21
"Gusto ko rin maging fuckboy"
Natigilan si Yoongi sa sinabi ni Jimin sa kaniya, hinintay niyang dugtungan ni Jimin ang binitawang salita nito habang nagpipigil siya ng tawa.
"Gusto ko maging katulad mo." dagdag pa ni Jimin.
Pilit nilunok ni Yoongi yung tawa niya, kung yun man tamang salita para sa ginawa niyang pagpipigil sa tawa niya.
"Bakit? Sa tingin mo fuckboy ako?" Tanong ni Yoongi habang pinipigilan lumabas yung bakas ng tawa sa mukha niya.
Si Jimin naman ang natigilan ngayon, biglang namula ang mukha niya dahil sa isip-isip niya ay na-offend si Yoongi sa sinabi niya, siguro ay hindi tinatanggap ng mga fuckboy na fuckboy sila, o hindi sila aware na fuckboy pala sila? Naguluhan si Jimin at the same time ay nahiya siya sa sinabi niya.
"H-Hindi naman sa g-ganoon..." Nahihiyang sabi ni Jimin.
Bigla siyang binatukan ni Yoongi kaya naman nagulat siya pero natawa lang ang mga nakakatanda sa kanila.
"Wag mong isipin na gusto mong maging fuckboy." Pagkatapos siyang batukan ni Yoongi ay hinila naman siya nito papalapit sa kanya para akbayan, inabutan siya nito ang isang bote ng soju.
Kanina pa umiinom si Yoongi, nakaka-anim na bote na ito kanina ay hindi pa rin nalalasing pero kung bibilangin ang bote ngayon ay nasa sampu na, mukhang tinatamaan na ito ngayon habang si Jimin naman ay tahimik lang na nakikikain ng mga pulutan ni Yoongi.
"H-Hindi ako umiinom hyung." Sagot ni Jimin.
"Isa lang, hindi naman kita lalasingin. Tikman mo lang yung lasa." Sagot ni Yoongi, wala siyang balak hawaan ng masamang impluwensya si Jimin pero gusto niya lang mamulat ito sa katotohanan.
Tinikman ni Jimin ang sinalin ni Yoongi sa tansan ng soju, mabilis na napangiwi si Jimin sa lasa nito at ayaw na niyang ulitin pa iyon.
"Jimin, ayaw mo bang mapunta sa isang relasyon na masaya, yung kayong dalawa lang, pangmatagalan at hindi lang basta-basta pasok labas, pasok labas?" Seryosong tanong ni Yoongi kahit hindi seryoso ang pagkakasabi niya.
"G-Gusto, pero kasi... y-yung mga katulad m-mo yung mga nagugustuhan ng mga babae, h-hindi yung katulad ko." Anito, kaya naman dahan-dahang napatango si Yoongi.
"You mean yung katulad ko na may gantong dila." Nilabas ni Yoongi ang dila niya at pinakita iyon kay Jimin, mabilis na naguluhan si Jimin sa sinabi niya.
"Anong meron sa dila mo hyung?" Tanong ni Jimin.
Natawa si Yoongi dahil sa ka-inosentehan nito, kaya naman mabilis niyang ginulo yung buhok nito habang nag-iihit siya ng tawa habang walang kamalay-malay si Jimin kung bakit ito natatawa.
"Tongue technology." Sagot ni Yoongi ng humupa ang tawa niya.
Dahan-dahang tumango si Jimin nagkukunwareng naintindihan nya kung anong ibig nitong iparating.
"At isa pa Jimin, never akong nakipaglaro sa babaeng hindi marunong makipaglaro, ayokong paglaruan yung mga inosenteng babae, ayoko makasakit ng damdamin, tao rin naman ako." Sagot ni Yoongi kaya napangiti si Jimin ng patago.
Kahit ang pangit ng tingin ng mga tao kay Yoongi ay ibang-iba ang tingin sa kanya ni Jimin, kasi kumpara sa mga tao na mapanghusga, mas alam ni Jimin ang ugali ni Yoongi dahil siya ang nakakasama nito sa araw-araw.
"Pero paano mo naman nasabi hyung, na iyan yung nagustuhan nila sa'yo." Tanong ni Jimin habang awkward niyang tinuturo ang labi ni Yoongi, pero ang ibig niyang sabihin talaga ang yung dila nito.
"Come here, papakita ko sa'yo kung bakit." Pinapausog ni Yoongi si Jimin ng mas malapit pa, kahit sobrang lapit na talaga nila.
Sumunod naman si Jimin kaya bigla niyang naamoy ang matapang na amoy ng soju na halos dumikit na kay Yoongi.
Pulang-pula na rin ang pisngi ni Yoongi pati na rin ang tenga nito kaya naman mas lalong napangiwi si Jimin pero at the same time ay napansin niya na medyo cute si Yoongi habang halos mapikit na niya ang mata niya sa kalasingan, lalo na yung namumulang labi niya-- wait, what?!
"Tuturo ko sa'yo kung paano." Mabilis na hinila ni Yoongi si Jimin papalapit sa kanya.
Dahan-dahang hinalikan ni Yoongi si Jimin.
Jimin's first kiss.
Alam ni Jimin na makakalimutan lang ni Yoongi ito pagkatapos, medyo kabisado na nya si Yoongi.
It's Min Yoongi's thing when he's drunk. Nagiging touchy sya masyado. Nakakalimutan nya kung sino ang kaharap nya, masyado siyang naiimpluwensyahan ng alak kasi nga ang epekto ng alak sa kanya ay nasa dulo. Hindi niya ramdam ito sa una kaya inaabot siya ng maraming bote bago siya malasing at kapag nalasing siya, sobrang kalasingan na.
Hindi kumibo si Jimin nanatili siyang gulat sa nangyari at hindi niya magawang isarado yung mata niya dahil sa gulat at sa bilis ng tibok ng puso niya.
Syempre gusto niyang first kiss ay sa babae! Sa crush niya! Kay Rose! Hindi kay Yoongi!
Napadilat si Yoongi dahil hindi gumagalaw si Jimin, akala tuloy niya ay naging estatwa na ito ngayon.
"What? Di mo ipipikit yung mata mo?" Sarkastikong tanong ni Yoongi kaya mabilis na umiling si Jimin.
"Paano kita matuturuan kung papaano humalik kung hindi ka makiki-cooperate? Huh?" Tanong ni Yoongi habang pinaglalaruan niya ang hem ng t-shirt ni Jimin.
Napababa ang tingin ni Jimin sa kamay ni Yoongi bago siya napabalik sa mukha nito, napangiti ng kakaiba si Yoongi bago niya muling hinuli yung labi ni Jimin.
This time, naki-cooperate si Jimin.
Okay, straight siya, straight ako, straight kaming pareho, practice lang 'to, walang ibig sabihin ito. Iyon yung nasa isip ni Jimin.
Halos nakapatong na si Yoongi ngayon kay Jimin ng dahan-dahang tumigil si Yoongi, medyo nahiya si Jimin ng marealize nyang humabol pa siya sa labi nito.
"Eto yung kaylangan mo..." unti-unting bumaba yung halik ni Yoongi patungo sa panga ni Jimin pababa sa baba nito. "Kung gusto mo..." napakagat sa labi si Jimin ng maramdaman nyang nasa leeg na niya ang labi nito. "Ma-hook yung mga babae sayo." Tumigil si Yoongi sa paghalik sa collarbone ni Jimin bago nya inangat ang tingin niya sa mata nito.
Walang pasintabing lumayo si Yoongi kay Jimin pagkatapos niya itong kindatan. Muli siyang uminom ng soju na para bang walang nangyaring make out kanina.
Habang mabilis na nakaget over si Yoongi doon ay naiwan naman si Jimin sa pwesto nya na hindi makagalaw.
Hindi naman matatandaan ni Yoongi 'to bukas. Iyon yung nasa isip ni Jimin.
Bahagya siyang ngumiti bago niya pinatong ang siko nya sa table at pinatong naman ang ulo niya sa kamay niya habang pinapanuod nyang mas lalong nagpapakalasing si Yoongi.
Pasimple nyang ginaya ang ginagawa nitong paglalaro sa hem ng damit nya kanina. Napatingin si Yoongi sa kanya dahil sa ginagawa nya, hanggang sa bumaba ang tingin ni Yoongi kamay ni Jimin na nasa hem ng shirt nya.
"Turuan mo pa ko, kung papaano." Mahinang sabi ni Jimin kaya naman natigilan si Yoongi sa pag-inom nya.
"W-What?" Tanong ni Yoongi, kahit narinig nya yun ay parang nabingi pa rin sya.
"Ganto ba, hyung?" Tanong ni Jimin bago sya lumapit kay Yoongi na halos magtama ulit ang labi nila.
"Uh-huh." Halos hangin nalang ang lumabas sa labi ni Yoongi.
Again, hinalikan ni Jimin si Yoongi sa labi pababa sa leeg nito.
"Hmm, ahh— wait. Jimin." Pagpigil ni Yoongi sa mas nakababata sa kanila para mapagtakpan yung lumabas sa bibig nya kanina.
"Bakit, hyung?" Tanong nito.
"Magkaibigan tayo ah." Tumango si Jimin sa sinabi ni Yoongi bago nya akmang hahalikan ulit si Yoongi pero lumayo ulit ito. "At naghahalikan tayo." Dagdag pa ni Yoongi.
Napataas ang kilay ni Jimin dahil mukhang may sasabihin pa ulit si Yoongi bago ito lumunok.
"Pero no homo."
Matagal bago magsink in sa utak ni Jimin ang sinabi ni Yoongi hanggang sa dahan-dahan siyang napatango. "Ahh, bros and no homos." Blangkong sagot ni Jimin.
Biglang napapitik si Yoongi, "exactly!"
"So saan tayo nahinto?" Tanong ni Yoongi kay Jimin bago ito napataas ang kilay, mabilis na napangiti si Jimin bago niya dahan-dahang nilagay yung daliri niya sa collarbone ni Yoongi.
"Dito." Sagot ni Jimin.
"Good, ang bilis mong matuto." Natatawang sabi ni Yoongi.
"I know." Nakangising sabi ni Jimin.
"FUCK!" Sigaw ni Jimin bago niya sinipa yung basurahan sa gilid ng bar na pinuntahan nya, halos lahat ng bar sa paligid nya ay napuntahan na nya pero di pa rin nya nakikita ang kaibigan nya.
"Saan ka ba nagpunta?! Bakit ayaw mong sagutin?!" Sigaw ni Jimin habang tinitingnan nya yung phone nya na nakakamarami ng tawag kay Yoongi pero kahit isa dito ay walang sumasagot.
"Jennie kim." Biglang lumabas sa labi ni Jimin ang pangalan ni Jennie ng maalala nyang magkasama ito nung nakaraan.
Mabilis nyang tinawagan ito pero wala rin sumasagot. Kanina pa nya naiisip na papaano kung umiinom sila, alam ni Jimin na ibang malasing si Yoongi.
Wala siyang pakialam kung pareho kayong lalaki, lalo na sigurong wala siyang pake kung pareho kayong babae.
"Aish!" Sigaw ni Jimin bago siya pinagsisipa lahat ng pwede nyang sipain kaya naman kahit hindi nya sinasadya ay may nasipa siya sa pwet.
"Ouch!" Napasigaw ang lalaki na nasipa nya.
"Jimin?"
"Taehyung?"
"Bat naninipa ka ng pwet, wala ka bang pwet?" Tanong ni taehyung habang hinihimas yung pwet nya.
"Sorry na, di ko sinasadya." Sagot ni Jimin habang kinakamot nya yung batok nya.
"Anong ginagawa mo dito ng gantong oras?" Tanong ni Jimin,
"Pauwi ako galing trabaho ko, ikaw?" Tanong ni Taehyung pabalik.
Napataas ang kilay ni Taehyung ng hindi ito sumagot. "Ahh, hinahanap mo si Yoonji?" Tanong nito.
"Papaano mo—"
"Kasama nya si Jennie, and who knows kung nasaan at kung anong ginagawa nila ngayon?" Tanong ni Taehyung habang kinakamot nya yung babae nya habang nag-iisip.
"Pwedeng nagbobonding sila ngayon." Nakangising sabi ni Taehyung kaya mas lalong napakunot ang noo ni Jimin.
"Pwedeng nagchichill habang nanunuod ng movie, nagkukwentuhan about sa crush nila—"
"Ano pang pwede nilang gawin?" Nag-aalalang tanong ni Jimin.
"Uhh, maligo ng sabay?" Hula ni Taehyung.
"Fuck!" Sigaw ni Jimin.
Shit, shit, shit! Hindi pwede! Baka maging lalaki si Yoongi!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top