako sa'yo..."

Napahawak si Jennie sa bibig niya, "Ginagawa niya yun?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jennie at tumango lang si Yoongi.

"Pinag-isipan ko lahat ng mga nangyari nung mga nakakaraan, napapagtugma tugma ko na ng konti yung mga nangyayari dati, ang hindi ko lang maintindihan ay bakit, bakit niya ginagawa sa akin yun? Tang ina, tinuring ko siyang kaibigan." Giit ni Yoongi.

"Okay, jeez, calm down." Hinila ni Jennie si Yoongi sa isang malapit na upuan bago silang naupo dun.

"So tell me, kaya ka ba hindi umuuwi dahil galit ka kay Jimin?" Tanong ni Jennie.

Napatulala si Yoongi bago niya naalala lahat ng nangyari nung mga oras na nadiskubre nila ni Jimin na bumalik siya sa pagiging lalaki, naalala niya yung mukha nilang dalawa. 

Umiling si Yoongi bilang sagot sa tanong ni Jennie.

"Then why?" Nag-aalalang tanong ni Jennie bago niya hinawakan ang braso ni Yoongi na mukhang nanlulumo sa mga nangyayari at sa mga posibilidad na pumapasok sa isip niya.

Napabuntong hininga si Yoongi.

"Nung naging lalaki kasi ako, nakita ko yung panghihinayang sa mukha ni Jimin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top