08

Nang tumunog ang bell ay hudyat na para mag-break ang mga estudyante sa kanilang klase, si Yoongi na abala sa pagligpit ng mga gamit niya dahil hindi niya alam kung papaano pagkakasyahin ulit lahat ng nilabas niyang gamit sa maliit na bag na binili ni Jimin para sa kanya.

Biglang may sumulpot sa gilid niya kaya naman halos mapahawak siya sa dibdib niya mabuti nalang at napigilan niya, tiningnan niya kung sino iyon gamit ang kaniyang resting bitch face.

Bumungad sa kanya si Namjoon, yung kaklase niyang may konti sa utak. May aning-aning ng konti.

"Kapatid ka ba talaga ni Yoongi?" Tanong nito. 

Infairness ang lakas ng loob ng gago na 'to kahit nagbanta na si Jimin kanina na wag akong lapitan dahil kapatid ako ni Yoongi. Iyon ang nasa isip niya ngayon habang nakatingin siya dito.

"Oo." Tipid na sagot niya.

"Wow, kamukhang kamukha ka niya. Para kang si Yoongi lang rin tapos nagsuot ng damit pangbabae, hehe." Anito.

Inirapan lang siya ni Yoongi bago siya umusog na kaunti papalayo rito, as in pinapahalata niyang hindi siya interesadong makipag-usap kay Namjoon.

Una sa lahat pakiramdam niya allergic na siya sa lalaki, pangalawa, ang init talaga ng ulo niya, pangatlo, ang baho ng hininga nung lumapit sa kanya.

"Alam mo ba nung unang beses palang kitang nakita nabighani na ako sa'yo?" Tanong ni Namjoon.

Umirap na naman si Yoongi.

"Alam mo ba nung unang beses ka palang lumapit sa akin napaisip na ko kung alam mo kung pano magtoothbrush?"

Nagkatinginan silang dalawa bago hinipan ni Namjoon ang kamay niya at inamoy ito, bigla siyang lumayo kay Yoongi pagkatapos niyang amoyin ito, napairap nalang si Yoongi bago niya kinuha ang cellphone niya, umalis kasi si Jimin. Hindi man lang siya sinama kaya nababadtrip siyang lalo.

Padabog siyang tumayo sa kinauupuan niya at naglakad paalis, napansin niyang kanina pa maraming nakatingin sa kanya kaya nagtataka siya, alam naman niyang maganda siya sa bagong anyo niya kaya pansinin talaga siya pero ang hindi niya alam kung bakit nagtatawanan ang ilan sa kanila.

Habang naglalakad siya sa corridor ay biglang sumakit ang kanyang tiyan.

Tangina nga naman oh, kapag minamalas ka, bakit ang hapdi ng tiyan ko.

Mabilis na nagtatakbo si Yoongi sa pinakamalapit na public restroom, pumasok agad siya sa isang cubicle dahil pakiramdam niya ay masama ang timpla ng tiyan niya dahil natatae na siya.

Pero pagbaba niya ng kanyang short at power puff girls na panty ay biglang nanlaki ang mata niya, para bang nanlaming ang kanyang pakiramdam at nanginig ang kanyang kamay.

Hanggang sa napasigaw nalang siya ng malakas, walang ibang tao sa public restroom na yun bukod sa kanya nung mga oras na yun.

Kahit nanginginig ang kamay niya ay mabilis niyang kinapa ang cellphone niya sa bulsa niya, nilamon niya yung pride niya at mabilis niyang tinawagan si Jimin.

"Sumagot ka, sumagot ka please." Nagpapanic niyang sabi habang hinihintay na sagutin ito ng kanyang kaibigan.

"Hello, Yoongi-- I mean Yoonji?" Tanong ni Jimin sa kabilang linya.

Hindi nakasagot agad si Yoonji dahil hindi niya alam kung papaano niya sasabihin ito, natatakot siya, kinakabahan at nahihiya.

"Uy, Yoonji? Anong nangyari? Bakit ayaw mong sumagot?" Nahimigan na ni Yoongi ang pag-aalala ng kaibigan niya sa kanya.

"Yoonji! Nasan ka? Uy! Sumagot ka naman! Ano bang--"

"Mamatay na yata ako..." Mahinang sagot ni Yoongi.

"ANO?!" Sigaw ni Jimin. "Nasan ka? Anong nangyari sa'yo?!" Nagpapanic na tanong ni Jimin.

Hanggang sa unti-unti nalang bumagsak yung luha sa mata ni Yoongi, nang aksidenteng napahikbi si Yoongi ay mas lalong nagpanic ang kanyang kaibigan na dapat ay kasunod na sa counter pero mabilis ng nagtatakbo papaalis sa lugar na yun.

"Yoongi! Nasan ka?!" Tanong ulit ni Jimin habang nagtatakbo sa labas, tingin siya ng tingin sa buong paligid nagbabaka sakaling makita niya si Yoongi.

"Jimin, lagi mong tatandaan na kahit nabubwisit ako sa'yo, kahit naiinis na ako sa'yo ikaw lang yung tinuring kong totoong kaibigan ko, ikaw rin yung pamilya ko..." Umiiyak na sabi ni Yoongi.

"Wait, what?!" Sigaw ni Jimin, napatigil siya sa paglalakad niya dahil bukod sa kinilabutan siya sa sinabi ni Yoongi ay narinig niya itong umiiyak.

"Umiiyak ka ba?" Tanong ni Jimin pero hindi sumagot si Yoongi, sa halip ay mas lalo lang siyang umiyak.

"Ako talaga kumuha ng underwear mo noon kasi wala akong maisuot, tapos noong nagkagalit tayo nung junior high school tayo, kinuskos ko talaga yung toothbrush mo noon sa toilet, ako rin yung nagtago ng titan gel mo noon at ginamit ko yun. Sorry talaga sa lahat ng kasalanan na nagawa ko, hindi ko sinasadya Jimin, kapag namatay ako sana mapatawad mo pa rin ako." Naiiyak na sabi ni Yoongi.

"Wag ka ngang umiyak, nasan ka ba ngayon?" Tanong ni Jimin, medyo naiirita na sa kaibigan niya.

Iyak pa rin ng iyak si Yoongi, kaya naman napatigil na si Jimin sa paglalakad, huminga siya ng malalim para maikalma niya ang sarili niya.

"Yoongi, kumalma ka muna, huminga ka ng malalim, tyaka sabihin mo sa akin kung nasaan ka ngayon at kung anong nangyari sa'yo, please?" Pilit na pinapakalma rin ni Jimin ang sarili niya.

Kaya naman ganoon ang ginawa ni Yoongi, "N-Nasa public restroom ako ngayon, malapit sa classroom natin." 

Kaya naman mabilis na nagtatakbo si Jimin papunta sa kanilang building, "Anong nangyari?" Tanong nito.

Napatingin ulit si Yoongi sa madaming dugo na nasa kanyang panty, pati na rin sa kumalat na dugo sa toilet na kinauupuan niya, "M-May dugo."

Biglang kumabog yung dibdib ni Jimin, "Anong dugo?!" Sigaw ni Jimin, "Anong masakit sa'yo? Saan ka nagkadugo? May sumaksak ba sa'yo?" Kinakabahang tanong nito.

"Yung t-tyan ko m-masakit." 

Biglang umiyak na naman si Yoongi, "Mamatay na yata ako!" Napahagulgol ng malakas si Yoongi kaya mas lalong nagpanic si Jimin.

Nang makapunta si Jimin sa pinakamalapit na public restroom ay mabilis niyang tiningnan iyon, pero wala siyang nakitang Yoongi, hanggang sa nahimigan niya ang hagulgol mula sa kabilang restroom, sa pangbabae.

Tsaka niya narealize na babae na nga pala ang kaibigan niya, medyo nawala kasi sa isip niya sa sobrang panic niya kaya nagmamadali siyang pumasok doon, halos buksan na niya lahat ng cubicle ng marealize niyang nakasarado ang nasa pinakadulo.

"Yoongi!" Sigaw ni Jimin.

"J-Jimin?" Medyo nagpanic si Yoongi ng marinig niya ang boses ng kaibigan niya.

"Buksan mo 'to!" Kinalampag ni Jimin ang cubicle kung nasaan si Yoongi.

"A-Ano?! H-Hindi pwede!" Sigaw ni Yoongi.

"Bakit hindi pwede?! Mamatay ka na ayaw mo pangbuksan?!" Sigaw ni Jimin.

"S-Sa ano ako may dugo, hindi mo pwede makita!" Giit ni Yoongi.

"Saan?!" Sigaw ni Jimin.

Hindi sumagot si Yoongi kaya naman binalot silang dalawa ng katahimikan, nakatulala lang si Jimin sa harap ng cubicle hanggang sa unti-unti niyang marealize kung saan may dugo si Yoongi.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top