23

"Rape! Rape! Rape!" 

Biglang natigilan ang lahat ng babae sa sigaw ni Yoonji, lahat sila ay weird na napatingin sa babaeng nagseself-proclaim na nirere-rape siya.

"Uh, seriously?" Bulong ni Sana kay Tzuyu.

Isang malakas na pagbukas ng pinto ang naka-agaw sa pansin ng lahat ng babae.

Si Seokjin, pinsan ni Jennie. Siya ang nagbukas ng pinto, mabilis na hinanap ng paningin niya si Yoonji at nakita niya itong nakaupo sa sulok habang nakayakap sa kanyang sarili, alam mong natatakot siya base palang sa pagtingin mo sa postura niya.

Napabuntong hininga nalang si Jin bago niya inalis ang jacket niya, kakauwi lang kasi niya galing sa isang convenience store para bumili at narinig niya agad niya ang sigaw ng pamilyar na boses sa kanya kaya naman nagtatakbo agad siya patungo sa kwarto ni Jennie.

Hinagis niya ang jacket niya kay Yoonji, nakita kasi niya na hawak na ni Jisoo ang bra ng babae ngayon, hindi niya alam kung paano iyon natanggal.

Chos! Matatanggal talaga yan dahil wala ng kinakapitan.

Mabilis na binalot ni Yoongi ang sarili niya sa jacket ni Jin, malaki iyon sa kanya dahil di hamak na mas malaki sa kanya si Jin pero ayos lang, at least matatago niya ang katawan niya.

Pakiramdam niya ay nirahas siya ng mga babae at wala siyang magawa dahil wala siyang laban, kaya naman wala na, wala na ang kanyang dangal. 

Pero syempre OA lang siya, di naman talaga siya dinahas, feeling lang niya.

"Jennie, alam kong mga bakla kayo ng taon at nagbabaklaan kayong lahat dito pero hindi porket mga bakla kayo ay mangbabakla rin kayo ng mga bagong dating na hindi natin alam kung bakla ba o hindi, naiintindihan nyo ba?"

Sabay-sabay na tumango silang lahat kahit ang iba ay hindi naman talaga naintindihan ang sinabi ni Jin ay nakitango nalang rin.

Napansin ni Jin na nasira na ang strap ng bra na hawak ni Jisoo kaya naman tinulungan nalang niyang tumayo si Yoongi sa gilid, "Excuse ko muna siya, maghahahanap sa kanya sa labas." Sabi ni Jin bago niya hinila palabas ng kwarto si Yoonji.

Naiwan na mga walang kibo ang mga babae sa loob na iniisip kung ano bang ginawa nilang mali, habang wala ring kibo si Yoonji dahil iniisip niya kung sino ang naghahanap sa kanya sa labas.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Jin sa kanya pero hindi kumibo si Yoonji, para bang tinangay ng hangin ang utak niya kaya naman sabaw na sabaw siya ngayon.

Inayos ni Jin ang pagkakasuot sa jacket ni Yoonji bago niya ito hinila sa labas at pinasok sa loob ng kotse niya. 

Nakasilip lahat ng babae sa bintana at low key shiniship ng iba si Yoonji and Jin habang si Jennie naman ay nakanguso lang dahil pakiramdam niya ay inagaw sa kanya ni Jin ang kaibigan niya dahil alam naman niyang walang naghahanap kay Yoonji sa labas.

"Ang cute ng bra niya." Sabi ni Jisoo kaya naman mabilis na napatingin si Jennie doon, kinuha niya iyon ay halos mapakunot ang noo niya ng makita niyang may isang panty siya doon na nakasabit, unti-unti siyang napaharap sa pwesto ni Yoonji kanina.

At halos malaglag ang panga niya ng makita niyang nagkalat ang mga panty niya doon.

Hanggang sa namula ang buong mukha niya at mabilis niyang pinagpupulot iyon. 

"Hala, bat nandyan mga panty mo Jennie?" Tanong ni Lisa, pero hindi siya pinansin ni Jennie dahil abala ito sa pagpupulot niya ng mga underwear niya.

Walang maisip na dahilan si Jennie kung bakit ninakaw ni Yoonji ang mga underwear niya, napaisip tuloy siya kung wala ba itong panty or gusto type nya lang talaga ang mga panty ni Jennie dahil may kamahalan ang mga ito.


Sa kabilang banda naman ay mabilis na pinaandar ni Jin ang sasakyan niya.

"Teka, nasaan yung humahanap sa akin?" Tanong ni Yoonji, umaasang si Jimin yung naghahanap sa kanya.

"Walang naghahanap sa'yo, baliw." Sagot ni Jin.

"Huh?" Disappointed na tanong ni Yoonji pero hindi na siya nabigla, alam naman niyang wala ng pake sa kanya si Jimin.

"I save your ass, bitch. Be thankful." Sarcastikong sagot ni Jin.

"Edi thank you." Mas sarcastikong sagot ni Yoonji.

Matagal silang natahimik na dalawa, walang nagtatangkang magsalita sa kanila hanggang sa binasag ni Yoongi ang katahimikan.

"Saan mo ko dadalhin?" Tanong ni Yoongi.

"I-uuwi na kita sa inyo, delikado ka sa amin." Sagot ni Jin.

Hindi kumibo si Yoongi, mabilis niyang kinapa kung nasa bulsa ba niya ang cellphone at wallet niya, mabuti nalang at nasa bulsa niya iyon. 

"So, saan ka nakatira?" Tanong ni Jin.

"Diyan lang, malapit na." Plain na sagot ni Yoonji, tinuro ni Yoonji ang daan hanggang sa makita niya ang isang bahay malapit sa isang bar. 

"Dito, itabi mo nalang diyan." Sagot ni Yoongi, napatingin si Jin sa malaking bahay bago niya pinarada ang kanyang sasakyan sa harap nito.

Bumaba si Yoonji sa sasakyan, "Thank you." Mahinang sabi ni Yoonji pero sincere iyon.

"Ge." Tipid na sagot ni Jin bago niya sinarado ang bintana, parehong walang umaalis sa pwesto nilang dalawa habang magkatinginan sila, kaya naman mabilis ulit binuksan ni Jin ang bintana.

"Di ka pa ba papasok?" Iritadong tanong ni Jin.

"Papasok ako kapag umalis ka na." Sagot ni Yoonji.

"Pumasok ka na, sisiguraduhin ko lang pumasok ka na." Giit ni Jin.

"Umalis ka na, sisiguraduhin ko lang na umalis ka na." Sagot pabalik ni Yoonji.

Napairap sa kawalan si Jin bago siya sumuko, "Sige na! Sige na! Bye." Sagot nito.

"Ge." Tipid na sagot ni Yoonji.

Sinarado na ni Jin ang bintana ng kanyang sasakyan bago niya ito pinaandar, pinanuod ni Yoonji si Jin na makaalis bago siya napabuntong hininga at tumingin sa bahay sa likuran niya.

Di naman niya alam kung kaninong bahay yun, nagkibit balikat nalang siya bago siya nagsimulang maglakad patungo sa bar na malapit lang sa pinagbabaan niya.

Who cares kung wala siyang bra, wala na rin naman siyang dibdib. Iyon ang nasa isip niya sa mga oras na yun.

Pumasok siya sa loob ng bar at dumiretso agad siya para umorder ng kahit anong makakapagpalasing sa kanya, habang hindi iniisip ang kahit anong sasabihin ni Jimin sa kanya. 


Sa bahay naman ni Jin at Jennie ay may hindi sila inaasahang bisita, nandoon pa rin lahat ng kaibigan ni Jennie sa kwarto niya habang si Jin naman ay hindi pa nakakabalik mula sa pagkakahatid niya kay Yoonji.

Si Jimin naman ay nasa harap na ng bahay nila habang patuloy na pinipindot ang doorbell, sunod-sunod iyon kaya naman nairita na si Jennie at binaba na niya iyon, dahil nga mga chismosa ang kanyang mga kaibigan ay nakibaba na rin sila.

Pagbukas ni Jennie ng pintuan ay hindi niya inaakala ang taong nasa harapan niya.

Tiningnan niyang mabuti si Jimin habang nakasuot ng puting shirt at itim na leather jacket na bagay na bagay sa kanya, nakasuot rin siya ng itim na cap kaya naman sa una ay hindi agad siya nakilala ng iba pero ng marealize nila kung sino ay nagtilian sila dahil alam naman ng lahat ng kaibigan niya na crush siya ni Jennie.

"Pasensya na sa abala Jennie, naistorbo ko ba kayo?" Tanong ni Jimin habang pasimple niyang hinahanap ang kaibigan niya kumpol na mga babae.

"A-Anong ginagawa... I mean, ayos lang. Bakit ka napunta d-dito?" Nauutal na tanong ni Jennie.

Lahat sila ay ngiting-ngiti habang inaasahan na kaya nandito si Jimin ay dahil may gusto siya kay Jennie at balak niyang manligaw dito, dahil mga manliligaw lang naman ang pumupunta ng gantong oras sa bahay ng babae, hindi ba?

"Itatanong ko lang sana kung nandito yung girlfriend ko?

Unti-unting nawala ang ngiti ng iba habang ang iba naman ay hindi nawala ang ngiti dahil nag-eexpect sila na isa iyong pick up line.

"G-Girlfriend?" Wala sa sariling tanong ni Jennie.

Napakamot si Jimin sa batok niya habang awkward na napangiti kila Jennie.

"Oo, si Yoonji. Girlfriend ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top