44
Nakaunan si Yoongi sa braso ni Jimin habang hawak hawak nya ang panga nito, malalim nyang hinahalikan ang labi ni Jimin kaya naman napapangiti ang binata, ngayon lang nya nakitang ganto ka-needy si Yoongi. Kaya naman sinasamantala na nya ang pagkakataon at pumapayag siya na si Yoongi ang gumagawa ng mga gawain na dapat lalaki ang nauuna.
Ang totoo nyan kakatapos lang nilang maligo dahil buong araw silang naglinis ni Yoongi ng kabilang kwarto na puno ng mga kalat nila, para gawing kwarto ni Yoori. Kaya naman ng makatapos sila at mapatulog nila si Yoori ay nagkulong na silang dalawa sa kwarto.
"Umayos ka ng higa." Utos ni Yoongi pero napatingin lang si Jimin sa kanya dahil nakahiga ito sa braso nya kaya hindi makakaayos si Jimin.
Nagkatinginan lang silang dalawa bago napairap si Yoongi at pumatong na lang kay Jimin. Idinidiin ni Yoongi ang kamay ni Jimin sa kama habang si Jimin naman ay pinagmamasdan lang nya ang kanyang kaibigan kung gaano ito kaganda habang may tumatamang malumanay na kulay ng liwanag lampshade sa kanyang mukha habang madilim ang buong paligid.
Hinalikan ni Yoongi ang ilalim ng tenga ni Jimin kaya naman mas lalong bumigat ang paghinga ni Jimin.
Binitawan ni Yoongi ang isang kamay ni Jimin para maitaas nya ang damit ni Jimin, marahang hinahawakan ni Yoongi ang bawat parteng madadaanan ng kamay nya pababa.
"Y-Yoonji..."
"Tang ina Jimin, Yoongi ang pangalan ko. Umayos ka."
"Isang tawag mo pa sa akin ng Yoonji kapag tayong dalawa lang magkasama hindi mo na ulit ako mahahawakan." Banta pa nito.
"S-Sorry..." Mahinang sabi ni Jimin, "sa totoo lang di naman big deal sakin kung ano itawag ko sayo kaya kung anong lumabas sa bibig ko yun nalang, kahit naman anong mangyari ikaw pa rin naman yan." Paliwanag nito.
"Tss, nagpapalusot ka pa halata namang yung babaeng ako lang ang gusto mo." Itinigil ni Yoongi ang paghawak kay Jimin.
"Hindi ah." Dipensa agad ni Jimin.
"So umaamin ka na gusto mo ako dati pa lang?" Napataas ang kilay ni Yoongi.
"H-Ha?" Naguguluhang tanong ni Jimin.
"Kasi ilang buwan na ang nakalipas simula nung maging babae ako, kung hindi lang ang babaeng ako ang gusto mo then umaamin ka na ba na nabakla ka sa akin noon?" Kunot noo na tanong ni Yoongi.
Hindi nakasagot si Jimin.
"See? Di mo pwedeng i-set 'yang future mo sa akin kasi di natin alam kung babalik ba ako sa pagiging lalaki o hindi na—"
Biglang binaliktad ni Jimin ang pwesto nilang dalawa ni Yoongi, si Yoongi na ang nasa ilalim ngayon.
"Hindi mo ba natatandaan lahat ng nangyari nung 18th birthday mo, bago ka maging babae kinabukasan?"
"Jimin lasing tayo noon—"
"Ikaw lang ang lasing nun Yoongs. Nasa matino pa kong pag-iisip nung mga oras na yun."
"Wala akong natatandaan." Giit ni Yoongi.
"Edi papaalala ko sa'yo." Mabilis na hinalikan ni Jimin ang mga labi ni Yoongi.
Mabilis ang tibok ng puso ni Yoongi nang maramdaman nya ang labi ni Jimin, hindi nya alam kung bakit parang may iba sa halik ni Jimin ngayon.
Nang humiwalay si Jimin ay nagkatitigan na naman silang dalawa.
"Yoongi hyung, mahal na yata kita."
"Ha?"
"Mahal kita."
"Jimin—"
"Pero hindi tayo pwede kasi hindi matatanggap ng pamilya ko." Diretsong sabi ni Jimin.
"Anong sagot ko?" Kalmadong tanong ni Yoongi ng maalala nya ang ilan sa mga sinabi ni Jimin.
"Sabi mo..." napatigil saglit ito pero hinawakan ni Yoongi ang labi ni Jimin para hindi na ituloy ang sasabihin nya.
"Mahal rin kita." Ani Yoongi, "Yan ang sagot ko hindi ba?"
Tumango si Jimin, akala nya ay kaya lang sinabi ni Yoongi iyon ay dahil lasing na lasing ito at inakala nyang random na babae si Jimin dahil ganun talaga si Yoongi kapag nalalasing.
"Pero hindi nga tayo pwede." Ani Yoongi.
Tumango nalang ulit si Jimin sa tanong ni Yoongi, pero naramdaman niyang niyakap siya nito kaya naman gumaan ng kaunti ang loob niya, minsan lang talaga maging ganto si Yoongi sa kanya, or ngayon lang talaga nagkaganito si Yoongi.
"It's okay, di naman natin kaylangan ipilit." Mahinang sabi ni Yoongi, hindi alam ni Jimin kung ibig sabihin nya dun kaya tumahimik na lang siya.
Hinalikan niya sa noo si Yoongi pero banalikan siya nito ng halik sa labi, kahit ilang ulit na nilang ginawa ito, hindi pa rin nila alam kung ano ang relasyon nilang dalawa. Nasasanay na sila na puro sila landian pero hindi nila nililinaw kung ano ang meron sila.
Hinihimas ni Jimin ang buhok ni Yoongi habang patuloy sila sa marahan nilang paghahalikan pero napatigil sila nang may kumatok sa pinto.
"Wag mong pansinin, multo lang 'yun." Ani Yoongi habang kinukuha ulit ang atensyon ni Jimin.
Tiningnan siya ng masama ni Jimin. "May kasama na tayo sa bahay, imposibleng multo yun."
Napairap si Yoongi.
"Bukas yan Yoori." Sigaw ni Jimin. Dahan-dahan bumukas ang pinto at bumungad si Yoori na nakapajama at may hawak-hawak na teddy bear. Nakatingin siya kay Yoongi at Jimin na parehong mukhang sabog.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Inis na tanong ni Yoongi kaya naman tiningnan ulit siya ng masama ni Jimin.
"Hindi po ako makatulog." Nakayukong sabi ni Yoori.
"Hala, bakit naman?" Agad na bumangon si Jimin sa kama para puntahan si Yoori, "Natatakot ka ba mag-isa?" Tanong ni Jimin nung umupo siya sa harap ni Yoori para magkapantay sila. Tumango si Yoori sa tanong niya.
"Hindi po ako sanay na mag-isa tsaka po naninibago pa po ako sa lugar." Nahihiyang paliwanag nito.
"Aww, dapat sinabi mo agad sa akin para dito na kita pinatulog agad sa kwarto." Ani Jimin.
"Wait, what?!" Sigaw ni Yoongi kaya tiningnan ulit siya ng masama ni Jimin pero nakipagbalikan lang ng masamang tingin si Yoongi hanggang sa binalik ni Jimin ang tingin kay Yoori ay nakangiti na ulit ito.
"Dito ka na lang muna matulog sa tabi namin ni Ate mo ha?" Ani Jimin kaya tumango agad si Yoori.
"Ate?" Side comment ni Yoongi bago umarte ng nasusuka.
Binuhat ni Jimin si Yoori at inihiga sa tabi ni Yoongi, nakangiwi lang si Yoongi habang nakatingin siya kay Yoori. Nahiga na rin si Jimin sa tabi ni Yoori kaya't nakagitna sa kanila ang bata.
Nagsesenyasan si Jimin at Yoongi habang pinapatulog ni Jimin si Yoori, nag-aayaw silang dalawa gamit lang ang tingin, gusto kasi ni Yoongi na paalisin si Yoori pero ayaw naman ni Jimin. Hindi malaman kung papaano sila nagkakaintindihan na dalawa.
Pero sa huli ay nanalo rin si Jimin dahil nakatulog na si Yoori at wala ng nagawa si Yoongi.
Magkatinginan silang dalawa ni Jimin habang inaayos ni Jimin ang kumot nilang tatlo.
"Goodnight." Bulong ni Jimin nang bahagya siyang mapalapit kay Yoongi nung inayos niya ang kumot. Umirap lang si Yoongi sa kanya bago mahinang sumagot rin ng goodnight.
Napangiti si Jimin dahil sa inasta ni Yoongi, kahit ilang beses itong umarte ng masungit, alam niyang soft pa rin ang puso nito kay Jimin at sa kapatid niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top