13

Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na agad silang dalawa para sa school, nakamotor silang pumasok sa school, nakaangkas si Yoongi to be exact. 

Kaya naman pagpasok nila sa school pinagtitinginan agad sila ng ibang estudyante, Mr. Class President / Mr. Good boy ay kasamang Ms. -- ewan kung saan nang galing basta bigla nalang sumulpot kung saan na parang isang kabute.

Sa isip-isip ng iba ay pasalamat ito dahil kakambal ito ni Yoongi pero hindi naman mapagkakailang kahit ilang araw pa lamang pumapasok si Yoongi bilang si Yoonji ay kilala na agad ito sa mga lalaki at may ilan na agad na nagkakainteres sa kanya at karamihan dito ay mga kaklase niya.

Pagdating nila sa classroom ni Jimin ay mabilis silang naghiwalay dahil magkalayo ang upuan nilang dalawa, si Yoongi ay nasa gulo nakaupo habang si Jimin naman ay nasa unahan dahil nga siya ang class president.

Si Jimin rin ang dahilan kung bakit nakakapasok si Yoongi ng walang problema sa school, malakas kasi ang kapit niya dito dahil unang una sa lahat, makapangyarihan ang pamilya nila.

Nang pumasok ang teacher sa classroom ay natahimik agad ang mga estudyante at bumalik sa kani-kanilang upuan.

Bored na bored si Yoongi, nakatulala lang siya habang pinipigilan niya ang kanyang antok. 

"Ah, oo nga pala! Nakalimutan kong i-announce sa inyo na pinag-uusapan na sa faculty ang prom ninyo, in short. Mayroon tayong prom this school year." Sabi ng teacher.

Napa-tsk nalang si Yoongi, kung lalaki pa rin siya ngayon ay baka kahit papaano nagkainteres siya dito dahil nga alam niya ang ibig sabihin ng Prom ay girls, and girls means sex, and sex means boom boom pow. 

Iyon ang mentality ni Yoongi kaya buti nalang talaga at naging babae siya, siguro sumpa na yun dahil sa dami ng kasalanang nagawa nya sa madaming babae. Buti nga sa kanya, ngayon alam na niya ang pakiramdam? Bwahahahahahahaha

"Kung sana papayag si Yoonji na maging date ko sa Prom baka ma-excite pa ako." 

Biglang natigilan si Yoonji at napatingin siya sa nagsalita, nakita niya si Hoseok na nakatingin sa kanya, kaya naman bigla siyang napangiwi.

Jeez, bakit sa dami ng lalaki bakit si Hoseok pa ang nagsabi noon? Sa isip-isip ni Yoongi.

Kaibigan rin kasi ni Yoongi si Hoseok pero hindi sila ganoon kaclose, nakangiwing binalik ni Yoongi ang tingin niya sa notebook at umarteng walang narinig.

"Nako, Hoseok. Kay bago-bago niyang si Yoonji ay dumidiskarte ka na agad." Parinig ng teacher.

"Yun nga Ma'am eh, kay bago-bago palang niya nakuha na agad niya yung puso ko." Anito.

Muntik ng masamid si Yoongi sa sarili niyang laway, pakiramdam niya bumaliktad ang sikmura niya at konti nalang ay masusuka na siya.

Nagkantyawan ang mga kaklase nila dahil sa banat ni Hoseok. 

"Alam mo ma'am si Yoonji parang isang malapit ng lumabas na tae." Dagdag pa ni Hoseok.

Napairap sa kawalan si Yoonji at pinipilit niya ang sarili niyang huwag magsalita ng kahit ano at baka mapatay na niya si Hoseok. 

"Bakit naman?" Tanong ng kanilang guro.

"Kahit kapag nandyan na siya, palagi akong kinakabahan at hindi mapakali." Biglang tumayo si Hoseok sa upuan at nag-"Boom!" pa siya.

Lumakas ang sigawan ng mga kaklase nila at kahit ang teacher nila ay natawa sa sinabi ni Hoseok. Hindi na mabilang ni Yoongi kung nakailang irap na siya ngayon.

"Tama na, tama na, tumahimik na kayo." Sigaw ni Jimin. 

"Uyy, nagagalit si class president, dahil ba maingay o dahil inaagawan ka ni Hoseok?" Pabirong tanong ng kaklase nila kaya mas lalong nairita si Jimin.

"Respeto naman daw guys!" Pabirong sigaw ng isa pa nilang kaklase kaya mas lalong nagtawanan yung mga ito.

"Oh siya, tama si Jimin. Tama na ang ingay at magsimula na tayo sa klase." Sabi ng guro kaya naman nagsimula ng tumahimik ang lahat. 

Habang kinukuha ni Yoongi ang notebook niya sa bag ay muntik na niyang mabitawan iyon ng biglang may tumawa sa gilid niya ng malakas at halos kalampagin pa yung table.

Natahimik ang buong klase at sabay-sabay na napatingin kay Namjoon.

"Bakit tumatawa ka Namjoon? May nakakatawa ba?" Tanong ng Teacher.

"Wala ma'am, natawa lang ako sa sinabi ni Hoseok about sa tae." Hindi makahingang sabi ni Namjoon habang mamatay-matay na kakatawa.

"Pero kanina pa iyon." Ani ng kanilang guro.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Iyon lang ang nasagot ni Namjoon.

Napailing nalang si Yoongi dahil sa pagiging slow nito masyado, bakit naman kasi ngayon lang nito na-gets? Hays.

Hindi makita ni Yoongi ang ballpen niya kaya naman napa-iling ito.

Hanggang sa napa-angat ang tingin niya ng may naglapag ng ballpen sa table niya, nakita niyang si Jungkook ang naglagay nito, yung masungit na kaklase niya kaya naman naguluhan si Yoongi.

Kung si Jimin ay Mr. Good Boy (pero di nila alam na di naman siya masyadong good boy, si Yoongi lang nakakalam) si Jungkook naman ay Mr. Cool Boy pwede rin Cold.

"Jung--"

"Balik mo nalang sakin kapag may ballpen ka na." Malamig na sabi ni Jungkook kay Yoongi bago pa niya matuloy ang sasabihin niya.

Nagkibit balikat nalang si Yoongi bago niya ginamit ang ballpen na iyon, bigla siyang natigilan ng maramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya kaya naman kinuha niya iyon at tiningnan niya iyon ng patago.

--

From: Liit Tite

Ano pinag-uusapan nyo ni Jungkook?

--

Napatingin si Yoongi kay Jimin na pasimpleng nakatingin sa kanya, tinaasan siya bigla ng kilay nito kaya naman napangiwi si Yoongi bago niya pinatay ang cellphone niya at pinagpatuloy niya ang pagsusulat sa notebook.

Napakunot ang noo ni Jimin dahil hindi man lang sinagot ni Yoongi ang tanong niya. 

Biglang nagpatawag ang mga nasa student council sa mga class president ng bawat classroom nung breaktime na kaya naiwan na naman mag-isa si Yoongi.

Natigilan siya ng biglang lumapit si Taehyung sa kanya, "A-Ah, Y-Yoonji." Nauutal na sabi nito.

Tiningnan lang siya ni Yoongi dahil ayaw naman niyang irapan ito dahil ito lang ang tanging kaibigan ni Jimin dati bago pa sila maging magkaibigan nito. 

"D-Di ba, m-mayroon t-tayong assignment s-sa Literature na by p-partner." Panimula nito, hindi nito masyadong masabi ng tuwid ang sasabihin niya dahil kinakabahan siya sa iisipin ni Yoonji sa kanya.

"K-Kung a-ayos lang s-sa'yo--" Biglang napalunok si Taehyung "Tayo nalang?" Anito.

"Tayo nalang ang magpartner?" Tanong ni Yoonji dito at mabilis naman itong tumango.

"Tamad ako Taehyung, hindi kita matutulungan gumawa." Diretsahang sabi ni Yoongi.

"P-Pero--" 

Biglang natigilan si Yoongi at si Taehyung ng biglang umakbay si Jungkook kay Yoongi, nagulat pareho ang dalawa kaya hindi sila makakilos pareho.

"At isa pa Taehyung, ako na yung kapartner niya." Mabilisang sabi ni Jungkook kaya naman napakunot ang noo ni Yoongi.

"Excuse me?" Sarkastikong tanong ni Yoongi kay Jungkook habang inaalis niya ang pagkakaakbay nito pero ayaw niyang alisin.

Biglang nabaling ang tingin ni Yoongi ng bumukas ang pintuan, bumungad sa kanya si Jimin na nakakunot ang noo. Kaya naman sapilitan ng inalis ni Yoongi ang pagkakaakbay ni Jungkook sa kanya.

"Alam nyo, bakit hindi nalang kayong dalawa yung magpartner, may kapartner na ako." Giit ni Yoongi kahit wala naman talaga.

"Pero--"

Aapila pa sana ang dalawa ng nag-taas ng kilay si Yoongi na naging dahilan para matahimik silang dalawa, pareho silang bumalik sa upuan ng kinuha ni Yoongi ang bag niya at akmang lalabas na ng classroom ng biglang hinawakan ni Jimin ang braso ni Yoongi.

Inabot ni Jimin ang isang maliit na notebook kay Yoongi kaya naman napairap sa kawalan si Yoongi bago niya iyon kinuha kay Jimin at tuluyan na siyang lumabas ng classroom.

Paglabas ni Yoongi ay pasimple niyang binuksan ang notebook.

7.) STAY AWAY FROM BOYS!!! (Except Park Jimin)

"Tss." Napangiti ng bahagya si Yoongi bago siya napailing.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top