15
"Pare malilate na ba tayo?" Tanong ni Yoongi kay Jimin.
"Di pa naman pre, maaga pa naman." Ani Jimin habang nagluluto.
Awkward na naupo si Yoongi habang awkward na nagluluto naman si Jimin. Parehong walang nag-oopen about sa nangyaring halikan kagabi.
"Pre, pang-sayo nalang lutuin mo busog pa ko." Ani Yoongi.
"Huh? Pano ka naman mabubusog eh kagabi pa yung huling kain mo pare." Ani Jimin.
"Ewan ko ba tol, pero busog pa talaga ko magkakape nalang ako bro." Anito.
"Pero dude, dinamihan ko na 'tong niluto ko. Kainin mo na pre, sayang naman." Ani Jimin habang nilalapag ang mga pagkain sa harap ni Yoongi.
"Wala talaga akong ganang kumain tol." Ani Yoongi.
"Pre naman..." hinahawakan ni Jimin ang kamay ni Yoongi habang nakanguso ito kaya naman mabilis na napaiwas ng tingin si Yoongi.
"Sige na nga pre." Ani Yoongi habang tinitingnan nya ang adobo ala demonyo na iniluto nito, kagabi ay niluto na ni Jimin ang sinumpang sinigang na nangre-wrestling yung lasa.
Natatandaan kasi ni Jimin na gusto ni Yoongi ang filipino dish na chikin and pok adubu at shinegeng with lafulafu.
Kukuha na sana ng konti si Yoongi ng biglang kunin ni Jimin yung pinggan niya at nilagyan ito ng marami, pinipilit nalang ni Yoongi na ngumiti habang pinagsasandok siya ng kaibigan niya.
Minsan gusto na niyang tanungin si Jimin kung hindi ba nito tinitikman ang niluluto niya pero hindi naman niyang magawang tumanggi kapag nag-effort si Jimin na gawin ang isang bagay para sa kanya.
"Tikman mo na Yoongs, sige na pleasee??" Pagpapacute ni Jimin pero tinitigan lang siya ni Yoongi ng walang emosyon, kaya naman nasamid si Jimin bigla at napaubo ng malakas bago umayos ng upo.
"Tikman mo na pare, baka lumamig pa yan pre." Inayos ni Jimin ang boses niya.
Nagkibit balikat nalang si Yoongi bago niya tinitigan ang niluto ni Jimin, mukhang mapapasabak na naman siya.
Unang subo palang ni Yoongi ay halos maduwal na siya pero ng makita niyang nakatitig lang sa kanya si Jimin habang sumusubo siya na para bang hinihintay niya itong isubo lahat kaya naman ay mabilis nyang pinigilan ang pagduwal niya.
"Ano? Kamusta lasa?" Tanong nito.
"Uhm, ayos lang." Sagot nito, "Pero tikman mo rin sana yung niluluto mo bago mo ipakain sa iba ha?" Pa-sweet na sabi ni Yoongi pero deep inside gusto na niya iyong isuka.
"Tinitikman ko naman eh." Sabi ni Jimin bago niya kinuha yung kutsara ni Yoongi at tumikim ng kaunti.
Unang subo palang ni Jimin ay biglang nawala ang ngiti sa mukha niya kaya naman mabilis niyang kinuha ang niluto niya at inalis iyon sa harap ni Yoongi, "Mag-prutas nalang tayong dalawa." Biglang pagbago ng isip nito.
Biglang hinawakan ni Yoongi ang braso ni Jimin bago pa ito makatayo sa upuan, "Ibalik mo dito yan sa harap ko, kumakain pa ako."
"Pero hyung--"
"Ibalik mo sabi, kakain ko." Giit nito.
"Panget yung lasa, baka sakitan ka pa ng tyan o--"
"Hindi sumakit tiyan ko kagabi. Siguro ngayon rin." Aniya.
"Pero--"
"Isa." Banta ni Yoongi kaya naman mabilis na binalik ni Jimin ang pagkain sa harap nito bago kumuha ng mas marami pa si Yoongi.
Ayaw na ayaw kasi nito na nasasayang yung effort ng isang tao sa kanya, hindi lang halata pero soft-hearted talaga iyang si Yoongi, akala lang talaga ng lahat ay matapang ito-- pero totoo naman yun, pero hindi porket matapang ka sa isang bagay ay masama na ugali mo.
"Sure ka ba talagang kakainin mo 'yan hyung?" Tanong ni Jimin.
"Ano, mamili ka. Ikaw kakain o ako kakain?" Tanong ni Yoongi.
"Sige ikaw na kumain." Mabilis na sagot ni Jimin.
"Kita mo." Ani Yoongi bago niya inubos yung pagkain, as in ubos na ubos.
"Oo nga pala hyung, bakit may plantsado kang damit na nakasampay?" Tanong ni Jimin dahil nakita niya iyon kanina, un usual kasi yun na gawin ni Yoongi.
"Aalis ka ba mamaya?" Tanong pa ulit ni Jimin dahil hindi siya sinagot ni Yoongi.
"Huwag mo ng itanong." Ani Yoongi.
Magsasalita pa sana si Jimin pero mas pinili niyang itikom nalang ang bibig niya dahil baka magmukha na naman siyang nang-gagalaiting boyfriend na hindi sinusunod ng girlfriend niya, ayaw naman niyang isipin ni Yoongi na napaka-over protective niyang kaibigan to the point na ang oa na niya. Ayaw nya ng ganun.
"Okay..." Tipid na sabi ni Jimin bago niya tinulungan si Yoongi na maglinis ng pinagkainan nito.
"Mauna na kong maligo pre." Sabi ni Yoongi bago niya tinapik ang braso ni Jimin.
Gusto na talagang magsalita ni Jimin about sa pagtawag ni Yoongi sa kanya ng pare kanina pa, medyo nakakahalata na rin kasi siya at isa pa, naa-awkwardan siya kasi pare ang tawag sa kanya nito eh babaeng-babae siya ngayon.
"Teka Yoonji--"
"Yoongi kapag tayong dalawa lang." Giit nito.
"May itatanong sana ako sa'yo..." Paninimula ni Jimin, "Naalala mo ba yung--"
"Ay! Grabe! Wala akong natatandaan eh, ang sakit pa rin nga ng ulo ko, grabe lasing na lasing kasi ko kagabi, bakit ba naman kasi napainom ako ng marami, aray! Ang sakit talaga ng ulo ko! Grabe!" Biglang umarte si Yoongi na ang sakit ng ulo niya kahit ang totoo niyan ay hindi naman talaga siya lasing kagabi.
Talaga lang napainom siya ng isang bote pero hindi ibig sabihin noon ay lasing na siya at wala na siyang natatandaan. Idagdag mo pa na heavy drinker si Yoongi kaya naman ginagawa lang niyang juice ang ilang hard liquor, pano pa kaya yung canned beer lang? Edi walang epekto sa kanya iyon.
"Pero hyung--"
"Ay shit, nasusuka pa yata ako." Biglang nagtatakbo si Yoongi papunta sa banyo at iniwan si Jimin mag-isa sa kusina na pinanuod lang ang madramang pagtakbo ni Yoongi sa banyo.
Napabuntong hininga nalang ang binata bago tinuloy ang paghuhugas ng pinggan.
"Itatanong ko lang naman sana kung natatandaan niya yung nangyari nung birthday niya, hays..."
Nang matapos ni Jimin ang paghuhugas ng plato ay napabuntong hininga nalang siya.
"Hindi ba talaga niya naalala mga nangyari kapag nalasing siya?"
Napangiwi nalang si Jimin sa ideyang iyon.
"Edi hindi rin nya natatandaan yung nangyari bago siya maging babae."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top