33
Christmas Vacation na pero hindi pa rin masyadong nag-uusap si Jimin at Yoongi, para bang unti-unti ng nagkakaroon ng pader sa pagitan nilang dalawa, hindi yung dibdib ni Yoongi ang tinutukoy dito, ang tinutukoy dito ay parang may humarang sa kanilang dalawa, hindi na sila tulad ng dati.
"Hyung, nakapag-impake ka na?" Tanong ni Jimin ng bigla itong sumilip sa kwarto.
"Oo." Tipid na sagot ni Yoongi.
"Ah, okay." Sagot ni Jimin bago tuluyang lumabas na ng kwarto, ganyan kaboring sa mga usapan nila, para bang nakatira sila sa iisang bahay pero kakakilala lang nila, yun lang at wala ng iba.
Napatulala lang si Yoongi sa pinto kung saan lumabas si Jimin, nung nakaraan pa niya gustong magtanong kay Jimin kaya lang baka kung anong isipin nito, baka isipin pa nito na nagseselos siya, eh indi naman siya nagseselos, naiinis lang siya.
Dahil hindi uso kay Yoongi ang pagiging plastic ay mabilis niyang sinundan si Jimin sa kusina, "Oy, kasama ba girlfriend mo? Baka kasama yun, di nalang ako sasama baka masira ko pa date nyo, nakakahiya naman sa inyo." Ani Yoongi, hindi alam ni Jimin pero pakiramdam niya ay may pagkasarkastiko ang pagkakasabi ni Yoongi nito.
"Ah, hindi kasama yun. Di naman kilala nila Mama yun." Sagot ni Jimin habang nag-iimpake na rin siya ng damit.
"Di rin ako kilala ng mga magulang mo." Tipid na sagot ni Yoongi.
"Papakilala kita." Hindi nakatingin na sabi ni Jimin.
"Bakit di nalang girlfriend mo ipakilala mo?" Sarkastikong tanong nito.
"Bakit ko pa ipapakilala? Wala rin naman akong intensyon na pakasalan yun." Walang ganang sagot ni Jimin.
"Bakit ka pa nag-girlfriend kung wala ka rin naman palang intensyon na magpakasal, ano gagawin mo sa girlfriend mo? Gagawin mong kasambahay? Tagahugas ng plato? Alagang aso?Uto ka ba?" Iritadong sagot ni Yoongi, eto na yata ang pikamahabang nasabi niya simula nung pinakilala ni Jimin ang bago na naman nitong girlfriend.
"Bakit ikaw? Hindi mo naisip yan nung lalaki ka pa?" Tanong pabalik ni Jimin.
Napatingin ng masama si Yoongi sa kanya, nagkakainitan na silang dalawa, para bang isang maling galaw nalang ay magsasapakan na silang dalawa, or si Yoongi lang talaga ang nakakaisip ng ganun?
"Alam mo Yoongi, maligo ka na. Aalis na tayo." Anito bago niya kinuha ang bag niyang malaki para lumabas ng bahay at maipasok ang kanyang mga damit sa sasakyan.
Iritadong pumasok si Yoongi sa banyo para maligo, kahit naiinis siya kay Jimin ay wala rin naman siyang choice kundi sumama dito kung hindi ay mag-isa lang siya dito sa bahay at ayaw naman niyang makalipas ang pasko at bagong taon na walang kasama, nakakalungkot iyon.
Pagkatapos nilang makagayak ay umalis na rin silang dalawa. Gamit nila ang sasakyan ni Jimin medyo malayo rin ang byahe nila, idagdag mo pang mas lalong nagmukhang mas malayo iyon dahil hindi sila nag-uusap na dalawa.
Tanging ang radio lang ang nagsisilbing ingay sa sasakyan, sa totoo lang ay hindi na ito ang unang beses na sumakay sila sa kotse ni Jimin na wala talagang nagsasalita sa kanilang dalawa.
Nakatingin lang si Yoongi sa bintana habang si Jimin naman ay tahimik na namamaneho lang
"You know I'll fight for you but how can I fight someone who isn't even there."
Nang marinig ni Yoongi ang kanta ay saglit siyang napatingin kay Jimin, bago niya muling binalik ang tingin sa bintana.
"I had the rest of you, now I want the best of you, I don't care if that's not fair."
Bahagyang napalingon si Jimin kay Yoongi ng marinig nyang mahinang sinasabayan ni Yoongi ang kanta.
"Coz I want it all or nothing at all."
Literal na nakatingin si Jimin kay Yoongi habang nagmamaneho dahil hindi na kinanta ni Yoongi iyon, para bang isang statement na ang pagkakasabi nya dun.
Hindi alam ni Jimin kung nag-hahallucinate lang ba sya o ano pero isinantabi na niya yun dahil tumingin nalang sya sa daanan bago pa sila mapahamak na dalawa.
"There's no way to fall when you reach the bottom, it's now or never."
Bahagyang nilakasan ni Yoongi ang tugtug habang nakatingin siya ng diretso sa mata ni Jimin na hindi alam kung sa kanya ba titingin o sa dinadaanan.
"Is it all? Or are we just friends."
Tuluyan ng napahinto si Jimin dahil na natraffic na silang dalawa ni Yoongi ngayon, dahilan para matitigan nya ng ayos si Yoongi na matapang na nakatingin sa kanya.
"Is this how it ends with a simple—"
Lalakasan pa sana ni Yoongi iyon ng biglang inihinto ni Jimin iyon. Parehong wala pa rin bumibitaw ng tingin sa kanila.
"J-Jimin..." Akmang iiwas na sana ng tingin si Yoongi, hindi nya matanggap na siya ang unang naintimidate sa kanilang dalawa ni Jimin samantalang siya ang na unang maglakas loob.
Lalayo na sana si Yoongi ng biglang hinawakan ni Jimin ang dalawang braso nya para maiharap ulit sya. Unti-unting namula si Yoongi at nawala ang kaninang lakas ng loob nya ng magsimulang maging dominate si Jimin.
"Hyung..." Mahinang tanong ni Jimin habang diretso ang tingin sa mata nya, hindi makaiwas si Yoongi dahil sa nakakapanghinang tingin ni Jimin.
"I-I..." Hindi matuloy ni Jimin ang sasabihin nya, pero hinahantay lang siya ni Yoongi na magsalita.
Pero naputol ang pagtitinginan nila ng may bumusina na sa likod nila. Mabilis na napaayos ng upo ang dalawa at pinaandar agad ni Jimin ang kanyang sasakyan at muli silang natahimik. Pero sa pagkakataon na ito ay wala ng radio kaya halos mabaliw silang dalawa kakaisip at sa sobrang awkward.
Biglang tumunog ang cellphone ni Jimin na nakapatong lang sa halos harap ni Yoongi kaya naman kinuha ni Yoongi iyon para tingnan kung sinong tumatawag ng makita nyang si Maureen iyon at mabilis niyang pinatay ang tawag, nakita ni Jimin ang ginagawa ni Yoongi pero hindi sya naka-angal.
Natahimik ulit sila pero sa sunod na pagkakataon ay may tumatawag ulit kay Jimin, akala ni Yoongi ay si Maureen ulit iyon pero ng makita nyang si Kiki iyon ay pinatay nya ulit, hindi ulit nakapagsalita si Jimin at pinagpatuloy lang nya ang pagmamaneho.
At muli na namang tumatawag si Maureen at dahil maiksi lang ang pasensya ni Yoongi huminga sya ng malalim para ikalma ang sarili niya at pintayan ulit ng tawag ang dalaga pero pagkapatay ng pagkapatay nya nun ay tumatawag na naman ang isa. Kaya naman tuluyan ng sumabog si Yoongi.
"Ihinto mo 'tong sasakyan." Malamig na utos ni Yoongi.
"H-Ha?" Naguguluhang tanong ni Jimin.
"Ang sabi ko ihinto mo 'tong sasakyan." Mas mariin na sabi ni Yoongi."
"B-Bakit?" Tanong ni Jimin.
"IHINTO MO 'TONG SASAKYAN!" Sigaw ni Yoongi kaya naman walang nagawa si Jimin. Itinabi nya ang sasakyan sa gilid, mabuti nalang at nandito sila ngayon sa parte na wala ng masyadong dumadaang sasakyan.
Inabot ni Yoongi kay Jimin ang cellphone nito bago akmang lalabas si Yoongi pero mabilis na hinawakan ni Jimin ang braso nya.
"S-Saan ka pupunta?" Tanong ni Jimin.
"Somewhere na hindi mo na ulit makikita." Giit ni Yoongi.
"B-Bakit?" Naguguluhan na tanong ni Jimin, takot at kaba rin ang nararamdaman nya ngayon dahil alam nyang lahat ng sinasabi ni Yoongi ay ginagawa talaga nya.
"Hindi pa ba obvious? Naiirita ako sa mga girlfriend mo." Mariin na sabi ni Yoongi.
"A-Anong g-gagawin ko? P-Patayin ko nalang cellphone k-ko." Hindi malaman ni Jimin ang gagawin nya kaya naman napataas ang kilay ni Yoongi bago nya muling hinarap si Jimin.
"Anong gagawin mo?" Pag-uulit ni Yoongi bago sya napa-crossarms. Napataas taas ng bahagya ang kilay ni Yoongi bago nya muling kinuha ang cellphone nya Jimin at hinintay na nya na may muling tumawag at nang marining syang may tumawag ulit na isa sa dalawa ay inabot nya kay Jimin iyon.
"Makipag-break ka sa kanila." Utos ni Yoongi.
Bahagyang nanlaki ang mata ni Jimin, hinahantay nyang bawiin ni Yoongi ang sinabi nya pero hindi nya ito binabawi. Siguro nga ay seryoso talaga ito sa sinabi nya.
"Madali lang naman ako kausap Jimin, it's either makikipaghiwalay ka sa kanila o hindi mo na ulit ako makikita. Mamili ka."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top