39

"Bakit ang tagal mo? At ano yang hawak mo?"

Napatingin si Jimin sa hawak na paper bag ni Yoongi. Kaya naman bahagyang itinago ni Yoongi iyon sa likod nya.

"Wala, nakita ko lang kaya binili ko." Matipid na sagot ni Yoongi. "Nasan na yung kaibigan mo?" Bahagyang diniinan ni Yoongi ang pagkakasabi nya ng 'kaibigan'

"Ahh si Jongin? Pinauna ko na, sabi ko di ako makakasama sa kanya na kumain sa labas kasi kasama kita, tsaka may aasikasuhin pa tayo mamayang gabi."

"Sana sumama ka na, pwede naman akong maglibot libot muna dito or mauna ng umuwi sayo."

"Okay lang, magkikita naman siguro ulit kami. Binigay nya sakin number nya tawagan ko lang daw sya kung kaylan ako free."

"Ahh." Tipid na sabi ni Yoongi.

Akmang hahawak si Jimin sa kamay ni Yoongi pero iniwas agad nya ito. Napansin ni Jimin ang ginawa ni Yoongi kaya naman nailang na syang hawakan iyon.

Tahimik lang silang bumalik sa bahay, nag uusap sila pero saglit lang tapos noon titigil na ulit sila, magsisimula ulit si Jimin ng topic pero sasagutin iyon ni Yoongi ng isang sagot na mahirap ng sundan ng panibagong sagot.

Pagdating nila sa bahay nila Jimin ay dimiretso na agad si Yoongi sa kwarto at mabilis naman syang sinundan ni Jimin.

"Yoongi may problema ba tayo?" Pagkokompronta ni Jimin sa kanyang kaibigan.

"Wala, dapat ba may problema tayo?" Tanong ni Yoongi, iniiwasan nyang magkaroon ng sarkastikong tono.

"Bakit... ganto?" Hindi alam kung paano ipapaliwanag ni Jimin ang nangyayari sa kanila pero alam nyang may mali.

"Ganto naman talaga tayo Jimin." Malamig na sabi ni Yoongi habang naghuhubad ng kanyang jacket.

Napabuntong hininga nalang si Jimin, "Okay, bababa lang ako tutulong ako sa kanila, maligo ka na. Sa kabila nalang ako maliligo." Ani Jimin habang kinukuha nga ang kanyang damit at iniwan naman nya ang binili niyang damit para kay Yoongi.

Tumango nalang si Yoongi dito, nagsimula na syang mag ayos dahil nakita nyang medyo gumagabi na. Binili nya ang kulay pulang dress na unang kinuha ni Jimin kaya sya nagtagal kanina sa mall.

Itinabi nya ang binili ni Jimin na puting dress sa bag nya bago sya nagpalit ng damit. Kahit medyo malamig na ay tinitiis nya ang lamig dahil lang gusto nyang mas lalo syang gustuhin ni Jimin at the same time gusto nyang iparamdam na hindi sya basta basta makukuha ni Jimin.

Napansin nyang medyo labas ang kanyang cleavage (dahil nakapush up bra sya) sa malalim na v neck ng kanyang damit. Spaghetti straps pa ito kaya naman kitang kita ang kanyang kili kili kapag tinaas nya ang kanyang kamay.

May slit pa ito sa legs kaya naman kitang kita ito kapag nagpalakad sya. Naghanap sya ng red lipstick bago sya nag ayos ng kaunti. May 2 inch na heels lang ang kanyang sinuot. Kinuha nya ang kanyang perfume at naglagay sya noon.

Bumaba na agad siya pagkatapos nyang mag-ayos, napansin nyang may mga ilan ng kamag anak si Jimin na nandoon. Napansin nyang pinagbulungan sya ng iba kaya naman nakaramdam sya ng hiya. Akala nya ay konti lang ang pupunta dito, di nya alam na parang grand royal reunion ito. Grand na royal pa.

"Yoonji hija, tara dito. Papakilala kita sa mga tita ni Jimin." Hinila ng mommy ni Jimin si Yoongi patungo sa mga kapatid nitong babae.

Namula ang mukha ni Yoongi habang pinapakilala sya nito, "Girlfriend ni Jimin."

Pakiramdam niya ang bakas sa mukha niya ang pagka-awkward nya, "Nako ang ganda naman nitong girlfriend ni Jimin." Sabi pa ng isang may maiksing buhok.

Alam ni Yoongi na nilinaw ni Jimin sa mga magulang nito na hindi sila pero bakit pinapakilala pa rin siya nitong girlfriend ng anak niya?

"Buti nalang itong si Jimin hindi nagaya sa pinsan niya." After noon ay kung ano-ano na ang pinagbulungan nila kaya naman patagong napairap si Yoongi, eto yung mga ayaw niya sa mga reunion, kahit pala sa mga malakihang reunion hindi pa rin maiwasan yung kumparahan at pagchichismisan sa mga kamag anak nila.

"Y-Yoonji?"

Napalingon si Yoongi sa tumawag sa kanya, nakita niya si Jimin na hindi maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha habang pinagmamasdan siya nito.

"Yes?" Bored na tugon ni Yoongi.

"Bakit yan yung suot mo nasan yung binili ko sa'yo--"

"Mas gusto ko 'tong suotin." Giit ni Yoongi.

Mabuti nalang at nakalayo na sila ng kaunti sa mga kamag anak ni Jimin kaya hindi na sila naririnig ng mga itong nagtatalo. Kahit naman papaano ay gusto pa rin naman niyang maging maganda ang image niya kila Jimin.

"Remember rule number 2?" Hinawakan ni Jimin si Yoongi sa braso pero mabilis na iwinakli ni Yoongi iyon.

"Who cares about rules?" Sarkastikong tanong ni Yoongi na naging dahilan ng pagkagulat ni Jimin.

"Anong mapapala ko kapag sinunod ko yan at ano rin mapapala ko kapag hindi ko yan sinunod? Di ba parehong wala naman? So bakit hindi mo nalang ako hayaan gawin lahat ng gusto ko?"

"Tutulungan ka ng mga rules na maging isang ganap na babae--"

"Hindi! Hindi nakabase sa ganyan ang pagiging isang babae and besides wala ka namang karapatang kontrolin ako, buhay ko 'to Jimin." Paliwanag ko sa kanya.

Nakatingin lang si Jimin kay Yoongi, para bang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang kanyang sarili, mabuti nalang at may tumawag sa kanya na isa sa mga kamag-anak niya kaya na punta dun ang kanyang atensyon.

At napansin rin ni Yoongi na tiningnan pa niya ulit sya nito bago siya sumama sa kamag anak niya na para bang iniiwasan niya rin si Yoongi. Napairap ang isa kawalan bago ito naglakad patungo sa loob ng kwarto ni Jimin

Ayoko na makipagplastikan sa mga tao. Matutulog nalang ako.

Pero paghiga niya sa kama ay hindi pa rin siya nagpapalit ng kanyang damit, nakatulala lang siya sa kisame at naghahantay sa pagpasok ni Jimin sa loob ng kwarto.

Wag nyo syang i-judge kung umaasa siyang susundan siya ni Jimin.

After all lagi naman kasing ganoon, lagi siyang hahabulin ni Jimin after nila magtalo kaya nasasanay na siya na lagi siya yung sinusuyo nito. Medyo hirap na rin siyang magbaba ng pride kaya naman naghantay lang siya doon.

Hindi na niya namalayan na na-idlip na siya at walang Jimin na gumising sa kanya.

Pagdilat nya ng mata niya ay napatingin siya sa wall clock, nakita niyang nakatulog siya sa ng 30 minutes kaya naman mabilis siyang tumayo kahit medyo nahihilo hilo pa siya ay sumilip siya sa pinto, maliit lang ang pagbukas niya dito, ayaw niya kasing makita siya ni Jimin.

Nakita niya sa baba na may mga tao pa, para bang hindi napapagod ang mata ito.

Pero wala siyang nakitang Jimin.

"Yoongi."

Napatalon si Yoongi sa gulat, napahawak siya sa kanyang dibdib bago siya mabilis na lumingon sa likod, nakita niya si Jimin na may buhat-buhat na maliit na bagay kaya naman agad napangiwi si Yoongi.

"Shit, ano 'yang maliit na bagay na hawak mo?"

"Huwag ka ngang OA, sanggol 'tong hawak ko." Giit ni Jimin pero napangiwi lang si Yoongi.

"Kanina ka pa dito?" Pasimpleng naglakad si Yoongi papunta sa kama na para bang umaarte na walang nangyari at hindi siya nakita nitong sumisilip sa pinto.

"Oo, mga 15 minutes na?" Ani Jimin habang kinakalog ang gatas.

"Dude, ibalik mo na 'yang bata sa magulang niyan." Utos ni Yoongi.

Di mapakali sa nakikita niyang sanggol. Pakiramdam kasi niya ay masyadong fragile ang mga ito at hindi siya nararapat buhatin ng mga clumsy na tao.

"Pinaalagaan sa akin 'to." Ani Jimin bago siya naupo sa tabi ni Yoongi kaya naman mabilis na lumayo si Yoongi, tiningnan siya ni Jimin gamit mapanghusga nitong mga mata.

"Bakit ka ba lumalayo?" Tanong ni Jimin.

"Ayoko sa mga sanggol." Giit nito.

"Hays, kapag nagkapamilya ka wala kang choice kundi mag-alaga ng sanggol." Paliwanag ni Jimin, medyo naasar na sa ugali ni Yoongi.

"Gawain ng babae yun." Dipensa ni Yoongi.

"Una sa lahat Yoongi babae ka na, may matres ka, may vagina ka, so pwedeng manganak ka." Medyo nag-cringe silang pareho sa word na vagina. "At tsaka stereotype lang yung gender roles na yan, pwede rin naman mag-alaga ng sanggol ang mga lalaki."

"Oh eto hawakan mo 'tong pamangkin ko," inaabot ni Jimin ang sanggol kay Yoongi kaya naman mabilis na umalis si Yoongi.

"No!" Sigaw ni Yoongi bago niya pinangharang isang unan kay Jimin.

"Sige na, naiihi na ko." Pagsisinungaling ni Jimin,

"Ilapag mo nalang dito." Tinuro ni Yoongi yung kama.

"Yoongi, please naiihi na talaga ako. Hawakan mo lang, saglit na saglit lang talaga." Pamimilit pa ni Jimin.

"No! Baka maputol ulo nyan sakin." Giit ni Yoongi.

"Shit! Naiihi na talaga ako!" Sigaw ni Jimin bago siya lumapit kay Yoongi na napabitaw sa hawak nyang unan ay kinakabahang hawakan ang sanggol dahil sa pagmamadali ni Jimin.

"Oh shit!!!" Sigaw ni Yoongi habang ninenerbyos siya noong binibigay ni Jimin ang sanggol.

"Look! Nakatingin sya sa'yo Yoongi!" Excited na sabi ni Jimin nang maabot na nya ang baby kay Yoongi pero si Yoongi ay mariin na nakapikit, nanginginig ang tuhod nya sa takot na mabagsak o masaktan nya ang sanggol.

"Yoongi, idilat mo yung mata mo." Mahinahong sabi ni Jimin.

"Ayoko, ayoko, ayoko." Makulit na sabi ni Yoongi.

"Yoongi..." Bulong ni Jimin dito, kaya naman dahan-dahan napakalma si Yoongi, dahan-dahan nya rin dinilat ang kanyang mga amta para tingnan ang sanggol na hawak nya.

Parang natunaw ang puso nya nang makita nya ang sanggol na nakatingin sa kanya.

"Hey, bakit ka nakatingin sakin?" Tanong ni Yoongi sa sanggol.

Nagulat sya nang biglang itong natawa, napatingin rin si Jimin sa sanggol para tingnan ang hitsura nito.

"Hmm, bakit mo ko tinitingnan?" Tanong ulit ni Yoongi kaya mas lalong natawa ang sanggol.

"Gustong gusto ka ng baby, Yoongi!" Natatawang sabi ni Jimin.

Hindi pinapansin ni Yoongi si Jimin, nakikipagkwentuhan lang sya sa sanggol o hinaharot nya lang ito, dahilan kung bakit nakatulala lang si Jimin sa kanya,

Hindi maiwasan ni Jimin na mapangiti habang pinagmamasdan nya si Yoongi na may hawak na sanggol.

"Yoongi..."

"Hmm?"

Nagtama ang paningin ng dalawa, ilang segundo silang natahimik habang magkatitigan hanggang sa binasag ni Jimin ang katahimikan at naglakas loob ng magsalita.

"Gusto kong magkaanak."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top