40

"Hoy puta ka! San ka pupunta?!" 

Nanlaki ang mata ni Jimin dahil sa sigaw ni Yoongi, agad na sumenyas si Jimin kay Yoongi na huwag sumigaw habang tinuturo ang sanggol na hawak ni Yoongi  na mahimbing na natutulog.

"May kukunin lang ako." Mahina pero mariin na sabi ni Jimin.

"Wag mo kong iwan dito kasama yung sanggol na 'to. Kunin mo 'to!" Sigaw ni Yoongi habang hindi pa rin makagalaw ng ayos sa takot na baka masaktan niya ang bata.

"Saglit lang, okay?" Ani Jimin bago lumabas na ng kwarto. 

Napatingin si Yoongi sa sanggol baka siya napasinghap, gusto niyang umalis sa pwesto niya pero hindi siya makagalaw dahil ayaw niyang magising yung sanggol, takot rin siya na baka mahigpitan niya ang hawak dito at masaktan ito, takot rin siya na baka malaglag niya ito or kung ano man na posibleng magawa niyang katangahan.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Jimin na may hawak na mistletoe habang may malawak na ngiti na nakaguhit sa mukha niya, halos hindi na rin makita ang kanyang mata.

"Dude, ano nginingiti ngiti mo dyan?" Inis na tanong ni Yoongi, may ideya na sa pinaplano ni Jimin.

Tinuro ni Jimin ang wall clock kaya naman napatingin rin si Yoongi dun. Christmas na.

"Park Jimin, wag mo kong simulan." Banta ni Yoongi pero mas lalo lang napangiti si Jimin.

Tinapat niya ang mistletoe sa ulo ni Yoongi kaya naman napairap sa kawalan ang walang magawa na si Yoongi dahil sa hawak niyang baby, kung kaya niya lang sapakin si Jimin ngayon ay baka ginawa na nga nya.

"So... Kiss?" Tanong ni Jimin.

"Ayoko." Tipid na sagot ni Yoongi.

"Masama ang tumanggi sa halik kapag nasa ilalim ng mistletoe." Paliwanag ni Jimin.

Napairap ulit sa kawalan si Yoongi, "Okay okay, sige na nga."

"T-Talaga? Pumapayag ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jimin, hindi naman kasi niya in-expect na papayag si Yoongi, tumango lang ito sa kanya kaya naman mas lalo siyang nabigla.

Mabilis siyang yumuko para magkapantay ang mukha nilang dalawa ni Yoongi na ngayon ay nakaupo sa kama habang buhat buhat ang baby, habang si Jimin naman ay nakayuko habang hawak ang mistletoel, naghahantay na halikan siya ni Yoongi.

"Pikit ka." Utos ni Yoongi.

Agad namang pumikit si Jimin, pagkapikit ni Jimin ay pinagmasdan lang ni Yoongi ang mukha ng binata sa malapitan, inisa-isa niyang tingnan ang mga bagay na gusto niya kay Jimin, it means tiningnan niya ang buong mukha ni Jimin.

Nang maramdaman ni Yoongi na ididilat na ni Jimin ang mata niya ay agad idinikit ni Yoongi ang kanyang labi.

Agad napadilat si Jimin nang mapansin niyang ilang segundo na ang lumipas pero wala pa ring labi na dumadapo sa kanyang labi, kaya naman pagdilat niya ay napasinghap siyang bigla dahil nakita niyang hinalikan ni Yoongi ang baby sa noo nito.

Nang makita ni Yoongi ang disappointment sa mukha ni Jimin ay agad siyang nagsalita, "Kaming dalawa nitong pamangkin mo ang nasa ilalim ng mistletoe." 

Napanguso si Jimin sa sinabi nito, "So walang Christmas kiss para sakin?" Tanong niya habang nagpapacute.

"Bakit? Required ba?" Sarkastikong tanong ni Yoongi bago nya binalik ang tingin niya sa baby na mahimbing pa rin na natutulog.

"Kaibigan lang naman kita ah?" Mahinang sabi nito, hindi tumitingin kay Jimin sa takot na makita ang reaksyon nito sa sinabi niya, alam niyang masakit yung sinabi niya kasi naisip niya na kung sa kanya sinabi iyon ay masasaktan rin sya, pero wala eh.

Medyo gago pa rin talaga si Yoongi.

Agad binaba ni Jimin ang mistletoe dahil nangangawit na siya.

At tsaka di na siya umaasang hahalikan siya ni Yoongi. Alam niyang wala siyang matinong maisasagot sa sinabi nito, idagdag mo pa na parang may karayum na tumusok sa dibdib niya dahil sa sinabi ni Yoongi kaya tumahimik nalang siya.

Mabuti nalang ay biglang may kumatok sa pinto kaya naman nawala ang awkward na atmosphere sa bumabalot sa loob ng kwarto, agad napatingin ang dalawa doon at bumungad sa kanila ang pinsan ni Jimin.

"Kunin ko lang si baby." Anito, agad namang tumango si Jimin at Yoongi.

"Nakaabala ba ko? Hehe." Awkward na sabi nito habang dahan-dahan siyang lumalapit para kunin ang kanyang anak kay Yoongi na medyo nangangawit na rin sa pagbubuhat kanina pa sa baby.

"Hindi naman." Sagot ni Jimin.

Pagkakuha niya sa baby ay naglakad na agad siya papalabas ng kwarto pero bago siya tuluyang lumabas ay humarap siya sa dalawa, "Wag muna kayo mag-aanak na dalawa ha, wag kayong gagaya sakin, mahirap mag-aral at mag-alaga ng sabay."

Agad napanganga ang dalawa sa sinabi nito, pero dahil naalala nila na akala nga pala ng lahat ay may relasyon sila kaya naman awkward na tumango nalang ang dalawa bago sila nagtinginan, pinanlakihan ng mata ni Yoongi si Jimin habang may pekeng ngiti na nakaguhit sa labi niya.

"Sige na, mauna na ako ha. Uuwi na kami para makapag-celebrate sa bahay, Merry Christmas sa inyong dalawa." Ngumiti ito kay Yoongi at Jimin.

"Merry Christmas rin." Halos sabay na bati ng dalawa.

Pagkasarado ng pinto ay mabilis na kinuha ni Yoongi ang unan at hinampas iyon kay Jimin, "May atraso ka sa akin loko ka! Sino nagsabing ipagkalat mo na may relasyon tayo ha?!" Singhal nito.

"Hindi ko pinagkakalat! Nag-assume lang sila." Isinasangga ni Jimin ang kanyang kamay para hindi siya matamaan ng sunod-sunod na paghampas ni Yoongi sa kanya gamit ang unan.

"Sinungaling!" Mas nilakasan ni Yoongi ang kanyang paghampas habang pilit siyang pinipigilan ni Jimin.

"Hindi ako nagsisinungaling!" Mabilis na inagaw ni Jimin ang unan kay Yoongi.

Para hindi ito makapalag ay mabilis niya itong ipinako sa kama, naramdaman niyang sisipain siya ni Yoongi sa private part niya kaya naman mabilis niyang inipit ang binti nito.

"Listen Yoongi." Mas idiniin niya ang kamay ni Yoongi sa kama dahil pumipiglas ito, mabuti nalang at babae ito ngayon, sa tingin kasi niya ay medyo naging physically weak si Yoongi nung naging babae ito.

"Pwede naman natin totohanin yung akala nila." 

Napakunot ang noo ni Yoongi, "Ano!?" 

"Pwede naman natin totohanin na tayong dalawa, ikaw, tapos ako, may relasyon." 

Natigilan si Yoongi sa pagpipiglas habang nakatingin siya ng diretso sa mga mata ni Jimin, napansin niyang seryoso ang mukha nito, naghahantay lang talaga siya na bawiin ni Jimin ang sinabi niya, yung tipong sisigaw ito ng 'joke' tapos magpi-peace sign sa kanya pero ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin ito binabawi ni Jimin.

Napabuntong hininga si Yoongi habang diretso pa rin ang tingin niya sa mukha ni Jimin na seryoso pa rin.

"Ayoko." Tipid na sagot ni Yoongi na naging dahilan para napanganga si Jimin, bumakas sa mukha niya ang disappointment sa sinabi ni Yoongi pero mabilis niyang inalis iyon sa pamamagitan ng pag ngiti.

"Pag-isipan mo muna, baka sakaling magbago isip mo." Umalis si Jimin sa ibabaw ni Yoongi pagkasabi niya noon.

Pinagmasdan lang siya ni Yoongi habang hinahanap ni Jimin ang kanyang tsinelas, "Sa kabila ako matutulog." Paalam ni Jimin, tango lang ang tugon ni Yoongi.

"Goodnight." Ngumiti si Jimin kay Yoongi kahit medyo pilit lang yung ngiti niya.

"Goodnight." Awkward na sabi rin ni Yoongi. Naglakad na si Jimin patungo sa pinto, bago tuluyang lumabas ang binata ay tumingin ulit siya kay Yoongi.

"Merry Christmas." Anito.

"Merry Christmas rin." Mas lalong awkward na sagot ni Yoongi.

Parehong di nila alam ang gagawin kaya naman tumango nalang si Jimin habang mahigpit ang kapit niya sa pinto kasi di niya alam kung anong sunod niyang gagawin.

"P-Pakipalock na lang yung pinto." Sabay turo ni Yoongi sa pinto habang awkward rin na ngumingiti. 

"Oh. O-Okay." Napatingin si Jimin doon, agad niyang pinindot ang lock bago siya ngumiti ulit kay Yoongi at tuluyang sinarado ang pinto.

Mabilis na naglakad si Yoongi sa pinto para masiguradong nailock ni Jimin ang pinto bago niya idinikit ang tenga niya para masiguradong wala na si Jimin doon.

Agad siyang napasandal sa pinto habang hawak niya ang dibdib niya, ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya, nagdarasal na sana hindi napansin ni Jimin ang pamumula ng mukha niya kanina pa.

Napatakip siya sa bibig niya habang nagpipigil ng sigaw. Mabilis siyang nagtatakbo patungo sa kama na para bang isang high school girl na napansin ng kanyang crush. Agad siyang tumalon sa kama at sinubsub ang kanyang mukha sa mga unan para pigilan ang pagtili niya.

Panay ang padyak niya na para siyang kiti-kiti na hindi mapakali.

"Argh! Bwisit ka Park Jimin! Bakit ang cute mo--"

Biglang natigilan si Yoongi dahil sa sinasabi niya, agad siyang napabangon sa pagkakahiga at napatulala.

"T-Teka, bakit ako nagkakaganito?" 

Agad siyang napangiwi nang marealize niya ang nakakadiring ginawa niya, para siyang kilig na kilig. 

"Yuck, Yoongi!" Diring diri na sabi niya sa sarili niya, "Kadiri ka, di naman siya cute..."

Napanguso si Yoongi habang inaalala niya ang mukha ni Jimin na namumula nung inaya siya nito na maging sila, kahit hindi masyadong diretsahan pero iyon rin naman ang ibig sabihin nito.

Hindi namamalayan ni Yoongi na napapangiti na siya, "Medyo lang."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top