51
"Alam kong may alam ka Seokjin."
Napataas ang kilay ni Jin habang nakatingin kay Yoongi na nakatayo sa harap ng bahay niya habang basang basa sa ulan, kulang na lang ay biglang lumabas ang aegis at kumanta para mas lalong maging madrama ang eksena.
"Well, hello rin sa'yo Yoongi. Ang tagal mong hindi nagpakita sa school tapos pupunta ka dito na basang basa sa ulan at bigla na lang magsasabi ng 'alam kong may alam ka Seokjin' sa akin na para bang close tayo?" Sarkastikong tanong ni Jin.
"Tigilan na natin to, alam kong may alam ka, alam kong alam mong hindi ako nawala ng matagal."
"And so?" Napahalukipkip si Jin, nagtataka sa biglang pagsugod ni Yoongi.
"T-Tulungan mo ko..." Naging soft ang mukha ni Yoongi kaya naman mas lalong napataas ang kilay ni Jin, naging interesado siyang bigla.
"O-Oh my gosh! Y-Yoongi?!"
Napalingon bigla si Yoongi at Jin sa babaeng sumigaw, nakita nila si Jennie na nakahawak sa bibig niya habang gulat sa presensya ni Yoongi, "Basang basa ka ng ulan, oh my god! Pumasok ka muna sa loob, kukuha lang ako ng tuwalya."
Nagtatakbo bigla si Jennie papunta sa banyo, napairap sa kawalan si Jin bago siya walang nagawa kundi papasukin sa loob si Yoongi, pero sa loob-loob ni Yoongi ay nagpapasalamat siya sa pagdating ni Jennie dahil kanina pa talaga siya nilalamig sa labas, hindi man lang siya pinapapasok ni Jin.
Bumalik si Jennie na may hawak na tuwalya at mainit na kape, "Magkape ka muna." Aniya bago niya iabot yung tuwalya.
"Salamat." Mahinang sabi ni Yoongi, nahihiyang tumingin sa mata ni Jennie dahil sa dami ng atraso niya dito.
"Kaylan ka pa nakabalik dito? Ang tagal mong nawala, wala man lang nakakaalam kung saan ka nagpunta, ano bang nangyari--"
"Jennie!" Sigaw ni Jin, nagulat si Jennie kaya naman halos mapatalon siya sa pwesto niya. "Pumasok ka muna sa kwarto mo, may pag-uusapan lang kami ni Yoongi."
"Bakit? Bawal ba kong sumali--"
"Ano kasi Jennie, may pagkaprivate kasi yung pag-uusapan namin ni Jin." Sabat ni Yoongi para umalis na ito, ayaw rin naman niya na may iba pang makaalam ng sikreto niya bukod kay Jimin, Jungkook, at pwede rin si Jin.
"O-Okay..." Mahinang sabi ni Jennie bago siya naglakad patungo sa kwarto niya, nang masigurado nilang dalawa na nakapasok na si Jennie sa kwarto niya ay agad napahalukipkip si Jin.
"Anong sinasabi mong alam ko?" Panimula nito.
"Alam kong alam mong--"
"Kanina mo pa sinasabi 'yan, diretsuhin mo ako tutal sabi mo naman alam mong alam ko." Giit ni Jin.
"Alam kong alam mong--"
"Ano ba?!" Sigaw ni Jin.
"Patapusin mo muna kasi ako!" Sigaw pabalik ni Yoongi kaya naman natahimik na lang si Jin.
"Alam kong alam mong ako at si Yoonji ay iisa." Mahina pero mariin na sabi ni Yoongi.
Napataas ang kilay ni Jin at napailing, "Hindi ko alam." Mahinahong sabi nito kaya naman napasinghap ng malakas si Yoongi.
"Alam mo!" Giit ni Yoongi.
"Okay? So what kung alam ko?" Tanong ni Jin.
"Ibig sabihin alam mo kung paano ako naging babae at bumalik sa pagiging lalaki?" Nagtatakang tanong ni Yoongi.
Napahinto saglit si Jin at para bang nagprocess pa sa utak niya ang sinabi ni Yoongi hanggang sa unti unting nanlaki ang mata nito at napahawak sa bibig niya sa sobrang gulat.
"HINDI MO ALAM?!" Sigaw nito.
"Shhh!!!" Tinakpan ni Yoongi ang bibig ni Jin dahil sa takot na baka marinig sila ni Jennie, kaya naman nang mapansin niyang kumakalma na si Jin ay tinanggal na niya ang pagkakatakip sa bibig nito.
"Obvious ba? Kaya nga ako nagpunta dito kasi hindi ko alam, wala akong alam kung anong nangyayari sa akin, kaylangan ko ng sagot."
"Ang tagal mo ng naging babae tapos hindi mo alam?! Nakatira ka ba sa bundok? Di mo man lang naisipan magsearch sa internet o magtanong sa mga kakilala mo?"
Napahinto si Yoongi sa napahawak sa bibig niya, "Meron sa internet?!" Sigaw nito.
"Shit! Seryoso?! Hindi mo alam? P-Pero akala ko alam mo... K-Kaya mo g-ginagamit si Jennie--"
"What?! Hindi ko ginagamit si Jennie? Anong ginagamit?!" Naguguluhang tanong ni Yoongi.
Ngayon ay pareho na silang naguguluhan na dalawa, parehong gulat sa mga nalalamang impormasyon. Parehong napapaisip kung bakit hindi agad nila kinompronta ang isa't isa at parehong nakatingin lang sa isa't isa habang nanlalaki ang mga mata.
"So hindi mo alam kung paano ka naging babae? At hindi mo rin alam kung paano ka bumalik sa pagiging lalaki?!" Dahan-dahang tanong ni Jin at tumatango naman si Yoongi.
"Hindi ka man lang nagsearch sa internet?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jin.
"Edi sana wala ako dito kung alam ko at isa pa sabi ni Jimin dati nagsearch daw sya pero wala syang makita na katulad ng sa akin." Paliwanag ni Yoongi.
"Jimin?" Tanong ni Jin, para bang mas lalong naging interesado, tumango si Yoongi kaya naman napangiti syang lalo.
"Ohh." Tumango tango si Jin na para bang may ideya na sya sa nangyayari kay Yoongi kaya naman agad syang tumayo, "May kukunin lang ako sa taas, dyan ka muna."
Sabi ni Jin bago siya naglakad papanik, si Yoongi naman ay ininom ang kape na hinanda ni Jennie, lamig na lamig na sya. Buti na lang di nagalit si Jin na umupo si Yoongi sa sofa kahit basa sya.
Pagbaba ni Jin ay may mga hawak syang libro, binagsak agad niya iyon sa lamesa at pinakita kay Yoongi, nakakunot ang noo ni Yoongi nang makita nya ang cover ng mga libro, medyo creepy ang hitsura ng mga libro.
"So alam mo yung myth about sa soulmate's 18th birthday wish?" Panimula ni Jin.
"H-Hindi? Anong meron dun?" Kinakabahang tanong ni Yoongi.
"God Yoongi! Di mo alam yun?!" Di makapaniwalang tanong ni Jin.
"For the nth time Jin! Wala ako dito para magtanong sayo kung alam ko!" Singhal ni Yoongi.
"Pero kahit man lang yun di mo alam?! Jusko taga san ka ba talaga? Galing ka pa yatang mars!" Ani Jin, "Yung myth na yun ay sinasabi nila na kapag natagpuan mo yung soulmate mo before ka mag-18 at magkasama kayo may matutupad na kahilungan mo."
"Huh? Ganun na yun?" Hindi makapaniqalang tanong
"Hindi eksaktong ganun, pero parang ganun." Kahit si Jin ay medyo naguluhan sa paliwanag niya, kaya naman kinuha niya ang libro at may hinanap siya.
"Hindi siya myth, it's actually a curse pero hindi masyadong masama kasi may mga taong natatapat na maganda yung nahihiling nila ng sabay, 1 in 100 million na tao lang ang nakakaranas ng ganto--"
"At paano mo naman nasabi na totoo yan?" Napataas ang kilay ni Yoongi at napahalukipkip.
"Been there, done that." Tipid na sagot ni Jin bago niya inabot ang libro kay Yoongi, "At isa pa? Hindi ba nararanasan mo na rin? Tapos di ka pa maniniwala sa akin?"
"A-Anong ibig sabihin mong been there, done that?" Naguguluhang tanong ni Yoongi.
"Wag mo nang itanong, basahin mo na lang 'yan."
Kaya naman kahit nagtataka ay mas inuna na lang ni Yoongi na basahin ang nakasulat sa libro. Pinapanuod lang siya ni Jin habang tahimik siyang nagbabasa, nang matapos niyang basahin ay napatingin siya kay Jin, medyo naguguluhan pa rin.
"H-Hindi ko maintindihan." Anito.
"Sus, ang ibig sabihin niyan may proseso kaya sobrang dalang talaga ng mga taong nakakaranas nyan, sa puntong inaakala nila na myth lang talaga yan pero hindi, totoo 'yan." Paliwanag ni Jin.
"Pagsapit ng 18th birthday, kahit isa sa inyo ang tumungtong sa edad na yun kung pareho kayo ng hiling sa mga oras na yun, mangyayari yun." Tipid na paliwanag nito.
"Ha? Edi sana marami ng tao ang nakaranas ng nararanasan ko?"
"Hindi, dahil kaylangan soulmate mo yung taong kasama mo."
"Paano mo malaman ng soulmate mo ang kasama mo?"
"Wala, walang makakaalam unless mangyari sa'yo yan, idagdag mo pa na ang chance na makita mo yung soulmate mo ay 1 in 10,000, so 0.010 percent lang."
"Huh? Ibig sabihin nakasama ko yung soulmate ko nung birthday ko? P-Pero nasa bar ako nun, ang dami kong nakasamang tao..." Hindi alam ni Yoongi ang mararamdaman niya, wala siyang matandaan sa mga mukha ng mga taong nakausap niya nun bukod si Jimin dahil si Jimin lang ang kasama niyang pumunta dun, iyun rin ang nag-uwi sa kanya.
"Well, malalaman mo rin naman kung sino yung soulmate mo. Ako may ideya na ako." Napataas ang kilay ni Jin, "Sabi nila matalino ka daw? Pero bakit parang ang bobo mo?"
"Excuse me?" Inis na tanong ni Yoongi, medyo na-offend sa sinabi ni Jin.
"Yoongi, ang way lang para matupad ang wish nyo kaylangan pareho kayo ng nararamdaman, kaylangan pareho rin kayo ng hiling at dapat..." Napahinto si Jin at napatingin kay Yoongi na naghahantay ng isusudlong ni Jin.
Napalunok si Jin at napaiwas ng tingin, "Dapat may nangyari sa inyo."
Naibagsak ni Yoongi ang mga hawak niyang libro sa huling sinabi ni Jin, parang walang pumapasok sa utak niya, hindi niya alam kung sino ang taong naka-sex niyang nung birthday niya dahil wala siyang ibang natatandaan nun kundi ang umiinom sila ng marami ni Jimin hanggang sa mawala silang dalawa sa sarili.
"W-What do you mean?" Naguguluhan lalo si Yoongi.
"May nakasexual intercourse ka nung birthday mo Yoongi, alalahanin mo kung sino para malaman mo kung sino yung soulmate mo kasi kung gusto mong mag-stay sa pagiging babae matutulungan ka niya-- actually hindi naman mahirap yun, sino ba yung nakasexual intercourse mo bago ka bumalik sa pagiging lalaki? Wala ka bang ideya? Kasi ako alam ko na kahit di ka magsalita, siya lang naman makakapagpabalik sa'yo sa pagiging babae nung nagiging lalaki ka kay Jennie--"
"P-Paano mo nalaman?! K-Kaya ba bumabalik ako nung nakaraan sa p-pagiging lalaki dahil kay J-Jennie kasi..."
"Kasi hindi na nagiging mutual yung feelings nyo ni Jim-- este nung soulmate mo, may nararamdaman ka sa pinsan ko kaya nawawala yung nararamdaman mo sa soulmate mo, babalik ka sa normal kapag ganun pero kapag may naramdaman ka ulit para sa kanya babalik ka sa pagiging babae mo, for example nung naghalikan kayo ni Jennie bakit hindi ka bumalik sa pagiging lalaki? Kasi hinalikan ka rin ni Jimi-- I mean nahalikan mo rin yung soulmate mo agad."
"A-Anong point mo?" Nauutal na tanong ni Yoongi, mabilis pa rin ang tibok ng puso dahil sa mga nalalaman.
"Gosh!" Napatayo si Jin sa sobrang pagkairita kay Yoongi, hindi niya alam kung nagtatanga tangahan lang ba to na walang naiintindihan o talagang tanga lang siya para hindi makita yung katotohanan.
"Tangina! Di mo pa rin ba naiintindihan Yoongi?! Si Jimin ang gumagawa ng dahilan para hindi ka bumalik sa pagiging lalaki, at oo! Si Jimin yung soulmate mo at oo! May nararamdaman kayo sa isa't isa at oo! May nangyari sa inyo nung birthday mo kaya ka naging babae!" Nanggigil na sigaw ni Jin para maipasok sa kokote ni Yoongi lahat ng yun.
Hindi nakapagsalita si Yoongi sa lahat ng sinabi ni Jin, kahit ang totoo niyan ay iyon rin ang nasa isip niya pero hindi nga lang siya makapaniwala-- or pinipilit nya ang sarili niya na huwag maniwala.
Nabalot silang dalawa ng katahimikan, walang nagsasalita sa kanilang dalawa, hanggang sa biglang may bumasag ng katahimikan, isang malakas na kalabog ang narinig nila mula sa hagdan, nakita nila si Jennie na nahulog mula roon pero hindi iniinda ang sakit dahil mukhang gulat rin siya sa kanyang narinig.
"Oh shit..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top