32

"Uy! Di ba yan yung nakipaghalikan kay Jennie sa party? Babae rin pala gusto niyan."

Napairap si Yoongi sa kawalan, ilang linggo na ang nakalipas pero ganto pa rin ang kanyang mga naririnig sa mga ka-schoolmate nila, para bang hindi sila makamove on lahat sa nangyari, sabagay patuloy pa rin naman ang pagdami ng views sa live na nagvideo noon.

Napatingin si Yoongi kay Jimin na nasa gilid niya lang pero diretso lang ang lakad nito, isang linggo na rin umaarte ng normal si Jimin, pero yung normal niya ay parang hindi na normal kay Yoongi.

Papaano naman kasi umaarte siya na parang lalaki ulit si Yoongi.

Muling napatingin si Yoongi kay Jimin bago siya napabuntong hininga.

Hindi naman ako naiinis na balik kami sa normal ni Jimin, actually dapat masaya ako kasi iyon naman talaga ang gusto ko. Umaarte siya na magkaibigan kami-- I mean magkaibigan naman kami kaya tama lang iyon pero kasi-- Hays! Ewan! Ayoko na!

Natigilan si Jimin sa paglalakad ng mapansin niyang hindi umaalis sa pwesto si Yoongi.

"Pre! Bilisan mo." Sigaw nito.

Pasimpleng napairap sa kawalan si Yoongi bago siya sumunod kay Jimin, muntik ng mapaurong si Yoongi ng mapansin niyang naglalakad si Jennie papalapit sa kanya, parehong gulat silang dalawa pero ng halos magkatapat na sila ay nag-iwas ng tingin si Jennie sa kanya bago humawak ng mahigpit kay Jisoo.

Si Yoongi naman ay mabilis na yumuko bago humabol kay Jimin.

Ilang araw na rin nag-iiwasan si Jennie at Yoongi, para bang umaarte sila na hindi nila kilala ang isa't isa. Ilang araw na rin napapansin ni Yoongi ang hindi mawala-walang tingin sa kanya ni Jin.

"Uy Par! LQ ba kayo ni Jennie?" Tanong ni Jimin.

"Shut the fuck up." Iritadong sabi ni Yoongi na dahil akala nya ay inaasar lang siya ni Jimin pero ang totoo nyan ay nag-aalala sya sa relasyon ng dalawa.

"Sus! Galit agad." Ani Jimin. "Oh sya! Saan ka pupunta sa Christmas Vacation?" Tanong nito kay Yoongi.

"Hindi ko alam, nagchat na ko sa pamilya ko na di ako makakauwi, alangan namang magpakita ako sa kanila na babae ako, ano nalang iisipin ng mga yun."

Napaisip si Jimin sa sinabi ng kaibigan nya, "oo nga no? Malamang iisipin nila na transgender ka." Anito.

"Malamang." Bored na sagot ni Yoongi.

"Oh sya, gusto mo sumama nalang sa amin?" Tanong ni Jimin.

"Sino-sino kayo?"

"No, I mean sa amin. Sa bahay namin, sa Busan." Paliwanag nito.

"Ano nalang iisipin ng parents mo pagnakita nila ako." Tanong ni Yoongi.

"Edi sasabihin ko kapatid ka ni Yoongi, ikaw si Yoonji. Ang daling lusutan noon pre." Anito.

"At bakit mo ko dadalhin sa inyo?"

"Kasi wala kang matutuluyan, yun nalang rin sasabihin ko sa parents ko."

Napaisip si Yoongi, wala rin naman syang choice, kahit sanay naman sya mag-isa ay di pa rin sya sanay na walang kasama tuwing pasko, nakasanayan na rin kasi nya na laging kasama si Jimin tuwing may mga gantong okasyon.

"Hays, sige na nga. May choice ba ako?" Napailing nalang si Yoongi.

"Sabagay, oh sya may papakilala ako sayo." Ani Jimin.

"Sino?" Walang ganang tanong ni Yoongi.

"Malapit na daw sya eh." Panay ang tingin ni Jimin sa kanyang cellphone at pasimpleng lumilingon-lingon sa paligid.

Hanggang sa may natanaw eto sa hindi kalayuan, napatingin rin doon si Yoongi at bumungad sa kanya ang isang magandang babae na may mahabang buhok na kulay pula.

"Sino yan?" Tanong ni Yoongi hindi dahil natipuhan nya ang babae kundi nakaramdam sya ng selos ng maisip nyang may kakilala na ganto kaganda si Jimin.

Kung lalaki pa rin si Yoongi ngayon ay baka nga matipuhan nya agad ito pero hindi, inis ang naramdaman nya ng makita nyang effortless ang pagbagsak ng bawat hibla ng buhok ng babae na para bang kinakamusta nito ang bawat hibla araw-araw.

"Wait, dito!" Sigaw ni Jimin kaya napatingin sa kanila ang babae at agad itong ngumiti, mas lalong nainis si Yoongi ng makita nyang parang pangmodel ng toothpaste ang ngipin nito.

"Jimin-ahh." Mabilis na humawak ang babae sa braso ni Jimin kayo mas lalong uminit ang dugo ni Yoongi dito.

Mabilis na umubo ng malakas si Yoongi para maagaw nya ang atensyon ng dalawang naglalampungan.

"Babe, sino yan?"

Sa pagkakasabi palang ng babae ay mabilis ng kumuha ng kutsilyo si Yoongi para hiwain ang tyan ng babae para madukot nya ang mga lamang loob nito hanggang sa magkalat ito sa sahig pagkatapos ay pinagtatanggal nya ang ngipin nito gamit ang nail cutter habang hinihila nya ang buhok nito hanggan sa matanggal sa anit.

Pero syempre sa imahinasyon lang nya nangyayari yun.

Nakatahimik lang si Yoongi habang naghahantay syang kumibo si Jimin.

"Ahh, sya?" Bahagyang tumingin si Jimin kay Yoongi bago muling ibinalik ang tingin sa dalaga.

"Si Yoonji nga pala, kapatid ng kaibigan ko." Ani Jimin.

Para bang may punyal na tumusok sa dibdib ni Yoongi at sa sobrang galit nya ay kinuha nya ang punyal sa kanyang dibdib at pinagsasaksak iyon kay Jimin pero again, sa imahinasyon lang nya iyon nangyayari.

"Ahh." Mabilis na humawak ulit ang babae kay Jimin na para bang isinawalang bahala ang buong pagkatao ni Yoonji dahil ang atensyon nya ay para lang kay Jimin.

"Ahh, Yoonji. Si Kiki, girlfriend ko." Ani Jimin kahit di nya masabi ng ayos dahil panay ang lingkis ng kanyang bagong nobya.

Biglang nagpigil ng tawa si Yoongi pero dahil gusto nyang gaguhin ang babae ay tumawa sya ng malakas.

"Ipinangalan ka pala ng nanay mo sa kung sa lumabas, nice one." Nakakatarantadong tawa ni Yoonji.

Biglang napangiwi ang babae na para bang nainsulto sya sa sinabi ni Yoongi pero dahil iyon naman talaga ang intensyon ni Yoongi kaya nya sinabi iyon kaya naman natuwa sya ng makita ang bakas ng galit sa mukha ng babae.

"Ang witty ng mga magulang mo, hanep." Dagdag pa ni Yoongi.

"Yoonji." Banta ni Jimin ng makita nya ang iritasyon sa mukha ng kanyang girlfriend.

"Alam mo mas better pa sayo yung isang girlfriend ni Jimin, at least sya hindi nya kamukha yung pangalan nya, ikaw kamukha mo yung pangalan mo. Mukha kang Kiki." Singhal ni Yoonji bago nya mabilis na kinuha ang kanyang bag at sinukbit iyon sa kanyang braso bago sya mabilis na nagwalkout.

Sinadya nyang dumaan sa gitna ng dalawa para magkahiwalay ito at para na rin matamaan nya itong pareho.

"Mga punyeta kayo." Inis na sabi ni Yoongi bago nya sinipa ang isang upuan.

Pinanuod lang sya ni Jimin na magwalk out hanggang sa napabuntong hininga nalang ang binatasa inasta ni Yoongi bago nya muling binalik ang tingin sa girlfriend nya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jimin.

"Oo, ikaw? Okay ka lang babe?" Tanong pabalik ng babae.

Muling binalik ni Jimin ang tingin nya sa dinaanan ni Yoongi kanina pero wala na ito doon.

"Hindi, hindi ako okay." Malungkot na sagot ni Jimin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top