47

Dumating na ang araw na ayaw mangyari ni Yoongi, may pasok na ulit.

Nagising siya sa gitna ni Yoori at Jimin na parehong mahimbing pa rin ang tulog, nakayakap siya kay Yoori at nakayakap rin ito sa kanya habang si Jimin naman ay nakayakap mula sa likuran niya. Napabuntong hininga siya nang marealize niya ang pwesto nila, masyadong cute. Hindi siya sanay.

Kaya naman dahan-dahan siyang umalis sa pagitan ng dalawa habang sinusubukan na hindi masyadong gumalaw para hindi ito magising. 

Pagkatayo niya at pinagmasdan niya ulit ang dalawa bago niya inayos ang kumot nito, pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa kusina, hinanap niya ang panali ng buhok niya at nagtali agad siya bago niya kinuha ang apron at naghanap na ng mailuluto. 

Napatingin siya sa orasan at nakita niyang masyado siyang maagang nagising pero okay na rin yun para hindi sila malate ni Jimin. Habang nagluluto siya ay naramdaman niyang may yumakap sa likod niya kaya naman bahagya siyang natigilan.

Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga ni Jimin sa likod ng tenga niya.

Hindi niya alam kung bakit masyadong clingy ngayon si Jimin, hindi naman sa nagrereklamo siya pero wala naman silang ibang relasyon para magdidikit ito sa kanya, after all magkaibigan lang sila.

"Good morning." Bati nito habang halatang medyo inaantok pa dahil may pagkahusky pa ang boses nito.

Hindi siya pinansin ni Yoongi at nagpatuloy lang ito sa pagluluto kahit parang may koala na nakadikit sa kanya. 

"Panong gagawin natin kay Yoori?" Tanong ni Jimin.

"Iiwan natin siya dito." Simpleng sagot ni Yoongi.

"Pero baka kung anong mangyari sa kanya kapag naiwan siyang mag-isa dito--"

"Jimin! Wag ka ngang mag-isip ng kung anu ano." Iritadong sabi ni Yoongi.



"Shit, Jimin! Tawagan mo nga ulit si Yoori, narinig mo ba yung sinabi sa balita, may mga mangunguha ng bata tas binebenta nila sa mga sindikito, baka kung anong mangyari sa kanya, tawagan mo siya-- ay hindi bumalik tayo sa bahay, isama na natin siya sa school, bilisan mo iliko mo na 'tong sasakyan." Nagpapanic na sabi ni Yoongi simula nung makarinig siya sa radio ng batang babaeng nawawala. 

"Yoongi kumalma ka nga--"

"Paano ko kakalma?! Baka kung anong mangyari sa kanya, bilisan mo na!" Hawak-hawak ni Yoongi ang braso ni Jimin habang winawagwag niya ito.

"Yoongi, walang mangyayaring masama sa kanya. Nakalock yung pinto, tsaka matalinong bata si Yoori--"

"Hindi! Hindi! Paano kung may magbukas ng pinto tapos... tapos..." Halatang kung anu ano ang pumapasok sa isip ni Yoongi nang matigilan siya saglit. "Jimin, please ibalik mo na yung sasakyan, isama na natin si Yoori sa school."

"Baby, hindi pwede." Dahan-dahan tinanggal ni Jimin ang pagkakahawak nito sa braso niya bago niya hinawakan ang kamay nya para pakalmahin ito.

"Tatawagan natin si Yoori, wag ka ng kabahan. Nakalock yung pinto tapos may guard naman sa building, hindi naman basta lang makakapasok mga mangunguha ng bata dun. Kumalma ka muna please." Sabi ni Jimin habang kinukuha niya ang cellphone nya at tinawagan ang cellphone na binili niya para kay Yoori nung isang araw.

"Hello po?" Sumagot agad si Yoori.

Kinuha agad ni Yoongi ang cellphone kay Jimin, "Bakit inabot ka ng 5 seconds bago sagutin yung tawag?" Tanong ni Yoongi.

"Kasi po nasa lamesa yung cellphone."

"Sa susunod itabi mo na yung cellphone mo palagi sa'yo, pinag-aalala mo kami." 

Nangingiting pinagmamasdan ni Jimin si Yoongi, buti na lang at natraffic sila kaya napapanuod niya yung nag-aalalang mukha ni Yoongi.

"Okay po, sorry po." Sagot ni Yoori.

"Check mo kung nakalock yung pinto, basta kahit anong mangyari wag na wag mo 'yang bubuksan, kahit si Papa yung kumakatok wag mo pa rin bubuksan, itetext mo agad kami kapag may kakaiba kang napansin, kapag nagugutom ka kumuha ka agad ng pagkain sa ref,  may iniwan kaming pagkain dyan para sa'yo, wag na wag kang magpapalipas ng gutom, maliwanag ba?" Tanong ni Yoongi.

"Opo." Iyon lang ang sagot ni Yoori.

"At tsaka wag kang masyadong magtitig sa TV at tablet at--"

Magdadagdag pa sana si Yoongi pero kinuha na ni Jimin ang cellphone sa kanya, "Sige na Yoori, maglaro ka na ulit, papasok na kami ni Ate Mommy mo. I love you." Nakangiting sabi ni Jimin sa kabilang linya.

"I love you too, pati po si ate mommy pasabi po na I love her." 

Dahil nakaloud speaker iyon ay narinig iyon ni Yoongi, walang ekspresyon ang mukha niya nang tiningnan siya ni Jimin pero hindi niya maiwasang mapangiti kaya naman agad siyang lumingon sa bintana para hindi siya makita ni Jimin na napapangiti.

"Love ka rin ni ate mommy mo, sige na, bye na, sundin mo lahat ng bilin niya sa'yo ha." Paalala ni Jimin.

"Opo, ingat po kayo, hehe i love you both." Sabi ni Yoori bago niya pinatay ang tawag.

"See?" Humarap si Jimin kay Yoongi bago niya binulsa ang cellphone niya, "Okay lang si Yoori, wag kang masyadong mag-alala. 

Tumango na lang si Yoongi pero hindi pa rin niya maiwasan na isipin si Yoori.



Kahit nagkaklase ay panay ang isip pa rin ni Yoongi kay Yoori, hindi niya alam na ganto pala ang mangyayari kapag may inaalagaan kang bata. Kaya naman nang tumunog na ang bell ay nagmamadali siyang tumayo kaya naman tumama siya kay Jin.

"Sorry." Mabilis na sabi ni Yoongi.

"Okay lang Yoongi." Tipid na sagot ni Jin, normal lang na sagot pero biglang napahinto si Yoongi dahil narealize niyang tinawag siyang Yoongi nito, naestatwa siya sa kinatatayuan niya kaya naman nang mapansin iyon ni Jin ay napanganga ito.

"Ayy, Yoonji pala. Sorry nalito lang." Natatawang sabi ni Jin, halatang sinasadya niya.

Nagkatinginan sila ng ilang segundo, walang nagsasalita sa kanilang dalawa kaya naman nang makita ni Jimin ang nangyayari ay agad siyang lumapit kay Yoongi at hinawakan niya ito sa braso para sana hatakin na si Yoongi papalayo si Jin kasi halatang may away na nangyayari sa titigan nila.

"Nandyan na pala boyfriend mo-- ayy, friend pala. Sorry nalito lang ulit ako." This time halatang sarkastiko na ang pagkakasabi ni Jin kaya naman napayukom ang kamao ni Yoongi at napansin iyon ni Jimin.

"Bro, ano bang problema mo?" Tanong ni Jimin.

"Wala naman, baka kayo may problema? Etong kaibigan mo, ang mukhang may malaking problema." Halatang may gustong iparating si Jin kaya naman naman napipikon na talaga si Yoongi pero mas pinili niyang lagpasan na lang ito. 

Sinadya na rin na banggain si Jin sa braso bago naglakad ng mabilis papalabas ng classroom, nagulat si Jimin dahil sa biglang paglabas ni Yoongi pero bago siya sumunod dito ay tiningnan niya ng masama si Jin.

Habang kalmado lang si Jin na nakipagtitigan sa kanya, pero sa huli ay napangiti si Jin ng sarkastiko kaya napakunot ang noo ni Jimin bago niya sinundan si Yoongi.

Paglabas nya ng classroom para hanapin si Yoongi ay biglang may humila sa kanya papasok sa isang classroom na walang tao. Pagkasarado ng pinto ay bumungad sa kanya si Yoongi kaya naman naguluhan siya pero bigla na lang itong nagsisigaw.

"Oh shit, oh shit, oh shit!" Paulit-ulit na sigaw ni Yoongi kaya naman mas lalong naguluhan si Jimin pero nang hawakan niya si Yoongi para pakalmahin ay biglang hinawakan rin siya nito sa braso nang mas mahigpit.

"May alam si Seokjin tungkol sa akin!"

Oh shit... 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top