27
"Nigagawa mo Namjoon?"
Napatingin kaming lahat kay Namjoon ng bigla itong tumayo sa harapan, si Hoseok na kasi dapat ang sunod pero si Namjoon ang tumayo kaya naman napa-iling nalang si Ma'am.
"Hay nako, hayaan mo na Hoseok. Kasunod ka nalang niya." Ani ni Ma'am.
"Ma'am sisimulan ko na ha." Excited na sabi ni Namjoon.
"Okay-- teka, saglit!" Biglang pigil ni Ma'am. "Pinapaalala ko lang class, alam nyo naman siguro na dapat appropriate hindi ba?" Parinig ni Ma'am sa klase.
"Opo." Halos sabay-sabay nilang sabi.
"Okay, Namjoon--"
"Tang ina mo Jhepoy Dizon!" Panimula ni Namjoon na may kasamang mura kaya naman mabilis napa-facepalm si Yoongi habang natuwa naman ang mga kaklase niya ng magsalita ito, si Ma'am ay halatang nagulat sa sinabi ni Namjoon.
"Mr. Kim, do I need to define appropriate?" Sarkastikong tanong ni Ma'am.
"Nakita mo ba yung pagmumukha mo sa salamin?!" Pagpapatuloy pa nito. "Tang ina mo--"
"Enough!" Sigaw ni Ma'am.
"Ang panget mo!" Sigaw pa ni Namjoon kaya naman ang sigawan na ang mga kaklase ko dahil tuwang-tuwa sila sa sinasabi nito.
"Ako ba sinasabihan mong panget?!" Tanong ni Ma'am.
"Hindi po Ma'am, si Jhepoy po." Anito.
"Sino si Jhepoy-- Argh! Go back to your seat!" Inis na sabi ni Ma'am bago niya tinuro yung upuan nito kaya naman malungkot na bumalik si Namjoon sa upuan niya habang tuwang-tuwa pa rin ang mga kaklase nila.
Napairap sa kawalan si Yoongi, halos pareho lang naman ng ginawa si Taehyung at Namjoon, ang pinagkaiba lang ay matalino si Taehyung kaya hindi nila nahatalang nang gagago lang rin ito.
Nakita ni Yoongi na napatingin si Ma'am sa kanyang relo kaya bahagyang nabuhayan ng pag-asa si Yoongi na hindi siya matatawag ngayon, "Hoseok. Ikaw na." Ani Ma'am.
Tumango si Hoseok bago pumunta sa harapan, tumingin muna siya sa buong klase bago ngumiti.
"Bago ko po simulan ang aking tula, nais ko po sanang makinig kayong lahat sa akin..." Tumingin si Hoseok kay Yoongi kaya naman nabigla ito. "Lalo ka na Yoonji." Anito.
"Ayiiiiieeeeeeeeeee." Sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase nilang tila mga demonyong nang-aasar.
"Sa panahon ngayon ang hirap maging adik..." Bahagya itong napatigil "Maging dik sa'yo." Mahinang sabi nito.
"Kapag nakikita kita bigla nalang akong nagpapanic. Bigla nalang akong natatahimik kaya baka isipin mo meron akong saltik, pero hindi na ko magpapakaplastic. Gusto kong makaisa sa'yo..."
"Maka-isang halik." Sabay ngisi nito kaya nagkantyawan ulit ang mga kaklase nila.
"Kaya hindi ako magtataka kung isang araw makita nalang akong nakahandusay at wala ng malay, pero ayos lang. Matagal narin naman akong patay, patay na patay sa'yo." Sabay kindat ni Hoseok kay Yoongi.
Nagtilian ang mga kaklase nila dahil sa sinabi nito. Kahit napakakorni ng mga sinasabi nito ay natutuwa sila, syempre nagagawa nilang mang-asar talagang matutuwa sila.
"Pero totoo, walang halong biro. Adik ako, meron akong bato. Ninakaw ko pa 'to kay Darna kasi gusto kong agawin ang kanyang pwesto, gusto kong maging superhero. Nang sa gayon ako yung maging taga pagligtas mo."
"Hanggang isang araw nakaupo ako, dyan mismo sa upuan ko." Tinuro ni Hoseok ang kanyang upuan na halos katapat lang ng upuan ni Yoonji kaya naman napatingin lahat doon ang buong klase.
"Habang nakatitig sa mga mata mo, naisip ko na dapat tigilan ko na ang kahibanangan na 'to. Wala naman akong mapapala kung mananatili lang akong nagmamasid sa'yo mula sa malayo. Dapat simulan ko ng abutin ang pangarap ko. Ang pangarap kong magkaroon ng relasyon na kasing haba ng baba ko."
"Pero ayokong mangyari iyon kung hindi naman ikaw ang magiging girlfriend ko." Biglang nag-angat ng tingin si Hoseok kay Yoonji kaya bigla itong kinabahan.
"Please wag mo ko ipapahiya, please wag mo kong babanggitin..." Paulit-ulit na sabi ni Yoongi sa isip niya.
"Kaya Min Yoonji may itatanong ako sa'yo..."
Biglang natahimik ang buong klase at sabay-sabay na napatingin kay Yoongi na pulang-pula na ang buong mukha sa sobrang kahihiyan.
"Pwede bang ikaw ang maging Prom date ko sa dadating na Pebrero?"
Napalunok si Yoongi sa sinabi ni Hoseok.
Mula naman sa malayo ay natahimik na nakaupo si Jimin sa kanyang upuan, naghahantay sa isasagot ni Yoongi habang nakayukom ang kanyang kamao. Nagdadasal na wag sana itong pumayag.
"Ayiiiiieeeeeeeeee! Papayag na yan!" Kantyaw ng mga kaklase nilang mga demonyo.
"Payag na yan! Payag na yan!" Pagchicheer ng buong klase, pati si Ma'am ay nakikisali sa pagchicheer kay Yoonji na pumayag kaya hindi makasabat si Jimin na tumahimik sila.
Nakanganga lang si Yoonji at hindi alam ang isasagot, napi-pressure siya sa pangangantyaw ng mga kaklase nila.
Napatingin si Yoonji kay Jimin na ngayon ay nakatingin na sa bintana, biglang nainis si Yoongi dahil pakiramdam niya ay walang pakealam si Jimin sa kanya kaya naman napairap ito ng patago bago siya tumayo sa kanyang upuan.
Sinadya niyang lakasan ang pagkakatayo niya para maagaw ang atensyon ni Jimin, pero hindi pa rin ito lumilingon sa kanya. Muling natahimik ang buong klase habang nakatingin kay Yoonji, lahat sila ay nag-aabang sa isasagot ng babae.
"Sige, payag ako." Sabay ngiti ni Yoonji.
"YES!" Biglang napasigaw si Hoseok at tuwang-tuwa sa sinabi ni Yoonji napapatalon pa siya sa sobrang saya niya.
"Ayiiiiiiiieeeeeeeeeeee!" Mulang nag-ingay ang lahat, ang iba ay hinahampas pa ang desk nila kaya napakaingay ang ilan naman ay pumapalakpak pa at sinasadyang hampasin ang mga katabi nilang kinakainisan nila, kunware natutuwa lang sila pero ang totoo ay sinusulit nila ang pagkakataon.
Pati si Ma'am ay napapapalakpak sa tuwa.
"Wag nyo kalimutan magdala ng condom para pagkatapos ng Prom ligtas pa rin kayo!" Sigaw ni Namjoon kaya naman nagtawanan ang iba.
Tinapos na ni Ma'am ang klase kasi ang totoo niyan ay kanina pa-overtime.
Nagmamadaling lumabas si Jimin pagtapos ng klase para magtungo sa cafeteria, napatingin si Taehyung sa kanya kaya naman sinundan siya nito. Hanggang sa makarating silang dalawa, noon lang narealize ni Jimin na sinusundan siya ng kanyang kaibigan.
Umorder silang dalawa ng pagkain nila bago sila naupo sa gawing dulo.
"Mukhang naunahan ka na ni Hoseok sa Yoonji mo ah?" Biro ni Taehyung na naging dahilan para tingnan siya ng masama ni Jimin.
"What?" Napataas ang kilay ni Taehyung pero nagkibit balikat nalang siya kasi inirapan lang siya ni Jimin.
Pinagpatuloy nilang dalawa ang kanilang pagkain, natigilan silang dalawa ng biglang may malakas na bumagsak sa table nila. Pareho silang napatingin sa librong nakalapag dito.
Sabay na nag-angat ng tingin si Taehyung at Jimin sa taong naglagay noon, bahagyang napakunot ang noo ni Jimin ng makita nya si Jungkook na walang emosyong nakatingin kay Taehyung.
"Tapos mo na?" Nakangiting tanong ni Taehyung kay Jungkook, bahagyang tumango si Jungkook sa kanya.
Nagbalik-balik ang tingin ni Jimin kay Taehyung at Jungkook na parehong hindi nagbibitaw ng tingin sa isa't isa. Nakakaramdam si Jimin ng tensyon sa dalawa pero hindi niya alam kung anong klaseng tensyon iyon kaya naman pinagpatuloy nalang niya ang pagkain niya.
"Good." Sabi ni Taehyung bago niya kinuha ang libro at pinasok sa kanyang bag.
Pinasadahan ng tingin ni Jungkook si Jimin bago siya tuluyang umalis.
"Close pala kayo ni Jungkook?" Tanong ni Jimin ng tuluyan na itong makaalis.
"Nah, partner lang kami sa project sa literature." Anito kaya naman napatango nalang si Jimin.
Pero nagulat siya ng biglang bumalik si Jungkook, this time ay pagkain naman niya ang nilapag niya sa upuan at walang pasintabing naupo sa tabi ni Taehyung.
Parehong nagulat si Taehyung at Jimin sa ginawa ng mas nakababata sa kanila, hanggang sa ngumiti lang sa kanya si Taehyung at pinagptuloy ang pagkain. Napakunot ng noo si Jimin habang nagtataka sa nangyayari.
Sa sobrang kakaisip niya ay nahulog niya ang kanyang tinidor kaya naman mabilis niya itong kinuha pero natigilan siya ng makita niya ang kamay ni Taehyung sa binti ni Jungkook. Biglang nanlaki ang mata ni Jimin kaya naman mabilis siyang napatayo pero nauntog siya sa lamesa.
Parehong naagaw ang atensyon ng dalawang binata. Sabay silang napatingin sa nahihilong si Jimin.
"Dude, ayos ka lang ba?" Tanong ni Taehyung kaya naman tumango lang si Jimin.
Halos nagkaroon na ng sariling mundo si Taehyung at Jungkook, rinig na rinig ang boses ni Taehyung habang tumatango-tango lang si Jungkook.
"Wow..." Mahinang sabi ni Jimin sa sarili nia, "Hindi ko inexpect na si Jungkook ang bottom." Halos wala sa sariling sabi ni Jimin bago niya pinagpatuloy ang kanyang pagkain.
Hindi siya narinig ng dalawa dahil pareho itong abala sa kanilang pinag-uusapan. Biglang natigilan si Jimin ng may umupo sa tabi niya, nakita niya si Yoongi na bigla nalang nilapag ang pagkain sa lamesa at tahimik na kumain.
Natigilan naman si Jimin at Yoonji ng biglang may malakas na tili ang sumigaw bago nagtatakbo patungo kay Jimin. Si Maureen, yung girlfriend nito.
Napairap sa kawalan si Yoonji bago niya binalik ang kanyang atensyon sa pagkain. Umupo si Maureen sa tabi ni Jimin kaya walang choice si Yoonji kundi umusog para magkapwesto ito.
"Pwede bang makiupo dito?" Napatingin silang lahat kay Hoseok, tumango lang si Yoonji bago siya muling umusog papalapit kay Jimin para magkapwesto sa tabi niya si Hoseok.
Magrereact na sana si Jimin na wala ng pwesto kaso nakaupo na si Hoseok sa tabi ni Yoonji at inagaw naman ni Maureen ang atensyon niya, habang busy pa rin ang dalawa na si Taehyung at Jungkook sa pag-uusap nila.
"Okay, invite ko sana kayo sa party. Sa bahay ni Namjoon, don't worry. Kami mag-aayos ng party." Ani Maureen.
Natigilan si Jungkook at Taehyung ng maringi ang salitang party.
"Sure." Ani Jimin bago siya ngumiti dito.
"Good! Sama mo silang apat ha?" Ani Maureen.
"Apat?" Tanong ni Jimin, naguluhan siya dahil tatlo lang naman si Yoongi, Taehyung, Jungkook...
Napakunot ang noo ni Jimin ng maalala niya kung sino pa ang isa.
Hoseok! What the fuck?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top