14
"Bakit ka galit? Titi ka ba?"
Napairap si Yoongi bago akmang lalagpasan si Jimin ng hawakan sya nito sa braso.
"Bakit ayaw mong sagutin kung saan ka galing?" Galit tanong nito, napataas ng kilay si Yoongi bago siya napatingin sa galit na galit na si Jimin.
"Gahd, Jimin! Galing lang ako kila Taehyung!" Inis na sagot ni Yoongi.
"Kila Taehyung? As in Taehyung na best friend ko?" Tanong ni Jimin.
"Ako ang best friend mo." Napairap sa kawalan si Yoongi, "at oo, may iba ka pa bang Taehyung na kilala?"
"Bakit naman napunta ka dun?"
"Ano namang pake mo?" Medyo naiinis na si Yoongi kakatanong ni Jimin.
"Kasi dito ka nakatira sa condo ko, natural na mag-alala ako sa'yo! Ayaw mo pang sagutin tawag at mga text ko." Aniya.
"Alright, alright." Pagsuko ni Yoongi, "Naalala mo group project kay Mrs. Song? Yun ang dahilan kung bakit ako nakila Taehyung, tinapos naming lahat ngayon plus! Hindi lang ako ang nandoon, marami kami." Giit nito.
Napa-"tsk" nalang si Jimin bago nya tinalikuran si Yoongi pero bago sya tuluyang makapag-walk out ay bigla syang napahinto.
"Kumain ka na ba? Kapag hindi pa may pagkain dyan sa kusina." Ani Jimin bago tinuloy ang pagwowalk out.
Napabuntong hininga nalang si Yoongi bago nya sinarado ang pinto at pumunta sa kusina para tingnan ang pagkain kahit ang totoo ay kumain na siya kila Taehyung, napabuntong hininga ulit si Yoongi ng makita nya yung niluto ni Jimin na halata mong pinag-effortan ng sobra.
Napabalik ang tingin niya sa kwarto kung saan padabog na pumasok si Jimin kanina, bago siya napakibit balikat nalang at naupo.
Kinain niya yung niluto ni Jimin kahit na busog na busog na siya at... hindi masarap yung lasa.
Nang matapos siyang kumain ay pumasok na siya sa kwarto, napatingin sya sa buong paligid pero wala si Jimin, nakarinig sya ng bumabagsak ng tubig kaya alam na nyang naliligo si Jimin.
Natigilan si Yoongi sa pag-upo sa kama ng makita nyang nakabukas ang maliit na notebook.
8.) Go home early. No. Fucking. Excuses.
Napairap si Yoongi sa kawalan ng mabasa nya iyon.
Napatingin si Yoongi sa kabubukas lang na pinto sa banyo, kaya naman mabilis nyang kinuha yung damit nya at yung napkin nya dahil sya naman ang sunod na magshashower.
"Nakakain ka na?" Tanong ni Jimin kay Yoongi.
Napa-angat ang tingin ni Yoongi kay Jimin, kaya naman biglang natulala ang dalaga *ehem* dalaga ng makita nya yung basang basa na katawan ni Jimin.
Nakatapis lang sya ng tuwalya kaya naman kitang kita nya ang bawat pagbagsak ng mga tubig sa *ehem* abs nito.
"Ang sarap." Mahinang sabi ni Yoongi.
"Huh?" Naguguluhang tanong ni Jimin dahil sa biglang salita ni Yoongi.
"A-Ang sarap nung niluto mo." Namumulang sabi ni Yoongi.
"Oh?" Biglang napangiti si Jimin na halos mawala na yung mata nya. "Buti naman nagustuhan mo." Anito.
Kinuha ni Jimin ang isa pang tuwalya bago sya naupo sa kama, napalunok si Yoongi ng makita nya ang hita ni Jimin, ginamit ni Jimin ang isa pa tuwalya para ipangpatuyo sa kanyang buhok.
Mabilis na naglakad papasok si Yoongi sa banyo, muntik na nga syang mapatid sa sobrang bilis nya.
Nang maisarado ni Yoongi ang pinto sa banyo ay hingal na hingal siya, hindi nya alam kung bakit.
Napatingin sya sa sarili nya sa salamin at kitang kita nya ang pamumula ng buong mukha nya. Hindi nya alam kung balit ganto ang tumatakbo sa isip nya ngayon, siguro ay dahil sa menstruation nya? Nabasa rin kasi nya madalas ay *ehem* horny *ehem* ang mga babae kapag meron ito.
Mabilis syang naligo sa sa shower para mawala lahat ng nasa isip nya pero hindi nya kayang alisin iyon. Mahirap kaya naman nagsisigaw si Yoongi sa sobrang inis nya dahil hindi mawala sa isip nya yung nakita nya kanina.
Nang matapos syang makapag-ayos ang tiningnan nyang mabuti ang sarili nya sa salamin, "huwag na huwag mong ipapahiya yung sarili mo." Banta ni Yoongi sa repleksyon nya sa salamin.
Huminga muna ulit sya ng malalim bago lumabas sa kwarto ng nakabihis na.
Nakasuot sya ng oversized shirt at maiksing short. Paglabas nya ng banyo at natigilan sya ng makita nyang noon palang nagsusuot ng boxer si Jimin.
Bigla syang napahawak sa ilong nya bago pa may bumagsak na dugo sa ilong nya. Akmang babalik siya sa banyo ng biglang humarap si Jimin sa kanya kaya kitang kita nya yung umbok sa brief nito.
"I'm done." Mahinang sabi ni Yoongi bago sya bumalik sa banyo.
Pilit nyang inaalis ang pamumula ng mukha nya bago siya lumabas kaya naman paglabas nya ng banyo sa pangalawang pagkakataon ay nakita na nya si Jimin na kakasuot na ng boxer at sandong puti.
"Jimin." Mahinang tawag ni Yoongi dito.
"Hm?" Tanong ni Jimin habang nakahiga ito sa kama at nagsecellphone.
"Sa sofa ko matutulog." Anito.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni jimin.
"Basta!" Giit ni Yoongi.
"Wag na, dito ka nalang." Hinila ni Jimin si Yoongi kaya naman napaupo ito sa kama. "Eh? May sakit ka ba hyung?" Tanong ni Jimin bago niya sinalat si Yoongi sa leeg kaya naman bahagyang napaurong si Yoongi dahil balat nitong tumama sa balat nya.
"Aish! Bahala na nga!" Ani Yoongi bago nya tinulak papalayo si Jimin sa kanya. Nahiga ito sa kabilang sulok ng kama.
Ilang minutong walang nagsasalita sa kanila kaya naman iniisip ni Yoongi na tulog na si Jimin pero nalaman nyang gising ito ng binasag nito ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Hyung."
"Hm?"
"Yoongs."
"Oh?"
"Yoongi."
"OH?!" Sigaw ni Yoongi bago sya napilitang humarap kay Jimin na halos ilang dangkal lang ang layo sa kanya.
"Bakit?" Iritadong tanong ni Yoongi kasi ayaw pa rin magsalita ni Jimin.
"May tanong ako sa'yo."
"Ano naman yun?" Tanong ni Yoongi ng tuluyan na syang humarap dito.
"Sa tingin mo..."
"Sa tingin ko ano??"
"Sa tingin mo hyung..." Napalunok si Jimin bago sya tumitig ng diretso sa mata ng kaibigan. "Kapag pareho tayong lalaki..."
Napataas ang kilay ni Yoongi.
"Sino bottom sating dalawa?"
Mabilis na napayukom ang kamao ni Yoongi at akmang isasapak na iyon kay Jimin ng mabilis na dumipensa si Jimin kaya naman napabuntong hininga nalang si Yoongi bago nya binaba ang kamao nya at tinalikuran si Jimin.
"Makatulog na nga bago pa ko makasampal ng padakot." Mariin na sabi ni Yoongi bago sya umusog palayo kay Jimin.
"Hyung..."
Hindi na sumagot si Yoongi.
"Yoongsss, tulog ka na?" Tanong ni Jimin bago nya hinila si Yoongi pero nagtulog tulogan na ito para di na sya kulitin ng mas nakakabata.
"Hays, tulog ka na?" Tanong ulit ni Jimin ng tuluyan na nyang maiharap sa kanya si Yoongi.
Ilang minutong silang natahimik kaya naman akala ni Yoongi ay tulog na si Jimin.
Pero bago pa nya tuluyang maidilat ang mata nya ay naramdaman nyang hinawi ni Jimin ang kanyang buhok at inipit iyon sa likod ng kanyang tenga.
Hanggang sa isang malambot na bagay ang dumikit sa labi ni Yoongi, at sigurado syang labi rin ang malambot na bagay na iyon.
Halos hindi makahinga si Yoongi ng maramdaman nya ang kamay ni Jimin sa baywang nya na para bang hinihila siya papalapit.
Amoy na amoy nya sa pinaghalong amoy ng shower gelle at... alcohol?
Dahan-dahang inalis ni Jimin ang labi nya ng marealize nya yung ginawa nya, pero halos mapaurong sya ng makita nyang nakadilat si Yoongi at diretso ang tingin sa kanya.
"PARK. FUCKING. JIMIN." Mariin na sabi nito.
"I-I can explain." Natatarantang sabi nito.
Nagkatitigan silang dalawa habang kinakalma ni Yoongi ang sarili nya.
Sa hindi malamang dahilan ay mabilis na lumapit ito sa kanya. Sa isang iglap ay nagtama ulit ang labi nila sa pangalawang pagkakataon.
Pero si Yoongi na ang gumawa ng paraan.
Natigilan si Jimin pero pinagpatuloy niya ang pakikipaghalikan sa kaibigan niya, hanggang sa lumalim ng lumalim ang halikan nila, nakahawak ng mabuti si Jimin sa baywang ni Yoongi dahil halos nakapatong na sa kanya ito.
Habang sa palalim ng palalim ang halikan nila ay siya ring unti-unti nilang narerealize ang ginagawa nila.
Naunang bumitaw ng halik si Jimin kaya naman natigilan na si Yoongi.
"Ano ba tayo?" Mahinang tanong ni Jimin.
"Tayo?" Tanong ni Yoongi pabalik.
"Oo." Tipid na sagot nito.
"Magkaibigan?"
Pagkatapos bitawan ni Yoongi ang salitang iyon ay nabalot ulit sila ng katahimikan bago dahan-dahang ngumiti si Jimin at hiniga niya si Yoongi sa kama.
"Matulog ka na hyung." Anito.
Inayos ni Jimin ang kumot ni Yoongi, kaya naman habang tinititigan niya ito ay tyaka lang niya narealize ang mga nagawa niya.
Mabilis na nagtatakbo si Yoongi sa banyo at nagpanggap na nasusuka, in short. Nagpanggap siyang lasing.
Napabuntong hininga nalang si Jimin ng sinundan niya 'to ng tingin.
"Sabi ko na nga ba lasing 'to." Mahinang sabi ni Jimin bago siya napailing at hindi na hinintay makalabas ng banyo si Yoongi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top