19
"Huwag kang maingay baka magising natin yung pinsan ko."
Mahinang sabi ni Jennie kay Yoonji habang dahan-dahan silang naglalakad patungo sa kwarto nito.
Habang maingat na naglalakad ang dalawa para hindi makagawa ng kahit anong ingay ay biglang bumukas ang ilaw, halos mapamura ang dalawa dahil sa gulat pero naihandle naman nilang hindi sumigaw.
"Anong ginagawa mo dito?" Halos sabay na sigaw ng dalawa.
Napa-iling nalang si Jennie dahil kay Yoongi at sa pinsan niya.
"Ako pa talaga tinanong mo Yoonji? Eh dito ako nakatira, bahay ko 'to." Deretsahang sagot ni Seokjin.
O mas kilala bilang Jin.
Feeling niya ay tinuturing siyang idol sa school nila pero ang totoo niyan ay wannabe idol lang naman talaga siya.
Pero di naman maipagkakailang sikat talaga siya.
Napatingin si Yoongi kay Jennie at napakibit balikat nalang ito sa kanya, "Pinsan ko." Bulong ni Jennie sa kanya.
"Di nga? Magpinsan kayo?" Tinuro pa ni Yoongi yung dalawa kaya naman sabay na napairap sa mga ito.
"Kakasabi lang niya di ba." Sarkastikong sabi ni Jin kay Yoongi.
"So Jennie, bakit mo dinala 'yang..." Tiningnan ni Jin si Yoongi mula ulo hanggang paa bago ito napaubo ng mahina. "Babae na yan?"
"Kasi wala siyang matirahan ngayon so dito ko muna siya papatulugin sa kwarto ko." Sabi ni Jennie.
"At saan ka matutulog?" Tanong ni Jin.
"Sa tabi niya, of course." Pabalang na sagot ni Jennie.
Napatingin si Jin kay Yoongi pero nagkibit balikat lang ito sa kanya, kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na hilahin si Yoongi papalayo sa pinsan niyang si Jennie.
"Yoonji, sa kwarto ko ikaw matulog at ikaw naman Jennie, sa kwarto mo ikaw--"
"What?! Type mo si Yoonji? Hindi pwede! Anong balak mo sa kanya--"
"Gaga!" Sigaw ni Jin para tumahimik si Jennie.
"Sa kwarto ko siya matutulog, ako dito sa sofa. Basta wag lang kayo magtabi." Giit ni Jin bago niya tiningnan ulit si Yoongi ng masama, "Hindi maganda kutob ko kapag magkatabi kayo."
"Woah, don't tell me iniisip mong may relasyon kami ni Yoonji?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jennie.
"Hindi ko iniisip na may relasyon kayo okay?" Giit ni Jin bago niya hinila si Yoonji papunta sa kwarto niya pero mabilis na nagpumiglas si Yoonji dahil una sa lahat, nung lalaki pa siya ay hindi sila close nito, hanggang sa maging babae siya ay mukhang hindi pa rin niya ito makakaclose.
"Oh gahd! Seokjin!" Sigaw ni Jennie bago niya hinila papunta sa kanya si Yoonji, "She's my guest, not yours." Giit ni Jennie bago niya inalis yung pagkakahwak ni Jin sa braso ni Yoonji.
"Okay fine!" Sigaw ni Jin, tiningnan ulit niya si Yoongi kaya naman napangiwi nalang ito, kanina pa napapansin ni Yoongi na mukhang may galit sa kanya ang kaklase niyang 'to. Yes, magkaklase sila pero hindi halata kasi nga di sila close.
"Don't touch my cousin." Mariin na sabi ni Jin, "I warned you." Pinanliitan ng mata ni Jin si Yoongi kaya naman mas lalong naguluhan ito.
"Gosh." Reklamo ni Jennie bago niya hinila papanik sa kwarto niya si Yoongi, hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin si Yoongi, alam nilang lahat na babae siya so bakit siya babalaan ni Jin, ganoon ba yun ka-conservative?
"Ngayon ka lang ba nagdala ng bisitang babae sa bahay nyo?" Tanong ni Yoongi kay Jennie.
"Uh, to be honest lagi akong nagdadala ng mga kaibigan kong babae dito katabi ko rin sila matulog, ewan ko ba diyan kay Jin. Siguro ay hindi lang siya sanay na kaklase niya yung dinala ko dito." Sabi ni Jennie bago niya hinubad ang jacket niya.
Biglang natigilan si Yoongi ng makita niyang naka-spaghetti straps nalang si Jennie na puti habang hinuhubad nito ang skinny jeans niya.
"I-I..." Hindi makapagsalita si Yoongi ng makita niyang naka-underwear nalang ito.
"What? Di ka sanay sa ganto?" Nagtatakang tanong ni Jennie, kaya naman mabilis na tumango si Yoongi sa kanya.
Napairap sa kawalan si Jennie bago niya kinuha ang skinny jeans niya na hinubad at nilagay iyon sa lalagyanan ng mga maduduming damit na bago siya lumapit sa may closet niya.
"Okay, Ms. Conservative, sa banyo na ako magbibihis at ikaw, magpalit ka na rin ng damit mo, pagtapos ko." Ngumiti si Jennie sa kanya bago niya hinagis ang mga damit niya kay Yoongi.
"Sa tingin ko mas malaki 'yan ng konti sa iyo kasi..."
"Putangina!" Napasigaw ng malakas si Yoongi ng hawakan ni Jennie ang dibdib niya, natawa lang ito sa reaksyon ni Yoonji kasi hindi niya inexpect na malutong itong magmura.
"Wala kang dibdib, my gahd." Natatawang sabi ni Jennie bago siya naglakad patungo sa banyo.
Mabilis na napahawak si Yoonji sa dibdib nya ng makapasok na si Jennie sa kwarto niya.
"And by the way!" Biglang sumilip sa banyo si Jennie kaya naman mabilis na napabitaw si Yoongi sa pag-hawak niya sa dibdib niya, napakunot ang noo ni Jennie dahil sa naabutan nyang eksena na kinakapa ni Yoonji ang dibdib niya pero isinantabi nalang ni Jennie iyon bago siya ngumiti kay Yoongi.
"Kung gusto mo maligo, sabay ka na sa akin. Kung hindi yun against sa rules mo Ms. Conservative." Sabi ni Jennie kaya naman napataas bigla ang kilay ni Yoongi.
"Ps. Ginagawa namin ni Jisoo yun lagi." Kumindat si Jennie kay Yoongi kaya naman napalunok agad si Yoongi sa ideya na sabay silang maligo ni Jennie.
Silang dalawa... Sa bath tub... Walang suot na kahit ano... At-- Teka! Teka! Hindi pwede!
Kahit sabihin ni Yoongi na babae siya ngayon ay ayos lang pero hindi maipagkakailang dati siyang lalaki at alam niya ang pakiramdam ng mga lalaki.
Pero mabilis niyang inalis sa isip niya iyon. Kapag nalaman ni Jennie na lalaki siya ay isusumpa siya nito...
Pero hindi naman niya malalaman eh!
Mabilis na ngumiti pabalik si Yoongi sa kanya bago niya inalis ang sapatos niya habang nagmamadaling maglakad patungo sa bathroom ni Jennie.
"Why not." Isang magilagid na ngisi ang sinukli niya sa isang magilagid rin na ngiti ni Jennie.
"Oh my gosh!" Napahiyaw si Jennie at napatawa ng malakas nung mabilis siyang tinulak ni Yoongi papasok sa loob.
Para maisarado niya ng maayos yung pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top