38

Mabilis ang tibok ng puso ni Yoongi habang nakahawak siya sa kamay ni Jimin, gusto niyang umangal at alisin ang kamay niya sa kamay ng binata pero hindi niya magawa dahil hindi na rin maamin sa sarili niya na gusto rin naman niya.

Magkahawak ang kamay nila habang naglalakad sila sa mall, parang matatae na ewan si Yoongi, wala namang nakatingin sa kanila pero pakiramdam niya ay kapag nahagip ng ibang tao ang kamay nila ay huhusgahan sila pero in fact, wala namang pake ang mga tao dahil para sa kanila ang normal na mag-jowa lang ang dalawa, pero sa totoo lang ay hindi naman talaga sila mag-jowa.

"San mo gusto maningin ng damit?" Tanong ni Jimin, nawala ang atensyon ni Yoongi sa kamay nilang magkahawak.

"Kahit saan, kung saan ka nalang maniningin dun nalang rin ako." Mahinang sabi ni Yoongi, tumango nalang si Jimin at hinila si Yoongi kung saan man.

Binitawan saglit ni Jimin ang kamay ni Yoongi para makapamili sya ng damit, "Bagay sa'yo to." Pinakita ni Jimin ang isang red na dress kay Yoongi, napairap ito sa kawalan. Masyadong daring ang damit.

"Seryoso—"

"Joke." Biglang naawkwardan si jimin sa damit habang iniisip nyang suot ni Yoongi iyon, pakiramdam nya ay hindi sya makakatagal kung iyon ang susuotin ni Yoongi. Okay lang sana kung sya lang makakita kay Yoongi na suot iyon kaso hindi.

Kaya naman namili na sya ng dress na mahaba, may nakita syang white na dress na pero hindi sya sure kung isusuot ba ni yoongi iyon.

"Yan na ba yun? Pwede na yan. Gusto ko ng umuwi." Bored na sabi ni Yoongi, napatingin si Jimin sa kanya bago nya inabot para ipasukat kay Yoongi iyon pero ayaw nya dahil sa tantsa naman nya ay kasya sa kanya iyon.

Naghantay nalang si Yoongi habang naminili si Jimin ng para sa kanya. Pagkatapos mamili ni Jimin ay tumayo na agad sya para magbigay ng pambayad para sa damit nya pero tumanggi na naman si Jimin. Mga ilang saglit silang nagpilitan pero dahil pagod na si Yoongi sa pakikipagtalo ay pumayag na syang si Jimin ang magbayad.

Muling hinawakan ni Jimin ang kamay ni Yoongi habang naglalakad sila, naramdaman ni Yoongi na pamumula ng kanyang pisngi. Naalala nya tuloy yung unang beses silang pumunta sa mall nung naging babae si Yoongi.

Ngayon ilang buwan na itong babae at minsan nalulungkot rin sya kasi naiisip nya na kaya lang nagkakaganito si Jimin ay dahil naging isang babae sya.

"Park Jimin?!" Sigaw ng lalaki sa hindi kalayuan. Agad hinanap ni Jimin kung saan nanggagaling iyon.

"Jongin?!" Sigaw ni Jimin ng makita nya ang lalaking tumawag sa kanya.

Binitawan ulit ni Jimin ang kamay ni Yoongi para mayakap nya ang lalaking tumawag sa kanya. Para silang excited na excited nang magkakita ulit sila.

"Anong ginagawa mo dito? Kaylan ka pa nakauwi?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jongin.

"Neto neto lang, umuwi ako para dito magcelebrate ng pasko."

Napansin ni Yoongi ang kamay ni Jimin sa baywang nung lalaki habang nakaakbay ito sa kanya, nakangiti silang pareho habang nag uusap, si Yoongi naman ay nakasibangot dahil naa-out of place sya. Sobrang saya nila, napapaisip tuloy si Yoongi kung anong meron sa kanila.

Masyado silang touchy kahit pareho silang lalaki, nagingg touchy lang naman si Jimin kay Yoongi nung naging babae sya.

Kaya naman bago pa mabaliw si Yoongi kakaisip ng mga bagay bagay ay umiwas nalang sya ng tingin. Nagpanggap nalang sya na tumitingin-tingin sa paligid kahit ang totoo nyan hindi nya alam kung bakit parang maiiyak na sya sa nakikita nya. Di naman dapat sya magselos kasi lalaki yun, pero damn— lalaki rin sya dati.

"Na miss kita Jimin, di ka man lang na ngangamusta kahit sa ig?"

"Sobrang busy lang talaga, pero na miss rin kita."

Napairap si Yoongi sa kawalan, masyadong madrama ang dalawang to sa isip isip nya. Pakiramdam nya ay masusuka sya ng kaunti pero syempre dahil iniisip lang nya yun.

"Labas tayo minsan?"

"Babalik na rin agad ako sa syudad eh, may pasok pa rin kasi baka matagalan pa ang balik ko dito. San ba punta mo?" Tanong ni Jimin.

"Mamili lang ng damit, tapos kain lang sa labas." Anito.

"Ako rin, kakatapos lang namin bumili ng damit, kakain na rin kami sa labas—"

"No, kayo nalang. Uuwi na rin ako, pagod na ko." Biglang singit ni Yoongi kaya naman natigilan si Jongin ng mapansin nyang may kasama pala si Jimin.

"Girlfriend mo?" Tanong ni Jongin kay Jimjn.

"Ahh, hindi. Kaibigan ko." Sagot ni Jimin.

Parang may tumusok sa puso ni Yok gi pagkatapos sabihin ni Jimin iyon, bakit naman nya inexpect na ipapakilala sya ni Jimin na girlfriend sya, hindi naman sila.

Mas lalong may namuong luha sa mata ni Yoongi kaya naman mabilis siyang lumingon sa gilid bago nya hinintay na mawala iyon, nanalangin na bumalik iyon papasok sa mata nya pero imposible yun kaya naman pinunasan nya agad ang luha nya bago pa mapansin ng dalawa.

Pero hindi naman sya nakita ng mga eto dahil busy ulit sila sa pag uusap.

"Punta lang ako sa CR." Mabilis na sabi ni Yoongi bago sya naglakad ng mabilis papalayo sa dalawa, nagtatakang napatingin si Jimin kay Yoongi pero nabalik ang atensyon nya kay Jongin nang may ikwento ito sa kanya.

Naghilamos si Yoongi sa banyo, pagkatapos nyang basain ang sarili nya ay napatitig sya sa repleksyon nya sa salamin. Nakita nyang habang tumatagal nagiging ganap na babae na talaga sya.

Pati yung emosyon nya ay unti-unti na rin nyang nalalabas, hindi tulad noong lalaki sya ay laging pigil na pigil ang mga emosyon nya.

Natigilan si Yoongi ng may biglang pumasok na dalawang babae sa banyo, umiiyak ang isa dito at kinocomfort naman ito ng isa.

"Friend. Wag ka na umiyak, di naman kayo."

"Eh nagkiss na kami friend, sabi nya mahal nya ako."

"Yung iba nga inanakan na at lahat pinagpalit pa, ikaw pa kaya na sinabihan lang ng mahal at hinalikan. Alam mo naman yung mga lalaki boobs at keps lang ang hanap, ikaw naman buka agad."

"Friend, mahal ko kasi." Umiiyak na sabi nito, "Nagpalagay pa nga ako ng malaking boobs para sa kanya tapos makikita ko sya ngayon dito na may kasamang iba."

Napairap si Yoongi sa kawalan, di nya ginustong makinig sa mga sinasabi nito pero eto sya at nagpupunas ng mukha habang lowkey nakikinig sa madramang payuhan.

"Friend, kung gusto ka talaga noon. Hayaan mo syang maghabol, wag mong ipakita na sobrang mahal mo sya kaya napapanatag eh."

"Eh akong gagawin ko friend?"

"Wag mo kasing ipakita na under ka nya, kagaya nyan pinagbabawalan ka nya sa mga kung ano-ano, sunod ka naman nang sunod na para ka nyang alagang tuta, pinagbawalan ka nyang makipagkita sa iba pero sya 'tong nakikipaglandian sa iba."

Natigilan si Yoongi sa pagpupunas ng mukha.

"Magpakipot ka naman kasi ng konti friend, wag kang masyadong marupok."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top