09

Nakaabang lang si Jimin sa labas ng cubicle, may ilang mga babae ang pumapasok sa public restroom at nagugulat sila kapag nakikita nila si Jimin na nasa loob nito, dahil una sa lahat pamababae ang lugar na 'to.

Kaya naman mabilis na sinasabi ni Jimin na, 'Nasa loob yung girlfriend ko, may regla.'

Ang ilan sa mga pumapasok ay napapahagikgik ang ilan naman ay walang pake dahil mataas naman ang harang ng cubicle, ang ilan naman ay nagpapacute pa kay Jimin.

"Babe, magsasampong minuto ka na dyan, di ka pa ba tapos?" Tanong ni Jimin.

Napatingin ang ilan sa mga babaeng nagmimake up sa kaniya, ang ilan naman ay walang pakialam dahil naku-cornyhan sa eksena nila pero deep inside gusto na nilang ipa-guidance si Jimin pero dahil may napaka-ganda siyang reputasyon sa school dahil sa bukod siya ang class president ay isa rin siyang student council.

Mabait siya, cute, isang anghel.

Yun ang akala nila, pero ibang iba si Jimin kapag mga kaibigan niya ang kasama niya.

"Babyy, ang tagal mo naman." Naiinip ng sabi ni Jimin.

Biglang bumukas ang pinto sa banyo, nakita niya si Yoongi na nakayuko na lumalabas mula sa cubicle, napatingin siya dito na wala sa sariling naglakad, napatingin ang ilang babae sa kanya bago ito mga tuluyang nagsalibas ng CR.

Bumaba ang tingin ni Jimin sa palda ni Yoongi na may ilang bahid ng dugo, hanggang sa napunta ang tingin nito sa kamay ni Yoongi na hawak-hawak pa rin ang binili niyang napkin para dito.

Hindi niya sinuot?

Mabilis na hinila ni Jimin si Yoongi na wala sa sarili pabalik sa cubicle, gulat ang mata ni Yoongi dahil sa ginawa ni Jimin.

"Isuot mo yan, hahanap lang ako ng palda giit ko sa kanya pero nakatingin lang sya sa akin."

"Ano? Bat ka nakatingin ng ganyan?"

"H-Hindi ko alam kung pano 'to." Aniya.

Muntik ng mapafacepalm si Jimin pero pinigilan nya sa halip ay napakamot nalang sya sa ulo nya.

"Dyan ka lang bibili na rin ako ng underwear, papaalam nalang ako sa guard. Malakas naman ako dun." Sabi nito, "Dyan ka lang ha? Wag kang aalia." Dagdag pa nya.

Hindi kumibo si Yoongi, namatili lang sya din hanggang sa umalis si Jimin, habang naglalakad si Jimin ay aksidente siyang natalisod sa bato, syempre, shunga lang. Di tumitingin sa dinadaanan.

Pero syempre kunware cool lang sya kahit ang totoo nyan ay kinakabahan syang bumili ng panty, medyo kainti-intindi pa yung napkin pero yung isang piraso ng panty? Susko.

Di naman kasi pwedeng basta nalang maglagay ng napkin si Yoongi lalo na at natagusan na ito.

Idagdag mo pang kaderder yun at di na didilkit pero syempre hindi alam ni Jimin yun, ang alam lang nya ay kadiri talaga yun.

Isang malapit na convenience store sa school nila buti nalang may mga binebentang underwear doon, yung isa-isang piraso lang in case of emergency like nakipagsex ka tas nawarak mo yung underwear ng partner mo ganern.

Pasimpleng kumuha ng underwear si Jimin, syempre sinigurado nyang pink na panty yung kinuha nya, sa tingin nya kase bagay kay Yoongi yung pink na underwear, ahehehe.

"Miss pakibilisan." Bulong ni Jimin sa babaeng nasa counter.

Nagbablush na yung pisngi niya sa hiya, kahit papaano nahihiya pa rin naman sya. Lalo na at hindi sya sanay ng ganto.

Di rin nya alam kung bakit nya nagagawa to para sa kaibigan nya. Siguro dahil alam nyang walang iba itong malalapitan bukod sa kanya.

Hindi kasi ito friendly, siya lang ang pinakamalapit dito. As in sya lang. May ibang pamilya na kasi pareho ang mga magulang nito pinapadalhan sya ng pera pero pakiramdam pa rin ni Yoongi wala syang pamilya, siguro kasi di nya nararamdaman ito.

"Sir, di nyo na po ba kukunin 'tong panty nyo?" Tanong nung cashier.

Biglang bumalik sa ulirat si Jimin.

Pagtingin nya sa paligid nya ay nakatingin na sa kanya ang mahabang pila sa likuran nya, tagal na pala nyang nakatulala. Ang pinakamalas ay dun pa sya sa mga condom natulala.

May ilang mga high school students ang naghagikgikan sa gilid nya kaya mas lalo syan namula.

"Sir, bibili rin po ba kayo ng condom?" Tanong ng nasa cashier ng tingnan nya kung saan nakatulala si jimin kanina.

"A-Ah h-hindi." Nauutal na sabi nito.

In the end bumili pa rin sya kahit di nya alam kung saan nya gagamitin 'to. Lagay sa wallet? Pampaswerte?

Nahiya na rin kasi syang hindi bilin kasi aksidente syang matulala dun.

Nanghiram siya ng palda sa kaibigan nyang babae which is dating kalandian talaga, bago siya nagmamadaling bumalik sa cubicle, iniisip nya na hindi umalis si Yoongi, kasi mahihiya rin naman itong lumabas.

Pagdating nya sa public restroom ay isinigaw agad nya ang pangalan ni Yoongi, namali pa nga sya kasi dapat Yoonji, pero wala naman tao kaya di na nya kinorek.

Pero walang nagrespond sa kanya kaya naman nagpanic na si Jimin.

"Yoongi?!" Sigaw ni Jimin.

Binuksan nya ulit lahat ng cubicle hanggang sa makarinig sya ng isang hikbi.

Mabilis nyang binuksan iyon at nakita nya si Yoongi na nagpipigil ng iyak, nakahawak lang ito sa bibig nya para walang hikbi na lumabas pero hindi nya napigilan.

"H-Hyung..." ani Jimin.

"Andito na ako, sorry kung natagalan—"

Isang mahigpit na yakap ang naramdaman ni Jimin, sobrang higpit. Hindi kumibo si Jimin, hinayaan nya lang itong yakapin sya.

"Akala ko di ka na babalik—"

Bago pamatuloy ni Yoongi ang sasabihin nya ay yinakap sya pabalik ni Jimin.

Nanatili sila sa ganun pwesto.

Hanggang sa narealize ni Jimin, na pati sya ay nalagyan na rin...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top