10

Nakapagpalit na si Yoongi ng damit habang si Jimin naman ay tinalian ng panyo ang binti nya dahil sa nalagay dito.

Naglalakad na silang dalawa ngayon palabas ng classroom. Yes, magka-cutting sila at wag nyo silang tularan, class president pa si Jimin sa lagay na yan ha.

"Bilisan mo Yoongss, ang bagal mo talaga kahit kaylan." Giit ni Jimin.

Pero ang bagal pa rin talaga maglakad ni Yoongi ay binalikan nya ito para hawakan sa kamay at hilahin papalabas ng school, sa likod si dumaan. In short nag-over the bakod silang dalawa.

Nauna nyang pinapanik si Yoongi, inaalalayan nya ito sa pagpanik, dahil nga nasa ilalim sya ay nakikita nya tuloy mula doon ang pink na panty na binili nya para kay Yoongi.

Yun talaga ang dahilan nya kung bakit nya pinauna si Yoongi.

Pagkatalon ni Yoongi sa kabila ay sya naman ang tumalon. Bigla silang nagkatinginan ng may marinig silang tao sa kabila, sa tingin nila ay guard iyon kaya naman mabilis silang nagtatakbo.

"Bilis, bilis!" Sigaw ni Jimin kay Yoongi, dahil ang bagal talaga ng kaibigan nya ay hinawakan nya ulit ito sa kamay bago sila nagtatakbo palayo sa paaralan.

Hinihingal silang dalawa ng makalayo na sila.

Nagkatinginan sila at sabay silang natawa dahil pawis na pawis silang pareho.

Naglakad nalang silang dalawa ulit patungo sa apartment ni Yoongi, nagkukwentuhan silang dalawa habang nagtatawanan, hindi nalang ininda ni Yoongi ang sakit ng puson nya dahil sobra sobrang kahihiyan na yung nangyari sa kanya kanina. Ayaw na nya iyong dagdagan pa.

Nang makarating sila sa tapat ng aparment ni Yoongi ay nagtataka sila kung bakit nagtitinginan ang mga lalaking kapitbahay nito.

Pasimpleng tiningnan ni Jimin ang likod ng kaibigan dahil baka meron na naman ito pero wala naman. Kaya mabilis siyang napahawak sa baywang ng kaibigan nya bago nya pasimpleng tiningnan ng masama ang ilan sa mga lalaking nakatingin dito.

Pagdating nila sa apartment ni Yoongi ay napansin nilang nakabukas ang pinto nito, kinabahan si Yoongi kaya mabilis syang pumasok sa loob nito.

Nakita nya ang nagpapaupa sa apartment niya na nasa loob nito at tila ba nagmamasid masid, napansin rin nyang nakabalot na ang ilan sa mga gamit nya.

"B-Bakit ho?" Tanong ni Yoongi.

"Hija, andyan ka na pala." Anito.

Mabilis na nilapitan ulit ni Jimin ang kanyang kaibigan.

"Bakit ho binalot nyo na ang mga gamit ko?" Naiinis pero kalmadong tanong ni Yoongi.

"Gamit mo? O gamit ng kapatid mo?" Tanong ng nagpapaupa, hindi nakasagot si Yoongi. "Hija, ang apartment na pinapaupahan ko ay para sa mga lalaki lamang, hindi maganda na tumira ang isang babae dito, lalo na't hindi na nakakabayad ang kapatid mo tatlong buwan."

"Bakit hindi nyo man lang sinabi sa akin na ibabalot nyo na tong mga gamit?! Bakit pinakelaman nyo agad?!" Iritadong tanong ni Yoongi— este ni Yoonji.

"Hija, kanino ko naman sasabihin? Ilang araw ng di nagpapakita ang kapatid mo tapos hinayaan ka pang tumira ka dito mag-isa. Di man lang nagpaalam rin sa akin na magpapatira ng iba dito!" Giit nito.

"Eh kahit na! Di pa rin tama ang makialam kayo ng gamit ng iba! Di ka ba tinuruan ng magulang mo na wag kang makialam ng hindi sayo?! Di mo na kaya maghintay man lang na makauwi ako bago mo yan ibalot?" Inis na sigaw ni Yoonji.

Naramdaman nyang humigpit ang hawak ni Jimin sa kanya para pakalmahin sya pero tinabig lang nya yung kamay nito.

"Bayaran muna ng kapatid mo yung utang nya sa paupahan ko bago sya magpatira dito. Wag kang matapang hija, madaming ginawang kasalanan yung kapatid mo kaysa sa akin." Giit nito.

"Babayaran ka rin naman eh! Talaga lang di pa nagpapadala yung tatay-tatayan ko! Ilang beses namang sinabi sayo na tatlong buwan lang at babayaran ka rin eh, arte mo gago." Inis na sabi ni Yoonji bago niya pinulot yung mga gamit nya.

"Magiging palaboy na lang ako sa kalsada bwisit na buhay 'to!" Sigaw ni Yoonji bago nya sinasadyang sagiin ang braso ng nagpapaupang lalaki sa kanya para kunin ang ilan pang gamit na na nasa likod nito.

Biglang natigilan si Yoonji ng biglang hawakan ng lalaki ang braso nya, napatingin sya ng matalim dito dahil sa kalapastanganang ginawa nya.

"Pwede ka namang tumira muna sa amin hija, pero hindi dito. Masyadong delikado ang lugar na to para sa isang batang babaeng katulad mo." Nakangising sabi nito kay Yoonji.

Dirty old man.

Agad nag-init si Yoonji sa galit, bukod sa ang lakas ng loob nitong hawakan ang makinis at maputi nyang braso ay talagang niyaya pa nya itong tumira sa kanila. Para ano? Gawin siyang sex slave.

Sex slave my ass.

Bago pa tuluyang makalapit si Jimin ay mabilis ng nagpakawala ng malakas ng suntok si Yoonji para sa matandang lalaki.

Halos mabingi ang matandang lalaki dahil sa lakas nito. Para bang isang binatang lalaki ang sumuntok sa kanya. Well, dati naman talaga itong binata bago sya maging dalaga.

Napabitaw ang matanda sa kanya pero hindi pa rin maalis sa isip ni Yoonji ang ginawa nito sa kanya.

"Don't touch me." Singhal ni Yoonji bago pa nya itong sinikmuraan.

Akmang sasampalin sya ng matandang lalaki ng mabilis na nahawakan ni Jimin ang kamay nito. Matalim na tingin ang sinukli ni Jimin sa takot galit na mata ng matanda.

Biglang naglaho ang anghel na imahe ni Jimin sa mga oras na to. Kulang nalang ay may lumabas na itim na awra sa paligid niya dahil sa sobrang galit.

"Huwag na huwag mong mabastos-bastos ulit ang kaibigan ko. Hindi lang ito ang aabutin mo." Mariin na giit ni Jimin.

Bago niya marahas na binitawan ang kamay nito. Kinuha ni Jimin ang pera at binalibag iyon sa mukha mismo ng lalaki.

Hindi makapaniwala si Yoonji sa nakikita nya dahil mas malala pa ito sa kanya. Ngayon lang nya nakitang nagkaganito ang kaibigan nyang si Jimin.

Isang cute na anghel at mabait na class president ang pagkakakilala sa kanya ng lahat. Yun ang akala nila.

Mabilis na hinila ni jimin ang kanyang kaibigan pagkatapos nitong kunin ang ilan pa sa mga gamit ni Yoongi.

Wala sa sariling nagpatangay nalang sa hila si Yoongi, nakatingin sya sa galit na mukha ng kaibigan nya at hindi nya pinapansin ang mga mapag-usisang tingin mula sa mga tao sa labas.

Nagpipigil na napangiti si Yoongi, ngayon lang sya natuwa ng ganto sa kaibigan nya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top