16
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay lumabas na agad si Yoongi ng classroom, mabuti nalang talaga at pinatawag ulit si Jimin sa faculty kaya naman hindi siya natanong ulit nito.
"Yoonji-ahh."
Napalingon si Yoongi sa likod niya at nakita niya si Taehyung, "Bakit?" Tanong nito.
"Sabay na tayo umuwi?" Tanong nito sa kanya.
"Hindi ako pwede may pupuntahan pa ako--"
"Gusto mo samahan na kita?"
"Hindi talaga pwede Taehyung--"
"Ihahatid nalang kita."
"Taehyung--"
"Please."
Napahawak si Yoonji sa noo niya dahil sa kulit ng kaibigan ni Jimin na ito, nung nakaraan pa siya kinukulit nito kaya naman medyo nahihirapan na siya. Gusto na niyang sapakin ito pero naiisip niya na masyado itong inosente para sapakin hays.
"Taehyung di talaga pwede ngayon, next time nalang? Okay?" Paglilinaw ni Yoonji para lang makatakas na bago pa siya makita ni Jimin.
"Hays." Napabuntong hininga nalang si Taehyung bago ito napanguso ng parang bata.
"Mag-aral ka nalang ng mabuti." Ginulo ni Yoonji ang buhok nito bago ito nagmamadaling umalis bago pa siya makita ni Liit.
Paglabas nya ng classroom ay mabilis siyang nagpalit ng damit sa isang public comfort room sa di kalayuan, nagpalit siya ng fitted ripped jeans na black at black na top, black boots at black leather jacket. Ito yung usually na sinusuot ni Yoongi nung lalaki pa siya buti nalang at hindi masagwa iyon kahit na babae na siya.
Kinuha niya ang shades niya at sinuot niya iyon bago siya lumabas at naglakad na patungo sa paborito niyang bar nung lalaki pa siya.
Pagpasok niya doon ay bigla niyang namiss ang lugar na yun, medyo matagal na rin kasi simula nung huling pumunta siya, kasi ang huling punta niya dito ay nung lalaki pa siya-- bago siya maging babae kinabukasan.
Naupo siya sa harap ng bartender na pamilyar na sa kanya pero paniguradong hindi siya makikilala nito dahil babae na siya ngayon.
Nang maiabot na sa kanya yung kanyang inorder ay tahimik niyang inilabas ang lighter niya kasabay ang sigarilyo niya, malamang hindi niya ito ipapakita kay Jimin dahil alam niyang hindi ito matutuwa at isa pa, ayaw niyang manigarilyo sa harap nito dahil alam niya ang masamang epekto nito sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Aware din siya sa masamang epekto nito sa katawan niya, hindi lang talaga niya alam ang gagawin niya dahil sobrang stress niya ngayon, inaamin naman niya sa sarili niya na hanggang ngayon ay naapektuhan pa rin siya sa pagiging babae niya.
Pero kahit kaylan hindi naging maganda ang paninigarilyo para lang mawala yung stress mo, mas malaking stress ang madudulot sayo nito kapag tinamaan ka ng sakit dahil dyan pero hindi iyon iniisip ni Yoongi, dahil nga pasaway rin siya.
Akmang ilalagay na ni Yoongi ang sigarilyo sa bibig niya ng may humawak ng kamay niya at kinuha ang sigarilyo sa kanya.
"Thanks." Anito bago naupo sa tabi niya.
Napakunot ang noo ni Yoongi ng makita niya ang isang pamilyar na babae sa kanya, ibang iba ang hitsura nito sa labas ng school, dahil ang pagkakakilala niya dito ay isang cute na babae na-- hindi alam ang salitang walwal.
"J-Jennie..."
Nagbuga ng usok ito galing sa sigarilyo kaya napakunot ang noo lalo ni Yoongi.
"Hey, girl." Ngumisi ito sa kanya.
"Hey." Tipid na sagot ni Yoongi bago siya nag-iwas ng tingin dito, akmang magsisindi ulit ng bago si Yoongi ng biglang kinuha sa kanya ni Jennie ang lighter.
"Pretty girls don't smoke." Anito.
"Tss, pretty girl." Sarkastikong sabi ni Yoongi.
"Parang bago ka lang dito ah?" Tanong ng babae sa kanya.
"Hind-- Oo, bago palang ako. Bakit?" Mataray na tanong ni Yoongi pero ng maalala niyang si Jennie iyon ay bigla siyang napaubo ng malakas at tumahimik, para bang umurong yung dila niya.
"Bago ka palang pero kilala mo na ko, saan ka galing na school?" Tanong pa ulit nito sa kanya.
"Sa school kung saan ka nag-aaral." Diretsahang sabi nito.
"Oh?" Gulat na sabi ni Jennie bago niya tinawag ang bartender para umorder.
"So... Paano mo nalaman?" Napataas ang kilay nito sa kanya.
"Wag kang umarte na parang hindi ka sikat sa school." Ani Yoongi-- este Yoonji.
"Oh..." Napangisi bigla si Jennie. "Ang unfair naman, alam mo yung pangalan ko pero hindi ko alam ang pangalan mo." Anito.
"Yoonji." Tipid na sagot ni Yoongi.
Dumating na ang inorder ni Jennie at inabot niya ang isa kay Yoongi kaya naman napakunot ang noo ni Yoongi pero tinanggap na rin niya.
"Cheers?" Tanong nito kaya naman tumango nalang si Yoongi bago nila pinagtama ni Jennie ang wine glass na hawak nilang dalawa.
"Grade & Section?" Tanong ni Jennie.
"Wow? Introduce yourself? Teacher ka?" Sarkastikong tanong ulit ni Yoongi pero tinawanan lang siya ni Jennie, "Grade 12, section A." Ani Jimin.
"Class President nyo si Park Jimin!" Natatawang sabi nito kahit wala namang nakakatawa.
"Obviously." Napa-tsk nalang si Yoongi dahil mukhang may tama na ang kausap niya dahil tawa na ng tawa.
"Kaibigan ko si Jimin." Share lang ni Jennie.
"Kaibigan ko yun, humanap ka ng sarili mong kaibigan. Akin yun." Masungit na sabi ni Yoongi kahit wala naman talaga siyang dapat ipagsungit.
Natawa ng malakas si Jennie sa sinabi ni Yoongi, "Teka, Yoonji? Tama ba? Parang pamilyar sa akin, Min Yoonji ba?" Tanong ni Jennie.
"Yeah?" Awkward na sagot nito.
Biglang nanlaki ang mata ni Jennie at napatingin ito kay Yoongi bigla, "Yoonji! Kakambal ni Yoongi!" Sigaw nito.
Napanganga bigla si Jennie ng titigan niya ito, "Omg! Hindi kita nakilala agad dahil sa shades mo, bakit naman kasi nakasuot ka pa niyan." Anito bago niya tinanggal ang shades ni Yoongi, siya na rin ang nagsabit nito sa suot nitong damit.
Bahagyang napaurong si Yoongi dahil sobrang lapit sa kanya ng dalaga, kung nandyan pa rin sana yung alaga niya baka nagagalit na yun ngayon.
Napangiti si Jennie habang tinititigan niya si Yoonji, "Ang cute mo." Biglang kinurot ni Jennie ang pisngi nito kaya naman napakunot ang noo ni Yoongi, amoy na amoy na niya ang alak sa bibig nito, mukhang kanina pa ito umiinom.
Muntik ng tumuwad sa kanya ito ng ma-out of balance dahil sa taas ng takong nito pero mabilis niya itong nahawakan sa baywang niya kaya naman natawa ng mahina si Jennie.
"Buti nalang magkaiba kayo ng kakambal mo." Bulong ni Jennie sa kanya.
"H-Huh?" Mahinang sabi ni Yoongi, halos mapaurong siya lalo ng humarap si Jennie sa kanya at ilang dangkal nalang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.
"At least ikaw nasalo mo ako nung nahulog ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top