35

"Pagkatapos mong i-lock yung pinto patayin mo na rin yun ilaw." Ani Yoongi habang naghuhubad ng bra.

Napalunok si Jimin bago siya tumango at pinatay ang ilaw pagkatapos niyang i-lock ang pinto. Dahan-dahang nahiga si Yoongi sa kama habang nakatingin kay Jimin.

Tinaasan siya ng kilay ni Yoongi bago nito tinuro ang space ng kama sa tabi niya. Dahan-dahang lumapit si Jimin habang bumibilis ang tibok ng puso niya, pagkaupo ni Jimin sa kama ay biglang tumalikod si Yoongi sa kanya kaya naman natigilan si Jimin.

"Pakipatay na rin yung lampshade, goodnight." Ani Yoongi.

"Wait, what?" Gulat na tanong ni Jimin.

"Sabi ko patayin mo na rin yung lampshade." Dagdag pa ni Yoongi habang umaayos siya ng pwesto siya para makahimbing ng tulog.

"Akala ko ba may gagawin tayong bagay para maging masaya?" Tanong ni Jimin.

"Oo nga, eto yun! Kapag hindi ka masaya matulog ka para makalimutan mo yung lungkot, pagkagising mo kapag hindi ka ulit masaya matulog ka ulit, ganoon lang yun." Paliwanag ni Yoongi bago tuluyang pumikit.

"Hayss, ang sarap talagang matulog ng walang bra." Sabi pa niya bago siya mag-inat at kinuha ang unan sa harapan ni Jimin para gawing dantayan.

Disappointed na tiningnan ni Jimin si Yoongi. Napairap nalang ito sa kawalan bago niya pinatay ang lampshade at wala ng nagawa kundi ang mahiga nalang rin sa tabi ni Yoongi. 

Magkatalikuran sila ng higa, as usual. Pero pagkagising nila magkayakap na ulit sila, as usual. 

Pero this time hindi makatulog si Yoongi, habang si Jimin ay ngayon lang naramdaman ang pagod sa katawan niya kaya naman mabilis siyang nakatulog.

Si Yoongi ay hindi mapakali sa mga bagay-bagay, hanggang ngayon ay nalilito pa rin siya sa mga nangyayari, pero hindi niya alam kung saan siya nalilito kaya mas lalo siyang nalilito.

Naramdaman niya ang kamay ni Jimin sa baywang niya kaya naman napahinga siya ng malalim. Naramdaman niyang mas lalong humihigpit ang yakap nito kaya naman bahagya niyang nilingon pero nakita niyang tulog na tulog ito.

Inalis niya ang kamay ni Jimin sa baywang niya. Hindi niya kasi alam kung papaano titigil yung mabilis na tibok ng puso niya, napapamura na siya sa isip niya dahil hindi na niya macontrol ang nararamdaman niya, pulang-pula ang kanyang mukha at parang sasabog na siya dahil nagkakabuhol-buhol na ang nasa isip niya.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at tiningnan niya ang chat sa kanya ni Jungkook, nabasa niya na sinasabi nito na siguraduhin na niya ang nararamdaman niya, pero no shit. Ayaw niya lang talagang tanggapin na parang nagkakacrush na siya kay Jimin.

Nang makita niyang biglang nag-online si Jungkook ay mabilis niyang chinat iyon.

Min Yoonji: boy, tulungan mo ko.

Jeon Jungkook: 1 am nagpapatulong ka? Saan? Kung about sa midnight boner yan di kita matutulungan, i'm straight.

Jeon Jungkook: oh shit, babae ka nga pala.

Min Yoonji: GAGO! 

Jeon Jungkook: just kidding.

Min Yoonji: magkatabi kasi kami sa kama ni Jimin ngayon

Jeon Jungkook: di ba lagi naman?

Min Yoonji: hindi iba ngayon

Jeon Jungkook: bakit iba?

Min Yoonji: basta iba!

Jeon Jungkook: pano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin

Min Yoonji: mabilis tibok ng puso ko ngayon

Jeon Jungkook: baka nasobrahan ka sa kape

Min Yoonji: hindi ako uminom ng kape ngayon

Jeon Jungkook: ahhh

Min Yoonji: anong gagawin ko?

Jeon Jungkook: problema mo yan, di ko naman kasalanan kung type mo yang katabi mo

Min Yoonji: di ko siya type! yuck!

Jeon Jungkook: yuck pa siya eh para namang di pa nahahalikan

Min Yoonji: shut up, gago

Jeon Jungkook: nakakamaraming gago ka na, di na nga kita tutulungan

Min Yoonji: just kidding.

Jeon Jungkook: sus

Min Yoonji: anong gagawin ko nga???

Jeon Jungkook: ewan ko! ano alam ko, gawin mo kung anong gusto mong gawin, siguraduhin mo na yang nararamdaman mo ng hindi ka na nagkakaganyan

Min Yoonji: tangina paano

Jeon Jungkook: halikan mo

Min Yoonji: ayaw

Jeon Jungkook: sus kunware pa

Min Yoonji: gago

Jeon Jungkook: isa pang gago mo papatayin iba-block na kita

Min Yoonji: GAGO!

Inunahan na ni Yoongi na i-block si Jungkook bago pa siya ma-block nito.

Pinatay ni Yoongi ang cellphone nya bago niya muling kinuha ang unan na niyayakap niya kanina pa, hindi pa rin siya mapakali, hindi niya alam kung anong oras na. Pakiramdam niya kung patatagalin pa niya ay paulit-ulit lang na hindi siya makakatulog tuwing gabi.

Kung hindi ngayon, kaylan pa?

Pero paano niya malalaman? Uulitin pa ba niya? Hindi kasi siya nalilinawan sa mga bagay-bagay.

Bago siya pa siya mag-isip pa ng mga ibang bagay ay mabilis siyang humarap kay Jimin na tulog na tulog na, bahagya siyang natigilan nung matitigan niya ang mukha niya. Ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya sa sobrang lapit nilang dalawa.

"Bakit naman kasi mukha kang anghel? Hindi bagay sa ugali mo." Mahinang sabi ni Yoongi habang inaayos nito ang bangs ni jimin para maipakita ang noo nito. 

Tinitigan niya si Jimin simula sa noo nito pababa sa labi nito.

Sa pulang pula na labi nito.

Para bang gusto niyang kagatin.

Kaya ginawa nga niya.

Halos nakapatong na si Yoongi kay Jimin habang ang kamay ni Yoongi ay nakahawak sa pisngi ni Jimin.

Pareho silang natigilan ng mapadilat si Jimin dahil sa ginawa ni Yoongi, nabalot ng katahimikan ang loob ng kwarto habang magkatitigan silang dalawa, hanggang sa halos sabay nilang pinagpatuloy ang paghahalikan.

Tinulungan ni Jimin si Yoongi na pumaibabaw sa kanya habang patuloy silang dalawa sa ginagawa nila, wala silang ideya pareho kung bakit nila ginagawa ito, para bang nagkukusa pareho ang katawan nila, o talaga lang matagal na nilang gustong gawin ito pero may pumipigil lang sa kanila.

Mga sarili nila malamang.

Matindi ang hawak ni Jimin sa baywang ni Yoongi habang nananatili pa rin ang mga kamay ni Yoongi sa pisngi ni Jimin habang lumalalim na ang halikan nilang dalawa.

Para sa isang magkaibigan, nakakamaraming beses na silang naghalikan.

Nang tumigil silang dalawa ay pareho silang naghahabol ng hininga, magkatitigan sila at parehong pulang-pula ang mga mukha nila. 

"I think... dapat ikaw ang nasa ilalim?" Mahinang tanong ni Jimin.

"Ayoko." Mahinang sagot ni Yoongi.

Napakunot ang noo ni Jimin at sa isang iglap ay si Yoongi na ang nasa ilalim at si Jimin na ang nasa taas niya, nagulat si Yoongi sa ginawa nito pero hindi niya maiwasang hindi matawa. 

Hinalikan siya sa noo ni Jimin kaya naman napapikit siya ng ilang saglit bago siya muling dumilat nang lumayo na si Jimin sa kanya ng kaunti, napangiti silang pareho pagtapos noon. 

Bago sila muling naghalikan sa labi ay sabay silang napangiti, pinalupot ni Yoongi ang mga kamay niya sa leeg ni jimin habang si Jimin naman ay nakakalong lang sa kama ang kanyang kamay upang hindi niya madananan si Yoongi.

Biglang malakas na hinampas ni Yoongi ang pwet ni Jimin kaya naman natigilan ito.

"Ohh." Gulat na sabi nito.

"Ohh." Pang-gagaya ni Yoongi.

"Tsk." Nakangising sabi ni Jimin sabay nagkukunwareng naaasar.

Kinuha ni Jimin ang kamay ni Yoongi bago niya pinako ito sa kama pareho, hinalikan niya ang gilid na labi ni Yoongi pababa sa leeg nito, napapasigaw si Yoongi habang natatawa dahil sa ginagawa ni Jimin.

"J-Jimin, saglit." Biglang nawala ang tawa ni Yoongi ng maramdaman niyang nag-iiwan ng marka si Jimin sa kanya.

Nabitawan na ni Jimin ang mga kamay niya kaya naman nahawakan niya agad ang buhok ni Jimin habang tinutulak niya nito palayo pero hindi lumalayo.

"Hmm, j-jimin..." Pagtawag pa niya ulit ito habang pati ang mga paa niya ay pumipiglas na rin, napapatingala na siya dahil bumababa ang halik ni Jimin patungo sa collarbone nya.

Napapikit si Yoongi habang kinakagat niya ang labi niya para mapigilan niya ang sarili niyang gumawa ng mga weird na tunog. Mas lalong bumibigat ang paghinga niya habang sabusabunot niya ang buhok ni Jimin.

Tumigil si Jimin ng makuntento na siya sa ginawa niyang marka bago siya tumingala para magtama ang paningin nila ni Yoongi. Nang magtama ang paningin nila ay bahagyang umangat ulit si Jimin para maglapit ang mga mukha nila.

"Bakit ba natin ginagawa 'to?" Mahinang tanong ni Jimin diretso sa mata ni Yoongi.

"H-Hindi ko alam, k-kasi masaya tayo?" Naguguluhan rin na sagot ni Yoongi.

"Yoonji, mahal kita eh."

Natigilan si Yoongi sa sinabi ni Jimin, alam niyang nasa tamang katinuan si Jimin, hindi ito lasing. Pero hindi pa rin nagustuhan ni Yoongi ang sinabi ni Jimin. 

Napabuntong hininga nalang siya bago siya umiwas ng tingin kay Jimin.

Iyon ang unang beses na may nagconfess sa kanya na taong gusto nya rin pero hindi siya naging masaya. 

------

Kinuha ni Taehyung ang kanyang cellphone at pinatong sa table, tiningnan niya ang kanyang sarili sa screen kung gwapo ba siya sa ganoong angulo at noong nasigurado niyang magandang lalaki siya (lagi naman) ay napangiti siya bago niya inistart ang pagrerecord.

"Hi guys! It's me, Taehyung! Alam kong matagal na simula noong huling nag-update ang story namin na ito. Humihingi ng tawad ang buong cast ng TYNTDWYAG, sobrang busy lang talaga huhuhu." Umarte na umiiyak si Taehyung.

Pinunasan ni Taehyung ang pekeng luha niya pagkatapos niyang makapagdrama ng ilang segundo, "Alam kong madaming nag-aabang sa story na 'to kaya naman may good news ako sa inyo! At iyon ay--"

"Aba't! gago 'tong Yoongi na 'to ah?!" Sigaw ni Jungkook na nakahiga sa tabi ni Taehyung.

Biglang pumangit ang timpla ni mukha ni Taehyung dahil sa paninira ni Jungkook sa pagrerecord niya.

"Ano bang problema mo?! Di mo ba nakikitang nagrerecord ako dito?!" Sigaw ni Taehyung bago niya binalibag ng unan si Jungkook na nakaboxer lang likuran niya.

"S-Sorry, ni-block kasi ako ni Yoongi nagulat lang ako." Parang maamong tuta na sabi ni Jungkook.

"Sinisira mo yung pagrerecord ko eh." Inis na sabi ni Taehyung.

"Sorry na." Nakangusong sabi ni Jungkook habang lumalapit sa kanya. 

"Oh sige, dugtungan mo para may magawa ka naman diyan." Nakahalukipkip na sabi ni Taehyung.

"D-Don't forget to vote and comment?" Nag-aalangang sabi ni Jungkook kaya naman napairap si Taehyung.

"Mali ba? Hala, sorry." Sabi ni Jungkook pero pinatay nalang ni Taehyung ang cellphone. "Ulitin nalang natin." Suggestion ni Jungkook.

"Hindi na, sa susunod nalang." Asar na sabi ni Taehyung bago nagtalukbong ng kumot.

Napanguso nalang si Jungkook bago muling tumingin sa nakapatay ng cellphone at napakibit balikat nalang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top