34

Napakagat si Jimin habang kinukuha nya ang phone sa kamay ni Yoongi. Mabilis nyang sinagot ang tawag ni Maureen, bored na naghahantay si Yoongi kung anong magiging desisyon ni Jimin.

Sa totoo lang nagpapanggap lang syang walang pakialam pero ang totoo ay natatakot syang baka mas piliin nya ang mga babae nya.

"H-Hi." Awkward na sabi ni Jimin. Tahimik na nakikinig si Yoongi.

"Wala ako dyan, wag ka ng maghantay sa bahay, naghahantay ka lang sa wala. Mau, please tumigil ka na. Tapos na tayo di ba?" Tanong ni Jimin kaya naman napataas ang kilay ni Yoongi, tapos na pala sila. Bakit naghahabol pa 'tong Mau na 'to?

"Ha? No! Wala akong ibang babae—"

Napatingin si Yoongi kay Jimin ng matalim, galing magsinungaling ah? Eh ano nalang si Kiki? Di ba yun babae? Singaw lang ba yun? Ilusyon lang?

Mabilis na lumapit si Yoongi kay Jimin bago nya hinila ito papalapit sa kanya. Mabilis nyang hinalikan ito habang nasa kabilang linya pa rin si Maureen.

Halata ang gulat ni Jimin dahil hindi agad sya nakapagreact sa ginawa ni Yoongi, sa sobrang gulat nya ay hindi pumasok sa isip nya ang dahilan kung bakit ginawa ni Yoongi iyon.

Kahit sobrang bilis na tibok ng puso ni Yoongi ay naglakas loob pa rin syang halikan ng mas malalim si Jimin habang hawak-hawak nya ang kuwelyo ng damit nito. Alam ni Yoongi na maingay si Jimin sa mga gantog pagkakataon kaya naman ng binaba ni Yoongi ang halik nya sa leeg nito ay malakas na napasinghap si Jimin.

"J-Jimin? A-Ayos ka lang ba?" Mula sa kabilang linya pero hindi na naririnig ni Jimin iyon dahil halos malasing na sya sa malalim na halikan nilang dalawa ni Yoongi.

Habang tumatagal ay hindi nila namamalayan na nakaupo na si Yoongi sa hita ni Jimin, ang isang kamay ni Jimin ay nakahawak sa likod ni Yoongi habang si Yoongi naman ay nakahawak pa rin sa kwelyo ni Jimin ng mas mahigpit.

Napakaingay ni Jimin. Kagaya nga ng inaasahan ni Yoongi, kaya naman bahagya siyang napapangiti dahil sa kalokohan nya.

"Jimin-ahh." Tawag ni Yoongi ng bahagya silang tumigil sa paghahalikan.

"Hmm?" Tanong ni Jimin habang akmang hahalikan muli si Yoongi ng biglang lumayo ito.

"Yung kausap mo sa phone? Pwede bang mamaya na yan? Ang laking istorbo maman nyan." Medyo malakas ang pagkakasabi ni Yoongi, lakas ng loob nya dahil alam nyang boses babae na sya ngayon.

Naguluhan nung una si Jimin hanggang sa naalala nyang kausap pa nya si Maureen. Narealize rin nya yung ginawa ni Yoongi kaya naman mas lalo syang namula.

"Maureen, tigilan mo na ko, wag mo na kong kakausapin ulit, bye." Mabilis na sabi ni Jimin bago nya pinatay ang tawag.

Muling nagkatinginan si Jimin at Yoongi ng binitawan na ni Jimin ang cellphone nya para mahawakan nya ang baywang ni Yoongi na nakaupo ngayon sa kanya.

Pero kinuha ni Yoongi ang cellphone ni Jimin, "May isa pa." Aniya.

"H-Huh?"

"Luh, that Kiki girl last time." Sarkastikong sabi ni Yoongi habang hinahanap nito ang pangalan ng nagsasalitang Kiki na yun sa contact list ni Jimin.

"Yoongs, mabait si Kiki parang di ko yata kaya—"

"Ahh, ayaw mo?" Napataas ang kilay ni Yoongi habang tinitingnan nya ng diretso si Jimin sa mata nito. Kaya naman napalunok nalang si Jimin.

"Hindi naman sa ganun—"

"Madali lang akong kausap." Mariin na sabi ni Yoongi bago siya bumalik sa dati nyang pwesto para ayusin ang mga gamit nya.

Naiinis sya.

Buong akala kasi nya ay hindi na ito magdadalawang isip, naiinis sya kasi inalala nya na sa kanya lang ang atensyon nito, akala nya siya ang pipiliin nito, sana siya siya ang piliin, sana sya nalang.

Kahit nagliligpit na sya ng gamit nya ay umaasa pa rin syang pipigilan siya ni Jimin.

Sinagot na ni Kiki ang tawag ni Jimin. Kahit hello ng hello si Kiki ay hindi pa rin makasagot si Jimin dahil ang atensyon nya ay nasa nagliligpit na si Yoongi.

Para bang may kumukurot sa puso ni Yoongi sa ideyang hindi sya pinipigilan ni Jimin na umalis sa sasakyan kahit na gabi na, para bang wala itong pakialam.

Kahit drama nya lang ang pag-walk out na yun ay napaka-laking risk ang ginawa niya, dahil una sa lahat hindi niya alam kung nasaan sila ngayon at sa tingin naman niya ay hindi siya pababayaan ni Jimin na mag-walk out nalang sa gantong oras ng gabi lalo na at babae siya... ngayon.

Pero papaano kung wala naman talagang pakialam si Jimin? Paano na siya?

Nakalabas na at lahat si Yoongi pero hindi pa rin niya naririnig na tinatawag siya ni Jimin.

Labing dalawa, labing tatlo, labing apat...

Pero hindi pa siya sinusundan ni Jimin. Unti-unting naninikip ang dibdib ni Yoongi habang papalayo siya ng papalayo sa sasakyan. 

Pagtawid niya sa pedestrian lane ay naramdaman niyang may humila sa kanya pabalik, nakita niya ang hingal na hingal na si Jimin.

"Kung sa tingin mo kaya kong ipagpalit ang matagal nating pinagsamahan para sa isang babaeng nakasama ko lang ng ilang araw, pwes nagkakamali ka dun."

Naramdaman ni Yoongi ang bahagyang pagkabigla sa pagkakasabi ni Jimin, hanggang sa hinila nalang siya nito pabalik sa sasakyan. Hindi kumikibo si Yoongi pero naramdaman niyang halos tumalon ang puso niya sa sinabi ni Jimin. 

Tahimik lang tuloy sila buong byahe-- which is lagi naman, simula nung maging babae si Yoongi. Lagi kasing awkward sa sasakyan dahil laging may eksena silang drama.

Nakatulog si Yoongi sa byahe sa sobrang tagal at nang magising siya ay nakaparada na ang sasakyan, napatingin muna si Yoongi sa paligid pero mga halaman lang ang nakikita niya. Kinuha ni Jimin ang mga gamit niya at siya rin ang nagbuhat ng mga ito. Isang bag lang ang buhat ni Yoongi, nagtataka si Yoongi dahil habang naglalakad sila ay puro halaman lang ang nakikita niya.

Hanggang sa muntik na siyang mapaurong...

Never pa siyang napunta sa bahay ni Jimin, alam niyang mayaman ito pero hindi niya inakalang ganto kayaman ito.

"Nandyan si Mama at si Papa, pagpasensyahan mo na yung dalawang yun kapag may ginawang nakakahiya." 

Hindi pinansin ni Yoongi ang sinabi ni Jimin, nagsimula na siyang kabahan, iniisip palang niya yung mga magulang ni Jimin na masyadong sopistikado ay parang natatae na siya sa sobrang kaba, paano kung hindi siya magustuhan ng mga ito? Paano kung palayuin nila si Jimin sa kanya? Teka bakit ba ganto ang mga naiisip niya, masyado ng nalalayo.

Nang makapasok sila sa bahay ay mas lalong nalula si Yoongi sa sobrang elegante ng halos bawat detalye ng bahay nila Jimin, hindi nga maisip ni Yoongi kung bahay pa ba ito o isang museum. Binigay ni Jimin ang mga gamit nila sa mga kasambahay nito, para ipadala sa kwarto niya. Habang si Yoongi ay medyo tulala pa rin sa mga nakikita niya.

"Tara na, mukhang nasa kusina na sila Mama at Papa kanina pa." Hinawakan ni Jimin ang kamay ni Yoongi patungo sa kusina, medyo naiilang pa si Yoongi dahil sa sobrang daming kasambahay nila Jimin ang nakakita sa kamay nilang magkahawak, tila nagbubulangan pa ang mga ito.

Halos tumigil sa pagtibok ang puso ni Yoongi ng makita niya ang mga magulang ni Jimin nakaupo sa napakahaba at magarang lamesa, kahit na nasa bahay lang ang mga ito ay pormal pa rin ang kanilang suot, hindi tulad niya na nakasuot ng ripped jeans at black shirt na medyo maluwag sa kanya habang nakasuot ng white converse high kahit na bumyahe sya mula Seoul hanggang Busan.

Nakita kong muntik ng masamid ang Mama ni Jimin habang nakatingin siya kay Yoongi.

"Kamukhang kamukha niya si Yoongi." Biglang sabi ng Mama ni Jimin out of nowhere kahit hindi pa nakakaupo si Jimin at Yoongi.

Napangiwi lang si Jimin habang inayos niya ang upuan para kay Yoongi, inexpect na ni Jimin na ganto ang magiging reaksyon ng mga magulang niya kaya naman inunahan na niya si Yoongi.

Mas lalong lumawak ang ngisi ng Mama ni Jimin dahil sa ginawa ni Jimin na pag-ayos ng upuan para kay Yoongi. 

"Hija, mabuti naman at pumayag kang pumunta dito sa aming tahanan, pagpasensya mo na 'tong bahay namin." Ani ng Papa ni Jimin.

Muntik ng masamid si Yoongi dahil sa sinabi nito. Pagpasensyahan?! Kung pwede lang na dito na siya tumira buong buhay niya ay gagawin niya, pero syempre hindi pwede.

"I- Uhh..." Hindi makapagsalita si Yoongi, hindi niya alam ang isasagot niya.

"Pa, kumain nalang tayo. Gusto ko ng magpahinga, paniguradong si Yoonji rin pagod sa byahe." Anito.

"Tama, tama. Kumain na tayo-- Yoonji, hija. Wag kang mahiya ha? Feel at home lang lalo na at soon to be manugang kita, kaylangan masanay ka na--"

"Ma!" Gulat na sabi ni Jimin.

Biglang sumingit ang Papa ni Jimin. "Shh, wag kang maingay. Nakakahiya kay Yoonji, dapat kalmado lang tayo sa harap ng magiging manugang natin--"

"Pa!" Sigaw ni Jimin.

Pakiramdam ni Yoongi ay nilalamon na siya ng lupa. 

"Yoonji, hija. Napakaganda mong bata, saan nyo gustong magpakasal?" Tanong ng Mama ni Jimin kay Yoongi na hanggang ngayon ay medyo nabibigla sa mga pinagsasabi ng mga ito.

"Mas maganda kung sa isang hotel natin sila magpakasal." Dagdag pa ng Papa ni Jimin.

"Bakit dito? Pwede namang sa Europe nalang." Sabat ng Mama ni Jimin.

"Ma, Papa! Hindi po kami ni Yoongi." Giit ni Jimin na naging dahilan para matahimik ang Mama at Papa niya.

Out of nowhere ay may isang babaeng biglang pumasok sa loob ng kusina habang nakapamaywang, napakunot ang noo ni Yoongi dahil alam niyang nag-iisang anak lang si Jimin.

"Just fuck already." Anito kaya naman mas lalong nilamon ng lupa si Yoongi, hindi pa nga siya tapos sa kakaiwas sa mga sinasabi ng mga magulang ni Jimin ngayon naman ay may isang babae na nagsusuggest sa kanila nito.

"Bago pa maagaw ng kakambal mo si Kuya Jimin sa'yo, Ate Yoonji! Hihi." Unti-unting namula ang buong mukha ni Yoongi, kakambal niya? Which is sarili niya? What the fuck? Ano bang iniisip ng babaeng 'to? Na papatulan niya si Jimin kung lalaki siya? Aba may sira sa utak rin ang isang 'to.

"Jean!" Sigaw ng Papa ni Jimin.

Ayaw na ayaw kasi nilang napapagusapan ang relasyon ni Jimin at Yoongi, ayaw nilang isipin na para bang may kakaiba kay Jimin tuwing kinukwento niya si Yoongi sa kanila. Kaya naman nang malaman nila na kakambal ni Yoongi ang dadalhin ni Jimin ay sobrang tuwa nila.

Tahimik na kumakain si Jimin kahit kabang-kaba na siya, inexpect na niyang mapapahiya siya pero hindi niya alam na sobra-sobra ang gagawin ng mga ito.

Mabilis na natapos kumain si Jimin at gayon din naman si Yoongi.

"Mauna na kami Ma, magpapahinga na kami." Ani Jimin.

"Ah, uhm. Nililinis pa lahat ng guest room Jimin baka pwedeng sa kwarto mo muna matulog si Yoongi." Suhestyon ng Mama ni Jimin.

"Tss, kahit hindi mo sadyain na ipalinis lahat ng guest room, Ma." Ani Jimin bago niya tuluyang hinila si Yoongi na yumuko muna sa mga magulang ni Jimin bilang paggalang bago tuluyang nagpatangay sa paghila sa kanya ni Jimin patungo sa kwarto nito.

Pagpasok nila sa loob ay hindi na naman maiwasan ni Yoongi ang mamangha dahil ibang-iba ang kwarto ni Jimin kumpara sa kwarto nito sa tinitirahan nilang dalawa.

Napahiga nalang si Jimin at napabuntong hininga.

"Wag mo nalang pansinin sila Mama at Papa." Ani Jimin kay Yoongi na namamangha pa rin sa kwarto ni Jimin.

"Mukhang pagod ka na, andyan lang yung banyo kung gusto mo ng maligo, magpahinga ka muna--"

"Ayos lang ako, ikaw? Mukhang di ka masaya nung napasok ka sa bahay nyo ah?" Tanong ni Yoongi, kanina pa niya iyon napapansin pero hindi niya sinubukang magtanong about doon kanina dahil nakakahiya naman kung sa harap pa talaga ng mga magulang ni Jimin niya iyon tinanong.

"Ahh, siguro dahil hindi talaga ako masaya sa bahay." Walang ganang sagot ni Jimin. "Hindi ko alam kung paano ko magiging masaya." Dagdag pa niya habang nakayakap sa kanyang unan.

"Hmm, ako mukhang may alam ako." Ani Yoongi.

"Ano naman yun?" Nagtatakang tanong ni Jimin.

Napangisi si Yoongi bago mabilis na nahiga sa tabi ni Jimin bago niya inilapit ang kanyang mukha sa tenga ng binata.

"I-lock mo yung pinto." Bulong ni Yoongi kay Jimin. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top