17
"J-Jimin?"
Nagulat si Taehyung dahil sa biglaang bisita niya, hindi niya akalain na nasa harapan ng bahay niya ang dati niyang best friend.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong ni Taehyung bago niya binuksan ng mas malaki ang pintuan para kay Jimin.
"Nandyan ba si Yoonji?" Tanong ni Jimin.
Napairap sa kawalan si Taehyung, "Wala." Tipid na sagot nito bago akmang isasarado na ang pintuan ng bigla siyang pigilan ulit ni Jimin at bored na napatingin si Taehyung sa kanya.
"May itatanong pa sana ako sa'yo"
"Alam mo Jimin kung about na naman yan kay Yoonji--"
"Oo!" Sigaw ni Jimin kaya naman napatikom ng bibig si Taehyung, "About kay Yoonji." Giit ni Jimin.
Napabuntong hininga nalang si Taehyung at hinihintay niyang magsalita si Jimin.
"Umamin ka nga, may gusto ka ba kay Yoonji?" Tanong nito.
Natahimik lalo si Taehyung at nagdalawang isip kung sasagutin niya ang tanong ni Jimin.
"Kung gusto ko nga siya, ano naman?" Tanong ni Taehyung dito.
Si Jimin naman ang hindi nakapag-sagot, mabilis siyang nag-isip ng idadahilan pero wala siyang maisip.
"Oo at hindi lang, hindi mo pwedeng sagutin yung tanong ng isa pang tanong." Giit ni Jimin.
"Edi, oo." Mabilis na sagot ni Taehyung.
Natahimik ulit si Jimin at nagkatitigan silang dalawa.
"Umamin ka nga, may gusto ka ba kay Yoonji?" Pang-gagaya ni Taehyung sa kanya, mas lalong hindi nakasagot si Jimin.
Hanggang sa nagkatitigan nalang silang dalawa.
~*~
"Sa tingin ko crush ko na talaga siya." Biglang napahinto si Jimin sa pagkain ng ramen kasama si Taehyung.
"Sure ka na?" Tanong ni Taehyung sa kanya at tumango lang si Jimin.
"Bahala ka, buhay mo naman yan." Sabi ni Taehyung bago niya pinagpatuloy ang pagkain ng ramen.
Matagal na rin simula nung huli nila 'tong nagawa, ang kumain ng magkasama. O kahit ang mag-usap sa labas ng paaralan.
"Pero Jimin--"
"Hm?" Napaharap bigla si Jimin sa kanya kaya naman napatikom ng bibig bigla si Taehyung, para bang gusto nalang niyang kainin lahat ng tanong niya.
"A-Ano..." Akala ko si Yoongi ang gusto mo, hindi si Yoonji. "Wala!" Ngumiti nalang si Taehyung at hindi na nagtanong pa.
"So, magpaparaya ka para sa akin?" Tanong ni Jimin kay Taehyung, napairap sa kawalanan ito bago tumango nalang.
"Sure ka?" Pangungulit pa ni Jimin.
"Oo na! Oo na! Sayo na! Basta siguraduhin mo lang na sa'yo siya mapupunta, alam mo namang madaming nagkakagusto kay Yoonji, mahihirapan kang makuha siya." Ani Taehyung.
"Sino nagsabing mahihirapan ako? Malaki ng di hamak ang lamang ko sa kanila." Giit ni Jimin bago niya padabog na kinain yung ramen, sa puntong natilansikan na niya si Taehyung dahil sa lakas ng pagkakahigop nito.
"Sus! Ang balahura mo Jimin!" Singhal ni Taehyung.
"Hehe." Pinagpatuloy nalang ulit ni Jimin ang pagkain pero sa maayos na paraan naman.
"Si Yoongi nga pala, nasaan siya?" Tanong ni Taehyung kay Jimin, "Saan ba siya nagpunta at bakit iniwan niya yung kambal niya dito kasama mo?"
"Ahh, sa ibang bansa eh, may importante lang na pinuntahan dun, ano kasi eh, si Yoonji naman bumalik dito, ano, palit sila ng trabaho." Awkward na sabi ni Jimin.
"Ahh." Tumango nalang si Taehyung.
Natahimik silang dalawa ni Jimin, ilang minutong walang kumikibo sa kanila, tanging paghigop lang nila ang ingay na bumabalot sa kwarto ni Taehyung.
"Sorry..." Ani Jimin.
"No, ako dapat mag-sorry Jimin..." Sagot ni Taehyung.
Sa pangalawang pagkakataon, nababalot na naman sila ng katahimikan, sa loob-loob nilang dalawa ay nag-iisip na sila kung ano magandang pag-usapan hanggang sa binasag na nga ni Taehyung ang katahimikan.
"Simula nung naging magkaibigan kayo ni Yoongi hindi na tayo masyadong nagkakausap..." Panimula ni Taehyung kaya mas lalong natahimik si Jimin, "Hindi mo pa nakukwento sa akin kung paano kayo naging magkaibigan."
Nagkatinginan silang dalawa, ayaw sana magkwento ni Jimin dahil baka masaktan nya pa si Taehyung pero ng ngumiti ito sa kanya ay gumaan ang loob ni Jimin.
"Ganto kasi yun..."
'Bakit ka umiiyak?'
Iyon ang nakasulat sa eroplanong papel na tumama sa kanya, mabilis siyang napalingon sa buong paligid niya para hanapin kung sino ang nagpalipad noon bago niya mabilis na pinunasan ang mga mata niya.
Biglang nanlaki ang mata ni Jimin ng may isang pamilyar na lalaki ang bumungad sa kanya, isa sa mga kinakatakutan na kaklase niya.
Si Yoongi.
"A-Ah! Yoongi-hyung!" Nanginginig na sabi ni Jimin bago siya biglang napatayo. "A-Anong ginagawa mo dito?" Awkward pero kinakabahang tanong ni Jimin, gusto nalang niyang tumakbo dahil baka sikmuraan siya ni Yoongi, huling kita kasi niya dito ay may sinikmuraan ito.
"Nagka-cutting, obvious ba?" Sarkastikong tanong ni Yoongi.
"Ahh..." Pinaglalaruan ni Yoongi ang daliri niya sa sobrang kaba niya.
"Sinong may gawa niyan sayo?" Malamig na tanong ni Yoongi.
Mabilis na nanlaki ang mata ni Jimin at itinago niya ang braso niya na may malaking sugat pero nakalimutan niyang may sugat rin siya sa pisngi kaya naman hindi niya maitatago iyon kay Yoongi.
"Bingi ka ba?! Sinong may gawa niyan sa'yo!" Sigaw ni Yoongi kaya naman halos napatalon sa gulat si Jimin.
"H-Hindi ko alam..." Nanginginig na sabi ni Jimin.
"Hindi mo sasabihin--"
"Hindi ko alam pangalan." Mabilis na sabi ni Jimin bago pa niya marinig ang nakakakilabot na boses ni Yoongi.
Isang matalim na tingin ang ginawa ni Yoongi kay Jimin, halos magtaasan ang balahibo ni Jimin dahil dito, hanggang sa maramdaman niya na hinawakan ni Yoongi ang collar ng kanyang damit.
"Hindi mo sasabihin sa akin, o ikaw..."
"S-Sabihin ko n-na." Nanginginig na sabi ni Jimin bago siya binitawan ni Yoongi.
Naglakad silang dalawa kung saan huling pinagtripan si Jimin ng mga ito, nakita ni Yoongi ang mga pamilyar na basag-ulo sa paaralan nila sa may likod ng isang building habang si Jimin naman ay nagtatago lamang sa likod nito na para bang isang kuting na takot na takot sa tubig.
"So kayo ang may gawa nito sa kanya..." Panimula ni Yoongi habang pinapatunog niya ang kanyang mga daliri.
"Ohh, nagsubong yung kuting sa isa pang kuting." Kantyaw ng isa.
Napairap sa kawalan si Yoongi habang mas lalong natakot si Jimin dahil baka madamay pa si Yoongi dahil sa kanya.
Pero sa isang iglap kahit sobrang bilis ng pangyayari kitang-kita ni Jimin ang buong detalye.
Napanganga na lamang ito ng makita niyang nagtakbuhan na ang ilan sa mga kasama ng nang trip sa kanya ng mabalian ni Yoongi ng buto ang tatlo dito, hinawakan ni Yoongi sa braso ni Jimin pero napa-aray ito dahil may sugat ito sa parte ng braso niya.
"Sorry." Mabilis na sabi ni Yoongi bago niya binaba ang hawak niya sa wrist ni Jimin.
"So... Saan tayo kakain?" Tanong ni Yoongi habang hinihila niya si Jimin palabas ng paaralan.
"Huh?" Nagtatakang tanong ni Jimin kaya naman napakunot ang noo ni Yoongi.
"Kakain, tayo, saan? Dapat lang na ilibre mo ko ng pagkain." Ani Yoongi, "Kanina pa ko nagugutom."
Hindi nakasagot si Jimin kaya naman napabuntong hininga nalang si Yoongi.
"Oo na! Oo na! Libre mo ako ngayon, sa susunod ikaw naman ililibre ko." Giit ni Yoongi.
Tumango nalang si Jimin, kasi sa totoo lang kahit di pa sila nagsisimulang kumain ay gusto na niya agad makasama ulit ito.
"S-Saan mo g-gusto?" Tanong ni Jimin.
"May alam akong kainan dito." Tinuro ni Yoongi ang isang daanan doon bago niya hinila si Jimin.
Hindi nila namamalayan na kanina pa bumaba ang kamay ni Yoongi sa kamay ni Jimin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top