46

"Pakiramdam ko talaga may nakatingin sa atin kanina pa."

Napairap si Jimin sa kawalan bago niya sinarado ang pinto ng apartment nila, pinagmasdan niya si Yoongi na bigla na lang nahilata sa sofa habang si Yoori naman ay abala sa pagtanggal ng sapatos niya.

"Kung anu ano naman kasi iniisip mo Yoongs, akala mo lang yun."

Ibinaba ni Jimin ang mga pinamili nila saglit para tulungan si Yoori sa pagtanggal ng sapatos. 

Napatigil si Yoongi sa pagcecellphone niya at napatingin kay Jimin na tinitulungan si Yoori, bago siya mabilis na nag-iwas ng tingin, kinuha ni Jimin ang pinamili nila bago niya iyon inayos sa kusina, si Yoori naman ay agad nagtatakbo papuntang sala para kunin ang remote at iabot iyon kay Yoongi.

Tiningnan ng masama ni Yoongi si Yoori pero hindi nagpatinag si Yoori kaya naman walang nagawa si Yoongi kundi buksan ang tv at bumalik na lang ulit sa pagcecellphone.

"Kung papayagan mo lang ako, magwawalwal talaga ako ngayong bagong taon. Mukhang masaya yung party mamayang gabi kila Jungkook." Ani Yoongi.

"Nah, balita ko hindi sila matutuloy sabi ni Taehyung." Sagot ni Jimin habang nagsisimulang ayusin ang mga lulutuin.

"May napapansin ka bang kakaiba sa dalawang yun?" Tanong ni Yoongi kay Jimin.

"Hmm? Close na sila?" Napaisip si Jimin pero wala naman siyang napapansin na kakaiba pero syempre arte lang niya yun, alam niyang may kakaiba sa dalawa, nakita niya.

"Exactly! Inis sila sa isa't isa dati. Binubully pa ni Jungkook si Taehyung dati dahil nerd siya di ba?" Giit ni Yoongi.

"Bakit bawal na ba sila magkabati?" 

"Hindi sa ganun, sa tingin ko nagwiweeds silang dalawa kaya sila nagkakasundo, balita ko may nakakita daw estudyante sa kanila sa isang abandonadong classroom na silang dalawa lang." Napababa si Yoongi sa cellphone niya, "Lagi silang magkasama, so weird." 

Agad napataas ang kilay ni Jimin sa sinabi ni Yoongi, pero nagkibit balikat na lang siya.

"Hindi ganun si Taehyung." Giit ni Jimin habang naghihiwa ng mga gulay. "At isa pa, lagi rin tayong magkasama dati hanggang ngayon pero walang naghinalay nagwiweeds tayo."

"Pero hindi tayo nagkikita sa abandonadong classroom!" Giit ni Yoongi.

 Napairap ulit si Jimin at bored na binalingan ng tingin si Yoongi bago niya binalik ulit ang tingin sa hinihiwa nya bago siya mapabuntong hininga. 

"Yeah, yeah, di tayong nagkikita sa abandonadong classroom dahil nagkikita tayo sa likod ng school." Sarkastikong sabi ni Jimin.

Napatigil si Yoongi sa sinabi ni Jimin, "Oo nga, pero hindi tayo nagwiweeds." Giit ulit ni Yoongi.

"Ikaw lang naman nagsasabi na nagwiweeds sila, malay mo may iba silang ginagawa dun!" 

"Ano po yung weeds?" Tanong ni Yoori. 

Agad nanlaki ang mata ni Jimin, "W-Wala yun Yoori, tuloy mo lang panunuod mo." Utos ni Jimin.

Tumango si Yoori at nanuod na lang ulit.

"Ang nonsense!" Sigaw ni Yoongi, "Wala silang pwedeng ibang gawin dun kundi magweeds, mas gugustuhin ko ng isipin yun kaysa isipin na nagsesex sila." Ani Yoongi.

Nanlaki ulit ang mata ni Jimin.

"Ano po yung sex?" Tanong ulit ni Yoori.

Napabuntong hininga si Yoongi, "Yung sex, kapag yung dalawang tao--"

Natigilan sa pagsasalita si Yoongi ng may kamatis na tumama sa batok niya, inis na inis niyang nilingon si Jimin na mukhang naiinis rin sa kanya.

"Manahimik ka." Mariin na banta ni Jimin kay Yoongi pero nung humarap siya kay Yoori ay mabilis siyang ngumiti.

"Yoori, yung sex... parang gender siya, halimbawa ikaw, female ka, ako male. Ganun." 

Tumango na lang si Yoori bago niya binalik ulit ang tingin sa TV, napasinghap si Yoongi dahil sa sinabi ni Jimin.

Napatingin sa kanya si Yoongi bago binalik ulit ang tingin sa cellphone pero napadouble look pa si Yoongi nang marealize niya kung anong ginagawa ni Jimin kaya naman agad bumangon si Yoongi sa pagkakahiga niya at tumakbo patungo sa kusina.

"Ako na dyan, dun ka na. Samahan mo si Yoori." Giit ni Yoongi habang inaagaw ang mga hawak ni Jimin, napakunot ang noo nito pero hinayaan na lang niyang kunin iyon ni Yoongi sa kanya.

"Tutulungan na kita, mukhang kaya naman ni Yoori mag-isa." 

Tiningnan lang siya ni Yoongi bago nito sinimulan ang pagluluto. Ang sinasabi ni Jimin na tutulungan ay nauwi sa panunuod, ngayon ay pati si Yoori ay nanunuod na rin.

Nakakandong si Yoori kay Jimin at pareho silang nakapangalumbaba habang pinapanuod nilang dalawa na magluto si Yoongi, kapag napapatingin si Yoongi sa kanilang dalawa ay napapangiwi ito, nagtataka kung bakit nakangiti si Jimin at Yoori habang pinapanuod siya.

"Kuya Daddy, kapag laki ko tapos naging wife na rin ako, magluluto rin ako parang si Ate Mommy." Paliwanag ni Yoori kay Jimin habang nakangiti ito at nangangarap.

"Wife? Hindi ako wife." Giit ni Yoongi, medyo naiirita sa presensya ng dalawa.

"Gusto mo maging katulad ni Ate Mommy mo? Masarap magluto?" Tanong ni Jimin at tumango naman agad si Yoori, hindi pinapansin ang naiiritang si Yoongi.

Nagpatuloy si Yoongi sa paghahanda ng mga pagkain hanggang sa nainis na talaga siya sa dalawa na walang ibang ginawa kundi panuorin siya at pag-usapan siya na para bang wala siya dun. Ginagawa siyang babaeng babae ni Jimin sa paningin ni Yoori kaya mas lalong naiirita si Yoongi.

"Kayong dalawa, tulungan nyo ko dito." Tinuro ni Yoongi ang cake na kakaalis pa lang niya sa oven, pagkalapag niya noon ay mabilis siyang nagpunta sa kalan para patayin yung isa pa niyang niluluto.

"Alright Yoori, tulungan na natin Ate Mommy mo." Sabi ni Jimin bago niya binaba si Yoori at dinala iyon sa tapat ng cake, bumalik si Jimin para kunin ang bangko para may matuntungan si Yoori.

Inayos ni Yoongi lahat ng mga pagkain para ang cake na lang ang natitirang aayusin nila. Hindi naman talaga gusto ni Yoongi na magkaroon pa ng cake pero gusto ni Yoori na gumawa nito, at dahil masyadong ini-spoiled ni Jimin ang bata ay bumili ito ng mga sangkap.

Kapal ng mukha di naman marunong magluto at magbake, sa isip-isip ni Yoongi nung bumili ito.

"Ate Mommy, look!" 

Napatigil si Yoongi sa pag-aayos dahil hinawakan ni Yoori sa manggas ng shirt niya, napatingin siya sa super excited na si Yoori, kitang kita mo na halos parang may lumabas na stars sa mata nito. Kaya naman agad tiningnan ni Yoongi sa tinuturo ni Yoori.

Nagsimula na para maglagay ng icing si Jimin at Yoori, nakita niyang nilalagyan iyon ng design ni Yoori, may drawing iyon ng isang babae, isang lalaki, at isang maliit na batang babae.

"Ikaw po yan, tas si kuya daddy, tapos ako 'tong little girl." Paliwanag ni Yoori habang nakangiti siya kay Yoongi, walang emosyon sa mukha si Yoongi habang pinagmamasdan niya yung drawing ni Yoori.

"Ako yung lalaki." Sabay turo ni Yoongi sa lalaking stick na drawing ni Yoori.

"No, ikaw yung girl ate mommy." Giit ni Yoori.

"Lalaki ako Yoori." Giit naman pabalik ni Yoongi kaya naman mabilis na naguluhan si Yoori at para bang hindi niya alam kung anong sasabihin niya. 

Unti-unting namuo ang luha sa mata ng batang babae kasi iniisip nya na nagagalit sa kanya si Yoongi dahil panget yung drawing nya sa girl kaya mas gusto nito yung boy. Nang makita ni Jimin iyon ay nagpanic agad ito dahil hindi niya alam kung papaano iyun papatahanin if ever man na magtantrum iyon sa kanya.

Nagulat rin si Yoongi nung makita niya na naiiyak si Yoori pero hindi niya alam kung anong irereact niya kaya naman walang lumabas na emosyon sa mukha niya, nakatitig lang siya sa bata na malapit ng umiyak.

"Akin na 'yan." Mabilis na drinawingan ni Jimin ng bangs yung babae na ginawa ni Yoori.

Parehong napatingin dun si Yoongi at Yoori, "Wala kasing bangs yung drawing mo Yoori kaya akala ni Ate Mommy mo ibang girl kasama ko, nagseselos siya." Paliwanag agad ni Jimin.

Pero imbes na macomfort si Yoori ay mas lalo siyang na-sad dahil iniisip niya na naging sad si Yoongi dahil sa drawing niya na ibang girl dahil walang bangs.

"I'm s-sorry." Agad nabasag ang boses ni Yoori at naging isang malakas na iyak iyon.

Nataranda si Jimin nang makita na niya itong umiiyak.

Kaya naman hinila ni Yoongi si Jimin para makalapit siya sa cake bago niya nilagyan ng drawing na magkakahawak na kamay. Dahan-dahan napatigil si Yoori sa iyak habang tinitingnan niya ang ginagawa ni Yoongi.

"Gusto ko kasi magkakahawak ng kamay para walang mamawala sa ating tatlo, wag ka na umiyak." Pinunasan ni Yoongi ang luha sa mata ni Yoori kahit wala pa rin siyang emosyon habang ginagawa iyon.

Hindi siya marunong magcomfort ng tao, mas lalong di siya marunong magpatahan ng bata kaya naman pinagdadasal na niya sa utak niya na sana tumigil na agad sa pag-iiyak dahil hindi niya kakayanin na ang sasalubong sa bagong taon niya ay isang batang nagtatuntrums.

Madali pa naman siyang mairita.

"I'm sorry Ate Mommy." Mabilis na niyakap ni Yoori si Yoongi, natigilan si Yoongi dahil sa ginawa ni Yoori pero sa huli ay dahan-dahan nya rin itong tinapik bago niyakap rin ng maghipit.

"Sali ako." Nakiyakap rin si Jimin pero sinamaan agad siya ng tingin ni Yoongi, pero dahil ayaw magpapigil ni Jimin ay pinagpatuloy lang niya ang pagyakap sa dalawa kahit sinisiko na siya ni Yoongi.

"I'm sure, eto ang pinakamasayang salubong ko sa bagong taon." Mahinang sabi ni Jimin kaya naman dahan dahang napatingin sa kanya si Yoongi.

"Ako rin." Sa isip ni Yoongi.


Nasa terrace silang tatlo habang may hawak na sparklers, eto lang yung pinayagan ni Yoongi na bilhin nila. Panay ang picture ni Jimin kay Yoongi at Yoori, hanggang sa napatingin si Yoongi sa kanya.

"Kanina ka pa picture ng picture dyan, ibaba mo muna yung camera." Inis na sabi ni Yoongi.

"Wait, picture muna tayong tatlo." Hinarap ni Jimin ang camera sa kanila, kaya naman agad na ngumiti yung dalawa para sa picture. 

Ngiting ngiti si Jimin nang makita niya ang kuha nilang tatlo. Mabilis niyang inilapag ang camera at lumapit sa dalawa, nang maubos ang sparkler na hawak nila ay saktong nag-alarm ang cellphone ni Jimin hudyat na malapit nang mag-alas dose ng gabi.

Nagcount down silang tatlo habang hinahantay nila ang mga fireworks at pagtungtong ng alas dose ay biglang yumakap nang mahigpit si Yoori kay Yoongi kasabay nang malakas na pagputok ng mga fireworks.

"Happy new year ate mommy." Bati ni Yoori bago siya lumipat naman kay Jimin at yinakap rin ito, "Happy new year kuya daddy." 

"Happy new year baby Yoori." Yumakap pabalik si Jimin habang pinapanuod lang sila ni Yoongi. 

Nang marealize iyon nang dalawa ay agad silang nag-angat nang tingin kay Yoongi. "Happy new year mommy." Nang aasar na sabi ni Jimin kay Yoongi habang nakangisi.

"Anak ba kita." Singhal ni Yoongi kay Jimin, pero nung malipat ang tingin niya kay Yoori ay agad naging maamo ang mukha niya.

"Happy new year Yoori." Awkward na ni Yoongi kay Yoori bago niya hinalikan ito sa noo.

Nang tumayo si Yoongi ay nagkapantay silang dalawa ni Jimin, "Happy new year Jimballs--"

Natigilan si Yoongi nang bigla siyang yinakap ni Jimin ng mahigpit, "Yoori." Tawag ni Jimin sa nakatinging si Yoori.

"Yes po." Naintindihan agad iyon ni Yoori at kaya mabilis itong nagtakip ng mata.

Mabilis na hinalikan ni Jimin si Yoongi sa labi, natigilan si Yoongi nang ilang segundo pero sa huli ay pinalupot rin niya ang kamay niya kay Jimin at hinalikan ito pabalik.

"Tapos na po ba kayo? Baka di na po ako makapanuod ng fireworks." Mahinang sabi ni Yoori.

Kaya naman tumigil na si Jimin at Yoongi, "Okay na Yoori, makakanuod ka na ng fireworks." 

Tinanggal agad ni Yoori ang takip sa mata niya para mapanuod ang fireworks, nakayakap si Jimin kay Yoongi mula sa likod habang nakapatong sa baba niya sa balikat nito. Ito na yata ang pinakamasayang new year para sa kanilang tatlo.

Lalong lalo na kay Yoori dahil ngayon lang niya naranasan magkaroon ng pamilya sa bagong taon.


------


"Ano gusto mong mauna, Kook? Good news or bad news?" 

Napaisip si Jungkook bago niya ininom ang canned beer na hawak niya, nasa bubong silang dalawa ni Taehyung habang nakatingin sa mga fireworks.

"Hmm, bad news na lang." Sagot ni Jungkook.

Napatango si Taehyung at uminom rin ng canned beer, "Nagkasakit si Author kaya ilang araw siyang walang update, tsaka balita ko malapit na rin matapos yung story na 'to." 

Napakunot ang noo ni Jungkook, "Sino naman nagsabi sa'yo nyan?" 

"Si Author, duh. Close kaya kami." Giit ni Taehyung.

Nagmake face si Jungkook habang ginagaya niya ang mga sinasabi ni Taehyung. "Oh, ano yung good news?" Tanong niya pagkatapos niyang mag-iirap.

"Hind naman eksaktong good news 'to, pero dahil nagkasakit si author at bed rest siya ng two months dahil bawal pa siya magkikilos sabi nung doctor, it means di siya makakapasok sa school ng 2 months. So ibig sabihin madadalas ulit pag-update niya." Paliwanag ni Taehyung.

Napatango-tango si Jungkook, "Ahh. Good news na yun?" Sarkastikong tanong ni Jungkook.

Napairap si Taehyung at hindi na lang pinansin si Jungkook, hindi niya alam kung bakit kinakausap pa niya ito, at lalong lalo na kung bakit siya ang kasama niya ngayong new year.

"Iyon rin ba yung sinasabi mong good news nung nakaraan?" Out of nowhere na tanong ni Taehyung.

"Syempre hindi." Mariin na sabi ni Taehyung.

"Ano yung good news na yun?" Tanong ni Jungkook.

"Secret." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top