18
"Ay tite!"
Sabay na napasigaw si Jimin at si Yoongi ng magkabunguan silang dalawa sa madilim na sala sa condo ni Jimin.
Mabilis na binuksan ni Yoongi ang ilaw para makita kung sino iyon at nakita niya si Jimin na katulad niya, na mukhang bagong uwi lang rin. Kaya pala may narinig siyang tunog na dahan-dahang bumukas na pinto.
Akala niya ay guni-guni lang niya sa sobrang pagkataranta niya.
"San ka galing?" Sabay nilang tanong sa isa't isa.
"Bakit ngayon ka lang?" Sabay na naman sila.
"Bakit mo ko ginagaya!" For the nth time, sabay ulit.
Napairap nalang silang dalawa kasi hindi sila makapaniwala na parehong pareho sila ng sinasabi.
"Alam mo matulog pa tayo." Ani Yoongi bago siya akmang papasok na sa kwarto ng bigla siyang hinawakan ni Jimin sa braso.
Mabilis siyang napalingon dito pero halos mapaurong siya ng maramdaman niya kung gaano kalapit si Jimin sa kanya, halos isang pagkakamali lang ay magtatama na naman ang labi nilang dalawa.
"Sinong kasama mong uminom?" Malamig na tanong ni Jimin, halos maramdaman na ni Yoongi ang mainit na hininga nito sa mukha niya.
"J-Jimin." Mabilis na tinulak ni Yoongi papalayo si Jimin dahil masyadong awkward ang pwesto nila.
"Kasama ko si Jennie, okay?" Giit ni Yoongi.
"Jennie?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jimin.
"Uh huh." Tinuro pa ni Yoongi si Jimin na para bang 'oh yeah obvious ba'
"Jennie Kim?" Pag-uulit pa ni Jimin.
"Ay hindi, Jennie--lyn Mercado." Ani Yoongi.
"Di nga?" Di makapaniwalang tanong ni Jimin.
"Syempre si Jennie Kim!" Singhal ni Yoongi.
"Bakit kayo magkasama?" Tanong ni Jimin kay Yoongi pero napairap lang sa kawalan si Yoongi.
"Why? Masama ba makipagkaibigan?"
"Hindi naman... Pero hindi mo kasi gawain yun--"
"Well, yeah. Pero si Jennie yun eh! Si Jennie, naiintindihan mo ba ko Jimin, bukod sa hindi mo sinabi sa akin na magkaibigan kayo, alam mo na matagal ko yung..." Napatigil si Yoongi sa pagsasalita ng makita niyang tinalikuran na siya ni Jimin dahil naglalakad na ito patungo sa kwarto.
"Alam mong matagal na kong may gusto..."
Napailing nalang si Yoongi ng padabog na isinarado ni Jimin ang pinto sa kwarto.
Sinundan ni Yoongi si Jimin sa kwarto at nakita niya si Jimin na nakahiga na sa kama at nakayakap sa unan, tinanggal ni Yoongi ang jacket niya bago siya akmang mahihiga na rin sa kama ng biglang humarap sa kanya si Jimin at inabot sa kanya ang maliit na notebook.
9.) No Partying
"What?!" Sigaw ni Yoongi ng mabasa niya iyon.
"Jimin! Bakit naging bawal? Bakit bawal sa babae--"
"Kasi babae ka nga! Hindi pwede! Hindi pwede nalasing na lasing ka uuwi ka ng alas dos ng madaling araw! Nang walang kasama! Ikaw lang mag-isa! Sa kalsada! Paano kung may mangyaring masama sa'yo!? Paano kung marape ka! Sige nga! Sabihin mo sa akin na dati kang lalaki, kaya mo silang labanan! Pero babae ka ngayon! Nasa katawan ka ng babae ngayon! Hindi ka nag-iisip!"
Nabalot sila ng katahimikan pagkatapos magburst out ni Jimin, walang nagsasalita sa kanilang dalawa.
Hanggang sa makita ni Jimin yung namumuong luha sa mata ni Yoongi.
"N-No, Y-Yoongs, di ko sinasadya yung h-huli kong sinabi." Mabilis na sabi ni Jimin bago niya hinawakan sa braso si Yoongi pero mabilis itong tinabig ng dalaga.
"Gusto ko ng bumalik sa pagiging lalaki, ayoko na ng ganto, hindi mo ako naiintindihan, hindi mo naiintindihan yung nararamdaman ko ngayon." Mahina pero mariin na sabi ni Yoongi, pinipigilan nya yung sarili niya ng umiyak sa harap ni Jimin.
"H-Hyung..."
"Jimin, naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao pero hindi pwede?" Tanong ni Yoongi.
Hindi nakasagot si Jimin sa tanong ni Yoongi dahil napunta ang atensyon ni Jimin sa isang bagay mukha ni Yoongi.
Tinutubuan ito ng balbas.
Pero bakit?!
Biglang nanliit ang mata ni Jimin at napaisip siya ng malalim bakit tinutubuan ng balbas si Yoongi ngayon kung babae siya.
"Jimin!" Sigaw ni Yoongi. "Nakikinig ka ba?!"
"Alam mo ba yung pakiramdam na gustong-gusto mo siyang halikan nung sobrang lapit nya sa'yo pero hindi pwe--"
Mabilis na hinila ni Jimin si Yoongi papalapit sa kanya at sa isang iglap, hinalikan ni Jimin si Yoongi.
Nanlaki ang mata ni Yoongi sa ginawa ni Jimin pero hindi siya makagalaw, nakayukom lang ang kamay niya pero hindi siya makakilos kahit gustuhin niya dahil habang ang isang kamay ni Jimin ay nasa baywang niya ang isa naman ay nakahawak sa batok niya.
Nang maramdaman ni Yoongi na nakapikit na siya ay bigla siyang napadilat at mabilis na itinulak si Jimin papalayo sa kanya.
"I-I..." Hindi makapagsalita si Yoongi kaya naman mabilis nalang siya nagtatakbo papalabas ng kwarto ni Jimin.
"Yoongi!" Sigaw ni Jimin bago niya sinundan ito pero nakita niyang nagmamadali itong lumabas ng condo.
"Shit!" Napasuntok si Jimin sa pader bago niya mabilis na hinabol si Yoongi pero nakita niya itong sunod-sunod na pinipindot ang elevator bago pa makaabot si Jimin ay sumarado na ito.
Napasabunot siya sa buhok niya bago nagmamadaling gumamit ng hagdan, pero pagbaba niya ay may sumasakay na sa elevator.
Sa kabilang banda naman ay nagmamadaling sumakay ng taxi si Yoongi, mabuti nalang na jacket lang ang kanyang hinubad dahil nasa bulsa niya ang wallet niya at cellphone niya.
Mabilis niyang tinawagan ang isang cellphone number na kanina lang niya nakuha, naka-ilang ring ito bago ito sagutin.
"Hello, Jennie?"
"Sino 'to-- Yoonji?!" Sigaw ni Jennie ng marealize niya kung kaninong boses iyon.
"Nasan ka ngayon?" Tanong ni Yoongi sa kanya.
"Uh, nasa bahay ako. Bakit? May problema ba?" Tanong ni Jennie dahil sa boses palang ni Yoongi ay ramdam mo ng may problema ito.
"Pwede mo ba kong puntahan sa isang convenience store malapit sa park?" Tanong ni Yoongi ng matanaw niyang malapit na siya doon.
"Bakit-- Uh, sige sige papunta na ko." Sabi ni Jennie bago niya pinatay agad ang tawag para makatakbo na papalabas ng bahay niya.
Nang makababa si Yoongi sa taxi ay naupo siya sa may labas ng convenience store, hindi na siya pumasok kasi hindi rin naman siya bibili.
Nakita niyang text ng text si Jimin sa kanya at hindi na niya alam kung pang-ilang missed call na ito kaya naman pinatay nalang niya yung cellphone niya bago pa niya hindi matiis si Jimin.
Mga ilang minuto ng nasa labas si Yoongi kaya naman naisipan na niyang pumasok dahil masyadong malamig sa labas, lalo na at wala naman siyang suot na jacket.
Pumunta siya sa counter para bumili ng isang kaha ng sigarilyo ng matigilan siya ng makita niya kung sino ang lalaki sa counter.
"T-Taehyung..."
"Oh, Yoonji? Anong ginagawa mo dito ng gantong oras?" Tanong ni Taehyung pagkatapos niyang pasimpleng tingnan ang orasan.
"Obvious ba, syempre bibili ako. Isang kaha nga ng sigarilyo, yung--"
"Hindi pwede." Giit ni Taehyung.
"Nasa legal age na ko Taehyung at costumer ako." Mariin na sabi ni Yoongi.
Natahimik si Taehyung ng tingnan siya ng masama ni Yoongi, pakiramdam niya ay susunugin siya nito ng buhay sa sobrang talim ng tingin nito sa kanya.
Napabuntong hininga nalang si Taehyung bago siya kumuha ng isang kaha ng sigarilyo, nang i-aabot na niya iyon kay Yoonji ay biglang kinuha ni Jennie iyon at initsa pabalik kay Taehyung.
"Lollipop, kung ilan yung magkakasya dito." Sabi ni Jennie ng kinuha niya ang pera ni Yoongi at inabot kay Taehyung.
Nagkibit balikat nalang si Taehyung at kumuha ng maraming lollipop.
"Jennie!" Singhal ni Yoongi.
"What?!" Singhal pabalik ni Jennie bago niya kinuha yung lollipop kay Taehyung at hinila na niya palabas si Yoongi ng convenience store.
Sinundan sila ng tingin ni Taehyung bago ito napailing nalang at bumalik na sa pagkakaupo.
"Bakit mo ko pinapunta dito?" Tanong ni Jennie habang binubuksan niya ang isang lollipop at mabilis na pinasak iyon sa bibig ni Yoongi na naging dahilan para mapairap ito.
"As you can see, wala akong mapuntahan." Sabi ni Yoongi kay Jennie na abala sa pagbubukas ng panibagong lollipop.
"And?" Tanong ni Jennie pagkatapos niyang isubo ang lollipop at sumandal sa motor niya bago tumingin kay Yoongi habang naghihintay ng sunod na sasabihin nito.
Nagkatitigan silang dalawa bago naglakas loob si Yoongi na magsalita.
"Pwede bang tumira muna ako sa bahay mo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top